You are on page 1of 16

Kabanata II

Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura

Sa bahaging ito, ilalahad ang mga impormasyong nakalap mula sa mga PDF, mga

babasahin sa mga websayt, diksyonaryo, mga blog, at mga dyaryo sa internet. Layunin ng mga

datos na ito na suportahan ang pananaliksik ukol sa kultural na pambabastos sa kababaihan.

Lokal na Literatura

Ang pambabastos daw ay hindi maiiwasan. Nangyayari ang pambabastos hindi lamang sa

pagitan ng dalawang kasarian ngunit maaaring sa pareho (Antonio, 2017). Madalas irason ng

mga nambabastos na ang mga biktima raw ang humihingi ng kanilang ikababastos. Ang kanilang

mapang-ayang pananamit daw ang nagtutulak sa mga mambabastos upang isagawa ang aksyon.

Ang pagbibitaw ng birong may intensyong mambastos, isang karanasan sa rape culture, ay hindi

magiging katanggap-tanggap, kailanman. Maaaring magbigay ng trauma, pagkabahala, at

depresyon ang lahat ng mga pambabastos na ito (Uychiat, 2017). Nagpapakita ang sistema ng

katarungan ng hindi patas na pagpapanig sa batas. Inilahad ng isang mag-aaral galing ng Ateneo

Law School na ang batas masyadong luma at hindi naaayon sa konteksto ngayon ang ginagamit

sa kasalukuyang panahon. Sa kabilang banda, mas nagbibigay ng sosyo-ekonomikong kontrol

kaysa sa kontrol sa krimen ang batas. Ang mas may pera ang mas nakaaangat kaya nahihiya o

natatakot na humingi ng payong legal ang kababaihang mahihirap na nababastos (Antonio,

2017).

Nagatguyod ang pamahalaan ng Pilipinas ng mga kaukulang batas upang maiwasan o

mabawasan ang mga pambabastos laban sa mga kababaihan (Saligang Batas ng 1987). Nakasaad
sa Batas Republika Blg. 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995 na ang sekswal na

panliligalig ay hindi makatarungan sa trabaho, pag-aaral, at ibang lugar.

SECTION 3. Work, Education or Training -Related, Sexual Harassment Defined. - Work,

education or  training-related sexual harassment is committed by an employer, employee,

manager, supervisor, agent of the employer, teacher, instructor, professor, coach, trainor, or

any other  person who, having authority, influence or moral ascendancy  over another in a work

or training or education environment, demands, requests or otherwise requires any sexual favor 

from the other, regardless of whether the demand, request or  requirement for submission is

accepted by the object of said Act.

Sinasabi sa ikatlong seksyon ng batas na ito na may pananagutan ang sekswal na pang-

aabuso sa edukasyon at sa trabaho. Nakasaad na sinumang may mas mataas na posisyon, sa

edukasyon man o trabaho, na ginagamit ang kapangyarihan, impluwensya, o posisyon sa panga-

abusong sekswal ng kahit na anong uri, kahit pa tinanggap ng biktima ay mayroong kaparusahan.

Dinetalye ang depinisyon sa mga sumusunod na artikulo.

(b) In an education or training environment, sexual harassment is committed:      

(1) Against one who is under the care, custody or supervision of the offender;  

(2) Against one whose education, training, apprenticeship or tutorship is

entrusted to the offender;

(3) When the sexual favor is made a condition to the giving  of a passing grade,

or the granting of honors and scholarships,  or the payment of a stipend, allowance or other

benefits,  privileges, or consideration; or

11
(4) When the sexual advances result in an intimidating, hostile or offensive

environment for the student, trainee or apprentice.

Any person who directs or induces another to commit any act of sexual harassment as

herein defined, or who cooperates in the commission thereof by another without which it

would not have been committed, shall also be held liable under this Act.

Sa Section 3B, isa hanggang apat ang nagbibigay-linaw sa lawig at sa uri ng panga-abuso.

Sinasabi na ang mambabastos ay maaaring sinumang may mas mataas sa biktima, maaari siyang

kilalanin bilang supervisor o guro at nakasalalay ang edukasyon o trabaho ng biktima sa kanya.

Maaari ring sa paraan ng pagbibigay ng kondisyon kapalit ng grado, karangalan, o anumang

kinakailangan ng biktima sa kaniyang pag-aaral o trabaho ang pambabastos. Maari ring ituring

pambabastos ang pananakot, pagkilos o pagsalita at pagpipilit kahit hindi pisikal ng kahit anong

gawaing sekswal; maparurusahan din ang mga naging kasabwat o ang mga nakakaalam ng mga

ganitong gawain ngunit walang ginawa.

SECTION 4. Duty of the Employer or Head of Office in a Work-related, Education or

Training Environment. - It shall be the duty of the employer or the head of the work-related,

educational or training environment or institution, to prevent or deter the commission of acts of

sexual harassment and to provide the procedures for the resolution, settlement or prosecution of

acts of sexual harassment. Towards this end, the employer or head of office shall:

(a) Promulgate appropriate rules and regulations in consultation with and joint1y

approved by the employees or students or trainees, through their duly designated

12
representatives, prescribing the procedure for the investigation of sexual harassment cases and

the administrative sanctions therefore.

Administrative sanctions shall not be a bar to prosecution in the proper courts for

unlawful acts of sexual harassment.

The said rules and regulations issued pursuant to this  subsection (a) shall include,

among others, guidelines on proper decorum in the workplace and educational or training

institutions.

(b) Create a committee on decorum and investigation of cases on sexual harassment. The

committee shall conduct meetings, as the case may be, with officers and employees, teachers,

instructors, professors, coaches, trainors, and students or trainees to increase understanding

and prevent incidents of sexual harassment. It shall also conduct the investigation of alleged

cases constituting sexual harassment.

In the case of the educational or training institution, the committee shall be composed of

at least one (1) representative from the administration, the trainors, instructors, professors or

coaches and students or trainees, as the case may be.

The employer or head of office, educational, or training institution shall disseminate or

post a copy of this Act for the information of all concerned.

Sa ikaapat na seksyon ng batas, ipinapaliwanag na dapat ay mayroong isang komite na

magsasagawa ng mga batas sa trabaho o sa institusyong pang-edukasyon ukol sa sekswal na

pang-aabuso. Sila rin ang dapat maghawak ng mga kaso nito at hindi hahayaang may humarang

sa mga ganitong kaso lalo na sa ikaliligtas ng nang-aabuso, bilang parte ng mas mataas na

posisyon, at maging patas sa pag-iimbestiga upang mas mapangalagaan ang mga naging biktima.

13
Dapat din nilang pigilan ang mga ganitong gawain sa kanilang institusyon o trabahong

kinabibilangan. Dapat ipakalap ang impormasyon sa batas na ito upang mas malaman ng

nakakarami.

SECTION 5. Liability of the Employer, Head of Office, Educational or Training

Institution. - The employer or head of office, educational or training institution  shall be

solidarily liable for damages arising from the acts of   sexual harassment committed in the

employment, education or training environment if the employer or head of office, educational or

training institution is informed of such acts by the offended party and no immediate action is

taken.

Nakasaad naman sa ika-limang seksyon ng batas na kapag napatunayan na walang

ginagawa ang institusyon na pinagtatrabahuhan ng biktima at nambastos, ang institusyon din ay

mananagot sa anumang sira na naibigay nito sa biktima.

SECTION 6. Independent Action for Damages. -  Nothing in this Act shall preclude the

victim of work, education or training-related sexual harassment from instituting a  separate and

independent action for damages and other affirmative relief.

Ayon naman sa ika-anim na seksyon, walang hahadlang sa biktima na magsagawa ng iba

pang hakbang upang mabigyan ng hustisya ang nagawang pangaabuso at walang maaaring

makipigil dito.

14
SECTION 7. Penalties. - Any person who violates the   provisions of this Act shall, upon

conviction, be penalized by    imprisonment of not less than one (1) month nor more than six (6)

months, or a fine of not less than Ten thousand pesos (P10,000) nor more than Twenty thousand

pesos (P20,000), or  both such fine and imprisonment at the discretion of the court.

       Any action arising from the violation of the provisions of this Act shall prescribe in three

(3) years.

Sa ika-pitong seksyon, sinasabi na sino man ang lumabag sa batas na ito, indibidwal man

o isang buong institusyon, ay makukulong o magbabayad ng bayad-pinsala; at maaari ring

parehas base sa desisyon ng korte.

Isang batas din ang napasa upang palawigin ang depinisyon ng panggagahasa, kung saan

pinagpalagay ito bilang isang krimen laban sa tao Sinusugan ng batas na ito ang Purpose Act

Blg. 3815, na kilala bilang Revised Penal Code, at sa iba pang layunin. Ito ay Batas Republika

Blg. 8353 o ang Anti-Rape Law ng 1997.

"Chapter Three"

"Rape"

"Article 266-A. Rape: When And How Committed. - Rape is committed:

"1) By a man who shall have carnal knowledge of a woman under any of the

following circumstances:

"a) Through force, threat, or intimidation;

"b) When the offended party is deprived of reason or otherwise

unconscious;

15
"2) By any person who, under any of the circumstances mentioned in paragraph 1

hereof, shall commit an act of sexual assault by inserting his penis into another person's mouth

or anal orifice, or any instrument or object, into the genital or anal orifice of another person.

Ayon sa Article 266-A, ang panggagahasa raw ay ginagawa nang may pamimilit,

pagbabanta, at pananakot, at kung ang biktima ay walang kaalam-alam sa panggagalaw na

ginawa sa kanya. Maituturing na panggagahasa ang ginagawa kapag ang ari ng lalaki ay ipinasok

sa bibig, puwit, o kahit anumang bagay na maipasok sa ibang ari ng ibang tao.

"Article 266-B. Penalty. - Rape under paragraph 1 of the next preceding article shall be

punished by reclusion perpetua.

"The death penalty shall also be imposed if the crime of rape is committed with any of the

following aggravating/qualifying circumstances:

"l) When the victim is under eighteen (18) years of age and the offender is a

parent, ascendant, step-parent, guardian, relative by consanguinity or affinity within the third

civil degree, or the common-law spouse of the parent of the victim;

"Rape under paragraph 2 of the next preceding article shall be punished by prision

mayor.

"Reclusion temporal shall be imposed if the rape is committed with any of the ten

aggravating/ qualifying circumstances mentioned in this article.

Ipinaliwanag naman ng Article 266-B ang mga kaparusahan sa paggawa ng kasong ito.

Lahat ng nasabing pambabastos sa unang sanaysay ay papatawan ng reclusion perpetua o

16
pagkakakulong pang-habambuhay. Mapapatawan din ng pang-habambuhay na pagkakakulong

ang nagkasala kung ang biktima ay minor de edad at ang gumawa ng pambabastos ay magulang,

mas nakatatanda, foster parent, tagapagbantay, kamag-anak hanggang sa ikatlong antas ng

pagiging magkadugo, o kahit ang kapamilya ng magulang ng biktima.

Samantala, isang batas din ang nagawa upang protektahan ang mga kabataan. Ang Batas

Republika Blg. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and

Discrimination Act ay nagsasaad na magbibigay ng malakas na pagpapaudlot ay espesyal na

proteksyon laban sa pang-aabuso sa mga bata.

SECTION 3. Definition of Terms. –

(a) "Children" refers to person below eighteen (18) years of age or those over but

are unable to fully take care of themselves or protect themselves from abuse, neglect, cruelty,

exploitation or discrimination because of a physical or mental disability or condition;

(b) "Child abuse" refers to the maltreatment, whether habitual or not, of the child

which includes any of the following:

(1) Psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and

emotional maltreatment;

(2) Any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the

intrinsic worth and dignity of a child as a human being;

(d) "Comprehensive program against child abuse, exploitation and

discrimination" refers to the coordinated program of services and facilities to protected children

against:

(4) Other acts of abuses; and

17
(5) Circumstances which threaten or endanger the survival and normal

development of children

Tinukoy ng ikatlong seksyon ng batas na bata ay isang taong hindi pa nakatutungtong sa

18 taong gulang o higit pa na hindi pa kayang suportahan ng pangkabuoan ang kani-kanilang

sarili mula sa pang-aabuso, pananamantala, karahasan, o diksriminasyon buhat ng kapansanang

pisikal o kondisyong mental. Ang pang-aabuso sa kabataan ay tumutukoy sa pangmamaltrato o

paggawa ng kahit anuman sa bata na maaaring makapahamak sa kanyang buhay at sa kanyang

paglaki. Kasama sa batas na ito ang pisikal na ginagawa o berbal na pananalita laban sa bata.

SECTION 5. Child Prostitution and Other Sexual Abuse. – Children, whether male or

female, who for money, profit, or any other consideration or due to the coercion or influence of

any adult, syndicate or group, indulge in sexual intercourse or lascivious conduct, are deemed to

be children exploited in prostitution and other sexual abuse.

The penalty of reclusion temporal in its medium period to reclusion perpetua shall be

imposed upon the following:

(b) Those who commit the act of sexual intercourse of lascivious conduct with a

child exploited in prostitution or subject to other sexual abuse; Provided, That when the victims

is under twelve (12) years of age, the perpetrators shall be prosecuted under Article 335,

paragraph 3, for rape and Article 336 of Act No. 3815, as amended, the Revised Penal Code, for

rape or lascivious conduct, as the case may be: Provided, That the penalty for lascivious

conduct when the victim is under twelve (12) years of age shall be reclusion temporal in its

medium period.

18
Sa ika-limang seksyon naman ng batas, tinukoy na ang pambubugaw sa bata upang

makakuha ng pera sa kanila, pilit man o buhat ng utos ng isang nakatatanda, sindikato o grupong

hinihikayat ang pakikipagtalik o kahit ano mang gawaing barbariko na nagtutulak sa ma bata na

sumabak sa prostitusyon at makaranas ng pambabastos. Papatawan ng reclusion temporal

hanggang reclusion perpetua ang mga nasabing pambubugaw sa kabataan upang gumawa ng

sekswal na gawain kapalit ng pera.

Pinirmahan na ng alkalde ng lungsod ng Quezon na si Herbert Bautista ang batas na

sumususog sa gender development code. Dahil sa pagpirma niyang ito, ang lungsod ng Quezon

ang kauna-unahang lungsod sa Pilipinas na magbibigay ng parusa sa pambabastos sa mga

kababaihan sa pampublikong lugar. Ang anti-catcalling ordinance ay ordinansang may layuning

magpapataw ng bayad-pinsala at pagkakakulong sa mga mambabastos sa mga kababaihan. Ang

pangunahing layunin ng ordinansang ito na baguhin ang kultural na kaisipan ng mga kalalakihan

sa kababaihan. Susuportahan ng ordinansang ito ang ibang pambansang batas na nagpoprotekta

sa interes ng kababaihan tulad ng Anti-Sexual Harassment Act of 1995 at sang-ayunan ang mga

probisyon ng Batas Republika Blg. 9710 o ang Magna Carta ng Kababaihan.

Kasama sa ordinansa ang mga magagaan na paglabag tulad ng pagmumura, panunutsot,

paulit-ulit na paghingi ng numero o date sa biktima, at tuyain ang isang babae ng biglaang usapin

ukol sa pagtatalik, na maaaring ipahiya ang kababaihan. Papatawan ang mga gawaing ito ng

bayad-pinsala mula Php 1,000 hanggang Php 5,000 o pagkakakulong na hanggang isang buwan.

Maituturing may kabigatang paglabag sa ordinansa at may parehong kaukulang parusa ang

paniniktik, pagkakaroon ng bastos na pananalita, mga kilos ng kamay at ulo na may layunin ng

pagbabanta. Tinutukoy ng mabigat na paglabag sa batas ang panghihipo, pangungurot, pagkiskis

19
sa katawan ng biktima, pampublikong masturbesyon o malaswang pagpapakita ng katawan sa

harap ng babae, at pagpasok ng anumang gamit sa ari, puwit, o bibig ng biktima.

Para sa ikatlong paglabag sa batas, makukulong ng 11 hanggang 30 araw o pagbabayarin

ng Php 5,000 ang mga nakagawa ng magaan at may kabigatang paglabag habang makukulong

mula anim na buwan hanggang isang taon ang mga gumawa ng malalang paglabag. Ang

kaparusahang ito ang tanging pinapayagan ng Local Government Code.

Maaaring magsampa ng reklamo ang mga biktima sa presinto o maaari silang tumawag

sa QCPD’s Women and Child Protection Hotline. Nagtalaga sa mga Barangay Councils ng

Protection of Children at Violence Against Women (VAW) desks para masiguardong

napoprotektahan ang kababaihan at kabataan, ang gobyerno ng lungsod (Local Government of

Quezon City, 2016).

Banyagang Literatura

Ang Kultural na Pambabastos o “Rape Culture” ay isang terminolohiyang ginamit na

noon pang 1970s ng mga peminista sa Estados Unidos (WAVAW). Nangyayari ang rape culture

sa pamamaraan ng: paggamit ng salitang nagsusulong ng seksismo laban sa kababaihan,

pagtingin ng kababaan sa mga katawan ng kababaihan, paggamit ng mga salitang tinatakpan ang

aktwal na pangyayaring sekswal na karahasan, na gumagawa ng lipunang hindi nagbibigay-

pansin sa mga karapatan at kaligtasan ng mga kababaihan (Unibersidad ng Marshall).

Biktima mismo ang kadalasang nasisisi sa kanilang pagkabastos. Nais ilayo ng mga tao

ang kanilang kalagayan sa biktima kaya sinisisi nila ang biktima sa pambabastos na kanyang

naranasan (Southern College). Ang pagtuturo sa mga kababaihan ng tamang pananamit upang

maiwasan ang pambabastos ay isang uri ng paninisi sa biktima (Unibersidad ng Marshall).

20
Namimilit ang mga kalalakihan ng mga kababaihan upang sila ay maka-iskor sa kanila

buhat ng kanilang presyur sa kanilang mga kaibigan (Unibersidad ng Marshall). Ang mga

paniniwala at kaisipan na hikayatin ang kalalakihan na ipakita ang kanilang pagiging agresibo

pagdating sa mga kababaihan ay nagpapakita ng hindi makatarungang aksyon (WAVAW).

Hindi lamang sa mga publiko nangyayari ang mga pambabastos na nararanasan ng mga

kababaihan, ito ay maari na mangyari din kung saan ka nagtatrabaho. Inaabuso ng mga ibang tao

ang kanilang mga matataas na posisyon.(Brewis, 2001; Sedley and Benn, 1982). Hindi lamang

pisikal na pambabastos ang nararanasan ng mga ibang kababaihan na pambabastos kundi maari

ring pag-diskrimina ng mga posisyon dahil sa kanilang kasarian (Bratton, 1991; White, 2017).

Sila ay nakararanas ng pagbubuksa na nauuwi sa pambabastos; pisikal o berbal. Mayroon iba't-

ibang klase na panliligalig, tahasang sekswal a pahayag at biro, pambabastos sa telepono o email

at nauuwi sa pambabastos. Hindi ginusto ng mga bikima ang kanilang karanasan at maaari itong

makaapekto sa kanila.

Ang pambabastos ay may negatibong epekto hindi lamang sa kababaihan kundi doon sa

pinagtatrabahuhan. Maaaring magkaroon ng sakit, kahihiyan, sama ng loob o galit, tiwala at

psychological damage, ngunit hindi lamang ito nakakaapekto sa biktima kundi sa

pinagtatrabahuhan din, maaaring bumaba ang pagganap ng pinagtatrabahuhan, Mababang

kasiyahan sa trabaho na maaring mauwi sa pagbitiw sa trabaho. Malaki ang epekto ng karanasan

ng pambabastos sa isang tao dahil maaari itng makasira ng buhay.

Pag nakaranas ng mga sitwasyon na katulad ng pambabastos ay hindi dapat matakot. May

tatlong simpleng paraan para maiwasan at hindi na maulit ang naranasan na pambabastos. Una,

wasan pangalawa, Alamin o Tandaaan kung saan naganap ang pambabastos o seksual na

21
pangaabuso at panghuli magpaimbestiga o mag-ulat ng reklamo sa naranasan na pambabastos o

sekswal na pangaabuso (Hunt, et. al., 2007; White, 2017).

Lokal na Pag-aaral

Isang karanasan sa rape culture ang panunutsot o catcalling. Ang panunutsot ay

tumutukoy sa sekswal na pagtatawag o pagbibigay ng komento patungkol sa isang tao sa

pampublikong lugar. Ngunit, hindi lamang sa pisikal na lugar nangyayari ang panunutsot. Maaari

ring mangyari ang pambabastos na ito sa social media. Maaaring maging uri ng panunutsot ang

pagbibigay ng malisyosong komento sa internet (Tolentino, 2016).

May iba’t ibang aspetong kaugnay ng pambabastos. Ang tagal ng paghawak ay

makikitang pambabastos kung ang tagal ng paghawak kapag nagtagal ito nang higit pa sa

inaasahang panahon ng paghawak. Mas nangangailangan ng panandaliang paghawak ang mas

pribadong parte ng katawan ng tao. Ang pwersa ng paghawak, maituturing na pambabastos kung

ang paghawak ay nagiging mahigpit at mapilit. Maituturing na sekswal na panliligalig ang

paghawak sa pribadong parte ng katawan nang walang pahintulot. Maaring pribado o hindi

pribadong parte ang bahagi ng katawang pinanghawak sa biktima. Ito ay maaaring bibig, mukha,

kamay, at ari. Pambabastos ang paggamit ng isang tao ng sekswal na oberton at patutsada o

direktang pahayag ng sekswal na paghahangad (Samonte,1995).

Tatlo sa limang babae ang nakaranas na ng pambabastos kahit isang beses sa buhay nila.

Samantalang 88% ng mga kakabaihang edad 18 hanggang 24 ang nakararanas ng sekswal na

panliligalig sa talambuhay nila. 70% naman ang mga estrangherong mambabastos; ang mga

taong nakakasalamuha ng mga biktima tulad ng kanilang kasama, kakilala, at malapit sa kanila

pa ang ibang uri ng mambabastos. Umabot sa 58% ang mga pambabastos na nangyayari sa mga

22
kalye, mga daan, at mga eskinita at 70% ng pambabastos ay nangyayari tuwing umaga mula ika-

anim N.U. hanggang ika-anim N.G. Isa sa dalawang babae ang walang ginawa pagkatapos nilang

mabastos at 20% naman ang nagsabing buhat ito ng kanilang takot.

Tatlo sa limang kalalakihan ang umamin sa pagsasagawa ng sekswal na panliligalig kahit

isang beses sa kanilang buhay. May dalawa sa limang tao ang umaming ginawa nila ang

pinakamasasahol na uri ng sekswal na panliligalig sa kanilang biktima tulad ng pagpapakita ng

ari, masturbesyon sa pampublikong lugar, at panghihipo. Samantala, ang mga mambabastos ay

kinilala sa kanilang iba’t-ibang estado sa buhay. 52% ang bahagdan ng mga lalaking nambastos

na walang trabaho habang may mga trabaho ang natitirang 48%. Nasa 32% naman ang mag-aaral

sa kolehiyo ang umaming nambastos na sila, 28% sa elementarya, 26% sa sekundarya, at 14%

ang hindi nag-aaral na nakapambastos na. Ang mga in-school ang nagtaya ng 55% ng

kalalakihang nakaranas nang mambastos at 45% ang mga out-of-school na nambastos (SWS,

2016).

Banyagang Pag-aaral

Sa pagtingin bilang pangkaraniwan ang mga pambabastos na nagaganap sa mga

kababaihan, nagkakaroon ng rape culture kapag ang lipunan (Emilie Buchwald, et. al., 1994).

Dahil sa pagtingin ng karaniwan ng ibang tao sa pambabastos, Nakasanayan na ito ng mga ibang

tao na mambastos sa iba’t ibang kababaihan kaya ang sitwasyon ay lumalala. Sa araw-araw na

pagalis ng mga iba’t ibang kababaihan, laging may posibilidad na mabastos sila, Hindi naiiwasan

ng mga ibang kababaihan na mabastos dahil Ang rape culture ay nangyayari araw-araw at kahit

saan (Ridgway, 2014).

23
Isa sa apat na kalalakihan ang nakasubok nang manggahasa. Ang mga mananaliksik na

nagsagawa ng pagsisiyasat sa 10,000 kalalakihan sa Bangladesh, Tsina, Cambodia, Indonesia,

Papua New Guinea, at Sri Langka ay tumingin sa pag-uugali sa sekswalidad sa bawat rehiyon sa

Timog-Silangang Asya. Ang mga pag-uugaling ito ang mga maaaring nakaapekto sa resultang

kanilang nakalap sa anim na bansa. Datapwat, may mga malalaking impormasyon silang

natuklasan (United Nations, 2013).

Karamihan sa mga tao ay may maling pagtukoy kung ano ang panggagahasa. Iniisip ng

mga tao na ang panggagahasa ay isang simpleng bagay na maaaring gawin ng isang tao. Ang

pag-ulit sa mga pambabastos ay madalas sa mga nanggagahasa. Humigit-kumulang 23% ang

umaming nakapanggahasa na sila ng dalawa hanggang tatlong tao. 12% naman ang nagsabing

nanggahasa na sila ng apat hanggang sampung tao habang apat na porsiyento ang umaming

nanggahasa na sila ng higit pa sa sampung tao.

Sa pagkabata nabubuo ang pagkakaroon ng hindi magandang pagtingin sa sekswalidad.

Lagpas sa kalahati ng kalahok ng pagsusuri ang umamin na nakapambastos sila noong binata pa

sila. Kadalasang nasa 15 hanggang 19 na taong gulang ang mga lalaking gumagawa ng sekswal

na krimen (Ressler, 2013). Ang pagtanggal ng ganitong kaisipan ay dapat sinisimulan sa

pagkabata hanggang sa paglaki upang maturuan ang kalalakihan (Jewkes, 2013).

Nambabastos ang kalalakihan dahil sila ay naturuan na may karapatan sila para angkinin

ang katawan ng kababaihan. Isa sa konsepto ng rape culture ay ang pagiging hindi maiwasan ng

pambabastos dahil hindi ito mapipipigilan ng mga kalalakihan kaya dapat protektahan ng

kababaihan ang mga pambabastos na ito. 40% ang nagsabing galit sila o gusto nilang parusahan

ang kababaihan havang kalahati ng kalalakihang nambastos ay hindi nakokonsensya sa kanilang

ginawa. Ang pambabastos ay hindi gaano napaparusahan sa Timog-Silangang Asya. 23% lang

24
ng kalalakihang umamin sa panggahasa ang nakulong dahil sa krimen. Sa mga campus sa

kolehiyo sa Amerika, tatlong porsiyento lamang ang napupunta sa kulungan dahil sa kanilang

krimen habang ang iba ay nakatatanggap ng sobrang gaang parusa tulad ng pagsulat ng mga

sanaysay at paglagay sa kanila sa social probation, imbes na matanggal sa paaralan (Ressler,

2013).

25

You might also like