You are on page 1of 1

Scuola dei Bambini di Sta.

Teresita
International Montessori Inc.
Waling-waling St. Patria Village, Del Remedio, San Pablo City, Laguna
Email: scuoladeibambini2001@gmail.com, Tel. No. (049) 562-3713

EDUCLAAS: A JOINT COLLEGE EDUCATION PROGRAM OF SCUOLA DEI


BAMBINI DI STA. TERESITA – IMI, LITHAN ACADEMY OF SIGNAPORE AND
ROEHAMPTON UNIVERSITY OF LONDON.

KWALIPIKASYON NG EDUCLAAS STUDENT-APPLICANT:


Ang EduClaas student-applicant, ayon sa Lithan Academy, ay:
1. Senior High School Graduate
Hangga’t maaari ay graduate ng Grade 12 – STEM kung Software
Engineering Course ang kukunin sa EduClaas at Grade 12 – ABM kung
Digital Business Course ang kukunin.

2. English Proficient
Dapat may kasanayan sa pagsasalita, pagsusulat at pag-intindi ng wikang
English sapagka’t ang lahat ng subject, lecture at talakayan, assignments,
capstone project, at iba pa sa EduClaas Course ay sa Wikang English at
gayundin naman ang mga International Professors ng EduClaas ay
English ang wikang ginagamit

3. Technically Capable
Dapat ay may kakayahang technical sa laptop or desktop computer
operation sapagka’t ang pag-aaral, pagsasanay at iba pang Gawain ay sa
paraang Online at Modular.

4. Economically Capable
Dapat may kakayayahang magbayad ng tuition fee sa 1st year college sa
halagang humigit – kumulang P6,600-7,000 kada buwan sa loob ng 12
buwan lamang. Kalakip na ng bayaring ito ang facilities tulad ng internet,
desktop computer at ang technical support na ibibigay ng Scuola dei
Bambini bilang partner school ng EduClaas. Pagdating nila ng 2nd year, 3rd
year at 4th year college, ang magbabayad na ng tuition ay ang company na
magbibigay rin ng allowance na humigit-kumulang na P10,000.00 kada
buwan.
Kung sakali man na walang kakayanang magbayad ang mag-aaral sa
unang taon, ito ay maaring ipasok sa Education Loan Program ng Scuola
dei Bambini. Ang karampatang kabayaran ay hahatiin sa loob ng 3 taon na
babawasin sa allowance na makukuha ng mag-aaral.

5. Attitude
Dapat ay may disiplina, pagtitiyaga at pagsisikap ang student-applicant ng
EduClaas. Inaasahan din ang mahigpit na pagsunod sa mga patakaran at
kondisyonng nakalakip sa pinirmahang kasunduan ng EduClaas. Sa huli,
ang tagumpay ng programang ito ay nakasalalay sa kagustuhan ng mag-
aaral na makatapos.

INTERESTED APPLICANTS MAY CONTACT:


Tel. No. (049) 562 3713 ,
Mobile No. 09496095867 – Sir Cris
E-mail: scuoladeibambini2001@gmail.com

You might also like