You are on page 1of 1

Ang Aking Sandata

Ayon kay Dr. Jose P. Rizal sa kanyang Noli Me Tangere, sinabi niya na “Ang di
pagkatuto ay ipinalagay kong gawa ng kawalan ng pagsisikap at hindi dahil sa kawalan
ng talino.” Sa ating kasalukuyang panahon, para sa akin, ang edukasyon ay hindi na
ipinalagay bilang isang institusyon na kung saan may natutunan ang mga estudyante na
maibabaon nila sa kanilang mga buhay kung hindi, parang nagpapakita na ito na ang mga
estudyante ay nagpapasa lang ng kanilang mga takdang aralin at pangangailangan sa kanilang
mga asignatura basta’t may maipasa lamang sila sa kanilang guro na nangangahulugan lamang
sa kanilang hindi pagtutuon nang maiging atensyon sa paggawa ng isang inaatasang gawain.
Sana maibalik natin ‘yung panahon kung saan binibigyan talaga ng importansya ang edukasyon
sa mga estudyanteng nag-aaral. Hindi tulad ngayon, na parang unti-unti ng nawawalan ng gana
ang mga estudyante dahil may ilan na sabik na sa face-to-face na interaksyon. Ano ba ang
pwedeng magagawa natin para masolusyonan ito? Nakatutulong ba talaga ang lahat ng ito para
mapaunlad natin ang mga kinabukasan ng mga susunod na henerasyon natin?

Lagi kong ibinabaon ang kaisipan na iyon na hatid ni Dr. Jose P. Rizal dahil ito lang ang
nag-iisa kong sandata para kayanin ang mga gawain sa eskwelahan sa gitna ng pandemya
ngayon. Sisipagan ko pang lalo sa pagtupad ng aking mga tungkulin bilang isang mag-aaral na
hindi hinihikayat ang sarili na maging isang taong tatamad-tamad para makapagtapos ako sa
pag-aaral at para makahanap ako ng isang trabaho na papatok talaga sa aking mga
kakayahan. Hinihikayat ko ang mga taong tila nawawala na ng pag-asa sa kanilang pag-aaral
sa kaisipang ibinabaon ko na mabigyan ko pa sila ng pag-asa para sa kanilang kinabukasan.
Huwag nating isipin ang ating takot at pangamba kapag may gusto tayong makamtam sa
buhay. Hindi naman talaga importante na maging matalino ka para makamit ang mga inaasam
mo sa buhay dahil mas importante ang pagsisikap at determinasyon na marangal na ginagawa
mo para makamtam lang ang mga inaasam mo sa iyong buhay. Hindi naman talaga masusukat
ang pagkatuto sa katalinohan ng isa tao at ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako sang-ayon na
may Dean’s list or honors na parangal sa ilang eskwelahan ngayon na online ang mga klase
dahil hindi natin alam na baka nangongopya lang ang ilang mga estudyanteng iyan para
makamit ang honors at para tumaas ang kanilang mga grado na hindi bunga ng sariling sipag at
tiyaga.

Hinihikayat ko rin ang mga guro na maging inspirasyon sa kanilang mga estudyante
para mabigyan ng pag-asa, motibasyon at lakas ng loob ang mga mag-aaral sa kanilang pag-
aaral patungo sa kanilang inaasam na kinabukasan para sa kanilang mga sarili at para sa kani-
kanilang mga pamilya. Ang mga gantimpala, sertipiko at iba pang mga parangal ay ilan lang sa
mga bagay na gustong makamtam ng isang estudyante. Pero paano ba natin ito makukuha?
Makukuha natin ito kung may sipag, tiyaga at determinasyon lamang tayo sa pag kamit nito. At
sa realidad, hindi na tinututukan ng pansin ang mga taong matalino sa mga kompanya para
makakuha ito ng trabaho kung hindi, mas pinapahalagahan nila ang mga taong may sapat na
kakayahan, sipag, tiyaga at determinasyon na makatutulong sa paglago ng kompanyang
tinatrabahuan.

You might also like