You are on page 1of 1

Marami ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng K-12 curriculum, o sa ibang salita ang

pagkakaroon ng Senior High School. Mayroong mga nagsasabing pinapatagal lamang nito ang
ating pag-aaral, habang ang iba naman ay kinokontra ito dahil marami naman raw ang
nakapagtapos at nagkooon ng magandang trabaho na hindi dumaan sa Senior High School.
Tama naman ang iilan sa mga sinabi nila, ngunit, kung kayong nasa harapan ko ang tatanungin,
sang-ayon ba kayo na dapat na tong tanggalin? O nais nyo ba itong panatilihin?
Magandang hapon po sa lahat, lalo na sa ating guro na si Gng. Merly Grace S. Avila,
ma’am, sa aking mga kamag-aral na narito ngayon upang making sa aking pagtatalumpati, ako
po si Chleo Princess A. Escol, sa muli, magandang hapon.
Kanina ay tinanong ko kayo kung dapat bang tanggalin ang Senior High School o hindi,
at alam kong maaring magkakaiba ang mga sagot ninyo. Ngunit kung ako ang tatanungin, nais
ko itong panatilihin. Oo, mas pinapatagal nga nito ang ating pag-aaral, at marami rin ang
nagreklamo noong ipinatupad ito noong 2012, lalo na’t nasanay sila na may apat (4) na taon
lamang ang sekondarya; subalit, marami rin naman ang benipisyong makukuha natin dito.
Ang Senior High School ay itinuturing bilang isang preperasyon para sa kolehiyo.
Mayroon itong iba’t ibang strand na maaring pagpilian, kagaya ng- STEM, ABM, HUMMS, GAS,
at iba pa. Sa bawat strand ay mayroong nakatalagang mga kurso na maaring kunin pagdating sa
kolehiyo. Tinutulungan tayo ng mga strand na ito upang maging sigurado sa pagpili ng kukuning
kurso. Dahil dito, ay hindi na nating kailangang mag-shift at bumalik sa umpisa kung sakaling
mali ang nakuha nating kurso.
Bilang isang mag-aaral ay nakikita ko rin na maraming mag-aaral ang may problemang
pinansyal, kaya naman ang iba ay hindi na tumutuloy sa kolehiyo dahil sa mamahaling gastusin.
Kaya naman, maraming K-12 graduates ang nagpasalamat dahil kahit hindi sila nakapagtapos ng
kolehiyo ay maari na silang magkaroon ng trabaho; hindi man ito professional, pero
nakakatulong naman sila sa kanilang mga pamilya, at wala tayong karapatang kwestiyunin ‘yon.
Sa kabilang banda, marami ang nagsasabing napakahirap ng kolehiyo kung ikukumpara
sa Senior High School, which makes sense, dahil nga ito ay preperasyon lamang. Kaya sa loob ng
dalawang (2) taon sa Senior High School ay mas nahuhubog pa ng maigi ang ating kaisipan at
mas nabubuksan pa ang ating paningin sa mundo. Sa loob din ng dalawang (2) taon ay mas
masusulit pa natin ang ating high school life, ika nga “high school life is the best”, kasama ang
ating mga kaibigan na maaring hindi na natin makita pagdating sa kolehiyo.
Aminin man natin o hindi, malaki ang naitutulong ng K-12 sa atin. Isipin mo, kung
walang Senior High, magkokolehiyo kana sa edad na labing-anim na taong gulang, at alam
naman nating sa panahon ngayon ay hindi pa gaano ka mature ang mga nasa ganyang edad.
Kung walang Senior High ay haharapin mona ang mga stress na hinaharap ng mga nasa kolehiyo
ngayon. At alam din nating marami ang nahihirapan dahil sa stress, kaya sa Senior High palang
ay hinuhubog na nila ang ating isip upang maging handa sa mga maaaring maranasan pagdating
sa kolehiyo.
Kaya sa lahat ng mga mag-aaral na mayroong pangarap sa buhay, alam kong tayong
lahat ‘yon, nais ko lang sabihin ito: kung kaya niyo pa, kayanin niyo, kayanin natin. Ipagpatuloy
natin ang ating pag-aaral hanggang sa makamit natin ang ating pangarap. Naniniwala akong
hindi naman hadlang ang tagal at layo ng isang bagay kung pursigido kang maabot ito. Iyon
lamang po, magandang hapon at maraming salamat.

You might also like