You are on page 1of 1

1.

)Bigyan ang mga estudyanteng Pilipino na sapat na oras upang maihasa nila ang kanilang
kakayahan at upang masanay sila sa mga konsepto upang sila ay maging handa sa kanilang
tertiary education. Mas magkakaroon ang estudyante ng oras para makapag isip ng kanilang kukuning
kurso at mas mahahasa ang kanilang kaalaman bago sila pumasok sa kolehiyo. Hindi mabibigla ang
estudyante sa mga gawain sa kolehiyo bagkos mas mapaghahandaan nila ito dahil sa dagdag na taon
kung saan dito ay napag aaralan na ang mga maaaring inyong matalakay at gawin sa susunod na
kabanata ng iyong pag aaral o ang pagkokolehiyo.

2.)Ang pag-improve sa quality ng edukasyon sa Pilipinas ay kailangan at kritikal. Ibig


sabihin,mas matagal at mas mahahasa pa ang mga estudyante sa kanikanilang asignatura sa
eskwelahan. Magiging kalabasan nito ay ang pagkakaroon ng maraming skilled-worker ang
Pilipinas na siya naming makatutulong naman sa pagiging globally competitive ng Pilipinas.

3.) Voucher para sa mga magaaral, parehas sa pampubliko at pampribadong paaralan. Naglalayon ang
voucher na ito upang makatulong at mabawasan ang pampinansyal na kailangan ng bawat estudyante sa
pamamagitan ng pagbawas sa martikula nito. Kapag nakapagtapos na ang mga mag-aaral sa bagong
kurikulum na ito, mas makakatulog ito sa maagang pangangailangan natin dahil kapag ikaw ay
nakapagtapos ng K-12 maaari ka ng kumuha ng trabaho na gusto mo batay sa iyong kinuhang kurso na
napagaralan sa K-12.

4.) Makalikha ng mga skilled workers na may sapat na kakayahan at karanasan na naayon sa global
standard. Ang K to 12 system ay naglalayon na pahusayin ang matematika, siyentipiko, at
linggwistika ng mga estudyanteng Filipino kakayahan. Sa bagong curriculum, nangako ang
DepEd na mag-aalok ng mas mataas na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng mga track.
Ang bawat track ay magbibigay sa mga mag-aaral ng sapat na oras upang makabisado ang isang
field at mapahusay ang kanilang mga kasanayan. Sa huli, ang mga K to 12 graduates ay magiging
globally competitive at nakatakdang makakuha ng spot sa stiff labor market.

5.) Mabibilis ang pagkakaroon ng trabaho kahit na hindi pa nagtatapos ng kolehiyo.

You might also like