You are on page 1of 2

Kaye L.

Cayasan
BSBA MKTG 2-1

FILKOM 1100- KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA


FILIPINO

Takdang – aralin:
Ipaliwanag ang nilalaman ng Bisyon, Misyon at Pilosopiya ng ating pamantasan batay sa
iyong pagkaunawa. Paano mo maiuugnay ang Bisyon, Misyon at Pilosopiya ng ating
pamantasan sa kursong iyong kasalukuyang kinukuha. (20 puntos)

Ang Central Luzon State University o mas kilala bilang CLSU ay isa sa mga tanyag na
unibersidad. Ito ay naghahatid ng mataas na kalidad ng edukasyon at maayos na serbisyo sa mga
mag-aaral gayundin sa mga mamamayang nasasakupan nito. Dagdag pa rito, ito ay mas sariling
pilosopiya, bisyon at misyon na nagsasaad ng mga pahayag kung bakit ito katangi-tangi.

Batay sa pilosopiya nito, may malaking kontribusyon ang CLSU hindi lamang sa
larangan ng edukasyon. Ito ay nakaiimpluwensya rin sa usaping ekonomiya, sosyal, politikal,
kultura at iba pa. Sapagkat dito, imumulat tayo hindi lamang sa pang paaralan na kamalayan
kundi maging sa mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran. Kung kaya't tunay na malaki at
maimpluwensya ang institusyon na ito sa mga mamamayan ng pinaglilingkuran nito.

Kaugnay nito ang bisyon, nagsasaad ito na kinikilala ang unibersidad bilang isang
pandaigdigang institusyon. Marahil sa mga kamalayan, kaalaman at karunungang hatid nito na
siyang nagbubukas sa kaisipan ng mga tao. Bukod dito, ito ay hindi basta-basta lamang, kundi ito
ay isang palaban na paaralan na huhubugin ang kakayahan at abilidad ng mga mag-aaral nang
may kahandaan sa pinakamahusay na paraan.

Bilang karagdagan, ang misyon ng CLSU ay humubog at luminang ng mga taong may
kakayahan at kahusayan hindi lamang sa loob ng paaralan. Ang mga taong ito ay magsisilbing
kasangkapan upang makatulong sa pag-ahon sa kahirapan na ating nararanasan sa kasalukuyan.
Magsisilbing daan upang makatulong sa pagbabago at pagkakaroon ng kaunlaran. At ang mga
taong ito ay ang mga mag-aaral na magiging yaman at susi patungo sa pangmatagalang
kaunlaran ng ating lipunan.

Kung akin itong iuugnay sa aking kurso sa kasalukuyan, ito ay may malaking
maitutulong sa akin. Sapagkat tulad sa pilosopiya, hindi lamang sa iisang larangan ako may
matututunan. Matutunan ko rito ang iba't-ibang bagay na magagamit ko hindi lamang sa loob ng
paaralan bagkus sa tunay na mundo na aking tatahakin sa labas ng eskwelahan. Ang mga
kaalaman at karunungang ito ang siyang mag-aangat sa akin upang ako ay makilala bilang isang
matagumpay na indibidwal pagdating ng araw. Sa paraang ito, matutulungan akong maging isang
mabisang kasangkapan na may malaking kontribusyon sa lipunan. At makatulong magkaroon ng
magandang pagbabago sa ating bansang mahal.

Bilang kabuuan, ang pilosopiya, bisyon at misyon ng CLSU ay makatutulong sa akin at


sa lipunan sa pamamagitan ng aking kurso. Sapagkat bilang isang marketista, natutugunan natin
ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao na may malaking epekto sa kanilang buhay
at sa komunidad na magsisilbing daan tungo sa pangmatagalang kaunlaran ng ating bayan.

You might also like