Konseptong Papel

You might also like

You are on page 1of 5

OUR LADY OF THE HOLY ROSARY SCHOOL

(Our Lady of the Holy Rosary Educational Foundation, Inc.)


Member, Association of LASSSAI Accredited Superschools (ALAS)
Deborahville Subd., Amaya I Tanza 4108, Cavite
Tel. No.: (046) 437 1558 Email: olhrs.edu@gmail.com

“Mga Bagay na Isinasaalang-alang ng mga Estudyante sa Pagpili ng Paaralan sa


Kolehiyo”

Isang gawaing pananaliksik na iniharap kay:

Ms. Jhe Ann C. Bobadilla

Bilang isang gawaing pangkahingian sa asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa ni:

Abug, Jireh Ann B.

Amora, Annika Danielle

Camo, Julia C.

Cesa, Vic Vincent

Delos Santos, Decian King R.

Maca, Bernadette M.

Macarilay, Geoffrey

Pitong, Mico Red

1
TALAAN NG NILALAMAN

I. Titulo ng Paksa 3

II. Introduksyon 3

III. Paglalahad ng Suliranin 4

IV. Kahulugan ng Katawagan 4

V. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 4

VI. Metodolohiya 5

VII. Sanggunian (Reference) 5


I. Titulo ng Paksa

“Mga Bagay na Isinasaalang-alang ng mga Estudyante sa Pagpili ng Paaralan sa Kolehiyo”

Ang pagpili ng kolehiyo ay isa sa mga pinakamahalagang desisyon sa buhay ng isang

estudyante. Kaya't mahalaga na malaman ang mga bagay na dapat isinasaalang-alang sa

pagpili ng paaralan sa kolehiyo.

II. Introduksyon

“Bakit mo pinili ang paaralang ito?” Ang tanong na ito ay madalas naririnig sa mga

panayam bago makapasok sa piling paaralan ng mga estudyanteng tutungtong sa Kolehiyo.

"Ito kasi ang dream school ko" o hindi kaya "Ito kasi ang paaralang pinuntahan ng magulang

ko." Ilan lamang ito sa mga sagot na ng mga kabataan at ito din ang kadalasang isinasaalang-

alang ng isang estudyante sa pagpili ng paaralan sa kolehiyo. Alam ng lahat na ang kolehiyo

ay isang yugto ng buhay na mahalaga at dapat pag-isipan ng mabuti dahil ito ang maglalahad

ng hinaharap ng isang tao. Hindi lihim na ang pag-aaral ay isang biro. (Bautista, 2010) Kaya

naman dapat maihayag at maipalawinag ng mabuti ang mga bagay na dapat isinasaalang-

alang sa pagpili ng paaralan sa kolehiyo para mas mapadali ang buhay ng isang estudyante.

Dahil sa dami ng pagpipiliang paaralan o unibersidad isa ito sa nagiging sanhi ng

kalituhan ng mga magaaral. Sapagkat ang pipiliin nilang paaralan na papasukan ang

maglilinang ng kanilang napiling propesyon. (Rodriguez, n.d). Ayon kay Abraham Lincoln,

“Ang pinakamabisang paraan para mahulaan ang hinaharap ay ang likhain ito.” (“The best

way to predict the future is to create it.”). Ipinapahiwatig nito na tayo mismo ang gumagawa

ng kung anong makukuha natin sa hinaharap, isa ng halimbawa nito ay ang pagpili natin ng

kurso at paaralan sa kolehiyo. Kaya naman layunin ng pananaliksik na ito na mapag-aralan

ang iba’t ibang bagay na isinasaalang-alang ng mga estuyante sa pagpili ng paaralan sa

kolehiyo. Ang pananaliksik na ito ay malaki ang maitutulong sa mga mag aaral na papasok
na sa kolehiyo sapagkat ang pananaliksik na ito ang makapagbukas ng kanilang isipan at

masuri nang mabuti ang desisyong gagawin.

III. Paglalahad ng Suliranin

Maraming mga estudyante ang nahihirapan pumili ng paaralan para sa kolehiyo

sapagkat Maraming mga bagay na dapat isinasaalang alang ng maigi ng mga estudyante sa

pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo. Kabilang dito ang lokasyon ng paaralan, ang

problema pinansyal ng mga magulang at kalidad ng edukasyon na binibigay sapagkat maaari

itong makaapekto sa ating career at ating propesyonal na inaaral. Kaya mahalagang bigyan ng

sapat na pag-iisip at pagsusuri sapagkat ito ang magdadala sa kanila tungo sa isang

magandang kinabukasan.

IV. Kahulugan ng Katawagan

“Estudyante” – Ito ay tumutukoy sa isang tao na naka-enrol sa isang

institusyong pang-edukasyon o paaralan.

“Career” – Ito ang okupasyon o trabaho.

“Kolehiyo” – Ito ang isang institusyon sa pag-aaral o gusali na nag-aalok ng

edukasyon sa isang dako o larangang mas pinopokusan. Ito ay kasunod ng elementarya at

mataas na paaralan.

V. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay malaki ang maitutulong sa mga mag aaral na papasok na

sa kolehiyo. Dahil sa pag aaral na ito hindi na mahihirapan ang mga mag aaral kung ano ang

kanilang dapat isaalang-alang sa pagpili nila ng pasukan sa kolehiyo. Matutulungan nito ang

mga estudyante na nagdadalawang isip pa sa paaralang kanilang ninanais. Malaki din ang

maitutulong nito sa future research dahil magkakaroon sila ng gabay kung paaano nila

isasagawa ang kanilang pananaliksik.


Sa pamamagitan ng pag aaral na ito magkaroon sila ng ideya kung ano ang kanilang

dapat isaalang-alang sa pipiliing paaralan sa kolehiyo. Nakadepende din ito sa iyong

kukuning kurso na sa tingin mo sa paaralan na iyon dapat ka pumasok. Bagamat maraming

paaralan na maaaring pasukan sa kolehiyo, kinakailangan natin suriin ng mabuti kung sa

paaralan na ito ba tayo makapag aral ng mabuti. Kaya naman malaki ang maitutulong ng pag

aaral na ito upang sa gayon ay hindi na mahirapan o matagalan ang mga mag aaral sa pagpili

ng paaralan na papasukan sa kolehiy

VI. Methodolohiya

Ang isasagawang pag-aaral ay gagamitan ng kwalitatibong pananaliksik. Sa ganitong

paraan, aalamin ng mga mananaliksik ang mga bagay na isinasaalang alang ng mga

estudyante sa pagpili ng paaralan sa kolehiyo. Ang uri ng pananaliksik na gagamitin ng mga

mananaliksik ay pakikipag-panayam sa pagkuha ng impormasyon at datos galing sa mga

estudyante. Sa paraang ito, magiging obhetibo at pulido ang mga impormasyon na makukuha

sa bawat respondenteng na pili at mga respondenteng boluntaryong makikilahok sa

pananaliksik. Ang mga katanungang isasagawa sa pananaliksik na ito ay masisiguradong

sariling gawa at naaangkop sa paksang pinag-aaralan. Ang mga mananaliksik ay naniniwala

na ang kwalitatibong disenyo ay angkop at makakakuha ng tumpak na impormasyon at datos

tungkol sa mga bagay na isinasaalang alang ng mga estudyante sa pagpili ng paaralan sa

kolehiyo.

VII. Sanggunian (Reference)

Rodriguez, Jane (n.d) Paghahanda sa Kolehiyo. Mula sa:

https://www.academia.edu/27297918/Papel_ng_Reaksyon

Bautista, Mary Joy (2010) Pag-aaral at Pagpili ng Kurso. Mula sa:

https://jhoy25.wordpress.com/2010/11/29/pag-aaral-at-pagpili-ng-kurso/

You might also like