You are on page 1of 2

ROQUE, ROGEL JAY N.

BS ECON 1B

BISYON

Ang aking bisyon ngayon bilang mag-aaral sa isang pamantasan ay makapagtapos sa aking kurso
sa takdang panahon. Sampung taon mula ngayon ay matutupad ko ang aking mga pangarap sa
aking sarili at sa aking pamilya.

MISYON

Ang aking misyon ngayon bilang mag-aaral ay magpursigi na matuto at magkaroon ng bagong
kaalaman sa pamantasan na aking pinapasukan. Magsusumikap sa pag-aaral at gagalingan sa
lahat ng bagay para tumaas ang aking marka.Lalahok sa mga organisasyon na makakatulong sa
akin para mas maging pursigido sa buhay.

LAYUNIN

Ang aking layunin ay para makatulong sa aking pamilya at magkaroon ng magandang buhay at
higit sa lahat maging ispirasyon sa nakakarami.

REPLEKSYON

Ang Universidad ng Kanlurang Mindanao ay isa sa mga prestihiyosong


paaralan sa syudad ng Zamboanga. Ang Universidad na ito ay naglalayon na
magbigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Masasabi kong maraming
studyante ang gustong makapag-aral sa Universidad na ito sapagkat maayos at
maganda ang pamamalakad. Bawat taon nagbibigay ang Universidad ng Entrance
exam para sa mga mag-aaral na gustong makapasok at makapag-aral sa
Universidad at isa ako sa maswerte na nakapasa. Pangarap kong makapag-aral sa
Universidad na ito sapagkat maganda at maayos ang mga paraan ng mga guro.
Ang Universidad din na ito ay maraming kursong pwedeng pagpipilian ng mga
studyante.
Ayon sa mga dating mag-aaral sa Universidad na ito ay nahasa talaga ang kanilang
mga utak at na disiplina ng maayos ng mga guro. Isinasaad sa kanilang Bisyon na
ang Universidad na ito ay "University of choice" sapagkat nagbibigay ng kalidad na
edukasyon sa mga mag-aaral. Ang pinaka maganda dito ay pantay pantay ang
mga mag-aaral at walang diskriminasyon pagdating sa kasarian sapagkat gender
sensitive ang ang Universidad na ito. May mga clubs din ang Universidad kabilang
dito ay ang gender equality na gustong gusto ng nakakarami at lalo na sa mga
miyembro ng LGBTQ Community.

Malaki ang naging expektasyon ko sa Universidad sapagkat napapansin ko na


tulong tulong ang mga staffs at mga guro sa mga gawain. Ginagawan ng mga
paraan ng Universidad para ipagpatuloy ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon
kahit sa panahon ng pandemya. Masasabi kong maayos at maganda ang
pamamalakad sapagkat kahit mahirap ay patuloy sa pagtatrabaho ang mga staffs
at mga guro para magabayan ang mga mag aaral. Ang aking mga punto ay base sa
aking mga sariling opinyon lamang at ang ibang idea ay base sa aking obserbasyon
at naririnig.

Godbless💞🙏

You might also like