You are on page 1of 1

ASINAS, SHAVEH OSURMAN BSBA in Management

HAKBANG TUNGO SA PAGTAMO NG BISYON

Walang tao na hindi gusto makapag-aral sa isang dekalidad na unibersidad o kolehiyo. Alam
ko lahat tayo ay gustong mag-aral sa isang unibersidad na may kalidad na edukasyon at walang
binabayarang mataas na twisyon. Lahat tayo’y gugustuhing mag-aral sa Pamantasan ng Bikol. Ngunit
kaakibat ng pagiging iskolar ang napakalaking pananagutan o tungkulin bilang bahagi ng pamantasan.

Ang isang unibersidad o pamantasan ay hindi maitatatag kung walang bisyon o hangarin para sa
mga estudyante at sa lahat. Ito’y isang bagay na iniisip nilang mangyari sa ating hinaharap at kanilang
aasahan para sa atin. At ang bisyon ng Pamantasan ng Bikol ay, ang humubog ng lider at kinatawan ng
pagbabago tungo sa transpormasyon at pag-unlad. Para naman matamo ng unibersidad ang kanilang
bisyon, gumawa sila ng palatuntunan para sa lahat hangarin o objective at mga layunin na magiging
tulay para matamo ang bisyong ito. At ang apat na haligi nito; Scholarship, Leadership, Character at
Service. Ito ang apat na humuhubog sa unibersidad para isapuso at isagawa ng bawat isa. Upang ating
matungo ang bisyong ito, kailangan nating maging aktibo, may kamalayan, boluntaryong nagsasagawa
ng mga gawain hindi lamang sa apat na sulok ng klasrum pati na rin sa labas ng pamantasan, pagiging
produktibong estudyante at tumatayong lider sa bawat isa. Malaking bahagdan na kung maituturing na
kung lahat ng ito’y ating susundin.

Ang bisyon ng unibersidad na ito ay magsisilbing mekanismo upang humubog sa ating lahat,
maging daan tungo sa pagbabago at pag-unlad hindi lamang para sa ating mga sarili kundi tungo sa
isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa at buong mundo. Kung wala nito, magiging mahirap
para sa atin na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan ng bawat isa sa atin ang layunin
ng pagkakaroon ng bisyon. Sapagkat ito’y magdadala sa inaasam nating mithiin, ating tandaan tayo ang
pag-asa ng mundo at magdadala tungo sa pagbabago.

You might also like