You are on page 1of 47

1

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang pilipinas ay nasa 55 na pwesto sa mga pinakamahihirap na bansa sa

mundo. May halos 4.4 milyong Pilipino na maituturing na pinakamahihirap sa

bansa ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Upang

malabanan ang ganyang klaseng isyu ng lipunan at ng buong bansa gumawa ng

programa ang gobyerno o ang ahensya upang malabanan ang kahirapan. Sa

henerasyon na ito maraming naniniwalang tao na ang buhay ay nangyayari sa

kanila sa pamamagitan ng kapalaran at nagbibigay ng mga dahilan at pagsisisi

sa mga pangyayari at nakatuon sa mga hadlang. Ang mga mahihirap na tao ay

naghihintay lamang sa kanilang mga pangarap. Ang kahirapan ay ang

pangunahing problema ng sangkatauhan.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang hakbang ng

pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pang-tao ng ating

mga kababayan. Ang mga benepisyo ng 4P’s ay ang pagbibigay ng conditional

cash grants o pinansyal na ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilya upang

matulungan ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga kabataan. Ito

lamang ay ipinagkakaloob sa mga batang may edad 0 hanggang 18 taong

gulang , at para sa pinakamahihirap na Pilipino. May mga kondisyon ang

gobyerno na dapat sundin ng mga miyembro at ito ay ang libreng check up para
2

sa mga buntis at mga batang limang taong pababa, pagpupurga ng mga batang

6 hanggang 14 taong gulang, at libreng edukasyon para sa mga kabataang mula

Pre-school hanggang High School. Hindi lang ito kondisyon kundi isa rin sa mga

benepisyo na makukuha mula sa 4P’s. Ito ay pinamamahalaan ng Department of

Social Welfare and Development. Ayon kay acting secretary Virginia Orogo

“yung mga magulang na may sakit , hindi makatrabaho , yung anak hindi

makapasok sila ang puntirya ng 4P’s”. Ayon naman ng dating chairman ng house

committee on poverty alleviation na si Emmie De Jesus “tanungin mo ang lahat

ng benepisyaryo niyan, at siguradong ang sasabihin niyan ang gusto nilang lahat

ay trabaho”. Kung mapapansin niyo sa ulat ni Gng. Emmie De Jesus, ipinapakita

dito na kahit binibigyan na ng tulong ang mga mamamayan, nakuha pa rin nilang

magreklamo. Ang sinabi ni Acting secretary Virginia Orgo, ay ilan lamang sa mga

adbentahe sa mga kabilang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Kaakibat

naman ditto ang sinabi ni Gng. Emmie De Jesus, na kung saan may mga

mamamayan pa ring nagrereklamo. Isa sa mga benepisyo ng 4P’s ay nagbigay

ng testimonya na nagpapahayag ng kanyang pasasalamat dahil napag-aral niya

ang kanyang apat na mga anak, natuwa rin siya dahil naging responsable ang

kanyang mga anak sa pag-aaral. Alam kasi nila na kung hindi sila papasok ay

hindi na bibigyan ng tulong ang kanilang ina. Ayon naman sa isang benepisyaryo

ng 4P’s na si Esterlita Bulatao isang biyuda “sipag at tiyaga at huwag lamang

umasa sa ibinibigay ng gobyerno para umangat ang buhay”. Sa napapansin ng

nakararami kalimitan lamang sa mga magulang na benepisyaryo ng programa ay

responsable sa perang bigay ng gobyerno. Sila ay umaasa lamang sa pera at


3

hindi na naghahanap ng trabaho at ang iba naman ay sinusugal ang perang

tulong. Ayon sa DSWD “ngayon pa lang magkakaroon ng kamustahan sa mga

benepisyaryo nito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para malaman kung talagang

umaangat ang estado ng pamumuhay ng mga pamilya. Ayon kay Fernandez at

Olpindo (2011) ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program bilang isang

conditional cash transfer (CCT) program na naglilipat ng tulong pinansiyal sa

mga pamilya ng benepisyaryo kung sinusunod nila ang mga kondisyon nito

dapat talakayin ng mga mamamayan ang mga yugto ng pamantayan sa oras ng

pagrerehistro upang maging karapat-dapat para sa tulong pinansyal. Una, ay

dapat na resident eng mga mahihirap na lugar na naka-target sa pamamagitan

ng programa. Ikalawa, dapat ay tunay na mahirap. Pangatlo, dapat ay mayroong

anak na may edad 0-18 taong gulang. Apat, dapat talaga sa pagsunod sa mga

kondisyon ng programa (Fernandez at Olpindo 2011). Patuloy na pinapalawak

ang 4P’s habang napupunta ang oras ngunit ang mga depekto ay unti-unti ring

nakikita sa lahat. Ang isa sa mga pinaka kakontrobersyal na aspeto ng programa

ay nagsasangkot ng pag-target. Sa nabanggit ni Fernandez at Olpindo (2011),

masasabi natin na ang puntirya ng 4P’s ay ang mga pinakamahihirap ma

kababayan. Ngunit may mga mahihirap na Pilipino parin ang naghihingahol sa

kahirapan. Ang isang pangkaraniwang problema sa tradisyunal na panig na

panustos sa tulong na panlipunan ay ang mga inilalaan sa mapagkukunan ay

madalas na hindi isalin ang aktual na mga benepisyo na natatanggap ng

kanilang mga nakatalagang benepisyaryo. May ilang mga maimpluwensiyang

mga parte ng populasyon ay nagsalaysay na ang CCT aay may mga


4

nakakapinsalang hindi inaasahang mga kahihinatnan. Ang iba ay may pag-

aalinlangan sa pagiging epektibo ng programa. May iba ring mga kritiko na

nagtalo dahil ang programa ay hindi pangmatagalang epekto laban sa kahirapan.

Bukod ditto, ito ay pinura bilang hindi mapanatili dahil sa tulong ay hindi

bumubuo ng kita o pagbabago sa istsraktura ng ekonomiya. Dahil sa napapansin

rin ng karamiha, umaasa nalang sa tulong pinansyal ang tao at hindi na

naghahanap ng trabaho at ang mas nakakalungkot ang ibang mga magulang na

miyembro ay sinusugal ang pera kaysa sa maibigay ang benepisyo sa kanilang

mga anak. Inaangkin ng mga kritiko na ang programa ay humantong sa isang

kultura ng pamahalaan, pagkaligtas, pagnanakaw at katamaran. Sa kanilang

paningin, ang malaking halaga ng mga mapagkukunan na ginugol sa Pantawid

ay mas mahusay na ginugol sa paggawa ng trabaho. Pinaghihinalaan na ang

Pantawid ay ginagamit upang bumili ng mga boto para sa mga kandidato ng

pangangasiwa.

Marami ang mga benepisyaryong makukuha sa programa ngunit marami

rin naman ang balakid. Layunin lang naman ng bawat isa na umangat sa buhay

ganoon narin ang bansa. Ngunit ng dahil na rin sa mga taong pilit ibinabaliktad

ang layunin nito, hindi na nangyari ang pagbabagong inaasahan.


5

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin pag-aaral na ito ay upang malaman ng mga miyembro o mga

benepisyaryo ang mga bentaha at disbentaha ng Pantawid Pamilyang Pilipino

Program at upang maisagawa ang sumusunod:

1. Malaman kung sino ang mga respondente.

1.1. Malaman ang kanilang edad

1.2. Malaman ang kanilang kasarian

2. Ano-ano ang mga adbentahe at disadbentahe ng programa?.

3. Ano-ano mga benepisyong makukuha nito?

4. Sino-sino ang mga taong kabilang nito?

5. Anu-ano ang mga pamantayan ng isang miyembro sa programang ito?


6

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil nagbibigay ng karagdagang

impormasyon ukol sa mga bentaha at disbentaha nito sa bawat pangkat ng tao.

Sa mga Kabataan

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagpapabago ng pananaw ng

mga kabataang walang ganang mag aral. Maipapakita dito ang mga

benepisyong bigay ng gobyerno para sa maayos na edukasyon ng mga

kabataan, maging para sa kanilang kalusugan at nutrisyon.

Sa mga Magulang

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga magulang dahil ito ay

magsisilbing pundasyon ng kanilang kaalaman ukol sa mga bentaha at

disbentaha nito sa buhay ng tao o kaya’y para sa pamilya.

Sa mga Guro

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pag eebalweyt ng mga guro

sa kanilang mga estudyante. Maipapakita ditto na ang mga kabataang miyembro

nito ay dapat pumasok sa paaralan.


7

Sa Komunidad

Mahalaga ang pag aaral na ito sa komunidad upang mabigyan ng pansin

ang kaukolang sagot sa mga tanong na ang mga hindi kabilang sa programang

ito ay may pag aasa pa bang maging miyembro at upang makita ang mga

bentaha at disbentaha nito.

Sa mga Mananaliksik

Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay magagamit ng mga mananaliksik

sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.

Sa Darating na Mananaliksik

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga darating na mananaliksik

dahil magsisilbi itong gabay sa kanilang gagawing pananaliksik.


8

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa mga bentaha at

disbentaha sa mga kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Saklaw

din ng pag aaral na ito ang mga persepsiyon ng mga magulang na may edad 30-

50 na taong gulang sa Barangay Vito, Minglanilla Cebu

Nililimitahan ang pananaliksik na ito sapagkat tanging mga magulang na

benepisyaryo lamang na may edad 30-50 sa Barangay Vito, Minglanilla Cebu.

Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pag aaral na ito ay

mas mapagtutuonan ng pansin ang mga bentaha at disbentaha ng Pantawid

Pamilyang Pilipino Program.


9

Depinisyon ng mga Terminolohiya sa Pag-aaral

Upang maging mas madali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa

minarapat naming bigyang depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya

batay sa kung ano ang kahulugan nito at kung paano ginamit ang bawat isa sa

pamanahong papel na ito.

Benepisyo. Ito ay magandang dulot ng isang bagay. Maari itong makuha ng

libre o makuha ng may sumusuporta.

CCT. Conditional Cash Transfer ay isang programa ng gobyerno kung saan ito

ay nagbibigay ng pera sa mga mahihirap na pamilya at ito ay may kondisyon na

ang mga pamilyang iyon ay magbibigay ng halaga o magpundar sa human

capital ng kanilang mga anak.

Edukasyon. Ito ay pagsasanay kung saan natututo ang tao na bumuo at gamitin

ang kanilang mental, moral at pisikal na kagamitan.

Gobyerno. Ito ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at

magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.

Kabataan. Ito ay nangangahukugan at tumutukoy sa pangkalahatang mga bata

sa isang lugar. Ito ay maaring tumukoy din sa mga menor de edad.


10

Kahirapan. Ito ang kalagayan o ang hindi pagiging produktibo, kakulangan o

kulang sa isang bagay o pera.

Malnutrisyon. Ito ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi

ng mali o kakulangan sa pagkain.

Mamamayan. Ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa isang pamayanan.

Nutrisyon. Ito ay nag proseso ng pampalusog o inaalagaan, lalo na ang proseso

kung saan ito ay nagbibigay buhay ng organismo na kumikilala sa pagkain.

Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ito ay isang programa ng gobyerno na

nagbibigay insentibo para sa mahihirap na pamilya.


11

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at

literature sa mga bentaha at disbentaha ng mga kabilang sa 4P’s. Ito ay

nagbibigay ng karagdagang kaalaman ukol sa mga bentaha at disbehtaha upang

mas maunawaan ng mga mambabasa.

Mga kaugnay na pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na pinamagatang “A look into the Behavioral and

Social Outcomes of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program” na ginawa ng

Institute of Family Life and Children’s Studies- Philippine Women’s University at

isinapubliko noong October 6, 2016. Hanggang ang pagbabago ng ugali ay hindi

mangyayari kung walang suporta galing sa kapaligiran- galing sa antas ng

pamilya, sa komunidad, at sa antas ng ating bansa- ang programa ay dapat na

iduong hindi lang sa mga insentibo at pagsunod pati na rin ang pagtanaw at pag

address sa mga kadahilanan na hinahadlangan ang pagbabago.

Ayon naman sa pag-aaral na pinamagatang “A study of the enabling

factors and challenges in the utilization of material health care and family

planning services of Pantawid Pamilyang Pilipino Program na isinasapubliko

nuong February 2017 at ginawa nina Marian Cristina Ginson-Bautista PHD,

Principal Investigator at Maria Eufemia Yap, MD, MSC, Principal Investigator.


12

Ang Pantawid na programa ay para sa pinakamahihirap na pamilya, ito ay

nagbibigay ng insentibo (cash) para sa katuparan ng mga kondisyon na

nauugnay sa pagpapanatili ng kanilang mga may edad na anak sa paaralan, pati

na rin ang panghihikayat sa angkop na kalusugan ng mga kababaihang buntis

(antenatal at postnatal care) at sa mga bata (pagbabakuna at deworming).

Sa pamamagitan ng dalawang pag-aaral makikita natin ang adbentahe at

disadbentahe ng 4P's. Ang unang pag-aaral ay nagsasabing kung hindi man

mangyayari ang pagbabago kung walanv suporta galing sa pamilya, komunidad,

lalo na sa bansa dapat raw ipagpatuloy ang programa hindi lang dahil sa mga

benepisyo pati narin ang pagtanaw sa mga bagay na hinahadlangan ang

pagbabago. Batay sa pag-aaral hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago ng

dahil na rin sa mga tao o miyembrong walang pakialam, kaya sinasabing

kailangang ipagpatuloy upang matanaw ang bagay na humahadlang nito, at dito

natin makikita ang disadbentahe na kung saan ang mga miyembro ang siyang

dahilan. Ang pangalawang pag-aaral ay mga adbentahe dahil tungkol ito sa mga

benepisyo na makukuha sa 4P's kagaya ng tulong pinansiyal at mga kondisyon

ng gobyerno na kung saan kapakanan parin ng mga mamamayan ang prioridad.

Mga kaugnay na literatura

Ayon sa artikulo na pinamagatang "Pantawid Pamilyang Pilipino Program:

Boon or Bane na ginawa ni Orbeta, Ancieto at Paqueo,Vicente at isinapubliko


13

noong 2016. Sinasabi sa artikulo na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program

ay tinaguriang "dole-out" na programa. Ang mga kritiko ay nakatuon sa

katotohanan na nagbibigay ito ng cash grant direkta sa mga pinakamahihirap na

pamilya. Ang iba naman ay naniniwala na ang pamimigay ay masasayang

lamang sa mga bisyo (alak, sigarilyo, pati na ang druga) sa halip na

importanteng bagay ( edukasyon at kalusugan ng mga bata)

Ayon naman sa artikulo na pinamagatang "Conditional Cash Transfer in the

Philippines: Is it reaching the extremely poor? na ginawa ni Tabuga, Aubrey D at,

Reyes, Cella M, at isinapubliko noonv 2012. Sa ngayon ang 4P's ay ang pinaka-

komprehensibo at kontrobersiyal na programa ng gobyerno na nagbabawas ng

kahirapan dahil sa malaking pundo na inilaan para rito.

At ayon naman sa artikulong ito na pinamagatang "Pantawid Pamilyang

Pilipino Program (4P's): Assistance to pupils education na ginawa ni Monica M.

Montilla at al Rocel A. Turco na isinapubliko noong 2015. Ang 4P's ay may

makabuluhang epekto sa edukasyon ng mga mag-aaral batay sa mga

benepisyaryo nito. Sila ay mas ginaganahan sa pagpasok dahil sa sapat na

supply ng kagamitan sa pag-aaral, sapat na pagkain, at mga suportado at aktibo

na mga magulang.

Batay sa tatlong artikulo , isa lamang ang nagpapakifa ng adbentahe sa

programa at ito ay ang halaga o importansiya ng programa sa mga kabataan

para sa kanilang pag-aaral na kung saan mas atktibo na ang mga kabataan sa
14

pagpasok dahil natatakot silang matanggal sa programa at dahil kumpleto na rin

ang kanilang mga kagamitan. Ang dalawang artikulo ay isa sa mga halimbawa

ng mga disadbentahe ng programa na kung saan , sinasabi ng ilan na ang tulong

pinansiyal ay pwedeng masasayang lamang sa mga bisyo ng mga magulang, at

ito ay hindi mailalaan sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Ang isang

artikulo naman ay nagsasabinv kontrobersiyal ang 4P's dahil sa laki ng pundo na

inilaan para rito, ngunit bakit hanggang ngayon marami pa rin ang naghihirap sa

buhay. Wala pa ring pagbabagong nagaganap.


15

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag aaral na ito ay patungkol sa bentaha at disbentaha ng mga

kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ang mga mananaliksik ay

gumamit ng isang kwantitatibong diskriptiv analitik bilang paraan ng pananaliksik.

Ito ay naglalaman ng mga nararapat na impormasyon na kailangan sa pag aaral.

Mga Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pananaliksik na ito ay mga magulang na

benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Humanap at pumili ang

mga mananaliksik ng limangpo (50) na mga magulang na benepisyaryo ng

Pantawid Pamilyang Pilipino Program na may edad 30-50 sa Barangay Vito,

Minglanilla Cebu.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey. Kung saan

ang mga mananaliksik ay namigay ng mga talatanungan sa mga benepisyaryo

ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Nakatulong din sa mga mananaliksik

ang mga impormasyon na nakalap mula sa internet upang makalikon ng datos at

nakatulong naman ito sa matagumpay na pag-aaral.


16

Tritment ng mga Datos

Ang mga katanungang isinagawa sa pakikipanayam ay lubos na pinag

isipan ng mga mananaliksik upang makuha ang mga kasagutan at opinion ng

mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Sa pamamagitan

ng pagsasarbey nakuha ng mga mananaliksik ang datos na kinakailangan sa

pananaliksik. Naisagawa ang pagtatally dahil katamtaman at sapat lamang ang

dami ng respondente.

porsyento %= bilang ng mga tagasagot x 100

kabuuang bilang ng mga respondente


17

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang bahaging it ay nagsasaad ng mga datos na naipon mula sa mga

talatanungan na pinasagutan ng mga respondente, at gayundin ang pagsusuri

ng mga mananaliksik tungkol sa pansariling impormasyon ng mga respondente.

Ang bahaging ito malinaw na ipinapakita.

Talahanayan 1.

Profile ng Gulang at Kasarian ng mga Tagasagot

Gulang Lalaki Babae Kabuoan


30 0 1 1
31 0 0 0
32 0 2 2
33 0 0 0
34 0 3 3
35 0 1 1
36 0 1 1
37 0 2 2
38 0 5 5
39 2 4 6
40 0 0 0
41 0 3 3
42 0 3 3
43 0 2 2
44 0 4 4
45 0 2 2
46 0 4 4
47 0 2 2
48 0 4 4
49 0 2 2
50 1 2 3
Kabuoan 3 47 50
18

Pinapakita sa talahanayan 1 ang gulang ng mga tagasagot. Makikita natin

na ang dayagram ay nahahati sa apat na kolum. Sa unang kolum, dito isinasaad

ang gulang ng mga tagasagot na inihanay mula 30 hanggang 50 taong gulang.

Ang pangalawa at pangatlong ay nagpapahiwatig sa dalawang kasarian; lalaki at

babae, at ang panghuling kolum ay kabuoang bilang ng mga tagasagot. Sa

gulang na 30, 0 ang lalaki at 1 ang babae na may kabuoan na 1 tao. Sa gulang

na 32, 0 na lalaki at 0 rin na babae na may kabuoan na 0. Sa gulang na 32 may

0 na lalaki at 2 na babae na may kabuoan na 2 na tao. Sa gulang na 33 may 0

na lalaki at 0 na babae na may kabuoang 0 na tao. Sa gulang na 34, 0 ang lalaki

3 ang babae na may kabuoang 3 na tao. Sa gulang na 35, 0 ang lalaki at 1 ang

babae na may kabuoang 1 na tao. Sa gulang na 36, 0 ang lalaki 1 ang babae na

may kabuoang 1 na tao. Sa gulang na 37, 0 ang lalaki 2 ang babae na may

kabuoang 2 na tao. Sa gulang na 38, 0 ang lalaki 5 ang babae na may kabuoang

5 na tao. Sa gulang na 39, 2 ang lalaki 4 ang babae na may kabuoang 6 na tao.

Sa gulang na 40, 0 ang lalaki 0 ang babae na may kabuoang 0 na tao. Sa gulang

na 41, 0 ang lalaki 3 ang babae na may kabuoang 3 na tao. Sa gulang na 42, 0

ang lalaki 3 ang babae na may kabuoang 3 na tao. Sa gulang na 43 0 ang lalaki

2 ang babae na may kabuoang 2 na tao. Sa gulang na 44, 0 ang lalaki 4 ang

babae na may kabuoang 4 na tak. Sa gulang na 45, O ang lalaki 2 ang babae na

may kabuoang 2 na tao. Sa gulang na 46, 0 ang lalaki 4 ang babae na may

kabuoang 4 na tao. Sa gulang na 47, 0 ang lalaki 2 ang babae na may kabuoang

2 na tao. Sa gulang na 48, 0 ang lalaki 4 ang babae na may kabuoang 4 na tao.

Sa gulang na 49, 0 ang lalaki 2 ang babae na may kabuoang 2 na tao. Sa gulang
19

na 50, 1 ang lalaki 2 ang babae na may kabuoang 3 na tao.

Talahanayan 2.

Pagbabahagdan sa Gulang at Kasarian ng mga Tagasagot

Gulang Lalaki Bahagdan Babae Bahagdan Kabuoan Bahagdan


30 0 0% 1 2% 1 2%
31 0 0% 0 0% 0 0%
32 0 0% 2 4% 2 4%
33 0 0% 0 0% 0 0%
34 0 0% 3 6% 3 6%
35 0 0% 1 2% 1 2%
36 0 0% 1 2% 1 2%
37 0 0% 2 4% 2 4%
38 0 0% 5 10% 5 10%
39 2 4% 4 8% 6 12%
40 0 0% 0 0% 0 0%
41 0 0% 3 6% 3 6%
42 0 0% 3 6% 3 6%
43 0 0% 2 4% 2 4%
44 0 0% 4 8% 4 8%
45 0 0% 2 4% 2 4%
46 0 0% 4 8% 4 8%
47 0 0% 2 4% 2 4%
48 0 0% 4 8% 4 8%
49 0 0% 2 4% 2 4%
50 1 2% 2 4% 3 6%
Kabuoan 3 6% 47 94% 50 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 2 ang pagbabahagdan ng gulang at kasarian

ng mga tagasagot. Sa gulang na 30, 0 ang lalaki na may bahagdang 0% at 1 na

babae na may bahagdan na 2%. Ito ay kabuoan ng 1 tao na may bahagdan na


20

2%. Sa gulang na 31, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at babae na 0 na

may bahagdan na 0%. Ito ay ang kabuoan ng 0 na tao na may bahagdan na 0%.

Sa gulang na 32, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 2 babae na may

bahagdan na 4%. It ay ang kabuoan ng 2 na tao na may bahagdan na 4%. Sa

gulang na 33, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at babae na 0 at may

bahagdan na 0%. Ito ay ang kabuoan ng 0 na tao, na may bahagdan na 0%. Sa

gulang na 34, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 3 na babae na may

bahagdan na 6%. Ito ay ang kabuoang ng 3 na tao na may bahagdan na 6%. Sa

gulang na 35, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0%, at 1 na babae na may

bahagdan na 2%. Ito ay ang kabuoan ng 1 na tao, na may bahagdan na 2%. A

gulang na 36, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0%, at 1 na babae na may

bahagdan na 2%. Ito ay ang kabuoan ng 1 na tao na may bahagdan na 2%. Sa

gulang na 37, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 2 na babae na may

bahagdan na 4%. Ito ay ang kabuoan ng 2 na tao, na may bahagdan na 4%. Sa

gulang na 38, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0%, at 5 na babae na may

bahagdan na 10%. Ito ay ang kabuoan ng 5 na tao na may bahagdan na 10%.

Sa gulang na 39, 2 ang lalaki na may bahagdan na 4%, at 4 na babae na may

bahagdan na 8%. Ito ay ang kabuoan ng 6 na tao na may bahagdan na 12%. Sa

gulang na 40, 0 ang lalaki na may bahagdan 0%, at Babae na 0 na may

bahagdan na 0%. Ito ay ang kabuoan ng 0 na tao na may bahagdan na 0%. Sa

gulang na 41, 0 ang lalaki at may bahagdan na 0% at 3 na babae na may

bahagdan na 6%. Ito ay ang kabuoan ng 3 na tao na may bahagdan na 6%. Sa

gulang 42, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 3 na babae na may


21

bahagdan na 6%. Ito ay ang kabuoan ng 3 na tao na may bahagdan na 6%. Sa

gulang na 43,0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 2 na babae na may

bahagdan na 4%. Ito ay ang kabuoan ng 2 na tao na may bahagdan na 4%. Sa

gulang na 44, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 4 na babae na may

bahagdan na 8%. Ito ay ang kabuoan ng 4 na tao na may bahagdan na 8%. Sa

gulang na 45, 0 na lalaki na may bahagdan na 0% at 2 na babae na may

bahagdan na 4%. Ito ay ang kabuoan ng 2 na tao na may bahagdan na 4%. Sa

gulang na 46, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 4 na babae na may

bahagdan na 8%. Ito ay ang kabuoan ng 4 na tao na may bahagdan na 8%. Sa

gulang na 47, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 2 na babae na may

bahagdan na 4%. Ito ay ang kabuoan ng 2 na tao na may bahagdan na 4%. Sa

gulang na 48, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 4 na babae na may

bahagdan na 8%. Ito ay kabuoan ng 4 na tao na may bahagdan na 8%. Sa

gulang na 49, 0 ang lalaki na may bahagdan na 0% at 2 na babae na may

bahagdan na 4%. Ito ay ang kabuoan ng 2 na tao na may bahagdan na 4%. Sa

gulang na 50, 1 ang lalaki na may bahagdan na 2% at 2 na babae na may

bahagdan na 4%. Ito ay ang kabuoan ng 3 na tao na may bahagdan na 6%.


22

Mga Adbentahe

Graf 1

Distribusyon ng mga respondent na nagsasabing ang perang galing sa

programa ay hindi sapat.

Graf 1

46% Oo

54% Hindi

Makikita sa graf ang ibat ibang saloobin ng mga miyembro ng Pantawid.

May dalawampu’t pitong (27) miyembro o 54% porsiyento na nagsasabing hindi

sapat ang perang ibinibigay ng 4P’s upang mabawasan ang problemang

pinansiyal ng pamilya. May dalawampu’t tatlong (23) miyembro naman o 46%

porsiyento na nagsasabing sakto o sapat lang ang perang natatanggap nila

upang mabawasan ang problemang pinansiyal ng pamilya, kahit papaano may

malaking naitutulong din ang pera para sa kanilang pamilya.


23

Graf 2

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing nasisiyahan sila sa

perang natatanggap mula sa 4P’s.

Grap 2
2%

Oo
Hindi

98%

Makikita sa graf na halos ang kabuoang porsiyento ay nagsasabing

nasisiyahan sila sa perang natatanggap galing sa gobyerno. May apatnapu’t

siyam (49) o 98% ay nagsasabing nasisiyahan sila sa perang ibinibigay ng

gobyerno sapagkat ito ay may malaking naitulong sa kanilang pamilya.

Samantalang may isang (1) miyembro lamang o 2% ang nagsasabing hindi siya

nasisiyahan sa perang natatanggap galing sa 4p’s dahil ito ay hindi sapat para

matustusan ang pangangailangan nila.


24

Graf 3

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing malaki ang

pasasalamat ng mga miyembro sa mga gobyerno dahil sa programa.

Graf 3
2%

Oo
Hindi

98%

Batay sa graf may isang (1) miyembro o 2% lamang na nagsasabing hindi

siya nagpapasalamat sa gobyerno. Samantalang binubuo naman 98%

porsiyento o may apatnapu’t-siyam (49) na miyembro ay nagsasabing malaki ag

pasasalamat nila sa gobyerno, dahil mas natutukan nila ang kalusugan at

edukasyon ng kanilang mga anak.


25

Graf 4

Distibusyon ng mga respondente na nagpapatunay na naibibigay ang

pangangailangan ng anak dahil sa 4P’s.

Graf 4
2%

Oo
Hindi

98%

Ang graf sa itaas ay nagsasabing may apatnapu’t siyam (49) na miyembro

o 98% na magulang na naibibgay nila ang pangangailangan ng kanilang anak ng

dahil sa programa, mas natutuonan nila ang edukasyon at kalusugan ng anak

dahil sa 4P’s. May isang (1) miyembro o 2% lang naman ay nagsasabing hindi

niya naibibigay lahat ng pangangailangan ng anak dahil kulang ang perang

natatanggap.
26

Graf 5

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing mas natutuonan nila

ng pansin ang kalusugan ng kanilang mga anak dahil sa 4P’s.

Graf 5

6%

Oo
Hindi

94%

Ayon sa graf may apatnapu’t pitong (47) na miyembro o 94% porsiyento

na nagsasabing mas natutuonan nila ng pansin ang kalusugan ng kanilang mga

ank ng dahil sa 4P’s. Samantalang may tatlong (3) miyembro lang naman o 6%

ay nagsasabing hindi nila masyadong natutuonan ng pansin ang kalusugan ng

kanilang mga anak.


27

Graf 6

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing umangat ang kanilang

buhay dahil sa 4P’s.

Graf 6

34%
Oo
Hindi
66%

Mapapansin mula sa graf na mas malaki ang porsiyento ng mga

miyembrong nagsasabing umangat ang kanilang buhay dahil sa 4P’s may

tatlongpu’t tatlo (33) na miyembro o 66% ay nagsasabing umangat ang kanilang

buhay dahil sa benipisyong binibigay ng Pantawid pamilyang Pilipino Program.

Samantalang may labing pitong(17) miyembro o 34% porsiyento ay nagsasabing

hindi umangat ang kanilang dahil kakaunti lamang ang perang kanilang

natatanggap.
28

Graf 7

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing inilalaan o iginagastos

nila ang perang ibinibigay sa pangangailangan ng kanilang anak.

Graf 7

Oo
Hindi

100%

Batay sa graf lahat ng mga respondente ay nagsasabing ginagastos nila

ang pera para sa pangangailangan ng kanilang mga anak. Ang kabuoang ito ay

100%.
29

Graf 8

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing bukod sa 4P’s may iba

silang pinagmumulan ng kita.

Graf 8

24%

Oo
Hindi

76%

Batay sa graf may labing dalawang (12) miyembro o 24% ay nagsasabing

wala silang ibang pinagkukunan ng kita bukod sa natatanggap nila na pera mula

sa 4p’s. At binubuo naman tatlongpu’t walong (38) miyembro o 76% porsiyento

ang nagsasabing meron silang ibang pinagkukunan ng kita bukod sa perang

natatanggap mula sa 4p’s.


30

Graf 9

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing ginagawa nila ang

kondisyon ng gobyerno.

Graf 9
4%

Oo
Hindi

96%

Ayon sa graf sa itaas meron lamang dalawang (2) miyembro o 4%

porsiyento na nagsasabing hindi nila nagagawa ang mga kondisyon ng

gobyerno, kadalasan ay hindi sila pumupunta sa mga pagpupulong.

Samantalang nasa mataas naman na bahagdan ang nagsasabing ginagawa nila

ang mga kondisyon ng gobyerno, aktibo sila sa anumang pagpupulong at iba pa.

Sila ay binubuo ng 96% porsiyento o sila ay may bilang na apatnapu’t walong

(48) na miyembro.
31

Graf 10

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing karamihan sa mga

miyembro ay hindi nakapagtapos ang kanilang anak sa kolehiyo.

Graf 10

30%

Oo
Hindi

70%

Ang graf sa itaas ay nagpapahiwatig na may tatlongpu’t-lima (35) o 70%

porsiyento na miyembro na nagsasabing hindi nakapagtapos ng kolehiyo ang

kanilang mga anak. Samantalang nasa mas mababa na bahagdan naman ang

nagsasabing nakapagtapos ang kanilang mga anak sa tulong ng 4P’s, ang

kanilang mga anak ay nabigyan ng scholarship kaya nakapagtapos ang mga ito.

Sila ay may bilang na labing lima (15) o 30% porsiyento.


32

Mga Disadbentahe

Graf 1

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing hindi sila dumidipende

sa perang ibinibigay ng gobyerno.

Graf 1

42%
Oo
Hindi
58%

Batay sa graf may dalawampu’t siyam (29) na miyembro o 58% porsiyento

ay nagsasabing hindi sila dumidepende sa perang ibinibigay ng gobyerno mula

sa 4P’s dahil kung dedepende sila sa pera magugutom lang ang kanilang

pamilya. Samantalang may dalawapu’t isa (21) naman na miyembro na

nagsasabing dumidepende sila sa perang natatanggap mula sa 4P’s dahil wala

naman silang trabaho na pagkukunan ng pera.


33

Graf 2

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing hindi nila ginagamit

ang pera para sa pansariling kasiyahan.

Graf 2

24%

Oo
Hindi

76%

Ayon sa graf na nasa itaas, mas lamang ang porsiyento ng mga miyembro na

nagsasabing hindi nila ginagamit ang pera o tulong pinansiyal para sa

pansariling kasiyahan at sila ay may bilang na talampu’t walo (38) 0 76%

porsiyento. Samantalang ang mga sumang-ayon naman o sumagot ng oo ay

may bilang na labing dalawa (12) 0 24% porsiyento.


34

Graf 3

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing hindi sakto ang perang

natatanggap nila sa loob ng tatlong buwan.

Graf 3

26%

Oo
Hindi

74%

Makikita sa grap na may talumpu’t pito (37) 0 74% porsiyento na

miyembro ay nagsasabing hindi sapat ang perang kanilang natatanggap sa loob

ng tatlong buwan, sapagkat marami ang kanilang pangangailangan lalo na’t may

mga anak silang nag-aaral. May labing tatlo (13) naman na miyembro o 26%

porsiyento ay nagsasabing sapat ang perang natatanggap nila mula sa 4P’s.


35

Graf 4

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing hindi nakatanggap ang

kanilang mga anak ng scholarship sa kolehiyo galing sa 4P’s.

Graf 4

30%

Oo
Hindi

70%

Ang graf sa itaas ay nagsasabing may tatlumpu’t limang (35) miyembro o

70% porsiyento ay nagsasabing, hindi nakatanggap ng scholarship sa kolehiyo

ang kanilang mga anak, dahil sabi nila hindi rin sila lumapit upang humingi ng

scholarship. May labing-lima (15) naman na miyembro o 30% porsiyento na

nagsasabing nakatanggap ng sholoarship ang kanyang mga anak at

nakapagtapos ito ng kolehiyo.


36

Graf 5

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing pinipili ang mga

kabataang makakatanggap ng scholarship sa kolehiyo.

Graf 5

30%

Oo
Hindi

70%

Makikita sa graf na mas malaki ang bahagdan o porsiyento ng mga

miyembro na nagsasabing pinipili ang mga kabataang makakatanggap ng

scholarship binubuo ito ng tatlumpu’t limang (35) miyembro o 70% porsiyento.

Samantalang may labing limang (15) miyembro o 30% porsiyento ay

nagsasabing hindi pinipili ang mga kabataang benepisyaryo, na bibigyan ng

scholarship, dahil kung miyembro ka ng 4P’s ang mga anak mo ay may

scholarship na.
37

Graf 6

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing nakaranas na sila na

ang pera ay hindi naibibigay sa itinakdang buwan o araw.

Graf 6

14%

Oo
Hindi

86%

Batay sa graf, may apatnapu’t tatlong (43) miyembro o 86% ay ay

nagsasabing nakaranas na sila na ang pera ay hindi nila natatanggap sa

itinakdang buwan o araw o mas kilala bilang “delay”, madalas nga raw ang

pagkaka-delay ng mga perang matatanggap nila. May pitong (7) miyembro

naman o 14% ay nagsasabing ni minsan ay hindi sila nakaranas ng ganitong

klaseng problema ngunit alam nila na ang iba ay nakaranas nito.


38

Graf 7

Distribusyon ng mga repondente na nagsasabing lahat ng mga miyembro

ay may tatlong anak lang na benepisyaryo.

Graf 7

16%

Oo
Hindi

84%

Ayon sa graf sa itaas, may apatnapu’t dalawa (42) na miyembro o 84%

porsiyento ay nagsasabing bilang isang miyembro ng 4P’s meron lamang silang

tatlong anak na benepisyaryo at base rin ito sa kanilang nalalaman.

Samantalang may walong (8) miyembro o 16% porsiyento ay nagsasabing may

ibang miyembro ng 4p’s na may tatlong anak pataas na benepisyaryo. Hindi nila

sinasabing sila iyon ngunit may kakilala silang higit pa sa tatlong anak ang mga

benepisyaryo.
39

Graf 8

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing, kadalasan ay hindi buo

ang perang natatanggap nila mula sa 4p’s.

Graf 8

25%

Oo
Hindi

75%

Makikita sa graf na may tatlongpu’t siyam (39) na miyembro o 75%

porsiyento na nagsasabing, kadalasan ay hindi buo ang perang kanilang

natatanggap ng dahil sa pagkaka-delay ng pera. May labing isang (11) miyembro

naman o 22% porsiyento ay nagsasabing palaging buo ang perang kanilang

natatnggap mula sa 4P’s.


40

Graf 9

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabinng kinakaltasan ng

DSWD ang tulong pinansiyal kung sakaling hindi sila makakapunta sa mga

pagpupulong.

Graf 9

18%

Oo
Hindi

82%

Batay sa graf may apatnapu’t isang (41) miyembro o 82% porsiyento ay

nagsasabing nakranas na sila ng pagkakaltas. Kung hindi man sila makakapunta

sa mga pagpupulong kakaltasan ito ng DSWD. Samantalang may siyam (9) o

18% porsiyento na nagsasabing hindi kinakaltasan ng DSWD ang pera kung

hindi sila makakapunta ng pagpupulong.


41

Graf 10

Distribusyon ng mga respondente na nagsasabing hindi sila nakaahon ng

hirap kahit may Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Graf 10

48% oo
52% Hindi

Makikita sa graf na kakaunti lang ang lamang ng mga porsiyento. May

dalawampu’t apat (24) o 48% porsiyento na mga miyembro ay nagsasabing kahit

papaano sila ay nakaahon na sa kahirapan, hindi man malaki ang pagbabago

ngunit nagpapasalamat parin sila dahil mas matiwasay na ang kanilang buhay

ngayon kumpara nuon. May dalawampu’t anim (26) o 52% porsiyento na

nagsasabing hindi umangat ang kanilang buhay. Dahil hindi sapat ang pera para

matustusan ang perang ibinibigay sa kanila ng gobyerno.


42

Kabuoan na Graf sa mga Kasagutan ng mga Respondente

Bentaha

120%

100%

80%

60% Oo
Hindi
40%

20%

0%
Graf 1 Graf 2 Graf 3 Graf 4 Graf 5 Graf 6 Graf 7 Graf 8 Graf 9 Graf 10

Disbentaha

100%
90%
80%
70%
60%
Oo
50%
Hindi
40%
Column2
30%
20%
10%
0%
Graf 1 Graf 2 Graf 3 Graf 4 Graf 5 Graf 6
43

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag aaral na ito ay tungkol sa mga disbentaha at bentaha sa mga

kabilang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Napili namin ang paksang ito

dahil naobserbahan namin sa panahong ito ang mga miyembro nito ay hindi

parin umaangat ang kanilang buhay. Marami parin ang naghihirap kahit sila ay

kabilang sa programang ito. Batay sa aming pagsasarbey, marami kaming

nakukuhang mga bentaha at disbentaha galing sa aming mga respondente na

tungkol sa kanilang nararanasan bilang miyembro ng Pantawid Pamilyang

Pilipino Program.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ng pamahalaan ang

kanilang hindi maayos na gawi tungkol sa kanilang programang inilahad.


44

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na mga datos ang mga mananaliksik ay

humantong sa mga sumusunod na kongklusyon.

a). Mas nangingibabaw ang bilang ng mga magulang na babae kaysa sa

magulang na lalaki na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na kung

saan ay karamihan ang may edad na 30 hanggang 50.

b). Maraming pamilyang Pilipino ang naging masaya at nagpapasalamat sa

tulong pinansyal na kanilang natatanggap mula sa gobyerno.

c). Marami sa mga Pilipino ang mas napagtuonan ng pansin ang kalusugan at na

bawas-bawasan ang pangangailangan ng kanilang mga anak dahil sa naipundar

o naiambag ng programang ito.

d). Hindi lahat ng anak ay miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program

dahil iba-iba ang limitasyon sa bilang ng mga anak sa bawat municipalidad.

e). May mga miyembro na dumidepende sa perang ibinibigay ng gobyerno dahil

kulang ang kanilang kinikita araw-araw.


45

f). Mas nangigibabaw ang bilang ng mga magulang na miyembro na

nagsasabing, kadalasan ay hindi nila natatanggap ang pera sa itinakdang buwan

o araw. At nangingibabaw rin ang mga magulang na miyembro na nagsasabing,

kadalasan ay hindi buo ang perang kanilang natatanggap galing sa programa.

g). May mga nagsasabing nakaahon sila ng kaunti ngunit karamihan sa kanila ay

nagsasabing hindi sila nakaahon sa kahirapan dahil hindi sapat ang perang

ibinibigay ng gobyerno.

Ang pananaliksik na ito ay napatunayan sa pamamagitan ng mga nakalap

na mga kaugnay na pag-aaral na pinamagatang “A look into the Behavioral and

Social Outcomes of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program” at “A Study of the

Enabling Factors and Challenges in the Utilization Material Health Care and

Family Planning Services of Pantawid Pamilyang Pilipino Program” na

nagsasaad sa mga bentaha at disbentaha ng programa. At sa mga literature na

pinamagatang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program: Boon or Bane”,

“Conditional Cash Transfer in the Philippines: Is it Reaching the Extremely Poor”

at Pantawid Pamilyang Pilipino Program(4P’s): Assistance to Pupils Education”.


46

Rekomendasyon

Kaugnay sa isinagawang pag aaral, buong pagpapakumbabang

iminungkahi naming sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan o

institusyon sa mga sumusunod na rekomendasyon:

a). Sa Pamahalaan, mas pagtuunan ng pansin ang mga kabilang ng Pantawid

Pamilyang Pilipino Program upang masubaybayan ang paggamit ng pera sa

gobyerno sa kalusugan ng kanilang mga anak at para sa wastong paggastos sa

mga pangangailangan ng pamilya.

b). Sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, mas mabuti

nang alam ninyo kung paano gamitin ang pera na ibinigay ng gobyerno sa

tamang paraan at sa ikabubuti ng inyong mga anak. Malaking tulong ang inilahad

na programa ang gobyerno dahil nakababawas ito sa problemang pinansyal.

Sundin niyo lang ang mga kondisyon na ibinibigay ng gobyerno.

c). Sa mga anak, pagbutihin ninyo ang pag aaral habang tinutulungan kayo ng

gobyerno sa mga gastusin sa paaralan sa pamamagitan ng programang

ipinatupad ng pamahalaan. Huwag sayangin ang pagkakataong ito dahil marami

pang opportunidad na ibibigay ang pamahalaan ng sa gayun ay makapagtapos

kayo at magkaroon ng magandang buhay.


47

d). Sa mga instructor/propesor, subaybayan ninyo ang mga estudyanteng

kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Siguraduhing nakapag aral

sila ng mabuti at pumapasok lagi sa oras ng klase at kinakailangang itala niyo

araw-araw ang kanilang presensya.

e). Sa mga susunod na mananaliksik, mas palawakin ninyo ang inyong

pananaliksik at pumili ng makahulugang paksa batay sa mga napapanahong isyu

nang sa gayun ay marami kayong makukuhang impormasyon.

You might also like