Professional Documents
Culture Documents
Floridablanca, Pampanga
Floridablanca, Pampanga
Ikatlong Grupo
Gabrielle M Rivato
Juilana I Defeo
Liamarie M Magtulis
I. Panimula
kasalukuyan. Isa sa mga suliraning matagal nang lumiligalig sa atin ay patungkol sa sekswal
Social Weather Survey noong taong 2016 kung saan naitala na tatlo sa limang kababaihan sa
pag-uutos ng sekswal na pabor mula sa iba. Nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao,
nararamdaman nila na hindi sila ligtas, at ipinipigilan sila na maabot ang kanilang buong
sekwal na panliligalig ay ang Republic Act No. 11313 o “Safe Spaces Act of 2019” o
tinaguriang Bawal Bastos Law. Inamendahan nang batas na ito ang Republic Act 7877 o ang
“Anti-Sexual Harassment Act of 1995”. Nilalayon nang RA 11313 na palawakin ang sakop
na proteksyon nang batas upang mas mapaigting ang layon nitong masuplong ang laganap na
panliligalig ang isang aksyon mapaberbal o pisikal ma ito. Ito ay pisikal kung ang biktima ay
pagiging hindi komportable. Ito naman ay maituturing na berbal kung ang prey o ang biktima
bagay,larawan, o sulat na may bahid ng sekswal. Ang sexual predator o sexual offender ay
2|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
Ngunit sa ilalim nang bagong batas, ang RA 11313, na inaprubahan at naging batas
noong Abril 17, 2019, maaari nang magkaroon nang sekswal na panliligalig na ginawa nang
isang mag-aaral sa kanyang kamag-aral o kahit pa sa kanyang guro, o ginawa nang isang
empleyado sa kapwa niya empleyado o sakanyang nakatataas. Sa ilalim nang bagong batas
na ito, maliit na lamang ang konsiderasyon sa karakter nang sexual predator o offender, sa
katayuan nito o sa posisyon na hawak nito. Ang superiority o moral ascendancy ay isa
lamang sa mga katangian na kinukunsidera. Batay din sa RA 11313, hindi lamang mga
kababaihan ang maaaring maging biktima nang sekswal na panliligalig kundi pati na rin mga
kalalakihan o miyembro nang LGBTQ+. Ang pambabastos sa kalsada tulad nang pagpito sa
social media tulad nang Facebook o Twitter nang mga malalaswang komento laban o direkta
sa kapwa ay labag din sa batas at pinaparusahan bilang street sexual harassment at online
Ang pagbabago at paglawak nang sakop nang batas laban sa sekswal na panliligalig ay
tugon nang mga mambabatas sa tumataas na kaso nang mga pambabastos. Kinikilala na dahil
Ang mga mananaliksik sa pagaaral na ito ay naglalayong ipaalam kung ano nga ba ang
dahlian, epekto at solusyon kung paano haharapin and sekswal na panliligalig. Nais nang
mga mananaliksik na makatulong ang pagaaral na ito sa ibang tao upang mas madaling
maintidihan ang sakop nang batas at makatulong na masugpo ang problema sa pamamagitan
Ang layuning ito ay dulot nang mataas na antas nang mga kaso nang sexual harassment
na hindi ipinapaabot sa mga otoridad dahil sa maling paniniwala tungkol sa isyung ito.
3|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
Sa pag-aaral na ito, layon nang mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na
suliranin o katanungan:
(a) Ano nga ba ang sekswal na panliligalig at ang mga aspeto nito
(c) Bakit ng aba laganap ang sekswal na panliligalig at bakit hindi ito natugunan agad
(d) Ano ang mga maaaring maging tugon nang bawat mamamayan upang makatulong na
Sa pananaliksik na ito, tatalakayin ang legal at sosyal na aspeto nang problema, kabilang dito
ang pagtalakay sa mga batas patungkol sa paksa nang pagaaral na ito at mga desisyon nang
Korte Suprema nang Pilipinas bilang basehan. Tatalakayin din sa pag-aaral na ito ang mga
4|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
na hinaharap nang bawat bansa. Ayon sa Cambridge Dictionary, ang sekswal na panliligalig
ay ang hindi kanais-nais, hindi pinahihintulutan at hindi nababagay o nararapat na mga gawa
pananalita at maaari rin itong sa pamamagitan nang paggamit nang intimidasyon, pwersa, o
koersyon.
Ano nga ba ang dahilan ng sekswal na panliligalig o sexual harrasment? Sa tanong na ito
ay marami ang naging kasagutan. Una, ang dominasyon ng sexual harraser sa kanyang
pamayanan, o institusyon. Ito ay isa sa mga dahilan ng sexual harrassment dahil ang
ang kanyang biktima. Ang pangalawa naman ay ang pagiging Pedophile. Ang Pedophilia ay
ang mental na karamdaman na nag uudyat sa pagkagusto o pagnanais sa mga bata o menor de
edad sa sekswal na aspeto. Ang mga Pedophile ay maaaring gamitin ang kanilang edad
upang mapasunod ang mga bata o menor de edad sa sekswal na gawain. Ang huling dahilan
naman ay ang kawalan ng moral ng mga taong gumagawa nito. Ang mga taong ito ay walang
Maraming aspeto at uri ang sekswal na panliligalig tulad na lamang nang paghingi nang
mga pabor na may katangiang sekswal kapalit nang isang bagay na maaaring makatulong sa
biktima. Sa uring ito nang sekswal na panliligalig, ginagamit nang sexual offender ang
nakatataas nitong posisyon o ang kapangyarihan nito laban sa biktima upang mapasunod nito
ang biktima sa kanyang nais. Ang isa pang uri o aspeto nang sekswal na panliligalig ay kilala
bilang quid pro quo na nagpapatungkol sa isang sitwasyon kung saan and desisyon nang
upang pumayag ito sa nais nang offender na sekswal na pabor o Gawain. Ang sekswal na
tulad nang catcalling, wolf-whistling, pagpapakita nang maseselan na bahagi nang katawan,
5|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
na aktibidad, o ang paulit ulit na pagsabi nang nakakabastos na pananalita. Kabilang din sa
mga aspeto or uri nang sekswal na panliligalig batay sa batas ay ang online sexual
pagsunod sa biktima saan man siya magpunta o paguusisa sa mga aktibidad niya.
Batay sa mga pag-aaral na ginawa sa ibang bansa tulad nang pag-aaral ni Citron
(2009) , Penrod (2010), Mantilla (2013), Marwick (2017), at Hassan et al (2018), ang
sekswal na panliligalig ay nakakaapekto hindi lamang sa buhay nang biktima kundi narin pati
sa lipunan.
kabuuang kapakanan nang biktima. Ito din ay nagdudutot nang emosyonal na pagkabahala at
nililimitahan nito ang kakayanan nang biktima, ang kanyang mga galaw, at ang karapatan na
sabihin ang kanyang nais. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot nang matinding takot sa
pamamagitan nang nilalagay nito ang sector nang kababaihan pati narin ang sector na
kalalakihan.
kapaligiran. Ito ay isang banta sa seguridad at kaayusan sa bansa. Ito din ay isang
pangalagaan.
Sa tinagal tagal nang problema ang sekswal na panliligalig at sa pagiging laganap nito sa
bawat bansa, isa parin itong malaking suliranin na hinaharap pati nang mga mauunlad na
bansa. Base sa mga pag-aaral na ginawa tulad na lamang nang kina Citron (2009) at Paluck
6|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
et al (2010), ang patuloy na paglaganap nang problema ay maaaring dulot nang maling
pananaw nang tao na isa lamang itong mababaw na suliranin at hindi malaking banta sa
seguridahan at kapahamakan. Hindi rin nakakatulong ang popularidad nang mga palabas na
pamantayan sa kababaihan tulad na lamang nang ang paninisi sa kanila tuwing sila ay
nagiging biktima dahil sa kasuotan o sa pagbibigay motibo para sila ay mabastos. Dahil dito,
pagliligalig, inamendahan nang Republic Act No. 11313 ang Republic Act No. 7877 o Anti-
Sexual Harassment Act of 1995. Ang bagong batas na RA 11313 ay panukalang batas na
laban sa sekswal na pagliligalig at mas mataas na parussa upang maging daan para maging
itong halimbawa na hindi dapat pamarisan nang iba. Ang panukalang batas na ito ay
mga karanasan nang iba’t ibang tao na naging biktima nang pagliligalig. Ang kampanyang
ito ay nagsulong na mas paigtingin at higpitan ang kaparusahan para sa krimen na sekswal na
pagliligalig.
Ayon kay Citron (2009), malaking tulong ang mga panukala sa batas para mapuksa o
malaking kabawasan sa mga kaso nang pambabastos na dinaranas lalo na nang mga
kababaihan. Layon nito na mabigyan nang seguridad at kapayapaan ang bawat tao na
malayang maipahayag ang sarili, makagalaw, at makamit ang anumang abot nang kanilang
7|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
Sa kabila nang solusyong ito nang gobyerno, mas magiging epektibo ang batas na ito
kung magkakaroon nang kooperasyon ang bawat mamamayan upang makitil ang problema
Napakalalang trauma ang nararanasan ng mga biktima ng sexual harassment lalo na ng mga
batang nakaranas nito. Hindi lang ang pisikal na kalusugan ang naapektuhan nito kundi ang
mental na kalusugan din ng mga biktima. Ayon kay Dr. Colleen Cullen, isang psycologist,
karahasan mula sa kanilang sexual harraser. Ayon naman kay Dr. Nikeishia Hammond, isang
kanyang pisikal na kalusugan. Ito ay maaring maging dahilan ng sakit sa kalamnan, sakit ng ulo,
Nangyayari din ang "victim blaming" o ang paninisi ng ibang tao sa biktima kung bakit
nangyari sakanya ito. Maaring ang pag susuot ng mga biktima ng mga maiikli o nakakapangakit
na damit ang dahilan kung bakit naging biktima sila ng sexual harassment. Ang pangyayaring ito
biktima.
Nararapat lamang na ito’y matigil. Ngunit lalong naging mahirap ang pagtigil sa pag-iral ng
kulturang ito sapagkat ang bansa natin ay nasa ilalim ng lipunang patriyarkal kung saan ang
kalalakihan ay may awtoridad higit pa sa kababaihan sa maraming aspeto. Buhat din ng lipunang
ito ang tuluyang paglubha ng kawalan ng respeto tungo sa kababaihan. Lalo na’t ang
isinisisi pa ang pisikal na hitsura ng kababaihan kung bakit sila ay ginagahasa. Isa sa maraming
beses na nagbiro ang nasabing presidente ay noong taong 2018, kung kailan mataas ang bilang
8|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
ito sa pagka-presidente at isang Australian missionary ang na- “gang rape”. Sinabi ng presidente
na dapat ay pinauna siya sa paggahasa sapagkat siya ay mayor. Sa halip na tugunan ang
Ang bilang humigit-kumulang 500 na bata na nagiging biktima ng incestuous rape taun-taon.
Mapatutunayan na ang mga karahasang nangyayari ay dahil sa pagtingin sa iba bilang sekswal na
bagay. Ang pagsuot ng damit na nagpapakita ng balat ay hindi kailanma’y naging imbitasyon
para sa karahasan. Ang pagsuot ng damit kung saan komportable ang isang tao ay hindi
kailanma’y naging dahilan para mambastos ng kapwa. Wala ito sa pananamit, sa lahi, edad o
pisikal na hitsura. Ang karahasan ay patuloy na mananatili dahil lamang sa mga nanghaharas. At
V. Programang Panlipunan
Batay sa pag-aaral ng mga mananaliksik upang mapabisa ang kampanya para masolusyonan
ang problema sa sekswal na panliligalig, kinakailangan na maipaunawa ang nilalaman nang batas
sa lahat ng tao anuman ang kanilang pinagaralan dahil masasabi na epektibo ang layunin ng
sektor ng kabataan pati narin sa mga eskwelahan, kumpanya at institusyon nang pagsasanay
upang magsagawa nang mga seminar, lectures o symposium upang maipaliwanag kung ano nga
ba ang sekswal na panliligalig, ang mga epekto nito at paano natin ito tulong-tulong
masosolusyonan.
Maliban dito maaari ring maglunsad nang mga mensahe gamit ang social media platforms
tulad ng facebook upang mas malawak ang maabot na tagapakinig. Kasabay nito ay ang
9|Page
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
maikintal sa pagiisip ng bawat tao na gumagamit ng social media ang disiplina sa paggamit nito,
“to think before you click” at panatilihin ang respeto sa pakikitungo sa bawat isa.
VI. Panayam
Ang mga mananaliksik ay humanap ng makakapanayam upang mahingi ang kanilang saloobin sa
mga sumusunod na katanungan: a) Sino ang may kasalanan ang mga babaeng nagsusuot ng
maikling pananamit o ang mga nambabastos? b) Ano ang pinakamabisang paraan para
pakitunguan ang mga taong dumanas ng sexual harassment? c) Ano ang dapat gawin sa mga
taong nang-harass sakanilang kapwa? Ito ang mga naging kasagutan ni Bb. Krishta Marie M
Sa aking pananaw, ang nambabastos o sexual offender ang tanging may kasalanan
sa sekswal na pagliligalig. Hindi kailanman ito kasalanan nang biktima dahil sa hindi
kagustuhan nino man na maranasan ang mabastos. Marami rin naman insidente na
ang buong katawan nang biktima ay nakatakip na ngunit hindi naman ito naging
hadlang para sila ay mabastos. Higit sa lahat, para sa akin, ang patuloy na paninisi sa
biktima nang sekswal na pagliligalig ay hindi makakabuti sa kampanya para matigil
na ang problemang ito dahil lalo lamang lumalakas ang loob nang mga offenders na
mambastos dahil najajustify ang mali nilang ginawa. Nagkakaroon nang impression
na deserve nang biktima na mabastos, regardless if ano man suot niya. Besides, kung
ano ang kabastos bastos na kasuotan ay batay sa subjektibong pananaw. In fact, may
kaso na ganyan na dinesisyonan nang Korte Suprema nang Pilipinas, ang Pita v.
Court of Appeals, kung saan sinabi dito na dahil sa pagbabago sa lipunan at dahil na
rin sa modernisasyon, nagbago na din ang pananaw natin sa paraan na maaaring ang
kahina-hinandik o skandaloso o kabastos bastos noon ay hindi na ganoon ka-suklam
suklam ngayon.
Madaming epekto ang dulot nang harassment dahil nagkakaroon nang takot na
makompromiso ang kaligtasan nang biktima. Nagiging balisa din ang mga ito at mas
nagiging sensitibo. Kadalasan ang mali nang karamihan tuwing nakikihalubilo o
nakikitungo sa mga biktima ay kinaaawaan ang mga ito o kaya naman yung
kabaligtaran, minamaliit ang problemang dinaranas nang mga ito. Para sa akin, ang
pinakamabisang paraan para makitungo sa mga taong dumanas nang sexual
harassment ay ang intindihin sila sa dinaranas nila at huwag maliitin ang problema.
Importante ang maramdaman nila na may mga taong nakakaintindi sakanila, na hindi
sila sisisihin, na hindi dapat sila matakot o mahiya sa naranasan nila dahil may mga
sumusuporta sakanila. Importante din na mapaunawa sakanila na hindi makakabuti
ang manahimik lamang, at mas makakabuti kung maireport ito sa mga otoridad tulad
na lamang nang halimbawa sa mga magulang, sa pulis, o sa mga guro, upang
maaksyonan ito at hindi na maulit pa. Higit sa lahat, importante din na samahan sila
10 | P a g e
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
May batas tayo laban sa sexual harassment at malawak na ang saklaw nito. May
mga parusang kaakibat ang bawat uri o aspeto nang harassment kaya naman hindi na
kailangan ilagay ang batas sa sariling kamay. Kailangan lang sundin ang tamang
proseso at iharap ang offender sa batas upang mapanagot ito at mahatulan nang
kaakibat na parusa. Naniniwala ako na may hustisya kaya naman ang dapat lang
mangyari ay sundin ang proseso para mapanagot ang mga dapat managot. Sa kabila
nito, naniniwala ako na bagama’t krimen maituturing ang sexual harassment at hindi
naman natin malilingid ang epektong dulot nito, nararapat parin na bigyan natin nang
due process ang offender dahil ang batas natin hindi siya laban sa pagkatao nang
offender, hindi siya base doon, kundi sa ginawa nito kaya masasabi natin na ang mali
o ang masama ay ang gawa at hindi ang tao mismo. Sa bawat kaparusahan sa batas,
nariyan ang oportunidad na ipabatid sakanila ang mali nilang nagawa at
makapagbagong buhay. Kapag nakapagbagong buhay ang tao, nararapat lang din na
bigyan siya nang pagkakataon na maireintegrate niya ang sarili niya sa lipunan.
bagay upang maunawaan at maisaayos ang lahat. Ito’y naging patunay rin kung gaano
11 | P a g e
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
VII. Konklusyon
Batay sa mga datos at pinakahulugan ng mga mananaliksik nakita na may iba't ibang uri at
karapatan ng nasasakdal.
May malaking epekto ang sekswal na panliligalig sa biktima kaya naman hindi ito dapat
na ipagsawalang bahala.
pang tao.
12 | P a g e
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
VIII. Rekomendasyon
sa atin lalo na at ay iba ibang klase ng sekswal na psgliligalig. Tayo ay dapat na maging maingat
sa mga nakakasalamuha, huwag basta basta magtitiwala. Maging maalam sa ating mga karapatan
at halaga hindi dapat nating hayaan na tayo ay mabastos lamang. Kapag nakaranas ng sekswal na
panliligalig huwag tayong matakot at ipaglaban natin an gating sarili at an gating karapatan.
Kailangan ay may gawin din ang pamahalaan upang maiwasan ang sexual harassment dapat ay
pag tuonan nila ng pansin ang pag paparusa sa mga taong gumagawa nito. Maaaring dagdagan
nila ang multa o habaan ang pagkakulong ng mga sexual offender sa tulong nito maaari silang
matakot na gawin ang krimen na ito. Maaari ring magpatupad sila ng curfew na makakatulong
din upang mabawasan ang mga kaso ng sexual harrassment. Gabayan natin ang mga nabiktama
ng sekswal na panliligalig sapagkat ang krimen na ito ay maaaring nagdulot rin ng trauma
sakanila. At higit sa lahat matuto tayong tumulong sa kapwa huwag nating hayaang mabastos
ang ibang tao. Dapat tayong matutong gumawa ng aksyon at hindi manood lamang dahil kapag
hinayaan nating mabastos ang ibang tao para narin nating binastos ang ating sarili sapagkat para
13 | P a g e
SEKSWUAL NA PANLILIGALIG SA PILIPINAS
Bibliyograpiya
Citron, D.K. (2009). Law’s Expressive Value in Cambating Cyber Gender Harassment.
Michigan Law Review, 108(3), 373-415. Retrieved from http://search.ebscohost.com/login.aspx?
direct=true&db=buh&AN=47156743&site=ehost-live
Hassan, B., Unwin, T., & Gardezi, A. (2018). Understanding The Darker Side of ICT’s Gender,
Sexual Harassment, and Mobile Devices iIn Pakistan. Information Technologies & International
Development,1-17 Retrieved from
http://search.ebscohost.com/login.aspxdirect=true&db=iih&AN=128574867&site=ehost-live
Mantilla, K. (2013). Gendertrolling: Misogyny Adapts to New Media. Feminist Studies, 39(2),
563-570. Retrieved from http://search.ebscohost.com/login.aspx?
direct=true&db=aph&AN=91978345&site=ehost-live
Marwick, A. (2017). Scandal or sex crime? Gendered privacy and the celebrity nude photo
leaks. Ethics & Information Technology, 19(3), 177-191. https://doi.org/10.1007/s10676-017-
9431-7
Paluck, E. L., & Ball, L. with Poynton, C., & Sieloff, S. (2010). Social norms marketing aimed
at gender based violence. New York, NY: International Rescue Committee
Penrod, C., & Fusilier, M. (2010). Improving Sexual Harassment Protections: An Examination
of the Legal Compliance of U.S. University Sexual Harassment Policies. Journal of Workplace
Rights, 15(2), 151-167. https://doi.org/10.2190/WR.15.2.c
SWS presents key finding of Survey on Sexual Violence against Women and Girls in Quezon
City at UN WOMEN Presscon. (2016 March 11). Retrieved from
https://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20160525150531
14 | P a g e