You are on page 1of 2

1. Sa Larangan ng pagtuturo, Alin ang epektibo ang Basic Education Curriculum o ang K-12 kurrikulum.

Sisirin ang iyong kasagutan.

Para sa akin mas epektibo ang K-12 dahil ang Programang K-12 ay ang karagdagang Grade 11 at Grade
12 na nagnanais na ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng sekondaryang pagaaral, at kung nais na
nilang magtrabaho at hindi na ituloy ang kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagtatrabaho o
pagnenegosyo, o sa kolehiyo mismo. Maihahalintulad na din ang programang K-12 sa kolehiyo, mas
pinapalawak pa nito ang kaalaman ng isang estudyante upang mas maging mahusay sila sa ibang
larangan at gawain. Dito sa programang K-12 ay mas pinapabilis ang proseso ng pagkatuto ng mga
estudyante sapagkat ito ang pinaka-ensayo ng kabataan. Halimbawa ay pinili ng isang estudyante na
strand ay TECH-VOC, Dito ay lalawak ang kaalaman ng estudyante kung nais man niya maging isang chef,
Flight attendant at marami pang iba. Ang Ikinaganda ng programang K-12 ay maaari kang makapili ng
gusto mong pagtuunan ng pansin sa pag-aaral, ito rin ay nakakatulong sa ating buhat dahil nakadaragdag
ito ng bagong kaalaman at kakayahan upang malibang ang ating talento.

2. Magbigay ng tiglilimang hal. Tungkol sa K-2 na kurrikulum. Bakit? Patunayan ang mga sumusunod:.

A. Kalamangan. B. Kahinaan

Kalamangan:

1.) Pagiging handa sa kolehiyo

2.) Karagdagang kaalaman at paghahasa ng iba'tibang kakayahan

3.) Pagtaas ng kalidad ng edukasyon

4.) Paghahanda sa kukunin na kurso sa kolehiyo

5.) Nakakatulong upang madalinh maka kuha Ng trabaho kahit hindi makapag kolehiyo

Pagpapaliwanag:

Ang programang ito ay nakakatutulong sa mga studyante upang mas maging handa ito sa kolehiyo at
mas nadadaragdagan ng kaalaman ang mga studyante sapagkat mas marami silang matutunan kahit na
mahaba pa ang panahon upang maka pag tapos pero mas natutoto parin ang studyante ng maraming
kaalaman katulad na lamang sa grade 1 hindi naman pweding sa edad na 7 anyos ay hindi pa sya
marunong mag basa kaya nabibigyan pa ito ng pagkakataong matutong magbasa o kahit na mag sulat ,
nakakatulong din ang programang ito sa paghahanda ng kukuning kurso sa kolehiyo dahil mas natutunan
nila kung saan sila interesado at ano ang gusto nilang pag aralan sa kolehiyo at kung ano ang gusto
nilang marating sa buhay, at nakakatulong din ito na kapag ang studyante ay hindi makapag kolehiyo ay
nabibigyan sila ng pagkakataon na makapag trabaho kahit na hindi na makapag tapos ng kolehiyo

Kahinaan:
1.) Karagdagang gastos

2.) Paggugol ng mahabang panahon

3.) Kakulangan sa guro, materyales at pasilidad para sa pag-aaral

4.) Pagkawala ng gana sa pagaaral

5.) Matagal na panahon para makapagtapos ng pag aaral

Pagpapaliwanag:

Ang kahinaan din sa programang ito ay mas lumalaki ang gastos Ng mga mag aaral o mas na
momroblema ang mga magulang sa mga gastusin ng studyante katulad ng pamasahe, baon, at mga
bayarin at mas mahabang panahon pa ang kanilang gagastusin , at Isa natin sa kahinaan ng programang
ito ay ang paggugol ng mahabang panahon dahil imbis na mas madalinh makapag tapos ng pag aaral ay
may dumadagdag na naman na taon para pag aaral , at nakukulangan nadin ng mga guro ang ibang
paaralan, at ang Ibang mag aaral ay nawawalan ng ganang mag aral dahil mahaba ang panahon upang
makapag tapos ng pag aaral

You might also like