You are on page 1of 2

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang motibasyon ng mga mag-aaral ng

STEM strand patungkol sa pagkokomento at kung gaano sila konektado sa mga

kontemporaryong isyu na makikita sa Facebook sa Paaralang Sekundarya ng Lagro, taong

panuruan 2019-2020.

Ang pananaliksik na ito ay may paksang : CONNECTEDNESS MOTIVATION:

MOTIBASYON NG MGA MAG-AARAL SA STEM STRAND PATUNGKOL SA PAGKOKOMENTO SA

MGA KONTEMPORARYONG ISYU NA MAKIKITA SA FACEBOOK SA PAARALANG SEKUNDARYA

NG LAGRO TAONG PANURUAN 2019-2020

Naglalayon itong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondent batay sa kanilang:

1.1. Kasarian

1.2. Edad

2. Sa anong kategoryan ng kontemporaryong isyu ang madalas binibigyan ng komento ang

mga mag-aaral ?

2.1 Pangkapaligiran

2.2 Pang ekonomiya

2.3 Kaunlarang Pantao

2.4 Pangkapayapaan at Panseguridad

3. Nakakaramdam ba ng ugnayan ang mga mag –aaral sa mga post tungkol sa

kontemporaryong isyu na makikita sa Facebook kung kaya sila nag kokomento sa mga ito ?
Sa mga Estudyante. Mula sa pananaliksik na ito ay mailalarawan nila ang kanilang mga

sarili na kung saan malalaman nila na kung ano ang kanilang mga koneksyon at motibasyon sa

pagkokomento sa mga kontemporaryong isyu.

Sa Kagawaran ng Edukasyon : Maaari nilang gamitin ang pananaliksik na aming

isinagawa upang mabigyan ng mas malalim na pagkakaunawa tungkol sa motibasyon ng mga

estudyante sa pagkokomento at ugnayan nito sa mga kontemporaryong isyu. Maaari rin nila

itong gawing basehan upang gumawa ng mga hakbang upang masiguro na maganda ang

maidudulot ng mga pagkokomento sa mga estudyante.

Sa iba pang mga mananaliksik at mambabasa: Hinihiling ng mga mananaliksik na

ipagpatuloy ang naisagawang pag aaral sapagkat pwede itong maging gabay sa mga susunod

pang mga mananaliksik pagdating sa paksang ito. Ang pagkakaroon pa ng mas malalim na pag

aaral patungkol dito ay nakatutulong sa mga estudyante na madalas magkomento sa mga isyung

nakikita sa peysbuk upang malaman ang kanilang ibat ibang motibasyon.

Sa mga psychologist (sikologo) at psychiatrist. Mula sa pananaliksik na ito ay

makakapagbigay ng mas malalim na kaalaman tungkol sa madalas na pagkokommento ng mga

estudyante sa mga isyu . inirerekomenda ito ng mga mananaliksik upang mas makahanp pa ng

mga datos patungkol sa nagtutulak sa mga estudyante na gumawa ng aksyon sa naturang

kontemporaryong isyu.

You might also like