You are on page 1of 1

GEC 102 |

Talumpati patungkol sa Pamantasang Mindanao


Ni Dibarosan, Saphia Walloh
Kolehiyo, walong letra ngunit kay bigat kung dalhin. Noong isang taon ay minsan na
akong nakagawa ng talumpati patungkol sa mga ekspektasyon sa mga estudyante. Akala ko
noong nasa elementarya at sekondarya ay iyon na ang pinakamahirap. Hindi pa matanggap ang
85 na grado at magmamaktol pa. Madami akong naririnig sa mga kolehiyala na sinasabing “Ok
na ang tres”. Ano ba ang tres?
Noong lumabas ang resulta ng SASE, ang entrance exam na pinapangarap ng lahat na
makapasa, sa Pamantasang Mindanao o mas kilala bilang MSU. Nagsaya ang lahat sa amin
sapagkat makakalibre na akong sa kolehiyo at sa magandang paaralan pa. Inakala ko kapag
makapasok na ako sa tinatawag na MSU ay mapapadali ang pag-aaral ko. Oo, sa pinansyal, pero
hindi sa naghihintay sa akin na mga pagbabago. Malaking bahagi sa akin ang MSU. Binigyan
niya ako ng sapat ng kompiyansa upang hindi mahiya dahil kung tatapatin natin ay malaki ang
epekto nito sa atin. Madali tayong maipagmamalaki dahil nag-aaral tayo sa MSU at hindi tayo
basta basta namamaliit.
Isa sa pinakanagustuhan ko sa pagiging Msuan ay magkakaroon ka ng tyansang
makapag-aral sa ibang bansa dahil sa pakiki-ugnay ng ating pamantasan sa ibang bansa.
Nagkakaroon ng mas magandang kalidad ng edukasyon ang mga piling mag-aaral. Bukod dito ay
madaming mga epektibong mga propesor sa ating pamantasan na siyang nagdudulot ng
magandang kalidad ng edukasyon.
Subalit dahil karamihan sa mga mag-aaral ay nasa malalayong lugar ang pinanggalingan,
nahihiwalay sila sa kanilang nakasanayan. Pagpasok pa lamang sa unibersidad ay nahahamon
ang iyong social skills dahil kinakailangan mong pakisalamuha. Hindi dahil Bisaya ka ay bisaya
na ang gamit. At hindi dahil Maranao ka ay Meranao na ang gamit. Dito sa pamantasan ay
nagkaka-isa ang hindi magka-uri.
Pangalawa ay ang mga pasilidad. Binigyan tayo ng magaganda at malalaking mga
pasilidad. Hindi perpekto pero sino ba ako para magreklamo?.
Ito pa ang kagandahan sa MSU, madami kang mapagpipiliang mga kurso ngunit may
limitasyon. Balita ko ay maraming mga matatagumpay na mga Engineers ay mula sa ating
pamantasan. Ngunit sa usapang kurso, alam natin na mahirap mamili ng kurso na siyang
kinakaharap ng mga freshmen. May naligaw, may napilitan at mayroon na una lamang ginusto.
Ang pagiging Msuan ay maraming adbentahe nito sa atin. Malaki ang tulong na
naibibigay ng pamantasan sa atin kaya hindi ko lubos na maisip na sa panahong nangangailangan
ito na protekyon ay tumalikod ang ilan at itinuro pa ito bilang maysala. Ang pamantasang
Mindanao ay tahanan at tulay natin sa hindi maabot-abot na mga pangarap.

You might also like