You are on page 1of 2

1ST SEMESTER 2021-2022

TAKDANG GAWAIN

FILIPINO 2/ FILDIS – 03:00PM-04:30PM – T-Th

PANGALAN:

DEGREE PROGRAM/YEAR:

A. PAKSA PARA SA GAGAWING PAG-AARAL:

(unang paksa) Isang Pagsusuri sa Penomenon ng Smart-Shaming sa mga

Pilipinong Mag-aaral sa Kolehiyo ng Unibersidad ng San Jose-

Rekoletos na Gumagamit ng Facebook

MGA LAYUNIN:

1. Layunin ng mananaliksik na tukuyin ang mga negatibong epekto ng Facebook


tulad lang ng kosepto ng ‘Smart-Shaming’, at kung ito ba ay isang uri ng cyberbullying.

2. Susubukang sagutin ng mananaliksik ang ilang katanungang (kagaya lang ng


ano nga ba ang mga salik sa pagsagawa ng Smart-Shaming) bumabalot sa isang
naobserbahang kilos ng mga tao sa internet—ang Smart-Shaming (SS), na inilarawan
ito bilang isang uri ng pagpapahiya sa mga taong matatalino.

3. Susubukan ng kasalukuyang pag-aaral na tingnan ang perspektibo ng


mga taong nakaranas ng penomenong ito upang makabuo ng matibay na
pundasyon sa pagbuo ng naangkop na depinisyon para sa SS.

B. PAKSA PARA SA GAGAWING PAG-AARAL:

(ikalawang paksa) Ang Epekto ng Birth Order sa Personalidad ng mga Kolehiyong

Mag-aaral sa Unibersidad ng San Jose-Rekoletos

MGA LAYUNIN (layunin ng mananaliksik na sagutin ang mga katanungang ito):


1. Anu-ano ang mga katangian ng bawat indibidwal na makakapagsabing sila ay
panganay, gitna at bunsong anak?

2. Anu-ano ang mga pananaw ng magulang sa mga positibong at negatibong


epekto dulot ng Birth Order sa katangian at kilos ng kanilang mga anak?

3. Isasagawa ang pananaliksik na ito at susubukang hanapan ng mga kasagutan


ang mga katanungang inilahad sa itaas upang magkakaroon ng ideya ang mga
magulang sa mas epektibong pakikitungo sa ugaling ipinapamalas ng kanilang mga
anak.

C. PAKSA PARA SA GAGAWING PAG-AARAL:

(ikatlong paksa) Isang Pag-aaral Patungkol sa mga Dahilan ng mga Estudyante sa

Pagkuha ng Kursong Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya sa

Unibersidad ng San Jose-Rekoletos

MGA LAYUNIN (layunin ng mananaliksik na sagutin ang mga katanungang ito):

1. Anu-ano ang mga salik ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong Sikolohiya?

2. Nahihirapan ba sa pagpili ng kurso ang mga mag-aaral o pawang kagustuhan


lang talaga nila itong kursong Sikolohiya?

3. Nakasalalay ba ang kinabukasan ng mga mag-aaral ang mahalagang


desisyon na ito sa pagpili ng kursong Sikolohiya?

You might also like