You are on page 1of 30

MGA ISKOLAR NG DIVINE WORD COLLEGE OF LEGAZPI NA MATAGUMPAY

NA MAGTATAPOS SA KURSONG BUSINESS ADMINISTRATION


NGAYONG TAONG PANURUAN 2014-2015
KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Walang imposible kung sinasamahan ang isang bagay ng pagsisikap,

pagtitiwala sa sarili, motibasyon at inspirasyon. Ayon kay Jim Rohn (2010), If you

realy want to do something, you will find a way. If you don’t, you’ll find an excuse.

Isa ito sa mga epektibong motibasyon upang makamit ang mga mithiin at

pangarap.

Alam natin na hindi biro ang pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan na may sapat

na mapagkukunan ng salapi na pang-matrikula sa bawat semester sa loob ng apat

o limang taon ng pag-aaral depende sa kursong kinukuha. Dugo’t pawis ng mga

magulang ang nagiging puhunan upang matustusan ang lahat ng gastusin sa pag-

aaral. Subalit paano naman yaong mga kabataang ulila na gustong mag-aral sa

kolehiyo o di kaya nama’y hindi matulungan ng kanilang mga magulang sa

sobrang katandaan o kahirapan?

Base sa datos ng Commission on Higher Education (CHED) noong 2008,

66 sa bawat 100 na nasa ika-1 baitang na mga mag-aaral ang nakakapag-tapos

sa elementarya. Mula sa 66, 58 ang nakakapag-enrol sa sekondarya at 43 lamang

ang nakakapagtapos. Mula sa 43, 23 ang nakakapag-enrol sa kolehiyo at mula sa

23, 14 lamang ang nakakapagtapos. (https://ph.news.yahoo.com/college-

education-poor-students-090706071.html).
Kung gagawin din nating motibasyon ang sinabi ni Bill Gates (2008), If you

born poor, it’s not your mistake. But if you die poor, it’s your mistake, wala sanang

kahirapan sa ating bansa ngayon. Hindi hadlang at dahilan ang kahirapan para

makamit ang kahit ano mang pangarap malaki man o maliit. Ang kahirapan rin ang

dapat gawing motibasyon at inspirasyon sa pagsisikap upang makaahon sa

pagkakalugmok. Sabi pa sa isang sumikat na linya sa isang pang-programang

telebisyon noong taong 1973 John & Marsha na hanggang ngayon ay patuloy na

ginagamit ng ating mga magulang, magsumikap ka at dyan tayo aasenso.

Maraming paraan upang makapagtapos sa kolehiyo. Determinasyon at

dedikasyon ang kailangan upang makamit ito. May mga sangay ng gobyerno na

nagbibigay ng scholarships sa mga nag-nanais na mag-aral katulad na lamang ng

CHED. Maging ang mga unibersidad at pamantasan ay may inilalaan ring tulong at

scholarships sa mga piling mag-aaral. Subalit ang pagiging iskolar ay may kapalit

at kaakibat na pagtitiyaga. Pusposang pag-aaral ang kailangan upang ma-

maintain ang grades kapalit ng scholarship. Meron ding kapalit ang serbisyo o

talento na kadalasa’y ginagamit ring panglaban sa iba’t ibang kompetisyon sa loob

o labas ng lalawigan, rehiyon o bansa. Ito rin ang kadalasang nagiging dahilan

kung bakit sadyang mahirap i-maintain ang grades ng isang iskolar. Ang ilan sa

kanila ay sumusuko na lamang at sa halip, naghahanap na lang ng

mapagtatrabahunan pangtustos sa pag-aaral. Subalit ayon nga sa isang sikat na

kasabihan nating mga Pilipino, kapag may tiyaga, may nilaga. Pasasaan ba’t

kaginhawaan ang patutunguhan ng lahat ng iyong hirap at pag-titiis sabayan pa ng

pananalig sa Poong Maykapal.


Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa mga

Iskolar na matagumpay na makakapagtapos sa kursong Business Administrations

sa Divine Word College of Legazpi ngayong taong panuruan 2014-2015.

Sasagutin sa pag-aaral na ito ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa mga:

a.) Kasarian

b.) Uri ng scholarship

c.) Kursong kinukuha

2. Ano- ano ang positibong epekto sa pag-aaral ng pagiging iskolar?

3. Ano-ano ang negatibong epekto sa pag-aaral ng pagiging iskolar?

4. Ano-ano ang mga solusyon upang maiwasan ang negatibong epekto nito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay makapagbigay ng sapat na

impormasyon at motibasyon sa mga mag-aaral, magulang, guro, administrasyon

ng paaralan at sa mga mananaliksik.


Mag-aaral. Makapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga iba’t ibang epekto

positibo man o negatibo ng pagiging isang iskolar sa pag-aaral. Layunin rin ng

pag-aaral na ito na makapagbigay ng inspirasyon at matanto ang kahalagan ng

pagkakaroon ng titulo sa pamamagitan ng pagtatapos sa kolehiyo.

Magulang. Makapag-bigay ng impormasyon sa mga magulang tungkol sa mga

nararanasang positibo at negatibong epekto sa pagiging isang scholar ng kanilang

anak nang sa gayo’y maunawaan at magabayan ng tamang desisyon at

mapagtibay ang relasyon sa pamilya.

Guro. Maunawaan ang mga suliranin na kinakaharap ng mga scholars ng sa

gayo’y makapagbigay ng gabay, konsiderasyon at tulong sa mga pang-

akademyang gawain o ibang extra-curricular activities ng paaralan.

Administrasyon. Layunin ng pag-aaral na ito na magsilbing tulay upang

maihatid ang mga suliranin na nararanasan ng mga scholars ng sa gayo’y

makapagbigay ng agarang aksyon o solusyon, tulong, at mapaunlad pa ang

serbisyo at benepisyong kanilang ipinapamahagi.

Mananaliksik. Makapagbigay ng sapat na impormasyon at tulong tungkol sa mga

scholars na matagumpay na nakapagtapos sa kolehiyo at iba pang kaugnay na

pag-aaral ukol dito.


Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makapagbigay ng sapat na

impormasyon hinggil sa mga Iskolar ng Divine Word College of Legazpi na

matagumpay na makakapagtapos sa kursong Businesss Administration ngayong

taong panuruang 2014-2015.

Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang dalawampu na (20) mag-aaral na iskolar

na kumukuha ng kursong Business Administration sa Divine Word College of

Legazpi. Pagtutuunan ng pag-aaral na ito ang mga naging postibo at negatibong

epekto ng pagiging iskolar sa kanilang pa-aaral, at paano ang mga negatibong

epekto nito ay nasolusyunan.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang hindi mga iskolar at mga mag-aaral na

nasa ibang departamento o ibang kurso ng paaralan. At dahil sa dami ng

populasyon ng mag-aaral, minarapat ng mananaliksik na pumili lamang ng

dalampu (20) respondente upang mabigyan ng pokus ang bawat pangunahing

suliranin na nararanasan ng isang iskolar.

Ang mga pag-aaral rin na ito ay nagpapahayag ng ilang rekomendasyon

upang maisakatuparan ang lahat na obhetibo sa pag-aaral ng mga iskolars.

Definisyon at Terminolohiya

Administrasyon. Grupo ng mga opisyal na nangangasiwa sa pamamalakad ng

isang organisasyon o institusyon. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Administrasyon)


Dedikasyon. Tumutukoy sa pagiging dedikado sa isang mithiin, gawain o trabaho.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/dedikasyon)

Determinasyon . Tumutukoy sa tatag o tibay ng layunin o hangarin sa buhay.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/determinasyon)

Extra-curricular Activities. Tawag sa iba mga gawain bukod sa pag-aaral na

nilalahukan ng mga mag-aaral o guro.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/extra_curricular_activities)

Inspirasyon. Naghihikayat na gawin ang isang bagay.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/inspirasyon)

Iskolar. Mag-aaral na walang binabayarang matrikula mula sa iba’t ibang

institusyon o organisasyon. (http://tl.wikipedia.org/wiki/iskolar)

Kompetisyon. Tinatawag ding paligsahan, tagisan, punyagian, pagtatalo,

paglalaban, labanan, tunggalian, pahusayan, ay isang kaganapan kung saan

dalawang pangkat o koponan, o dalawang indibidwal, ang nagpapagalingan o

nagpapahusayan. (http://tl.wikipedia.org/wiki/kompetisyon)

Matrikula o Tuition Fee. Binabayaran upang tanggapin at makapag-aral sa isang

institusyon, unibersdad o kolehiyo. (http://tl.wikipedia.org/wiki/matrikula)

Motibasyon. Tumukoy sa isang bagay o tao na nakakapag-bigay inspirasyon

upang makamit ang pangarap o mithiin. (http://tl.wikipedia.org/wiki/motibasyon)


Mithiin. Bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/mithiin)

Respondente. Tawag sa taong sumasagot sa mga katanungan ng isang

mananaliksik sa pamamagitan ng isang sarbey kwestyuner o interbyu.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/respondente)

Saklaw. Sakop o nasasakupan. (http://tl.wikipedia.org/wiki/saklaw)

Scholarship. Tawag sa ibinigay na libreng pagpapa-aral sa mga iskolar.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/scholarship)
Talaan ng Sanggunian:

https://ph.news.yahoo.com/college-education-poor-students-090706071.html

http://tl.wikipedia.org/wiki/Administrasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/dedikasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/determinasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/extra_curricular_activities

http://tl.wikipedia.org/wiki/inspirasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/iskolar

http://tl.wikipedia.org/wiki/kompetisyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/matrikula

http://tl.wikipedia.org/wiki/motibasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/mithiin

http://tl.wikipedia.org/wiki/respondente

http://tl.wikipedia.org/wiki/saklaw

http://tl.wikipedia.org/wiki/scholarship
KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literaura

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral

na may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Isa sa binibigyang halaga ngayon sa buhay ng mga Pilipino ay ang

makapag-aral upang masolusyonan “ang kahirapan” na siyang sinasabi ni Sec.

Jesli Lapus, “Edukasyon ang Solusyon” sapagkat sa panahon ngayon,

kinakailangan na makapag-aral upang makakuha ng trabahong makaaanggat sa

buhay ng mga Pilipino. Maraming paaralan n ang Pilipinas ngunit mas marami pa

rin ang hindi nakapag-aaral. Ang DEMAND ng mga Paaralan ngayon sa Pilipinas

ay napakataas na pilit na ipinasusunod sa mga estudyante dahil may pamantayan

itong gustong pantayan kaya’t ang mga estudyanting hindi kaya ang mga

DEMAND nila ay todo kayod at doble ang trabahong ginagawa upang makapag-

aral. Ito ang hamon sa mga mag-aaral sa Pilipinas ngayon ngunit higit naman na

lumalaban ang mga ito kahit pa sa dami ng mga kakailanganin sa pag-aaral,

kailangan nila ng malakas na kalooban lalong-lalo na sa pag-aaral sapagkat ito

ang tagumpay na hindi makukuha ng iba sa kanya ang makapagtapos sa pag-

aaral.

Ang mga pagsubok ng mga mag-aaral ay ang nagpapalago ng kanilang

kaalaman at pagpapahalaga sa pag-aaral dito makikita na ang taong may

pagmamahal sa kanyang ginagawa, kung ito ay nagsisikap upang makamit ang


ninanais at dahil din dito makikita ang taong may pagpapahalaga sa pag-aaral

kung ito ay may matatag at matibay na kalooban sapagkat pinapahalagahan nito

ang kanyang ginagawa kung nananatili siyang matatag at matibay sa kabila ng

maraming demand sa pagaaral dahil ito ay ang daan tungo sa tagumpay sa buhay

kinakailangang maghirap upang matikman ang ginhawa.

(http://mjgbasallaes.blogspot.com/2013/03/ang-katatagang-loob-sa-

pilosopiyang.html)

Maraming tao na ang dahilan sa pagpasok sa eskwela ay upang makakuha

ng magandang trabaho. Mayroong kailangang munang maghanap-buhay bago

makakuha ng diploma. Dahil doo’y lalo pang hindi nakapag-aaral ng leksyon dahil

kailangan munang kumita. Sa kalaunan, hindi masimulan ang karerang gusto dahil

sila’y kasalukuyang empleyado. Ito ang madalas na kalagayan ng mga working

students sa Pilipinas.

Sa murang edad ay naikintal na sa ating mga isipan ang kahalagahan ng

edukasyon. Madalas na sinasabi na ang edukasyon lamang ang tanging

maipapamana ng kani-kanilang magulang. Naihahalintulad ang diploma sa isang

gintong susi na magbubukas ng pinto ng kapalaran. Sa kasamaang palad, hindi

lahat ng mga nag-aaral ay may kakayahang maipagpatuloy ang kanilang mga

pangarap. Masuwerte na nga raw kung makatungtong ng kolehiyo. Kahit pa

sabihing may mga suportang natatanggap tulad ng mga scholarships at iba pa,

hindi pa rin nito lubusang natutustusan ang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Ang mga gastusin naman ay hindi nagwawakas lamang sa matrikula at ibang

bayarin sa paaralan. Nariyan ang mga nagmamahalang proyekto, depende pa sa


kung ano ang kurso. Kailangang bumili ng mga libro o kung magtitipid ay pang-

photocopy man lang. Gustuhin mang bumili ng laptop dahil sa sangkatutak na mga

papel na kailangang tapusin, magrerenta na lang ng kompyuter kaya lang mahal

pa rin. Pupuwede bang pumasok na walang lapis o kwaderno? Hindi pa nga diyan

nababanggit ang mga bayarin sa uniporme, pamasahe at iba pa.

Kung kaya’t kahit na mahirap, maraming mag-aaral sa kolehiyo ang

nagsisikap na pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap-buhay. Pilit na hinahati

ang dalawampu’t apat na oras sa isang araw para sa eskwela, trabaho at iba pang

gampanin sa tahanan. Ngunit ang pagsisimula sa pagtatrabaho ay hindi kasing

dali ng pagsasambit ng kagustuhan nito. Sa panahon ngayon, marami na ngang

establisyemento ang tumatanggap ng mga empleyado kahit na nag-aaral pa

lamang. Sa bawat kanto ng Maynila ay may matatagpuang fast food chains.

Naidagdag pa sa bilang ang mga coffee shops at internet cafes. Kung kakayanin

pa ng iskedyul ay maari rin naming mag-apply ng full time sa mga nagsusulputang

call centers. (http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf)


Talaan ng Sanggunian

http://mjgbasallaes.blogspot.com/2013/03/ang-katatagang-loob-sa-

pilosopiyang.html

http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf
KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa disenyo at paraan ng pananaliksik.

Tinalakay dito kung ano ang disenyong ginamit, mga piniling respondente,

instrumento ng pananaliksik, tritment ng mga datos, at paraan ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

deskriptiv. Deskriptiv-analitik ang disenyo ng pangangalap ng mga datos at

impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

http://wenn-pamanahongpapel.blogspot.com/

Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral ang suliranin na kinakaharap ng

mga iskolar ng Divine Word College of Legazpi sa kursong Business

Administration.

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na

matagumpay na makapag-tatapos sa kursong Business Administration sa Divine

Word College of Legazpi. Binubuo ng limang (5) departamento ang nasabing

kurso. Ito ay ang mga sumusunod: Financial Management, Operations

Management, Human Resource and Development Management, Marketing

Management, at Entreprenuership. Dahil malaki ang bilang ng mga mag-aaral,

minarapat ng mananaliksik na pumili lamang ng dalampung (20) respondente

upang magkaroon ng magagamit sa representasyon ng mga datos.


Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito ay ginamit ang pagsasarbey upang sa ganoon ay

makuha ang propayl at suliraning kinakaharap ng mga iskolar. Ang mananaliksik

ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos

upang masuri at malaman ang propayl at suliranin ng bawat respondentng iskolar

ng Business Administriation.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi

naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at

disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-

aaral na ito sa pamamagitan ng kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o

dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyuner

ang inalam ng mananaliksik.

Paraan ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay nagsalita ng paksang kanyang napili at pagkatapos ay

ipinakita sa guro ng Filipino. Nagsuhestiyon at inedit ng kanyang guro ang

paksang “Mga Iskolars ng Divine Word College of Legazpi na Matagumpay na

Makapagtatapos sa Kursong Business Administration Panuuran 2015-2016”.

Gumawa ang mananaliksik ng kanyang balangkas tungkol sa paksa. Sinimulan

niya ang pagsulat ng kabanata I hanggang nagawa ang sarbey-kwestyoneyr.

Nagkalap ng mga datos ang mananaliksik gamit ang sarbey-kwestyoneyr sa

pamamagitan ng 20 na respondente. Tinally ang mga datos at ginawa ang


distribusyon at interpretasyon ng mga datos. Pagkatapos ng interpretasyon ay ang

paggawa ng lagom, natuklasan, at ginawa ng mananaliksik ang listahan ng

sanggunian na siyang naglalaman ng mga references. Kinompayl ng mananaliksik

lahat at ipasangguni sa kanilang guro. Nang pinahintulutan na ng guro ang

mananaliksik na mag-encode ay sinimulan na niya ito. Ito ang paraan ng

pananaliksik ng mananaliksik gamit ang deskriptiv na disenyo ng pananaliksik.


Talaan ng Sanggunian

http://wenn-pamanahongpapel.blogspot.com/
KABANATA IV

Ang kabanatang ito ay tumatalakay at nagbibigay ng interpretasyon

at presentasyon ng mananaliksik hinggil sa mga datos na kanyang nakalap sa

ginawang sarbey gamit ang sarbey kwestyoneyr. Ipinakita ng mananaliksik sa

pamamagitan ng talahanayan ang bilang ng mga respondente ayon sa pinili o

isinulat na sagot sa sarbey kwestyoneyr.

Propayl ng mga respondente ayon sa sumusunod:

a.) Kasarian

b.) Uri ng scholarship

c.) Kursong kinukuha

Talahanayan 1

Kasarian Frequency Bahagdan (%)


Babae 11 55
Lalaki 9 45

Batay sa talahanayan 1, makikita na may labing-isa (11) o limampu’t limang

bahagdan (55%) ang bilang ng respondenteng babae na iskolar at siyam (9) o

apatnapu’t limang bahagdan (45) ang bilang ng respondenteng lalaki na iskolar.

Nagpapatunay lamang ito na ang kababaihan ang mas nakakakuha o nabibigyan

ng scholarship ng iba’t ibang institusyon o organisasyon. Masasabi ring ang mga

kababaihan ang mas pursigido na makapag-aral bilang iskolar batay sa

talahanayan.
Talahanayan 2

Uri ng Scholarship Frequency Bahagdan (%)


AHECS 4 20
Varsity Athlete 3 15
Student Assitant 2 10
Dance Company 2 10
Academic Scholar 2 10
CHED 2 10
School Publication 1 5
DOST 1 5
Hero Foundation 1 5
RA 6963 1 5
AFPEBS 1 5

Batay sa talahanayan 2, makikita ang iba’t ibang uri ng scholarship sa Divine

Word College of Legazpi. Ang AHECS ang may pinakamaraming bilang ng iskolar

na may apat (4) o dalampung (20%) bahagdan mula sa kabuuang bilang ng

respondente. Sinundan ito ng Varsity Athlete na may tatlo (3) o labing limang

bahagdan (15%), Samatala, ang Student Assistant, Dance Company, Academic

Scholar, at CHED ay may tig-dadalawa (2) o tig-sasampung (10%) bahagdan sa

kabuuang bilang ng mga respondente. Ang School Publication, DOST, Hero

Foundation, RA 6963 at AFPEBS naman ay may tig-iisa (1) o tig-lilimang

bahagdan (5%) sa kabuuang bilang ng mga respondenten.

Nagpapatunay ito na mas marami ang nabibigyan ng oportunidad na makapag-

aral sa pamamagitan ng Albay Higher Education Contribution Scheme o

AHECS. Ganoon din ang mga Varsity Athlete o manlalaro na nagsisilbing pambato
sa paligsahan ng institusyon o paaralan. Samantalang ang ibang scholarship na

abelaybol o tinatanggap sa paaralang Divine Word College of Legazpi ay limitado

o kakaunti lamang. Nagpapatunay ito na mabusisi at mahigpit ang patakaran at

regulasyon ng mga scholarship na ito kumpara sa AHECS at Varsity Athlete.

Talahanayan 3

Kurso Frequency Bahagdan (%)


HRDM 3 15
Operations Mgt. 2 10
Financial Mgt. 5 25
Marketing Mgt. 10 50

Ang Business Administration sa Divine Word College of Legazpi ay may limang

(5) saklaw na departamento. Ito ay ang Human Resource and Development

Management o HRDM, Operations Management, Financial Management,

Marketing Management at Entrepreneurship. Subalit makikita sa talahanayan 3 sa

itaas na apat lamang na departamento ay may bilang ng iskolar. Walang

respondente o talang iskolar na kumukuha ng Entrepreneurship. Nagpapatunay ito

na ang mga abeylabol na scholarship ay hindi angkop para sa nasabing kurso.

Samantala, ang HRDM ay may tatlo (3) o labinlimang bahagdan (15%) na iskolar

sa kabuuang bilang, Operations Management na dalawa (2) o (10%) bahagdan,

Financial Management na may lima (5) o dalampu’t limang bahagdan (25), at ang

Marketing Management na may sampu (10) o limampung bahagdan (50%) sa

kabuuang bilang ng iskolar.


Nagpapatunay lamang ito na ang Marketing Management sa Divine Word

College of Legazpi ang may pinakamaraming bilang ng iskolar na kung saan mas

maraming matagumpay na nakakapagtapos. Masasabi rin mas madali ang

kursong nabanggit kung pagbabatayan ang talahanayan.

Positibong Epekto ng Pagiging Iskolar sa Pag-aaral

Talahanayan 4

Positibong Epekto Frequency Bahagdan (%)


Nakakatulong sa pamilya. 16 48.5
Nakakapag-aral na walang pinoproblemang
13 39.5
bayarin sa matrikula.
Nagiging huwaran ng ibang mag-aaral. 3 9
Iba pa: Hinahangaan ng kababaihan o
1 3
kalalakihan.

Batay sa talahanayan, makikita ang pangunahing positibong epekto ng

pagiging iskolar sa mag-aaral ay ang nakakatulong ito sa pamilya na kung saan

may labing anim (16) o apatnapu’t walo at limang bahagdan (48.5%) sa kabuuang

bilang ng respondente ang nagsabi nito. Sinundan ito ng nakakapag-aral na

walang pinoproblemang bayarin sa matrikula na may labing tatlo (13) o tatlumpu’t

siyam at limang bahagdan (39.5). Nagiging huwaran ng ibang mag-aaral ay may

tatlo (3) o siyam na bahagdan (9%) na respondente. Samantalang may isa (1) o

tatlong bahagdan (3%) ang nagsabing hinahangaan siya ng kababaihan o

kalalakihan.

Nagpapatunay ito na ang pagiging isang iskolar ay malaking tulong sa

pamilya sapagkat nabibigyan ng pagkakataon ang isang mag-aaral na

makapagtapos sa kolehiyo upang sa ganoo’y maiahon nila sa kahirapan o sa kung


ano mang sitwasyon ng pamumuhay ang kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng

walang pinoproblemang bayarin sa matrikula, nakakapag-aral at nakaka-focus ang

isang iskolar sa kanyang mga aralin.

Negatibong Epekto ng Pagiging Iskolar sa Pag-aaral

Talahanayan 5

Negatibong Epekto Frequency Bahagdan (%)


Walang social life. 6 30
Nasasakripisyo ang mga araw na para sa
8 40
pamilya.
Hindi nabibigyan ng kalayaan na makapagbigay
ng sariling opinyon hinggil sa isyu na 4 20
kinasasangkutan ng nagpapa-aral.
Iba pa: Pressure, hasstle at pabigat. 2 10

Batay sa talahanayan 5, makikita na ang pangunahing negatibong epekto

ng pagiging iskolar sa pag-aaral ay ang nasasakripisyo ang mga araw na para sa

pamilya. Ito ay may walo (8) o apatnapung bahagdan (40%) sa kabuang bilang ng

respondenteng iskolar. Anim (6) o tatlumpung bahagdan (30%) naman ang

nagsabing wala silang social life. Apat (4) o dalampung bahagdan (20%) ang

nagsabing hindi sila nabibigyan ng kalayaan na makapagbigay ng sariling opinyon

hinggil sa sa isyu na kinasasangkutan ng nagpapa-aral. Ang iba pa naman na

nagsabing pressure, hasstle at pabigat ay may dalawa (2) o sampung bahagdan

(10%) sa kabuuang bilang ng respondente.

Nagpapatunay ito na kapalit ng libreng matrikula sa kolehiyo, kailangan

isakripisyo ang oras o araw na para sa pamilya upang igugul sa pag-aaral o para

sa mga proyekto at iba pang gawain na kailangan sa kanilang scholarship.


Masasabi ring madalas walang social life ang mga iskolar sa kadahilanang buong

oras nila ay iginugugul sa pag-aaral. Hindi nila nabibigyan ng oras ang kanilang

mga sarili sa paglilibang katulad ng pagsine, pagdalo sa mga kasiyahan at pag-

outing kasama ng ibang kamag-aral o kaibigan.

Mungkahing Solusyon Upang Maiwasan ang Negatibong Epekto ng Pagiging

Iskolar sa Pag-aaral

Talahanayan 6

Mungkahing Solusyon Frequency Bahagdan (%)


Pagbabalanse at time management. 12 40
Pagtukoy at pagbibigay ng oras sa mga
12 40
prayoridad na may kaugnayan sa pag-aaral
Pagsangguni sa magalang na paraan sa mga
opisyal na nagpapa-aral hinggil sa opinyon, 8 20
hinaing o isyu.

Batay sa talahanayan 6, ang pagbabalanse at time management at ang

pagtukoy at pagbibigay ng oras sa mga prayoridad na may kaugnayan sa pag-

aaral ang pangunahing solusyon upang maiwasan ang mga nabanggit na suliranin

o negatibong epekto ng pagiging iskolar sa pag-aaral. Parehas na may tig-

labindalawang (12) bilang o tig-apatnapung bahagdan (40%) ng kabuuang

repondente. Samantalang walo (8) o dalampung bahagdan (20%) ang nagsabing

ang pagsangguni sa magalang na paraan sa mga opisyal na nagpa-aaral hinggil

sa opinyon, hinaing o isyu ang isa sa mga solusyon upang maiwasan o

masolusyun ang mga negatibong epekto ng pagiging iskolar sa pag-aaral.

Nagpapatunay ito na ang lahat na iskolar na nakakapagtapos sa kolehiyo

ay masasabing magagaling sa pagbabalanse at time management na kung saan


natutukoy rin nila kung alin ang mas binibigyan ng prayoridad sa pag-aaral.

Masasabi rin nating magalang sa pagbibigay ng opinyon higgil sa isang isyu ang

ilan sa mga nakapagtapos na iskolar.


KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Tinatalakay sa kabanatang ito ang lagom, natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon sa pag-aaral ng mananaliksik.

Lagom

Nag-umpisa ang pananaliksik na ito sa layunin ng mananaliksik na malaman

ang bilang ng mga iskolar ng Divine Word College of Legazpi na matagumpay na

magtatapos ngayong taong panuruan 2014-2015 sa kursong Business

Administration. Gayundin ang mga positibo at negatibong epekto nito sa pag-aaral

at kung paano ang mga negatibong epekto nito ay masosolusyunan. Nagsimula

ang mananaliksik sa paghanap sa internet ng mga ideya at impormasyon tungkol

sa kanyang paksang napili. Pumili din ang mananaliksik ng paraan ng pananaliksik

na gagamitin at napili ang pagsasarbey. Sa pagsusurbey, pumili ng dalampung

(20) respondente ang mananaliksik. Sunod na ginawa ay ang paghahanda at

paggawa ng mga talatanungan na pasasagutan sa mga respondente. At

pagkatapos ay binilang at pinag-isa niya ang mga magkakaparehong sagot sa

bawat tanong. Sa mga pinag-isang katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento

nito sa kalahatang bilang ng mga respondente. Masusing pinaghambing ang mga

resulta at inanalisa. Gumawa ng presentasyon at interpretasyon ng mga datos at

pagkatapos ay gumawa ng konklusyon tungkol sa mga natuklasan at ilang mga

rekomendasyon upang mapagbuti at makatulong sa pagbibigay ng impormasyon

para sa mga mag-aaral, mambabasa at sa mga manananaliksik.


Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na konklusyon:

A. Albay Higher Education Contribution Scheme o AHECS ang may

pinakamaraming bilang ng iskolar at mga matagumpay na

makakapagtapos sa Divine Word College of Legazpi sa kursong

Business Administration.

B. Nakakatulong sa pamilya at nakakapag-aral na walang

pinoproblemang bayarin sa matrikula ang pangunahing positibong

epekto nito.

C. Walang social life at nasasakripisyo ang mga oras at araw na para

sa pamilya ng isang iskolar dahil iginugugul ito sa pag-aaral o sa

oras ng pagsasanay o iba pang gawain na kailangan sa scholarship.

D. Upang masolusyunan ang mga negatibong epekto nito, ang

pagbabalanse at time management at ang pagtukoy at pagbibigay

ng oras sa mga prayoridad na may kaugnayan sa pag-aaral.

E. Nararapat lamang na sumangguni sa magalang na paraan sa mga

opisyal ng nagpapa-aral kung meron mang hinaing o opinyon sa

kahit ano mang isyu na may kaunayan sa sistema at pamamahal ng

ng nagpapa-aral.
Rekomendasyon

Narito ang ilan sa mga rekomendasyon ng mananaliksik upang

mapagyaman at mapagbuti pa ng mga iskolar hindi lang sa Divine Word College of

Legazpi kundi sa iba pang mag-aaral na iskolar sa iba’t ibang institusyon,

unibersidad o kolehiyo.

1. Makilahok at makiisa sa mga pagpupulong na ibinibigay ng nagpapa-aral

upang malaman ang updates hinggil sa mga bagong patakaran o isyu.

2. Nararapat lamang na magalang ang bawat iskolar sa kahit sino mang

opisyal na namamahala sa kanilang scholarship.

3. Magmungkahi sa mga namamahala ng scholarship na magkaroon o

magtalaga ng araw para sa kasiyahan o party sa bawat semester na

natatapos ng mga iskolar ng sa ganoon ay maranasan ng mga iskolar ang

social life.

4. Hangga’t maaari, huwag pumasok sa isang relasyon kung ito’y

makakasagabal sa pag-aaral lalong lalo na sa pagmama-maintain ng grado

na kailangan sa scholarship.

5. Magsilbing huwaran sa ibang mag-aaral sa pamamagitan ng paghimok sa

pabibigay ng prayoridad sa pag-aaral at paggawa ng tama na naaayon sa

pagiging isang propesyunal.


Listahan ng mga Sanggunian

https://ph.news.yahoo.com/college-education-poor-students-090706071.html

http://tl.wikipedia.org/wiki/Administrasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/dedikasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/determinasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/extra_curricular_activities

http://tl.wikipedia.org/wiki/inspirasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/iskolar

http://tl.wikipedia.org/wiki/kompetisyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/matrikula

http://tl.wikipedia.org/wiki/motibasyon

http://tl.wikipedia.org/wiki/mithiin

http://tl.wikipedia.org/wiki/respondente

http://tl.wikipedia.org/wiki/saklaw

http://tl.wikipedia.org/wiki/scholarship

http://mjgbasallaes.blogspot.com/2013/03/ang-katatagang-loob-sa-

pilosopiyang.html
http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf

http://wenn-pamanahongpapel.blogspot.com/
MGA ISKOLAR NG DIVINE WORD COLLEGE OF LEGAZPI
NA MATAGUMPAY NA MAKAPAGTATAPOS SA
KURSONG BUSINESS ADMINISTRATIONS
TAONG PANURUAN 2014-2015

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa kay Bb. Caredine C. Guban


Kolehiyo ng Edukasyon
Divine Word College of Legazpi
Legazpi City, Albay

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa


Asignaturang Filipino 2,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ni:

Erwin San Buenaventura Aguilar

Marso, 2015

You might also like