You are on page 1of 39

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.

Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon


Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KADAHILANAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGAARAL SA KOLEHIYO KAHIT


NA PANDEMYA SA MGA NASA BATSELYOR NG EDUKASYON SA
SEKONDARYA – FILIPINO IKATLONG TAON PANGKAT – B NG QUEZONIAN
EDUCATIONAL COLLEGE INC, ATIMONAN, QUEZON AKADEMIKONG TAON
2021-2022 UNANG SEMESTRE

Alim Maria Domelyn Anilao

Mananaliksik

BSED Filipino IIIB

Sa Patnubay ni:

Mitzi G. Canaya, EdD

Propesor

1
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Paghahandog

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mananaliksik ang pag-aaral na ito


sa mga taong tumulong, gumabay at naging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay na
maisagawa ang pananaliksik na ito.

               Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay, at


walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang pag-aaral na ito;

Sa guro ng Introduksyon sa Pananaliksik-Wika at Panitikan na si Mitzi G.


Canaya, EdD na siyang naging gabay ng mananaliksik at nagbigay ng mga payo kung
paano isasagawa ang pananaliksik.

  Sa mga magulang ng mananaliksik na walang sawang umunawa at sumuporta.

Sa mga naging respondente na nagbigay ng oras at panahon upang tumugon sa


mga talatanungan ng mananaliksik.

At sa mananaliksik na nagbuhos at namuhunan ng oras at pagod upang ang


pagsusuring ito ay maisaganap nang matagumpay.

i 2
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pasasalamat

Walang hanggang ang pasasalamat ng mananaliksik sa mga taong tumulong sa


kaniya upang mapag-tagumapayan at maging epektibo ang kaniyang ginawang
pananaliksik. Una, nagpapasalamat siya sa ating Panginoon dahil hindi niya ito
magagawa at mataatapos kung wala ang patnubay ng ating Panginoon, binigyan din siya
nito ng lakas ng loob sa lahat ng kaniyang ginagawa, nandoon lagi ang kaniyang
presensya.

Pangalawa, sa kaniyang mga magulang na walang sawang sumusuporta sa


kaniyang pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pampinansyal at oras na binigay
sa kaniya upang magawa ang kaniyang pananaliksik.

Pangatlo, sa kaniyang guro na si Mitzi G. Canaya, EdD na ginabayan siya sa

kaniyang pananaliksik at binigyan siya ng mga ideya upang mas mapalawak niya ang

kaniyang pananaliksik.

Pang-apat, sa mga naunang mananaliksik sa mga pag-aaral na ito dahil


nadagdagan ang kaniyang mga nakalap na impormasyon at nagkaroon siya ng mga
basihan sa kaniyang pag-aaral.

Panlima, sa kaniyang mga kamag-aral na tumulong magbigay ng impormasyon


tungkol sa kaniyang paksa. Lubos ang kaniyang pasasalamat dahil kung wala ang mga
taong ito, di magiging epektibo, kasiya-siya, makabuluhan, maging maayos, organisado,
at kapani—paniwala ang kaniyang pananaliksik.

ii 3
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “KADAHILANAN NG MGA MAG-


AARAL SA PAGAARAL SA KOLEHIYO KAHIT NA PANDEMYA SA MGA NASA
BATSELYOR NG EDUKASYON SA SEKONDARYA – FILIPINO IKATLONG
TAON PANGKAT – B NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC,
ATIMONAN, QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG SEMESTRE”.
Upang malamang ang kadahilanan ng mag-aaral ukol sa pag-aaral sa kolehiyo kahit na
pandemya. Ang mananaliksik ay namigay ng questionnaire sa mga repondente.

Layunin ng mananaliksik na malaman kung may mga naging balakid ba ang

pandemya sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa BSED Filipino 3B. Ang sinabing

pananaliksik ay sumailalim quantitative method at ginamitan fishbowl sampling, kung

saan ang mga respondente ay pipiliin sa pamamagitan ng paglilista ng mga pangalang ng

buong BSED Filipino 3B at dalawampu lamang ang mapipili dito. Ang naging resulta sa

pag-aaral na ito ay makikita sa bawat bahagdan na lumabas sa mga datos.

4
iii
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talaan ng nilalaman

ANG PAUNANG PARTE NG PANANALIKSIK

 Paghahandog……………………………………………………………… i
 Pasasalamat…………………………………………………………… …. ii
 Abstrak…………………………………………………………………..... iii
 Talaan ng nilalaman……………………………………………………… iv

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

 Panimula……………………………………………………………………. 1
 Batayang Konseptwal………………………………………………………. 3
 Layunin ng Pag-aaral……………………………………………………….. 4
 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral………………………………………. 4
 Depinasyon ng katawagan…………………………………………………... 5

KABANATA II: Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

 Mga kaugnay na Literatura………………………………………………….. 6


 Mga kaugnay na Pag-aaral…………………………………………………... 8

KABANATA III: Metodolohiya

 Uri ng Pananaliksik………………………………………………………… 11
 Lunan ng Pag-aaral………………………………………………………… 12
 Mga Kalahok……………………………………………………………….. 12
 Mga Instrumento ng Pananaliksik………………………………………….. 13
 Mga Teknik sa Pagtuturo…………………………………………………... 13
 Istatistikal Tritment ng mga Datos…………………………………………. 13

KABANATA IV: Paglalahad ng Interpretasyon ng mga Datos


 Distribusyon ng mga respondente ayon sa kasarian………………………... 15
 Distribusyon ng mga respondente ayon Edad……………………………… 16
 Mga Datos ayon Para matuto……………….. …………………………….. 17

5iv
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

 Mga Datos Para magkaroon ng respeto sa kapwa………..………………… 18


 Mga Datos Para sa kinabukasan……………………………………………. 20

KABANATA V: Lagom, Konlusyon at Rekomendasyon

 Lagom………………………………………………………………………. 22
 Konklusyon…………………………………………………………………. 23
 Rekomendasyon…………………………………………………………….. 24

Talaan ng Sanggunian………………………………………………………… 25

Apendesis……………………………………………………………………….. 27

Bionote………………………………………………………………………….. 31

6
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

7
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Kabanata I
Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula
Ang pagaaral ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya ay masalimuot.

Nahaharap sila sa isang sitwasyon na hindi inaasahan na mangyayari ng mga mag-aaral at

ng mga guro. Nababatid kung paano natututo at nagdadagan ang kanilang mga kaalaman

sa pamamagitan ng pagaaral na naisasagawa sa virtual class dahil sa banta ng pandemya

na nangyayari sa ating bansa. Ang mga mag aaral sa kolehiyo ay nagkakaroon ng mga

iba’t ibang suliranin na kinakaharap, kawalan ng sapat na koneksyon sa internet, dahil sa

ganitong mga pagkakataon maaaring ang mga mag aaral ay hindi makadalo ng klase o

pagtatalakay na naganap o magaganap, nahihirap sila kung paano sila makakasabay sa

mga aralin. Ayon kay DepEd Undersecretary, Diosdado M. San Antonio, (2020) inasahan

na nilang ang online at modular instruction ay magdudulot ng kalituhan o reklamo sa mga

kabataan lalung-lalo na sa mga magulang. Walang dapat ikabahala dahil nandiyan pa rin

ang mga guro na handang tumulong at ipa-unawa ang mga leksyon. Ayon naman kay

Dr. Leonor M. Briones,  Kalihim ng Kagawaran, (2020) na sa pagpapatupad ng

“blended” at “distance learning approach” sa pamamagitan ng “online classes, printed

and digitized learning modules”, telebisyon at radyo, ay maibabahagi ang mga asignatura

na kailangang matutuhan ng mga mag-aaral anuman ang estado sa buhay. Sa makatuwid

1
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

bagamat mahirap ngayon ang kinaharap ng mga mag-aaral sa mundo ng edukasyon ay

maaari pa rin silang matututo sa pamamagitan ng mga teknolohiya na nakapaligid sa

kanila. Maaaring ang pandemya na nararanasan ng lahat ang maging dahilan upang hindi

makapagpatuloy ang mga mag-aaral sa pag-aaral. Ngunit mas pinili parin ng ilan na

ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral lalo na sa kolehiyo, na bagamat may pandemya ay

patuloy parin silang nagpupursige sa pag-aaral. Sa pag-aaral na ito ay aalamin ng

mananaliksik ang mga kadahilanan ng mga kolehiyo na nagpatuloy sa pag-aaral sa kabila

ng pademya na kinakaharap ng mundo.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kung ano-ano ang mga kadahilanan ng mga

mag-aaral ng pag-aaral sa kolehiyo kahit na may pandemya. Nais pagtuunan ng pansin ng

mananaliksik kung ano ang nagtulak sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang pag-aaral

sa kolehiyo, gayung alam ng lahat na napakahirap mag-aral sa panahon ng pandemya

dahil sa napakaraming balakid. Una na dito ay ang hirap sa internet connection,

pangalawa ay napakalaking singil sa load, pangatlo ay hirap makaintindi dahil sa

paninibago sa bagong sistema.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na nagnanais mag

kolehiyo kahit na may pandemya. Maaari silang magkaroon ng ideya sa kung ano-ano

ang kanilang mga kakaharapin sa pag-aag aaaral kahit na mayroong pandemya. Marahil

2
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

ay nahihirapang magdesisyon ang mga mag-aaral na nakapagtapos ng senior high

sapagkat natatakot sila na baka wala silang maunawaan sa klase. Ngunit sa pamamagitan

ng pag-aaral na ito ay bibigyan diin ng mananaliksik na kailangan ng mga mag-aaral ng

tapang upang suungin ang balakid na pandemya sa kanuilang pag-aaral.

Batayang Konseptwal

INPUT PROCESS OUTPUT

BSE- 3B Filipino Kadahilanan ng pag-aaral Bidyo na


Demograpik Profayl: sa kolehiyo sa panahon ng nagtatagubilin upang
pandemya: lalong pag-ibayuhin
-Edad
ang pagaaral kahit na
- Para matuto
- Kasarian pandemya
- Para magkaroon ng
-Tirahan
respeto sa kapwa
- Para sa kinabukasan

Pig. Konseptwal na Balangkas

3
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Layunin ng Pag-aaral

1. Ano ang tugon ng sa kadahilanang para matuto ang pag-aaral sa kolehiyo kahit na may

pandemya?

2. Ano ang tugon sa kadahilanang para magkaroon ng respeto sa kapwa ang pag-aaral sa

kolehiyo kahit na may pandemya?

3. Ano ang tugon sa kadahilanang para sa kinabukasan ang pag-aaral sa kolehiyo kahit na

may pandemya?

Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga kadahilanan ng mga mag-aaral sa pag-aaral

sa kolehiyo kahit na pandemya. Nakatuon din ito sa mga mga kadahilan na kung ano ang

nagtulak sa mga mag-aaral na magpatuloy sa kolehiyo kahit na pandemya.

Ginawa ang pag-aaral Sa Quezonian Educational College Inc na matatagpuan sa

Atimonan, Quezon sa dalawampung (20) mag-aaral ng BSED FILIPINO 3B gamit ang

pamamaraang “questionnaire.” Ang mga mag-aaral na ito kasalukuyang

nagpapakadalubhasa sa Filipino.

4
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Depinisyon ng Katawagan

Batsilyor- Isang kurso sa kolehiyo na pang dalubhasa

Blended learning- Pag-aaral sa pamamagitan ng virtual at modular

Edukasyon- Pinanggagalingan ng kaalaman ng mga mag-aaral

Kadahilanan- Mga rason ng isang taong hinggil sa ginawang pagpili, desisyon at iba pa

na nakakaapekto sa buhay ng indibiduwal.

Medyor- pagpapakadalubhasa sa isang asignatura na maaaring ituro sa mga mag-aaral sa

hinaharap.

Pandemya- Isang krisis sa sakit na nakakahawa at maaaring pumatay.

Pagpili- pagdedesisyon sa isang bagay

Sekondarya- Ito katawagan sa pagtuturo o pag-aaral sa mataas na paaralan.

5
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Kabanata II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

MGA KAUGNAY NA PAGAARAL

Sa pananalisik na ito nais na mabatid ng mananaliksik sa mga mga mag-aaral ang

kahalagahan ng pag-aaral sa kabila ng pandemya. Sa ganitong paraan natutukoy

ang kahalagahan ng pag-aaral nadagdagan ang kanilang mga kaalaman at

napapalawak nila ang kanilang pakikipagkuminikasyon, nalalaman ang iba’t

ibang kahalagahan ng pag-aaral sa panahon ng pandemya.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Eastern Washington University sa Cheney,

Washington ang pag-aaral sa online ay nagpapakita ng isang pangunahing panganib

saating emosyonal at pisikal na kalusugan, na nagreresulta sa isang trend na malayo sa

mgaaktibong paghahanap ng paglilibang at pampalakas. At ito ay humahantong patungo

saisang hindi na aktibo na gawain partikular ang laging nakaupo (Wang, Luo, Gao,

&Kong, 2012). Ang hindi na aktibo na gawain (sedentary lifestyle) at pag-uugali

(mentalhealth) ay humahantong sa maraming mga panganib sa kalusugan at kondisyon

tulad ngsakit sa puso, isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng katawan.

6
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ayon kay Lee (2020), ang pagsara ng mga paaralan at ang paglipat sa paraang

onlineclass ay nagdulot ng mga negatibong epekto sa higit 91% ng populasyon ng mga

estudyante sabuong mundo. Habang tumatagal, maaring hindi lang ang kalusugang

pangkaisipan ang maaringmaapektuhan kundi pati na rin ang buong pagkatao ng mga

estudyante kung hindi itomatutugunan.

Ayon naman kay Nazarlou (2013) sa kaniyang ginawang pag-aaral, kahit

mayroong malaking impluwensya sa edukasyon ang e-learning o online class ay hindi pa

rin ito perpektong pang-edukasyon at mayroon pa ring hatid na problema sa mga

estudyante at guro. Dagdag pa ni Nazarlou (2013), ang e-learning o online class ay

makasisira ng interpersonal contact ng mga estudyante maging ang mga guro sa lipunan. 

Ayon pa kay Schroeder (2020) na kapag ang kaisipan at emosyon ng mga guro at

estudyante ay napipilitan lamang, maaaring lumala at mapasama ang kalusugan ng

kanilang pangangatawan. Ang pagkabalisa at stress ay nakapagdudulot ng pagkababa ng

immune system, dahil dito ay maaring makapagdulot o makakuha ng mga sakit, at hindi

7
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

lamang ito na karaniwang sipon. Ang mga taong may mataas na antas ng pagkabalisa o

anxiety ay naitala na may 32% ay namatay sa sakit na cancer; ang pagkalumbay naman

ay nauugnay sa sakit sa puso. Ito ay may malaking epekto. Ang mga ito ay

nakakapagpabago ng ating normal na buhay at mapanira sa ating kinabukasan.

Ayon kina Kautiainen S., et al (2015), ang paggamit ng mga teknolohiya,

kabilang ang mga video game at computer kung saan pumapasok ang online class, ay isa

sa mga salik na nag-aambag sa sobrang timbang o labis na timbang. Sinaliksik nila ang

mga epekto ng teknolohiya sa populasyon ng 6,515 na kabataan. Nalaman nila na ang

mga kabataang gumagamit ng higit na teknolohiya ay nabibilang sa labis o sobrang

timbang. Mayroon ding isang makabuluhang istatistika na ugnayan sa pagitan ng mas

mataas na oras na ginugol sa computer at sobrang timbang. Ang labis na katabaan ay

dumoble at ang teknolohiya ay isa sa pangunahing kadahilanan. 

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Centeno-De Jesus (2020), Ang pag-aaral sa online ay may mga

benepisyong katulad ng pagkakaroon ng disiplina ng mga estudyante sa pagbabalanse ng

kanilang pag-aaral, paggawa sa mga gawain bahay at pagkakaroon ng oras para maglaro

sa kanilang mga telepono. Dagdag pa rito dahil sa online class mas maagang natututunan

8
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

ng mga estudyante kung paano umangkop sa isang bagong sitwasyon na makakatulong sa

kanila sa pagharap sa reyalidad kapag sila ay na kapag trabaho na.

Ayon kay Evangelista 2012, kailangan may sapat na kasanayan sa pag-iisip sa

panahong ito. Una, may mga sitwasyon kasing kinakalilangan ng “presence of mind.”

Ikalawa, kailangan may sapat na kasanayan sa paggamit ng kasangkapan sa pagsasalita

tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di-berbal. Ikatlo, kailangang may sapat

siyang kasanayan sa pagpapahayag ng iba’t-ibang genre ng tulad ng pagsasalaysay,

paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

Ayon naman sa isang pag-aaral na isinulat ni Allan Ortiz (2017) na batay sa

framework for 21st Century Learning, ang mga tao ng ika-21 siglo ay nasasanay sa

kabuhayang teknolohiya at media-driven,dahil dito sa pagsasanay o kalakihan ng mga

kabataan, sila ay makakakuha ng mga impormasyong sa madaling paraan, Gayunman ay

dapat kaya nilang aralin ito sa kanilang mga gadgets o sa kanilang bahay, kaya’t ang

paraan ng online classes ay magiging epektibo sa mga mamamayan at manggagawa sa

kasalukuyang siglo na dapat gamitin ang mga hanay ng mga kapaki-pakinabang pagtuto o

pagsasanay, at mga kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip na may kaugnayan sa

impormasyon, midya, at teknolohiya. Ang ganitong klase ng pag-aaral ay mabisa para sa

9
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

mga estudyanteng nag-aaral habang nag tatrabaho, may anak, at mga hindi

nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral (Xu & Jaggars, 2013).

Ayon kay Wiles (2020) may isang estudyante na nagngangalang Karnoup ang

nagbahagi ng kanyang karanasan tungkol sa epekto ng pag-aaral sa pamamagitan ng

online class. “Sa online class, ang mga estudyante ay maaaring makaranas ng mga

paghihirap kung maibabad sila ng matagal sa harap ng screen. Makakaranas sila ng

sobrang pagkapagod, pananakit ng ulo, kakulangan sa determinasyon, pagpapaliban sa

mga dapat gawin, hindi epektibong pamamahala ng oras sa mga gagawin, pakiramdam na

ikaw ay mag-isa sa kadahilanang malimit na ang pakikipag-usap sa personal, umoonti rin

ang kamalayan at pag-intindi kapag nakikipag usap sa ibang tao.” Ang pag sasagawa ng

mga klase sa online ay talagang nakakaubos ng lakas dahil ito ay nangangailangan ng

mas maraming trabaho upang lubos na maintindihan ang mga aralin.

Ayon kay Bell J., et al (2018), ang BMI o body mass index ay madalas na

pinupuna bilang pagiging batayan nang maayos na kalusugan. Ngunit sa kanilang

pagaaral sa epekto sa kalusugan ng pagiging obese nalaman ng mga mananaliksik na ang

BMI at ang mga body scan measures na kanilang isnigawa ay halos pareho lamang ang

binibigay na resulta.

10
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Kabanata III

METODOLOHIYA

A. Uri ng Pananaliksik:

Ang isinasagawang pananaliksik na may paksang

KADAHILANAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGAARAL SA

KOLEHIYO KAHIT NA PANDEMYA SA MGA NASA BATSELYOR NG

EDUKASYON SA SEKONDARYA- FILIPINO IKATLONG TAON

PANGKAT-B NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC,

ATIMONAN, QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG

SEMESTRE ay ginagamitan ng deskriptong pananaliksik. Maraming uri

ng pananaliksik ngunit ito ang napili gamitin dahil sa ginagamitan ito ng

talatanungan o mas kilala sa tawag na sarbey, isang instrumento ng

pananaliksik na madaling makakuha ng datos o impormasyon mula sa

mga napiling respondente.

11
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

B. Lunan ng pag-aaral:

Isinagawa ang pananaliksik na ito mula sa mga mag-aaral ng

Quezonian Educational College Inc, sa bayan ng Atimonan, Quezon.

Bago pa isagawa ng mananaliksik ang pagaaral o ang pananaliksik na ito

ay gumawa ng liham pahintulot sa kinauukolan ng paaralan upang

maisagawa ang pananaliksik o pagaaral.

C. Mga kalahok:

Ang mga taong kailangan sa pananaliksik upang makakuha ng

impormasyon o ng mga datos batay sa pananaliksik na isinasagawa at ito

ay tinatawag na respondente na silang sasagot sa tanong mula sa

mananaliksik. Mga respondente ang daan upang malaman ang kasagutan

sa isinasagawa na pananaliksik tungkol sa napiling paksa. Ang napiling

respondente ay ang mga mag-aaral ng Quezonian Educational College

Inc, na nasa Batselyor ng Education sa Sekondarya- Filipino Ikatlong

taon pangkat –B.

12
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

D. Instrumento ng Pananaliksik:

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng

pagbibigay ng talatanungan sa mga respondente upang malaman bawat

kadahilanan ng mga mag-aaral sa pagaaral sa panahon ng pandemya.

Ang talatanungan ay binubuo ng tatlongpung tanong (30) na may tatlong

(3) pagpipiliang sagot. Ang resulta na isinasagawang pananaliksik ay

matatagpuan sa Kabanata 4.

E. Mga teknik sa pagtuturo:

Susubukin at aalamin ng mananaliksik ang mga kadahilanan ng

mga mag-aaral sa pag-aaral kahit na may pandemya. Isa sa mga teknik

na ginamit ay ang talatanungan na kung saan ito ang paraan upang

makakuha ng impormasyon o kasagutan sa isinagawang pag-aaral

F. Istatistikal Tritment ng mga datos:

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang

KADAHILANAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGAARAL SA

KOLEHIYO KAHIT NA MAY PANDEMYA SA MGA NASA BATSELYOR

NG EDUKASYON SA SEKONDARYA- FILIPINO IKATLONG TAON

13
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

PANGKAT-B NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC,

ATIMONAN, QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG

SEMESTRE. Ang mananaliksik ay mamahagi ng talatanungan sa mga

mag-aaral.

Upang malaman ang kasagutan ng respondente ukol sa paksang ito ay

ginagamitan ng pormulang;

%= f x100

Kung saan ito ang paran upang makuha ang kabuuang bahagdan.

Kung saan ang: %= ay nangangahulugang bahagdan

f= ay nangangahulugang prekwensi

n= ay nangangahulugang bilang ng kabuuang tumugon

14
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA IV

PAGLALAHAT AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik sa

tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa

isinagawang pagaaral na may paksang “Kadahilanan ng mga mag-aaral sa pagaaral sa

kolehiyo kahit na pandemya sa mga nasa Batselyor ng Education sa Sekondarya-

Filipino ikatlong taon pangkat-B ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan,

Quezon akademikong taon 2021-2022 unang semester”

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kasarian

Kasarian Prekwensi Bahagdan


Lalaki 11 55%
Babae 9 45%
Kabuuan 20 100%
Talahanayan Blg. 1 Kasarian
Makikita sa Talahanayan 1. 55% ang mga lalaki at 45% naman ang mga babae.

Sa makatuwid mas marami ang lalaking respondente kaysa sa babae.

15
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Distribusyon ng mga respondente ayon sa edad

Edad Prekwensi Bahagdan


20 1 5%
21 8 40%
22 7 35%
23 1 5%
29 1 5%
32 1 5%
42 1 5%
Kabuuan 20 100%
Talahanayan Blg.2 Edad

Makikita sa talahanayan 2. 5% ang nasa edad na 20,23,29,32 at 49, 40%

ang nasa edad na 21 at 35% ang nasa edad na 22.

Distribusyon ng mga respondente ayon sa tirahan

Tirahan Prekwensi Bahagdan


Atimonan,Quezon 11 55%
San Andres, Quezon 4 20%
San Francisco, Quezon 2 10%
Padre Burgos, Quezon 2 10%
Unisan, Quezon 1 5%
Talahanayan Blg. 3 Tirahan
Makikita sa talahanayan 3. 10% ang nakatira sa bayan ng San Francisco,

Quezon at Padre Burgos, Quezon, 20% ang nakatira sa bayan ng San Andres,

Quezon at 55% naman ang nakatira sa bayan ng Atimonan, Quezon.

16
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ano ang resulta sa kadahilanan ng pag-aaral sa kolehiyo sa panahon ng


pandemya na para matuto.
Mga datos

Para Matuto LS S HS LHS Kabuuang


4 3 2 1 Bahagdan
1. Sa gitna ng pandemya gumagawa pa
rinn ang mga kaguruan ng mga aralin at 60% 40% 0% 0% 100%
gawain para matuto ang mga mag-aaral.
2. Bilang isang mag-aaral nahaharap
tayo sa mga suliranin para matuto at 50% 45% 5% 0% 100%
nalalampasan natin ito upang
mapagtagumpayan.
3. Sa panahon ng pandemya nabibigyan
tayo ng mga suliranin o aral para 65% 30% 5% 0% 100%
matutokung paano tayo maging
maingat at mapahalagahan ang ating
kalusugan.
4. Nagagawa kung harapin at lutasin 100%
ang aking mga aralin para matuto. 40% 50% 10% 0%
5. Pagiibayunin ko pa ang aking
kaalaman na aking magagamit para 45% 55% 0% 0% 100%
matuto sa larangan ng Edukasyon.
6. Pinaghuhusayan ko ang aking pag-
aaral para matuto upang maibahagi ko 35% 65% 0% 0% 100%
sa iba ang aking natutunan.
7. Bilang isang indibidwal marami
tayong kinahaharap na suliranin sa 40% 60% 0% 0% 100%
buhay ngunit nagagawa nating labanan
para matuto sa buhay.
8. Ginagampanan ko ang aking
tungkulin bilang estudyante para 30% 65% 0% 0% 100%
matuto.
9. Ang mga guro ang nagbibibgay ng
dagadg na kaalaman sa mga ma-mag- 45% 55% 0% 0% 100%
aaral para matuto.

17
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

10. Edukasyon ang nagbibigay ng mga


kaalaman para matuto ang mga mag- 40% 60% 0% 0% 100%
aaral.
Talahanayan Blg.4

Para LS S HS LHS
Matuto
Bahagdan 45% 53% 2% 0%

Talahanayan Blg. 4.1 Kabuuan


Makikita sa talahanayan 3.1 ang kabuuan ng resulta na lumabas sa datos. 45%

ang sumagot sa Lubos na sumasang-ayon, 53% ang sumagot sa Sumasang-ayon, 2% ang

sumagot sa Hindi sumasang-ayon. Sa makatuwid mas lamang ang nagsasabing na

Sumasang-ayon ang mga respondente sa kadahilanan ng pag-aaral sa kolehiyo sa

panahon ng pandemya para matuto.

Ano ang resulta sa kadahilanan ng pag-aaral sa kolehiyo sa panahon


ng pandemya na para magkaroon ng respeto sa kapwa
Mga datos

Para magkaroon ng respeto sa kapwa LS S HS LHS Kabuuang


4 3 2 1 Bahagdan
1. Bilang isang mag-aaral at kabataan gumagamit
ako ng “PO” at “OPO” para magkaroon ng respeto 80% 20% 0% 0% 100%
sa kapwa ganun din sa aking mga nakakasalamuha.
2. Para magkaroon ng respeto sa kapwa matuto
tayong umintindi at umunawa sa kanila. 75% 25% 0% 0% 100%
3. Pinanatili ko na pakinngan ang sinasabi ng aking
kausap para magkaroon ng respeto sa kapwa. 70% 30% 0% 0% 100%

18
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

4. Nagagawa kung yumuko kapag dumadaan ako sa


harapan ng mga nag-uusap para magkaroon ng 75% 25% 0% 0% 100%
respeto sa kapwa at pagbigay galang.
5. Nagagawa kung tumulong para magkaroon ng
respeto sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. 55% 45% 0% 0% 100%
6. Pinapakita ko ang pantay pantay na pagtingin
para magkaroon ng respeto sa kapwa. 45% 55% 0% 0% 100%
7. Patuloy ko silang ginagabayan at inaalagaan para
magkaroon ng respeto sa kapwa. 45% 55% 0% 0% 100%
8. Ako, sila at lahat ay may pagkakaisa para
magkaroon ng respeto sa kapwa. 45% 45% 5% 5% 100%

9. Ang lahat ng tao ay nagtutulungan at nagkakaisa


para magkaroon ng respeto sa kpawa. 35% 45% 10% 10% 100%
10. Para magkaroon ng respeto sa kapwa dapat
mayroon na tayong respesto sa bawat kasapi ng 70% 30% 0% 0% 100%
pamilya.
Talahanayan Blg. 4 Para magkaroon ng respeto sa kapwa

Para magkaroon
ng respeto sa LS S HS LHS
kapwa
Bahagdan 59% 38% 2% 0%
Talahanayan Blg.4.1 Kabuuan
Makikita sa talahanayan 4.1 ang kabuuan ng resulta na lumabas sa datos. 59%

ang sumagot ng Lubos na sumasangayon, 38% ang sumagot ng Sumasang-ayon, at 2%

ang sumagot sa Hindi sumasang-ayon. Sa makatuwid lamang ang nagsasabing lubos na

sumasang-ayon upang magkaroon ng respeto sa kapwa.

19
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ano ang resulta sa kadahilanan ng pag-aaral sa kolehiyo sa panahon


ng pandemya na para sa kinabukasan
Mga datos

Para sa kinabukasan LS S HS LHS Kabuuang


4 3 2 1 Bahagdan
1. Paghuhusayan ko pa ang aking pag-aaral para sa
kinabukasan ko. 60% 40% 0% 0% 100%
2. Bilang isang magiging guro paghuhusayan ko at
payayabungin ko ang aking pagtuturo para sa 40% 60% 0% 0% 100%
kinabukasan ng magiging estudyante ko.
3. Bilang isang mag-aaral pagsisikapan ko na
makapagtapos para sa kinabukasan ko at ng pamilya 55% 40% 5% 0% 100%
ko.
4. Edukasyon ang susi para sa kinabukasan ng lahat ng
may pangarap sa buhay. 60% 35% 0% 5% 100%
5. Pagtutulungan at pagkakaisa ang kailangan para sa
kinabukasan ng lahat ng mamamayan. 65% 30% 5% 0% 100%
6. Nalalaman ko na hindi madali ang gampanin ng
magulang upang maibigay ang pangangailangan para 65% 35% 0% 0% 100%
sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
7. Para sa kinabukasan ng pamilya ko pipilitin kung
huwag silang mahawahan ng nakamamatay na sakit. 80% 20% 0% 0% 100%
8. Sa panahon natin ngayon maibayong pagiingat ang
kailangan para sa kinabukasan ng lahat mamamayan. 70% 30% 0% 0% 100%
9. Mga kaguruan ang siyang pangalawang magulang
ng mga mag-aaral para sa kinabukasan na 65% 30% 5% 0% 100%
magtagumpay.
10. Paaralan ang nagsisilbing tahanan ng mag-aaral na
pinagmumulan ng kaalaman para sa kinabukasan. 40% 25% 5% 0% 100%
Talahanayan Blg.6 Para sa Kinabukasan

Para sa LS S HS LHS
kinabukasan 4 3 2 1

20
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Bahagdan 63% 34% 2% 1%


Talahanayan Blg. 6.1 Para sa Kinabukasan

Makikita sa talahanayan 6.1 ang kabuuan ng resulta na lumabas sa datos. 63%

ang sumagot sa Lubos na sumasang-ayon, 34% ang sumagot sa Sumasang-ayon, 2% ang

sumagot sa Hindi sumasang-ayon at 1% ang sumagot sa Lubos na hindi sumasang-ayon.

Sa makatuwid lamang ang sagot ng mga respondente sa Lubos na sumasang-ayon ng

pag-aaral sa kolehiyo sa panahon ng pandemya na para sa kinabukasan.

21
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Kabanata V

LAGOM, KONLUSYON AT REKOMENDASYOMN


Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Lagom, konklusyon, at rekomendasyon

ngnaisagawang pag-aaral.

a. Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman kung ano-ano nga ba ang mga

kadahilanan ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa kolehiyo kahit na may pandemya. Ang

pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik sa pag-aaral na

ito, upang makakalakap ng mga datos na hahanguan ng interpretasyon upang

makamit ang layunin ng pananaliksik. Nakipanayam ang mananaliksik sa

pangkat ng BSED Filipino 3B gamit ang messenger upang kumuha ng mga

impormasyong magagamit sa pag-aanalisa ng mga kadahilanan ng mga

respondente.

Batay sa isinagawang pakikipanyam sa dalawampung (20) respondente ng BSED

Filipino 3B at sa pamamagitan ng talatanungan na kanilang sinagutan. Nakagawa ng

isang malinaw na interpretasyon ang mananaliksik ukol sa paksang napili.

22
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Natuklasan na ang mga kadahilanan ng mga-aaral sa pag-aaral sa kolehiyo kahit

na may pandemya ay upang matupad ang kanilang mga pangarap. Na hindi dahilan

ang pandemya upang hindi makapagtapos ng pag-aaral.

b. Konklusyon

Batay sa mga na datos, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na

konklusyon:

1. Batay sa nakalap na datos sa pananalisik na isinagawa ng mananaliksik,

Nagpatuloy sa pag-aaral ang mga mag-aaral sa kolehiyo upang matuto dahil

marami sa mga kabataan ngayon nagiging tambay dahil sa kakulangan ng

kaalaman. Kaya naman ayon sa mga naging tugon ng mga respondente ng

pananaliksik na ito ay mahalaga para sa ang matuto

2. Ayon din sa lumabas na resulta ng pag-aaral na ito, makikitang isa sa mga

dahilan kung bakit nagpatuloy pa rin ang mga mag-aaral sa kolehiyo kahit na

pandemya ay upang magkaroon sila ng respeto sa kapwa. Naniniwala ang

mananaliksik na sa edukasyon parin nagagaling ang respeto sa kapwa. Sa

pamamagitan ng pagtuturo ng mga guro sa moralidad ng isang tao ay

mauunawaan ng mga mag-aaral na mahalaga ang respeto sa kapwa.

23
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

3. Isa sa mga may pinaka mataas na porsyento na pagtugon sa pag-aaral na ito

ay ang tugon sa “para sa kinabukasan” totoong ang edukasyon at ang pag-

aaral sa kolehiyo ang tanging susi upang makamit ng isang tao ang kanyang

minimithing pangarap. At sa pamamagitan ng pangarap ay magkakaroon ng

magandang kinabukasan ang isang tao.

c. Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mananaliksik ay nagbigay ng


mga rekomendasyon.
1. Para sa mga magulang, Labis na inirerekomenda ng mananaliksik na patuloy

ninyong hikayatin ang inyong mga anak na magpatuloy ng pag-aaral sa

kolehiyo. Ito ay para din sa kanilang kinabukasan, kaya’t kahit na pandemya

ngayon ay tulungan ninyo sila na makapag-aral.

2. Para sa mga guro, Bilang mga guro, kayo ang pangalawang magulang ng

mga mag-aaral kaya naman turuan ninyo sila ng tamang asal na hindi minsan

naituturo sa kanilang tahanan. Maging gabay kayo sa kanilang landas na

tatahakin

3. Para sa mga ma-aaral, Ay inrerekomenda ng mananaliksik na magpatuloy

kayo sa kolehiyo gaano man kahirap ang buhay. Ipagpatuloy ninyo ang inyo

24
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

pag-aaral kahit na pandemya dahil kayo ang susunod sa yapak ng ma dating

pinuno. Kaya naman wag kayong mawalan ng pag-asa na magpatuloy sa pag-

aaral.

25
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talaan ng Sanggunian

https://pdfcoffee.com/epekto-112520-3-pdf-free.html

https://www.coursehero.com/file/81773586/1docx/

https://www.researchgate.net/publication/
353543257_Mga_Pamamaraan_at_Kagamitan_sa_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Panahon_
ng_Pandemya

https://depedroxi.ph/kwentong-modyul/

https://www.academia.edu/31638900/
KABANATA_I_MGA_SULIRANIN_AT_SANLIGAN_Mga_Epekto_ng_Social_Media_sa_Pag_
aaral_ng_mga_Estudyante_sa_Kolehiyo_ng_Misamis_University

26
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Apendesis

TALATANUNGAN

Panuto: Isulat sa patlang at lagyan ng tsek (/) ang mga hinihinging impormasyon ayon sa
iyong demograpikong profayl.

Pangalan:

Edad:

Kasarian: ( ) Lalaki ( ) Babae

Pangkat/Seksyon:

Tirahan:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek
(/) ang angkop na bilang na tugma sa iyong kasagutan.

BILANG KATUMBAS NA PAHAYAG


4 Lubos na sumasang-ayon (LS)
3 Sumasang-ayon (S)
2 Hindi sumasang-ayon (HS)
1 Lubos na hidi sumasang-ayon (LHS)

LS S HS LHS
Para matuto 4 3 2 1

1. Sa gitna ng pandemya gumagawa pa rinn ang mga

27
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

kaguruan ng mga aralin at gawain para matuto ang mga mag-


aaral.
2. Bilang isang mag-aaral nahaharap tayo sa mga suliranin
para matuto at nalalampasan natin ito upang
mapagtagumpayan.
3. Sa panahon ng pandemya nabibigyan tayo ng mga suliranin
o aral para matutokung paano tayo maging maingat at
mapahalagahan ang ating kalusugan.
4. Nagagawa kung harapin at lutasin ang aking mga aralin
para matuto.
5. Pagiibayunin ko pa ang aking kaalaman na aking magagamit
para matuto sa larangan ng Edukasyon.
6. Pinaghuhusayan ko ang aking pag-aaral para matuto upang
maibahagi ko sa iba ang aking natutunan.
7. Bilang isang indibidwal marami tayong kinahaharap na
suliranin sa buhay ngunit nagagawa nating labanan para
matuto sa buhay.
8. Ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang estudyante
para matuto.
9. Ang mga guuro ang nagbibibgay ng dagadg na kaalaman sa
mga ma-mag-aaral para matuto.
10. Edukasyon ang nagbibigay ng mga kaalaman para matuto
ang mga mag-aaral.

LS S HS LHS
Para magkaroon ng respeto sa kapwa 4 3 2 1

1. Bilang isang mag-aaral at kabataan gumagamit ako ng “PO”


at “OPO” para magkaroon ng respeto sa kapwa ganun din sa
aking mga nakakasalamuha.

28
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

2. Para magkaroon ng respeto sa kapwa matuto tayong


umintindi at umunawa sa kanila.
3. Pinanatili ko na pakinngan ang sinasabi ng aking kausap
para magkaroon ng respeto sa kapwa.
4. Nagagawa kung yumuko kapag dumadaan ako sa harapan
ng mga nag-uusap para magkaroon ng respeto sa kapwa at
pagbigay galang.
5. Nagagawa kung tumulong para magkaroon ng respeto sa
kapwa ng walang hinihinging kapalit.
6. Pinapakita ko ang pantay pantay na pagtingin para
magkaroon ng respeto sa kapwa.
7. Patuloy ko silang ginagabayan at inaalagaan para
magkaroon ng respeto sa kapwa.
8. Ako, sila at lahat ay may pagkakaisa para magkaroon ng
respeto sa kapwa.
9. Ang lahat ng tao ay nagtutulungan at nagkakaisa para
magkaroon ng respeto sa kpawa.
10. Para magkaroon ng respeto sa kapwa dapat mayroon na
tayong respesto sa bawat kasapi ng pamilya.

LS S HS LHS
Para sa kinabukasan 4 3 2 1

1. Paghuhusayan ko pa ang aking pag-aaral para sa


kinabukasan ko.
2. Bilang isang magiging guro paghuhusayan ko at
payayabungin ko ang aking pagtuturo para sa kinabukasan ng
magiging estudyante ko.
3. Bilang isang mag-aaral pagsisikapan ko na makapagtapos
para sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.

29
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

4. Edukasyon ang susi para sa kinabukasan ng lahat ng may


pangarap sa buhay.
5. Pagtutulungan at pagkakaisa ang kailangan para sa
kinabukasan ng lahat ng mamamayan.
6. Nalalaman ko na hindi madali ang gampanin ng magulang
upang maibigay ang pangangailangan para sa kinabukasan ng
kanilang mga anak.
7. Para sa kinabukasan ng pamilya ko pipilitin kung huwag
silang mahawahan ng nakamamatay na sakit.
8. Sa panahon natin ngayon maibayong pagiingat ang
kailangan para sa kinabukasan ng lahat mamamayan.
9. Mga kaguruan ang siyang pangalawang magulang ng mga
mag-aaral para sa kinabukasan na magtagumpay.
10. Paaralan ang nagsisilbing tahanan ng mag-aaral na
pinagmumulan ng kaalaman para sa kinabukasan.

Bionote

30
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Si Maria Domely Anilao Alim ay dalawampu’t isa taong gulang.

Nakatira sa bayan ng Brgy. Poblacion, San Francisco, Quezon.

Nakapagtapus ng Elementarya sa paaralan ng Aurora Elementary


School.

Nakapagtapos ng Sekondarya sa paaralan ng Marcial B. Villanueva


National High School sa kursong Technnical Vocational Livelohood-
Home Economics.

Kasalukuyang nag-aaral sa Quezonian Educational College Inc.


Atimonan, Quezon at kumukuha ng kursong Edukasyon sa Sekondarya medyor ng
Filipino sa ikatlong taon sa kolehiyo.sss

31
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

You might also like