You are on page 1of 2

Pangalan: MAGTIBAY, JADE M.

Seksyon: BSCA- 2106

Pamagat: PROGRESIBONG PAARALAN, BAKA


BAT-STATEU YAN!
“Batangas State University, libre ang pag aaral mo dito!” Ang pagkakaroon ng isang
unibersidad na punong-puno ng kaalaman at kalinangan ay napalaking tulong sa bawat
Pilipinong mag-aaral. Isang pribilehiyo ang makapasok sa paaralan na kung tutuusin ay libre
ang matrikula at walang anumang kailangan bayaran. Isa ang Batangas State University sa
mga paaralan o unibersidad sa Batangas City na may magandang kalidad ng kaalaman at
pamantasan na kung saan maraming nagsipagtapos.
Sinasaklaw ng BSU sa kanilang magandang adhikain na magkaroon ng bisyon, misyon,
at mahalagang pag-uugali. Upang mas maging linang ang mga mag-aaral binibigyang pansin
nila ito sa pamamagitan ng pagpapagamit ng mga makabagong teknolohiya sa iba’t-ibang
kurso. Kaugnay nito may mga pangyayari na nagpapadala ng estudyante ang BSU sa ibang
bansa upang lumaban sa iba't-ibang larangan at naii-uwi ang kampeonato. Sa madaling sabi
napakasarap mag-aral dito sapagkat ikaw ang huhulma sa sarili mong pangarap at handang
tumulong ang Batangas State University para satin.

Para saan nga ba ang bisyon, misyon na ibinahagi ng BSU sa bidyo? para sakin ito ang
isa sa dahilan kung bakit masasabing maganda ang kalidad ng edukasyon dito BSU sapagkat
bisyon palang makikita mo na magkakaroon ka talaga ng magandang kinabukasan.
Ipinapahiwatig sa bidyo na ang bisyon nila ay tumatalakay sa pagiging matapat at pag-angat ng
kanilang mga estudyante base sa kanilang mga napiling kurso o larangan. Nais nilang maging
isang mabuting lider ang mga ito at maging responsable sa kanilang trabaho upang makatulong
sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Sa kabilang sabi ang bisyon nila naglalaman tungkol sa
kung anong gustong mangyari ng BSU para sa kinabukasan mo. Sa pag dako naman sa
misyon masasabi kong napaka perpekto ng ninanais nila na maging hakbang hindi lang sa
paaralan kung pati sa lahat ng estudyante at guro. Nakapaloob sa misyon nila na nais nilang
magkaroon ng bahagi ang kanilang mga estudyante sa komunidad at bansa, sa pamamagitan
ng pagtuklas ng iba’t-ibang aksyon ukol sa problema. Batay sa nakasaad sa kanilang core
values o mahalagang pag-uugali ito dapat nagtatangi sa mga estudyante upang magkaroon sila
ng disiplina at respeto sa isa’t-isa at respeto sa paaralan.

Magagandang gusali, maayos at malinis na kantina, responsableng mga guro isa ito sa
kayang ipagmalaki ng BSU sapagkat nasusunod nito 21st siglo. Sa ngayon, ang BSU ay
matagumpay na ginagampanan ang kanilang bisyon, misyon, at mahalagang pag-uugali at
patuloy nila itong ibinabahagi sa mga estudyante dito. Gumagawa sila ng ibang aksyon upang
mas palawigin ang sistema at kalidad ng edukasyon tungo sa mas lalo pang maging maayos
ang daloy ng pag-aaral dito sa unibersidad. At sisiguraduhin tungkol sa kanilang mga gusali na
mas lalong pang palakihin at pagandahin.

Isa ako sa estudyante na masasabi na mapalad, sa pagkat dito sa unibersidad na ito ay


punong-puno ng kaalaman at karunungan. Susunod ako sa batas ng paaralan at isasabuhay
ang kanilang bisyon, misyon at mahahalagang pag-uugali. Ire-respeto ang mga guro at kapwa
estudyante. Nakakalungkot mang isipin na dahil sa pandemya hindi natin masasaksihan ang
mga pagbabagong nagaganap sa loob ng paaralan pero kailangan natin unahin ang ating
kaligtasan.Pangarap kong makapasok dito sa BSU at ngayon na nakapasa na ako
sisiguraduhin kong dito ko papandayin ang aking kakayahan at pangarap sa buhay upang
maiahon sa hirap ang aking pamilya.

You might also like