You are on page 1of 2

Ladiasan, Hessa Nadira P. 12 – St.

Sebastian
Luna, Bai Shamriah Alyanna B.

Kahalagahan ng Core Values sa mag-aaral ng NDU-SHS

Ang bawat unibersidad ay may sariling core values. Ito ay pinapatupad upang hikayatin
at bigyang gabay ang mga mag aaral sapagkat ito ay nakakatulong na mapa-unlad ang kanilang
sarili at kakayahan na maaaring madala sa kanilang pag tanda. Layunin naming makapagtapos at
makamit ang aming pangarap dahil kapalit nito ay oportunidad na mapaganda ang aming buhay.
Sa tulong na rin ng aming mga guro ay naisasatuwid ang pananaw ng bawat estudyante at
bigyang inspirasyon at magkaroon ng motibasyon sa mga bagay na aming gagawin. Bilang
estudyante ng NDU-SHS, nararapat kong alamin kung ano ang dapat at tamang pag uugali sa
loob ng aming unibersidad sapagkat ito ay ang mga batas na dapat sinusunod habang kami ay
namamalagi sa paaralan. Ang mga core values na nasabi ay Leadership, Integrity, Respect and
Honesty, ito ay ang mag sisilbing gabay sa mga tungkulin ng bawat mag aaral kung kaya’t
mahalagang isaisip at i-aplika ito sa mga bagay o daan na aming tatahakin.

Ang unang core values na nasabi ay ang Leadership. Sa aming unibersidad ay may
tinatawag na SSG or Supreme Student Government na kung saan ito ay binubuo ng mga
estudyanteng may taglay na kakayahang mamuno o maging lider sa aming paaralan. Naniniwala
ako na ang bawat isa ay may sariling paraan ng pamumuno, naipapakita ito sa pamamagitan ng
paraan kung paano mo dinadala ang iyong grupo at kung paano mo silang gagabayan. Hindi man
ako kabilang sa organisasyon iyon ay hindi ibig sabihin na hindi ko na kayang mamuno sapagkat
ang pagiging leader ay hindi lamang sa loob ng paaralan nagagawa dahil may mga bagay na
responsable tayo hindi lamang sa organisasyong iyong sinalihan kundi pati na rin sa ating buhay.
Ang bawat isa ay lider ng kanilang buhay, tayo ay responsable sa mga desisyon na ating pinili.
Ang isang lider ay dapat na may integridad sa mga bagay na kanyang ginagawa. Mahalagang
magpaka-totoo hindi lamang sa ibang tao kundi pati na rin sa iyong sarili dahil ang ganitong
katangian ay nagsisimula sa ating sarili. Ang paggawa ng kabutihan ay hindi nakakamatay, sa
totoo niyan ay masarap sa pakiramdam na gumawa ng kabutihan hindi para ipakita sa ibang tao
kundi para sa iyong sarili. Ito na rin ay ang pagbibigay respeto sa prinsipyo mo sa buhay. Ang
pagkakaroon ng respeto sa sarili at sa ibang tao ay dapat na ugaliin, matanda man o bata ay dapat
nating respetuhin tulad nalang ng pagbibigay natin ng respeto sa ating mga magulang. Bilang
isang estudyante, nararapat na respetuhin natin ang ating mga guro at huwag nating kalimutan na
gumamit ng po at opo sa loob o sa labas ka man ng paaralan. Ang pang huling core values na
nabanggit ay ang Honesty. Ang pagiging tapat sa lahat ng bagay ay hindi na dapat tinuturo sa
edad natin dahil sa ganitong edad ay dapat alam na natin ang pagkakaiba ng tama at mali. Ang
pandaraya kailan man ay hindi naging tama ganun na rin ang pangongopya sa kaklase, maloloko
mo man ang ibang tao ngunit hindi mo maloloko ang iyong sarili. Mahalang maging tapat sa
lahat ng ginagawa upang hindi tayo mauwi sa kasawian at kapahamakan dahil ang isang tapat na
estudyante ay hindi ibig sabihin na perpekto kundi ay marunong itong tumanggap ng saraling
kamalian.

Malaki ang naitutulong ng core values ng ating paaralan sa mag aaral nito dahil maliban
sa ginagabayan tayo nito ay natututo rin tayong makisama sa iba’t ibang uri ng tao na ating
nakakasalamuha. Ito ay nagsisilbing pamana ng ating unibersidad na madadala natin sa ating
paglaki dahil hindi lamang natatapos sa loob ng paaralan ang kahalagahan nito. Kaya bilang
estudyante ng Notre Dame University, hangad kong maging isang magandang halimbawa sa
kapwa ko estudyante at may magandang impluwensya sa bawat tao na aking nakakasalamuha.

You might also like