You are on page 1of 2

REPLEKSYON PATUNGKOL SA VMGO

Pangalan: Justine Mae B. Bumalay

Baitang at Seksyon: 1 BSABE-1

Ang misyon ng institusyon ay hubugin ang mga mag-aaral upang maging mga
propesyonal sa kanilang sariling mga paraan batay sa mga kurso na kanilang kinuha,
na nagbibigay ng propesyonal na pamamaraan ng pag-aaral sa pamamagitan ng
proseso. Kahit na maaaring maging hamon, ang propesyonal na diskarte sa
edukasyon ay naghahanda na ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay sa
kanila ng kaalaman sa karanasan sa tiyak na industriya na malapit na silang
magtrabaho, na isinasagawa ang Patakaran sa Kalidad na may mataas na kaugnayan
dito, binibigyang diin ang kakayahan ng mag-aaral na gampanan ang papel nito sa
komunidad, mas mabuti pa, sa bansa. Ang bawat mag-aaral ay dapat magbigay ng
kanilang pinakamahusay na pagsisikap dahil ang Bicol University ay isa sa mga
pinaka-coveted na paaralan sa Bicol Region. Para sa isang tao na tinutukoy bilang
isang kumpleto at mahusay na bilog na propesyonal, ang kanilang pagkatao at
diskarte sa mga problema ay dapat mauna, hindi lamang ang kanilang mga nakamit
na pang-akademiko. Ang isang mag-aaral ay hindi maaaring tawaging isang
propesyonal kung hindi nila nabuo ang kanilang kung hindi man mahusay na karakter.

Napakaganda ng araw upang maaga akong pumasok sa Unibersidad ng Bikol


Guinobatan kampus para dumalo at matuto lalo na sa aralin ng Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL). Subrang galak ng aking pakiramdam sa araw na
iyon dahil sa unang pagkakataon ay nakilala ko ang aming butihing guro. Nang
mailatag ng aming guro ang kanyang pagkakakilanlan at kanyang mga naabot bilang
isang lisensyadong guro, agad kaming tumungo sa diskusyon.

Unang ginawa ay ibinigay saamin ang mga gabay sa kursong KOMFIL.


Itinalakay ng aming guro ang patungkol sa BISYON, MISYON AT ANG MAKALIDAD
NA PANUNUNTUNAN ng Unibersidad ng Bikol. Nakapaloob sa Bisyon na ang
Unibersidad ng Bikol ay isang Pandaigdigang Pamantasan na lilinang ng mga lider at
kinatawan ng pagbabago para sa panlipunang pagbabago at pag unlad. Ang kanilang
layunin ay tulungan ang mga estudyante na maging instrumento ang sarili hanggang
sa maging isang huwarang lider na mag-susumikap para sa pagbabago at pag-unlad
ng lipunan.

Sa kabilang banda, sa MISYON naman ay nakapaloob na ang Pamantasan ng


Bikol ay magbibigay ng propesyonal at teknikal na pagsasanay sa makabago at
pansalubhasang pagtuturo ng literatura, pilosopiya, agham at sining gayundin sa
pagpapa angat ng mga maka agham at panteknilohiyang pananaliksik. Ang mga Guro
ay magbigay sa mga mag-aaral ng mga kasanayang kailangan nila upang maging
matagumpay na mga propesyonal sa kanilang napiling kurso, sa pamamagitan ng
hakbang-hakbang na proseso. Mas lalong napapaunlad ang kaalaman ng mga
magaaral sa nabanggit na Unibersidad dahil sa mga hatid nitong matitibay at
magagaling na mga guro. Sa ganitong paraan mas lalong mapapalawak at mahahasa
ang mga kasanayan at kaaalaman ng mga kabataan tungo sa kaunlaran. At ang pang-
huli naming tinalakay ay ang Makalidad na Panuntunan.

Dahil naglalayon ang Unibersidad na ito na mahasa sa kaalaman at mapaunlad


ang mga kapwa ko mag-aaral, ganoon din naman ang Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL). Ito rin ay naglalayong matuto ang mga mag-
aaral sa pag-unawa ng mga wika o lengwahe at mga ideya sa kontekstong ito.
Mahalagang matutunan natin ang ibang ibang lengwahe o salita para tayo’y
magkaintindihan at may maayus na kumunikasyon. Marapat na matuklasan ng bawat
pilipinong mag-aaral lalong-lalo na ng Unibersidad ng Bikol ang mga salita kung saan
sila ginagamit at kung paano ito nakatutulong sa pag-unawa ng mga mensahe. Lalo’t
alam ng bawat isa saatin na dahil sa mga kultura ay mas lalong nagiging makabuhay
at nagiging makulay ang ating wika at ating komunikasyon. Ang wika ay isang
napakalawak na usapin at aralin na dapat matutunan ng bawat Pilipino sa loob ng
halos dalawang linggong pagtalakay rito. Ang wika ay kultura, salamin ng lahi, o
tagapagpahayag ng damdamin. Ang komunikasyon ay konsepto ng wikang katutubo,
lingguwistikong komunidad, mga barayti ng wika, at register ng wika. Ang mga teorya
ng wika ay mayroong tunog na nalikha ng mga bagay at tunog ng tao na tinatawag na
ding-dong. Ang pagkakaroon ng isa, dalawa, o higit pa na alam na wika ang itinuro sa
amin sa konsepto ngwikang katutubo.

Tunay nga’t napakagandang pag-usapan ang patungkol sa pagtangkilik ng


ating pambansang wika. Ang sariling wika natin ay tila kinakalimutan na. Ang
pagbabago ng bersyon ng Filipino ay hindi tama. Ang mga kabataan ngayon ay
tinatangkilik ang makabagong wika para lang maging pasok o kasali sa grupo ng
nakararami. Ang gamit sa komunikasyon ay ang shortcut sa mga salita, nauuso na
ang mga patinig para lamang mapadali ang gawain, at ang pagtawag sa iba ay ang
pagtabon sa kultura ng bansa. Nawa’y ang KOMFIL ang maging daan upang mamulat
ang mga mata at mamasdan muli ang kagandahan ng ating wika. Muli tayong
mamangha kung paano muling gagamitin at kukulayan ang mga salita sa masining na
pamamaraan.

You might also like