You are on page 1of 10

PAGBUO NG

PAHAYAG(THESIS
STATEMENT)
GROUP 2
Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo na ng
iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan
ng iyong bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang
tanong na maaaring gumabay o magbibigay
direksyon sa pagbuo , o ng pahayag ng tesis.
Ano ang layunin ko sa pananaliksik na
ito?
◦Layunin kong maglahad ng
impormasyong magpapatunay sa
pinapanigan kong posisyon?
Sino ang aking mga mambabasa?
◦Ang guro lang ba ang makababasa ng sinulat
ko? Sino pa kaya ang makababasa? Ano kaya
ang inaasahan at karanasan ng aking mga
mambabasa?
Ano-anong kagamitan o sanggunian ang
kakailangani ko?
◦May sapat bang kagamitan o sanggunian upang
magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag
ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?
Isang halimbawang tesis?
“Pamagat”
◦Epekto ng online learning sa akademikong
tagumpay ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
“Panimula”
◦ Ang panahon ng digital na edukasyon ay patuloy na lumalaganap,
lalo na sa gitna ng pandemya. Ang pag-aaral online ay nagiging
karaniwan na para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, ngunit may mga
pag-aalinlangan tungkol sa epekto nito sa kanilang akademikong
tagumpay. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga
epekto ng online learning sa mga mag-aaral sa kolehiyo.
“Layunin”
◦ Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay suriin
ang mga epekto ng online learning sa mga sumusunod:
1. Akademikong tagumpay ng mga mag-aaral
2. Kalidad ng edukasyon na kanilang natanggap
3. Aspetong sikolohikal o emosyonal ng mga mag-aaral
“Metodolohiya”
◦ Sa pag-aaral na ito, gagamitin ang isang pananaliksik na
pang-eksperimental. Isasagawa ang pagsusuri sa mga
academic records ng mga mag-aaral na sumailalim sa
online learning at sa traditional na klase. Bukod dito,
ipapamahagi ang isang survey para tukuyin ang kanilang
mga opinyon at karanasan hinggil sa online learning.
“Resulta”
◦ Sa pag-aaral, natukoy na may positibong epekto ang online
learning sa aspeto ng oras, kung saan mas mapanatili ng
mga mag-aaral ang flexibility ng kanilang oras.
Gayunpaman, natukoy din na may mga hamon sa aspeto
ng interaksyon sa guro at kapwa mag-aaral.

You might also like