You are on page 1of 2

“COLLEGE PREPARATION”

Magandang araw sa ating masipag na punong-guro, Mam


Angeline A. Aguayo, gayundin sa mga kaguruang naririto na palaging
sumusuporta sa mga programa ng ating paaralan, at higit sa lahat ay
magandang araw sa inyo, mga “Career Guidance Participants”, na
magsisipagtapos ngayong June 27, 2022.
Ang aking topic ay tungkol sa “College Preparation.”
Mga bata, meron akong ilang katanungan para sa inyo.
Sino o sinu-sino ba sa inyo ang magpapatuloy pa ng pag-aaral sa
kolehiyo? Pakitaas lang ang kanang kamay.
Wow! Marami sa inyo ang magpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.
May napili na ba kayong kukuning kurso sa kolehiyo?
Pakitaas ang inyong kanang kamay.
Wow! Ready na nga kayong mag-college.
Huling katanungan, Kaya nyo ba at ng inyong mga magulag na
tustusan ang inyong pag-aaral, financially?
Pakitaas ulit ang kanang kamay. Huwag mahiya. Dahil andito tayo
upang mabigyan kayo ng nararapat na impormasyon na makatutulong
sa inyo na matugunang matustusan ang inyong pag-aaral sa kolehiyo.
Kung may agam-agam kayo na hindi kakayanin ay huwag kayong
mag-alala dahil maraming scholarship program na iniooffer ang ilang
pribadong sector at ang ating pamahalaan.
Kailangan lang ay huwag balewalain o sayangin ang oportunidad
kung sakaling may mabalitaan kayong mga scholarship programs.
Kailangan ring maging matiyaga sap ag-aaply ng scholarship.
Apply lang ng apply lang… Kung nabigo sa isa, lipat agad sa isa.
Kung marami kang ninaplayang scholarship ay mas mataas ang
tsansang makuha nyo ang best scholarship na para sa inyo o iyo.
May ilang video akong ipapakita o ipapapanood sa inyo upang
magkaroon kayo ng ideya kung saan pwedeng mag-apply ng scholarship
na makatutulong na matugunan ang ang inyong pag-aaral, financially.
Ang mga videong ito ay tungkol sa scholarship ng isang pribadong
sector at tatlong scholarship program ng ating pamahalaan.
Ang ating panonoorin ayon sa pagkakasunod sunod ay…..

Una – SM Scholarship Program


Pangalawa – DOST Scholarship Program
Pangatlo – CHED Scholarship Program
Pang-apat – TES(Tertiary Education Subsidy.
Sa apat na scholarship program na aking nabanggiti, ang TES ang
paborito sa aming bayan ng Del Gallego. Hindi kasi masyadong mahigpit
ang requirements ditto. Halos lahat ay qualified, Maykaya ka man o
mahirap. Kasali nga ditto ang anak ko. Naghihintay na lang siya ng
unang release ng TES Fund.
Sa TES ay mag-aabono o magbabayad muna kayo sa school ng
inyong matrikula at kung ano pang gastusin. Pero sa mga susunod na
taon ng inyong pag-aaral may makukuha na kayong pera na galing sa
subsidy na ibinayad ng gobyerno sa pribadong paaralan na inyong
pinapasukan. Dba napakaganda ng TES, mahahawakan niyo talaga ang
pera.
Pero ayon pa rin sa gusto nyo o ipagpalagay natin na inyong swerte
kung ano man ang inyong makuhang scholarship. Ang mahalaga ay
makapagtapos at makapagtrabaho at masuklian natin ng tulong ang
inyong mga magulang.
Magandang araw muli mga bata at sana ay maging produktibong
mamamayan kayo ng ating komunidad o ng ating bansa sa darating na
panahon.
Maraming Salamat….

You might also like