You are on page 1of 3

Lord Denzell G.

De Lara

12 – Pythagoras

Filipino sa Piling Larang

Mayo 28, 2021

Ang hinaharap na buhay kolehiyo sa napapanahong pandemya

Lahat tayo ay nakakaranas ng matinding pagbabago sa buhay; ito ay ang mga desisyon na

kailangan natin pag-isipan nang mabuti kasi ito ay lubos na makakaapekto sa ating mga susunod

na taon, at maging sa ating buhay. Para sa mga taong kasing-edad ko—kasama na rin ako—ito

ay ang paghahanda para sa kolehiyo.

Malapit na matapos ang akademikong taong 2020-2021, pagkatapos ng aming mga

nalalabi na araw bilang senior high school students ay papasok na kami sa kolehiyo—ang

prosesong ito ay kinakailangan na mag-apply at makapasa sa mga unibersidad na aming

ninanais. Dahil sa kasalukuyang nararanasan na pandemya, naging mahirap para sa aming mga

studyante ang proseso ng pag-aapply para sa kolehiyo; ang dating kinakailangan ng CAT

(college admission test)—isang pagsusulit na kinakailangang isagawa upang malaman kung ikaw

ay makakapasa sa napiling kolehiyo—ay napalitan na ngayon sa pamamaraan naman ng online

application o pag-aapply ng aplikasyon sa pamamagitan ng internet. Para saaming mga nag-

apply ng aplikasyon at pumipili na ng kolehiyong papasukan, napagtanto ko na para sa mga


estudyante, naging mahirap ito sapagkat: una, hindi lahat ng studyante ay may pribilehiyo para

makapag-access sa internet upang makapag-apply sa gustong unibersidad; pangalawa, dahil na

rin sa mga bagong COVID-19 safety protocols o mga bagong patakaran upang mapanigurado

ang kaligtasan ng bawat tao sa panahon ng pandemyang COVID-19, nahirapan din kami sa

pagkalap ng mga dokyumento na kinakailangan sa proseso ng admission; pangatlo, at ang

pinakahuli, hindi sapat na basehan ang grado lamang ng estudyante sa proseso ng pag-aadmit ng

mga unibersidad. Gayunpaman nagsisikap pa rin kami upang makapasok sa gusto naming

kolehiyo.

Tulad ko na lamang, ako ay nakapag-apply at napili na sa iba’t ibang mga unibersidad.

Ako ay nakapili ng isang institusyon na makakahubog sa aking kakayahan sa larangan ng

siyensya, matematika, at teknolohiya—sapagkat, pagkatapos ng kolehiyo, balak ko ituloy ang

aking pangarap na maging isang inhinyero. Ngunit, para sa akin, masasabi ko na hindi ito naging

madali tulad na nga sa mga sinabi ko, nahirapan din ako sa aking online application at sa

pagkakalap ng mga dokyumento at mga kinakailangan para sa aplikasyon. Marami na rin akong

nakita sa internet na galing pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na nagrereklamo sa ganitong

pamamaraan sapagkat, para saakin, hindi ito sapat sa paggawa ng desisyon.

Simula ng pandaigdigang pandemyang ito, umiikot halos na ang ating buhay sa

pamamagitan ng online; ang pamamaraan ng pag-aaral ay sa pamamagitan na rin ng online sa

ngayon. Ang mga estudyante ay nag-aadjust pa lamang sa ganitong uri ng pag-aaral. Hindi tulad

ng face-to-face na pamamaroon noon, halos lahat ng estudyante ay nahihirapan dito sapagkat ito
ay bago pa lamang sa kanila at ibang iba ito sa dating nakasanayan na pamamaraan ng pag-aaral.

At dahil sa mabagal na pagusad ng progreso sa ating bansa, hindi na lamang kakwestyon-

kwestyon na sa susunod pa na taon ay magpapatuloy pa tayo sa ganitong pamamaraan. Sa

katunayan, kumailan lamang ay naglabas ng lathala ang Commission on Higher Education—ang

namamahalang katawan na sumasakop sa parehong pribado at pampublikong institusyong pang-

edukasyon pati na rin sa mga tersiyaryong institusyong pang-edukasyon sa Pilipinas—na

ipagpatuloy na muli ang pamamaraang online learning sa kolehiyo sa mga sumusunod na taon.

Hindi ko maisip na makapagtapos ng kolehiyo sa ganitong pamamaraan. Natatakot ako na baka

makapag tapos ako nang walang kakayahan o isang incompetent na tao. Malaki na lamang ang

epekto nito sa mga tao—lalo na sa mga estudyante—ganun na rin sa ating bansa sa mga

sumusunod na taon.

Maaring magbago ang hinaharap; maaring bumalik sa dati ang ating sitwasyon ngayon o

mananatili muna na ganito sa matagal na panahol. Kahit ano paman ang mayroon sa hinaharap,

kailangan maging matatag tayo sa kung ano pang mga pagsubok ang ating haharapin. Mahirap

man ito o madali laging tatandaan na magiging maayos din ang lahat para sa atin sa huli.

You might also like