You are on page 1of 3

PAGNINILAY:

Sagutin sa talaarawan ang mga gabay na tanong ukol sa natutunan natin ngayong FDS (month of June
2022):

1. Anu-ano ang mga advantages o benepisyo ng pag-iimpok sa bangko?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ang mga advantages ba na ito ay konektado sa iyong mga life goals?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Nais mo bang mag-apply pa ng isa pang bank account maliban pa sa iyong 4Ps transaction
account? Bakit oo o bakit hindi?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
GAWAIN: Ang Kwento at Kwenta Ko

Balikan natin ang mga positibong pagbabago na ating nakamit habang tayo ay kabilang sa 4Ps at nang
makita natin kung gaano na nga ba kalayo ang ating narating. Kasama ang pamilya, pag-usapan kung ano
pa ang ating mga pangarap at pagplanuhan kung paano natin gagawin ito.

Gamitin ang table sa ibaba upang itala ang ating mga mapag-uusapan. Lagyan ng check ang OO o HINDI
base sa inyong sagot sa bawat nakalahad sa ibaba.

1. Nakatulong ba ang 4Ps sa inyong pamumuhay bilang isang pamilya? Paano?

2. Magkano na ang natanggap ko mula sa 4Ps simula nang naging benepisyaryo ako nito?

3. Sa kabuuan ng natanggap mo sa 4Ps, saang aspeto ng pamumuhay kayo natulungan nito?

4. Tingnan natin isa-isa kung paano nakatulong ang 4Ps sa inyong Oo Hindi
pamumuhay.

Sagutin ng OO o HINDI kung nakamit ng pamilya ang tagumpay o positibong


pagbabago patungkol sa mga sumusunod:
Kalusugan at Nutrisyon:
• Nakakakain na kami nang tatlong beses sa isang araw.
• Mas malulusog na ang aming mga anak.
• Nagpapa-check-up na ako sa health center noong ako ay buntis.
• Sa health center o ospital na ako nanganak kesa sa manghihilot.
• Kumpleto ng bakuna ang aming mga anak.
• Umiinom ng vitamins ang aming mga anak.
• Nagpapasuso ako sa aming sanggol sa unang anim na buwan.
Edukasyon:
• Lagi nang pumapasok sa paaralan ang aming mga anak.
• May college graduate na kami sa pamilya.
• Hindi na nagtatrabaho ang aming anak.
• Natutulungan naming mag-asawa ang aming mga anak patungkol sa
kanilang mga homework at school projects.
• Pumupunta ako sa mga Parent-Teacher Association (PTA) meeting.
• Nabibigyan na ng budget ang pangangailangan ng aming mga anak sa
paaralan.
Buhay-pamilya:
• Nag-uusap o nagmi-meeting na kaming buong pamilya.
• Kasama na sa pagdedesisyon ang buong pamilya, pati ang mga anak.
• Mas bukas na ang aming komunikasyon, lalo na sa aming mga anak.
• Mas maganda na ang pagsasama namin ng aking asawa o partner.
• Kaming mag-asawa o mag-partner ay may pantay na responsibilidad na sa
pagpapatakbo ng aming pamilya.
• Mas maganda na ang relasyon namin sa aming mga anak.
• May sapat na kaalaman na ang aming pamilya sa aming mga karapatan
lalong-lalo na patungkol sa usapin ng karapatan ng kababaihan at kabataan.
• Mas handa na ang pamilya ngayon laban sa ano mang sakuna o disaster.
• Mayroong e-balde o emergency go bag ang pamilya.
• Hindi na namin pinapalo o nasasaktan ang aming mga anak kapag
dinidisiplina namin sila.
• May kakayanan na ako o kaming lumapit sa iba pang ahensya ng
gobyerno para sa iba pang programa at serbisyo na maaaring makatulong sa
amin.
Pinansyal:
• May ipon na ang pamilya sa bangko.
• May pinagkakakitaan na ang pamilya na sumasapat sa aming
pangangailangan.
• Marunong na ang pamilya na mag-budget para sa mga gastusin at ipon.
• Mayroong nakasulat na planong pampinansyal ang pamilya.
• Mayroon kaming transaction account na aming ginagamit sa pag-iipon,
pagpapadala o pagtanggap ng pera, at/o pambayad ng mga gastusin o bilihin.
Iba pa:

5. Ano ang pwede kong gawin upang makatulong naman sa iba pang mga pamilyang
nangangailangan ng tulong tulad ng mga natanggap ko?

You might also like