You are on page 1of 2

“ 

Ang Pangarap na aking tatahakin ”

Ang Pagpasok ng Senior High School ay isa sa mga hakbang patungo sa ating pangarap
dahil para sa akin ay katunayan ito na malapit kana sa Inaasam mong tagumpay. Kaya
lubos mong pag isipan kung ano nga ba talaga ang nararapat para sa iyong magandang
kinabukasan.

Dahil sa dami ng nahinuha kong impormasyon tungo sa pagiging studyante bilang isang
ganap na senior high.Takot at pangamba ang aking naramdaman noong matapos ako sa
baiting na bilang-10. Sapagkat, doon pa lamang pumasok sa aking isipan ang kalituhan
kung saan nga ba ako magiging masaya.

Stem ang Track na aking napusuang tahakin. Ngunit noong unang narinig ko pa lamang
ang Salitang STEM nagdudulot na agad ito ng kakaibang takot at pangamba. Dahil
sino ba namang hindi matatakot sa isang kurso na ang kaakibat ay madudugong
kompyutasyon buhat ng Math, matinding pagkakabisa dahil ng Science at marami-
raming pagpupuyat. Maaring masama ang nagiging impresyon nito sa iba, ngunit Isa
ako sa mag papatunay na walang mahirap sa taong may tiyaga at may tiwala sa
sariling kakayahan.

Kaya ang STEM ang aking napili dahil isa ito sa kursong may kaugnay sa Pagiging
Inhinyero .Kaya bago ako makatuntong sa kolehiyo, sinigurado ko na ito talaga ang
magpapasaya sa akin at ito ang magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan, maging
ng aking pamilya at mamamayan.Ito ang isa sa napakalaking desisyon sa aking buhay
ang pagpili ng kursong kukunin. At sa panahon ng aking pagdedesisyon ay ang paglitaw
ng mga katanungan sa aking sarili kung ano ang magiging bunga kung ako'y nakatapos
na sa kursong napili na pag I-inhinyero.

Ang Pagiging isang Inhinyero, ay Taga plano ng bahay, kalsada at iba pang
establisyemento, taga ayos ng elektrisidad, matalino sa matematica at malaki ang
sahod; mga karaniwang sikat na bansag sa isang inhinyero na nagiging gabay sa mga
kabataan sa pagpili ng isang kurso. Ngunit sa likod ng mga bansag na ito ay mas malalim
pang kahalagahan ng isang inhinyero sa buhay ng tao, sapagkat ang mga inhinyero ay
bahagi ng araw-araw na buhay ng isang tao dahil sa napakalaki nitong kontribusyon sa
isang indibiduwal at sa ekonomiya ng bansa.

Kaya lubos ko itong pinapangarap dahil isa sa adbokasiya ko ang pagtulong sa aking
kapwa. Sapagkat, hindi ko lamang pinangarap na makapagtapos para as aking sariling
kagustuhan bagkus upang maging isang kapaki-pakinabang na indibidwal sa ating
lipunan na may magandang layunin para sa ating ekonomiya.

You might also like