You are on page 1of 4

Pamagat ng Pag-aaaral: Pagiging determinado at motibasyon sa

napiling kurso ng mga mag-aaral ng Aklan Catholic College

Tesis na pahayag: Ang pananaliksik na ito ay paraan para malaman kung


bakit determiado at kung ano ang motibasyon ng mga mag-aaral sa
kolehiyo sa napili nilang kurso.

Abstrak: Ang pananaliksik na ito ay naglalaman kung ano ang motibasyon


at determinasyon ng mga mag-aaral ng Aklan Catholic College sa napiling
kurso at paano nila ito matataposng walang inuulit na subject. Kailangan
ng mga mag-aaral ng determinasyon at motibasyon sa napiling kurso para
mapadali at maging maayos ang kanilang pag-aaral. Ang pananaliksik na
ito ay sumasailalim sa quantitative method at gianmitan ng non-random
convenient sampling, kung saan ang respondents ay pinipili ng mga
mananaliksik base sa convenience,ang bilang ng mga respondents ay
limampu(50) na manggagaling sa iba’t ibang departamento ng Aklan
Catholic College.

Panimula: Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahalagang


desisyon sa buhay na dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayaon. Ito
ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa sa kanilang buhay para sa
hinaharap. Dahil sa panahon ngayon maraming mag-aaraal ang inaabot ng
lampas sa apat na taong pag-aaral sa kolehiyo dahil nahihirapan sila ditto
at dahil na rin sa paglipat lipat ng kurso nila mas napapatagal sila sa pag-
aaral. Kaya ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mapag-aralan
nila ang pagkakaroon ng determinasyon at motibasyon ay makakatulong sa
kanila na tapusin ang kanilang napiling kurso.

Kailangan natin maging determinado sa pagpasok sa kolehiyo at


kumpyansa na tapusin ang napili nating kurso, hindi maiaalis ng mga mag-
aaral ang pagbago-bago ng desisyon,ang kailangan lang ay maging pokus
sa ginagawa at maging masaya sa napiling kurso.

Ayon kay Adrian Molina, malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa


buhay at kinabukasan ng mga mag-aaral. Kaakibat nito ang pagpili ng
kursong tatahakin sapagkat ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa
kanyang hinaharap.

Mga Layunin:

 Maging determinado ang mga mag-aaral na tapusin ang napiling


kurso.
 Para hindi maligaw ng landas ang mga kabataan.
 Para hindi magpalipat lipat ng kurso
 Para matapos ang napiling kurso sa tamang oras
 Para magkaroon ng magadang kinabukasan.

Balangkas Teoretikal:

Ayon kay Hart (2012) sa motibasyon ng mga kabataan sa pag


aaral mahalagang malaman ang mga nakaka impluwensya sa motibasyon
ng estudyante. Ang pag aaral ay ang deteksyon at koreksyon ng mali, kung
saan ang pagkakamali ay ang hindi pagtugma ng intension sa kung ano
ang aktwal na nangyayari.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Disensyo ng Pananaliksik

Ang isasagawang pag-aaral ay gumamit ng diskriptibong


metodolohiya sa pananaliksik. Sa maraming deskriptibong pananaliksik ang
descriptive survey research design ay mainam gamitin.

Panahon at Lugar ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ng pag-aaral ay gagawin sa Aklan Catholic College


sa lugar ng Kalibo Aklan. Ang pananliksikay gagawin sa Marso Otso
dalawang libot dalawamput isa (March 8, 2021)
Mga tagatugon

Ang mga tagatugon ay nagmula sa mga mag-aaral ng Aklan Catholic


College sa ibat ibang departamento sa kolehiyo. Ang bilang ng mga
tagatugon ay limampu (50) para sumagot sa aking mga katanungan na
aking ibibigay at ang mga mag-aaral ay nagmula sa 3 rd year na mag-aaaral
sa Aklan Catholic College.

Instrumento: Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay isang


survey questionnaire. Sa mga piling mga mag-aaral ng 2 nd year college ang
gagamiting instrumento sa pagsagot sa mga datos.

Pamamaraan

Sa pananaliksik na ito ay ginamit ang disenyong palarawan,


Naniniwala ako na ang disenyong palarawan o descriptive method ang
dapat na gamitin sa pananaliksik na ito dahil ito ang paraan na kung saan
ay masasagot ng mga respondents kung bakit sila determinado at sino ang
motibasyon nila sa napiling kurso. Mamimili ako nga limampu na
respondents sa ibat ibang departamento sa kolehiyo na mag-aaral sa 3 rd
year sa taong 2020-2021. Pagkatapos bigyan ng mga survey questionnaire
ang mga mag-aaral at nakuha na lahat ng datos ang mga datos na nakuha
ay gagamitin upang masagot ang mga katanungan sa pag-aaral nito.

You might also like