You are on page 1of 2

Transkription at pagsasalin sa interbyu (Group 5)

Kinakapanayam:
Hazzel May Pacudan
28 years old
Mag ta-tatlong taon na sa Taiwan
Relasyon ng kinakapanayam sa tagapanayam: malapit na kaibigan

Legend:
C = tagapanayam (interviewer)
H = kinakapanayam (interviewee)

(starting point)

C: Magandang araw sa’yo Binibining Hazel Pacudan. Mayroon akong iilang katanungan rito na
iyong sasagutin. Handa na ba kayo na ating simulan?

H: Okay

C: Sige, first question, ano ang nag udyok sa inyo para magtrabaho sa ibang bansa?

H: Dahil sa kahirapan sa buhay

C: Pangalawang tanong, anong proseso ang iyong napagdaanan bago ka nakarating doon?

H: Naghanap ng agency para mag apply para abroad

C: Saang bansa ka pumunta para doon mag trabaho?

H: Pinalad ako sa Taiwan

C: Ano ang iyong trabaho doon? Paano niyo mailalarawan ang iyong trabaho at magkano ang
sahod batay sa halagang peso?

H: Ang trabaho ko ay bilang isang factory worker, taga install ako ng cable. Hindi ko
masasabing magaan lamang ang aking trabaho sapagkat ito ay nakakapagod. Dahil inaatasan
ako na magtrabaho sa gabi, ang kalaban ko talaga ay antok. Dapat nakapokus ako sa trabaho
dahil kung hindi, ay mapapagalitan ako ng amo namin at babawasan niya ang aming sahod.
Kung sa sahod naman batay sa halagang peso, nakakaabot ako sa apat na pu’t libo.

C. Paano po kayo nakapag adjust sa mga sumusunod: sa kasamahan sa trabaho, sa pagkain,


at sa iyong boss?
H: Kung sa kasamahan, kailangan mo munang mag-obserba bago ka makipag halubilo. Batay
naman sa trabaho, dapat hindi ka magpanggap na alam mo na ang lahat ng bagay. Dapat
marunong ka munang mag-obserba para matuto sa mga gawain sa trabaho. Kung sa pagkain
naman, kinakailangan mo pang mag-adjust ng ilang buwan dahil iba talaga ang pagkain dito sa
Taiwan kumpara sa Pilipinas at iba din ang lasa nito. Kailangan mo talagang kumain sa pagkain
nila dahil kung hindi, wala kang lakas at sustansyang makukuha para sa iyong katawan na
kinakailangan para maging masigla ka sa pagtatrabaho. Parte naman sa aming amo, dapat
maging matapat ka sa kanila. Kung mayroon kang pagkakamali na nagawa, kailangan mo
silang sabihan sa katotohanan dahil kung may kasalanan ka at itinanggi mo ito ngunit nakikita
ka nila sa cctv camera, at hindi iyon kaaya-aya para sa kanila at posibleng ibalik ka sa Pilipinas.

C. Paano niyo po natugunan ang mga hamon sa buhay doon gaya ng aspetong pisikal at
aspetong emosyonal?

H: Para sa akin, nililibang ko na lang ang aking sarili upang hindi ko maisip ang aking pamilya.
Mas pinili kong pasyalan ang aking sarili kaysa magmukmok at umiyak sa kwarto. Iyon na lang
ang ginawa ko, inenjoy ko nalang ang buhay ko at ang pag-abroad ko.

C: Anong kulturang Pilipino ang iyong naibahagi doon at ang kultura rin nila na
nakaimpluwensya sa iyo?

H: Para sa akin, wala akong naibahagi sa kanila parte sa kultura ng Pinas. Pero sa kanilang
kultura ng Taiwan, meron silang naibahagi sa akin. Unang una ay dapat mag ipon ng pera,
tapos mag tipid. Ganito po talaga sa kanila rito, dapat mag ipon ng pera at mag tipid. Kahit yung
mga matatanda rito ay nagtatrabaho pa din kumpara sa Pinas na kapag matanda na ay hindi na
nagtatrabaho. Ganito talaga dito, kayod dapat. Trabaho, trabaho lang talaga dito.

C: Anong magandang karanasan doon na hindi mo makalilimutan?

H: Mabili ko ang gusto ko kumpara sa pinas. Kasi dito sa taiwan makukuha ko ang gusto kong
bilhin.

C: Kung kayo ang magdedesisyon, balak n’yo rin bang bumalik doon? O kaya’y magtrabaho
doon sa mas matagal na panahon?

H: Para sa akin, mag de-depende sa sitwasyon kasi hindi ko naman mahuhulaan kung ano man
ang kinabukasan ko. Pero kung meron akong perang naipon na malaki laki, kung kailangan
lang, sa pinas nalang ako. Pero kung wala talagang pera, syempre wala na akong pagpipilian,
mangingibang-bansa nalang ako.

C: Ano ang iyong mensahe sa iyong kapwa pilipino na may balak ding mangibang-bansa?

H: Kung meron man silang balak mangibang-bansa, kailangan ihanda nila ang kanilang sarili
kasi hindi natin alam kung anuman ang kapalaran ng buhay natin don, at kailangan din na wag
kalimutang manalangin. Kinakailangan bigyan natin ng halaga ang pananalangin.

You might also like