You are on page 1of 2

KURSOnada sa Kolehiyo

ni Mark Louis Guarin


Ang paglipat ng borlas ng puting sumbrero ng “toga” mula sa kanan
papuntang kaliwa ay simbolo ng opisyal na pagtahak paalis ng isang estudyante sa
hayskul. Ito rin ang tanda ng panibagong paglalakbay, ng mas pinatinding hamong
kailangang pagtagumpayan ng mga mag-aaral.
Maligayang pagdating sa pagka-kole—
Hep, hep, hep! Tiyakin mo muna sa iyong sarili kung ang kukunin mo bang
kurso sa Kolehiyo ay pinal na. Ang apat hanggang limang taon kasi sa Kolehiyo ay
maaaring maging anim pataas kung hindi pa malinaw ang iyong pasya.
Maraming mag-aaral sa Kolehiyo ang lumilipat ng kurso na nagiging dahilan
ng estado nilang “gradWAITING”. Mayroon ding mga manggagawa ang
nakararanas ng job mismatch sapagkat hindi angkop ang kinuha nilang kurso sa
trabaho nila ngayon. Lahat ng mga ito ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng tiyak na desisyon ukol sa pag-aaralang kurso sa Kolehiyo.
Kung hindi ka pa desidido sa tatahakin mong kasanayan, marapat lamang
na iyong alamin ang mga posibleng salik na nakaaapekto sa pagpili ng kurso.
1. Sariling Kagustuhan
Kung gusto mong makamit ang iyong pangarap na propesyon sa
hinaharap, sundin ang iyong mga pangarap. “Follow your heart,” ika nga
nila. Maraming dalubhasa ang nagiging matagumpay at masaya sa kani-
kanilang mga propesyon sapagkat mahal nila ang kanilang ginagawa.
2. Job Opportunities and Salary
Kapag ikaw ay isang praktikal na tao, maaaring ibase mo ang iyong
kukuning kurso sa trabahong may palagiang pagtanggap ng mga empleyado
o sa trabahong kalakip ang mataas na suweldo. Kung gayon, maiiwasan ang
“unemployment” pagkatapos makapagtapos ng pag-aaral at nang mas
madali kang makahanap ng papasukang trabaho.
3. Mga Magulang
Walang magulang ang walang pangarap para sa kani-kanilang anak.
Sumangguni sa kanila nang sa gayon ay may paggabay sa kasanayang pag-
aaralan. Ngunit pakatandaan, hindi kailangan na lagi mong sundin ang
kursong iminumungkahi nila; sa huli ay nasa iyo pa rin ang kalayaan at
karapatang umayon sa iyong pasya.
4. Badyet
Isaalang-alang din ang salaping kayang ilaan para sa iyong pag-aaral.
Mayroon kasing mga kurso ang aabutin ng napakaraming taon upang pag-
aralan, mahal ang gagastusin depende sa paaralang papasukan, o ‘di kaya’y
maraming kagamitan ang kinakailangang bilhin at gamitin. Ngunit kung
hindi talaga kaya ng badyet ng inyong pamilya, sikaping maging iskolar. Sa
katunayan, maraming scholarship grants at offers ang iniaalok ng iba’t-
ibang paaralan, ng pamahalaan, maging ng ibang mga kumpanya.
5. Impluwensya ng mga Kaibigan
Mahalaga rin ang opinyon o suhestiyon ng mga kaibigan nang mas
magkaroon ka ng kaalaman patungkol sa kursong pinagpipilian o kukunin sa
pamamagitan ng mga talakayan.

May oras ka pa upang pag-isipan ang mga bagay-bagay bago mo tuluyang


tahakin ang panibagong kabanata ng iyong buhay. Kapag tiyak na ang iyong mga
plano, tsaka ka pa lamang namin babatiin ng:
Maligayang pagdating sa pagka-kolehiyo!

You might also like