You are on page 1of 2

PANUTO: Bumuo ng isang talatahan batay sa mga sumusunod na katanungan bilang

gabay.

1.Ipaliwanag  ang  nilalaman  ng  bisyon,  misyon  at  pilosopiya  ng  pamantasan  b
atay  sa  iyong  pagkaunawa.

BISYON
Ang Pamantasang Estado sa Gitnang Luzon (Central Luzon State University) ay

tunay nga namang maipagmamalaki sapagkat ito ay isang pamantasang tinaguriang

may pandaigdigan na kahusayan at nagsusumikap na makatulong sa mga mamamayan

na nais pang hubugin o kilalanin ang kanilang tinataglay na kahusayan. Ang

karunungan na maibibigay ng CLSU ay siyang hahasa sa bawat isa na siyang aanihin

upang maging isang ganap na mag-aaral na may tunay na malasakit para sa bawat isa.

MISYON
Ang layunin ng pamantasan ay palawakin at linangin ang kahusayang taglay at

kaalaman na siyang huhubog sa bawat mag- aaral na siyang makatutulong na

makaahon sa kahirapan pati na rin ang pagkakaroon ng kamalayan at malasakit sa

bawat isa gayundin ay kakayahang makipag sabayan para sa magandang kinabukasan

para sa lahat. Ito ay nagnanais iparating na ang mga mag-aaral ang siyang magiging

daan sa pagkamit ng tagumpay at pag-asa sa ika-bubuti ng pangkalahatan.

PILOSOPIYA
Ipinararating nito na ang Pamantasang Estado sa Gitnang Luzon (Central Luzon

State University) ay hindi lamang nagbibigay kontribusyon sa larangan ng edukasyon

kung hindi pati na rin sa iba pang aspeto gaya ng ekonomiya, sosyal, kultural, politikal

at moral na kagalingan gayundin ang pangkapaligirang kamalayan. Patunay na ang

CLSU ay may malasakit sa bawat isa at sa mga mamamayang nasasakupan nito.


2.Paano  mo  maiuugnay  ang  bisyon,  misyon  at  pilosopiya  ng  pamantasan  sa 
kursong  iyong  kasalukuyang  kinabibilangan.
Ang pilosopiya ng Central Luzon State University ay magkaroon ng ambag at
impluwensiya sa bawat aspeto ng ating lipunang ginagalawan. Tulad ng pilosopiya ng
CLSU, ang kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino na siyang aking kinukuha sa
kasalukuyan ay naglalayon na makapagbigay ng impluwensiya at maipaunawa ang
kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag aaral at sa buong mundo na siyang hindi
na binibigyang pansin ng karamihan. Bisyon na nagnanais magbigay ng karunungan at
kahusayan sa pandaigdigan dahil ang Filipino ay unti-unting isinasawalang bahala.
Bilang isang mag-aaral at parte ng Konseho ng Batsilyer ng Sining sa Filipino, nais
kong ipakita ang aking husay upang mapalawak at maitaas ang bandera ng ating wika
na siyang ating ginagamit sa pang araw araw na komunikasyon at ituro ang
kahalagahan nito sa bawat estudyante sa ating pamantasan.

3.Ano  ang  maari  mong  maging  kontribusyon  tungo  sa  ikakakamit  ng  bisyon, 
misyon  at  pilosopiya  ng  pamantasan.
Bilang isang estudyante ng pamantasan na ito ang maaari kong maging
kontribusyon upang makamit ang bisyon, misyon at pilosopiya ng unibersidad ay
gagawin ko ang aking mga tungkulin bilang isang estudyante sa abot ng aking
makakaya. Sa pamamagitan nito makakatulong ito saakin upang mahasa ang aking
kakayahan at talino na aking magagamit sa hinaharap.

You might also like