You are on page 1of 3

Sa ating mga paaralan lahat ng mga mag aaral ay inaatasang kabisaduhin ang

mission, vision, quality policy. Bakit nga ba inaatasan ang mga mag aaral na
kabisaduhin ang mga ito? Diba hindi naman natin ito nagagamit sa pang araw araw na
buhay natin? Bakit ba ito importante? Ano ba ang kahalagahan nito at ano ba ang
kahulugan nito? May maiitutulong ba ito sa atin? Pero bago natin yan malaman
alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng Vision, mission at quality policy para
mas malaman at maunawaan natin ito.

Vision/Layunin ito ay ang anumang ninanais na makuha o maratíng ng isang


tao o bagay. Samantalang ang Mission/Misyon ay tumutukoy sa nais marating sa
buhay o ito ay kinakailangan ng matalinong pagbuo ng plano at siguradong hakbang
sa pag-abot ng mga pangarap. Ito ay may iba’t ibang pagpapakahulugan batay sa
mithiin ng isang tao. At ang quality policy naman ay kalidad na patakaran ng isang
institusyon o isang paaralan.

Batay sa kahulugan na ating nabasa, masasabi nating ang mission, vision at


quality policy ay may pagkakapareha at konektado sila sa isa’t isa. Sapagkat bago mo
maabot ang iyong mga layunin at misyon sa buhay kailangan may kalidad ka na
patakaran para sundin upang maabot mo ang mga pangarap mo sa iyong buhay ng
walang hadlang sapagkat alam mo na kung ano ang iyong gagawin gawin upang ma
abot mo ang iyong mga layunin at misyon sa buhay.

Tulad ng bawat paaralan sila rin ay may mga layunin, misyon at kalidad ng
patakarang gustong maabot, isa na doon ay ang Negros Oriental State University. Ang
layunin ng Negros Oriental State University ay maging isa sa mga competitive at
magaling uniberdidad sa Pilipinas. Samantalang ang kanilang misyon ay makapag
bigay ng maayos na paaralan sa mga mahihirap na mga mag aaral at mag produce ng
magagaling na mga nakapatagpos upang makatulong sa ekonomiya ng bansang
Pilipinas.

At ang kanilang kalidad na patakaran naman ng Negros Oriental State


University ay patuloy na magbibigay nag maayos na paaralan sa mga mag aaral at
patuloy na aayusin ang kanilang sistema ng pamamahala ng sagayon mapamahalaan
nila ng maayos ang kanilang mga mag aaral. Ang Negros Oriental State University ay
isa sa mga sikat na Unibersidad dahil sa kaning kaledad at pamamaraan. Maraming
mga professional na ngayon ang nakapagtapos na galing sa Negros Oriental State
University dahil sa maayos at magaling na pamamalakad nila sa kanilang paaralan.

Dahil sa kalidad na patakaran ng Negros Oriental State University


nagkapagpatayo sila ng mga unibersidad sa iba’t Ibang lugar sa Negros Oriental. Ang
unibersidad na ito ay talagang kahanga hanga sapagkat handa silang tumulong sa mga
mhihirap na mga mag aaral at kanila talagang na susunod ang kanilang mga layunin at
misyon na inimplemta, dahil sa kanila maraming mga mahihirap na mag aaral ang
naka pag tapos dahil sa libreng tuition ng unibersidad na ito. Hindi talaga natin
maikakaila na tayo ay swerte o pinag pala dahil hindi lamang pwede ng mag aral ang
mga estudyante ng libre, sila pa ay matututo sa mga maga galing na professor na ang
hangarin lamang nila ay maturuan ang mga estudyanteng nagsisikap maabot Lang ang
kanilang mga pangarap sa buhay.

Hindi man natin magamit sa pang araw araw na ginagawa natin sa buhay ang
mga salitang ating kinsabisa sa ating mga puso at isipan pero kahit papaano naman ay
alam natin ang gustong maabot layunin at misyon ng ating mga paaralan. Hindi man
natin maintindihan ang mga kahulugan nito sa umpisa pero kahit papaano ay alam
ang gustong ma abot ng ating paaralan. Hindi pa man tayo ang maging bunga ngayon
ng isang institusyon ngayon pero tayo ang butong kanilang itinanim upang balang
araw tayo ay makapagtatapos ng ating mga kursong kinuha na proud at masaya
tayong magiging isang alumni ng unibersidad na ito na walang sawang tumutulong sa
iba dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi natin maabot ang mga pina pangarap
natin sa buhay.

Lagi nating tandaan lahat ng ginagawa nila ay hindi para sa kanilang sarili
lamang kundi para narin sa ating mga kinabukasan, huwag nating kalilimutan na
hindi natin maaabot ito kung walang gagabay at tutulong sa atin, lahat ng bagay na
ating na abot ay dahil sa mga taong nag aruga ng mga tao sa bawat isa sa atin. Alamin
rin natin ang mga bagay na maaaring makatulong sa atin at tayo ay magpasalamat sa
biyayang atin natatanggap. Ako si Cristinne Jireh D. Millares kinuha a ng
kursong Bachelor of Elementary Education. Pinanganak noong Nobyembre 9, 2003
naka tira sa Purok 1 Actin, Basay Negros Oriental at 18 taong gulang na babae at ang
tanging anal ng aking mga magulang isang first year college ng kolehiyong Negros
Oriental State University ay ng taos puso nagpapasalamat dahil ako ay natanggap sa
kolehiyong ito.

Ako ay Nakapasa sa lahat ng kwalipikasyon at mga pagsusulit na inihanda ng


kolehiyong ito dahil sa pagkakataong binigay ng unibersidad na ito sa akin, aking
patutunayan na hindi sila nagkamali na ako ay bigyan ng pagkakataon na ako ay
makakatung tong sa institusyon na ito upang patunayan ang aking sarili. Pinapangako
ko na isa ako sa mga mag aaral na makapag tatapos ang aking kurso ng walang
problema at magbibigay ng pride sa Negros Oriental State University na isa sa mga
butong kanilang itinanim noon ay pwede nagyong mag bunga at siya na ring tutulong
sa komunidad na ito upang palaguin ang bansang Pilipinas.

Hindi ko man malaman kung ano ang mangyayari sa akin sa hinaharap pero
alam ko na sa bawat gabay ng instistusyong ito sa dahil sa kanilang layunin at mga
misyon na gustong maabot ako ay panatag at kampate na ako ay makapag tapos sa
kursong kinuha ko sa unibersidad na ito dahil sa kanilang mga walang humpay na
gabay sa akin. Importante na maunawaan natin ang mga layunin, misyon at kalidad na
patakaran ng ating unibersidad dahil doon palang malalaman na natin na tayo ay nasa
tamang kamay at tayo ay maka pag tatapos at maaabot ang ating mga panagarap.

You might also like