You are on page 1of 13

“Epekto ng Facebook at Twitter sa Persepsyon sa Pang-Akademikong Pag-aaral

ng mga Mag-aaral sa ika- Baitang ng San Guillermo Academy”

KABANATA 1

PANIMULA

Maraming estudyante ang gumagamit ng Facebook at Twitter sa panahon

ngayon. Bilang mga kabataan at estudyante, namulat tayo sa henerasyon kung saan

teknolohiya ang nagpapatakbo sa ekonomiya at may malaking parte sa buhay ng bawat


mamamayan.​ Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa

mga tao na kung saan sila ay nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon. Dito

nakalahad ang mga platapormang may kakayahang aliwin ang kabataan. Halos lahat

ng Gen Z ngayon ay may Facebook at Twitter nang ginagamit.

Sa panahon ngayon kung saan teknolohiya at mga laman na nito ang

nagpabago sa sistema ng mundo, ay mahalagang gawan ng isang masusing pag aaral

kung paano nga ba nakakaapekto sa pag uugali ng isang estudyante na namumulat

palang sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ang mga pampublikong nababalita at

pinaparating na kaalaman ng mga nilalaman ng mga facebook at twitter. Magiging tulay

ito ng mas marami at malawak na pananaw sa persepsyon ng mga mag aaral kung

saan makikita natin sa kanilang pagkaunawa at pagkatuto ang mga bagay na dapat

alerto at alam nila.


Sa paggamit ng social media, may mga dulot itong epekto sa mga estudyante.

Kailangan ng mga mag aaral ng malaking mapagkukunang kaalaman para sa kanilang

mga ​ekstrakurikular, kaya naman isa ng pangangailangan ang paggamit ng mga

platapormang twitter at facebook dahil libo libong impormasyon ang nakukuha dito. ​Sila

ay maraming mga paraan na nagbibigay daan na mapadali ang ilang mga pangyayari.

Maaaring mas mapadali ang pakikipag komunikasyon ng isang indibidwal, mas marami

silang nakukuhang impormasyon sa pang araw araw, mas nagiging aktibo sa

pakikisalamuha, at iba pa.

Sa paggamit ng Facebook at Twitter, nakatutulong ito upang mas mapadali ang

pakikipag-ugnayan at paglalahad ng opinyon ng isang indibidwal. Bilang mga mag

aaral, mahalagang masuri ng mabuti ang epekto ng Twitter at Facebook sa

Pang-Akademikong Pag-aaral. Ang bawat isa ay may kakayahan at karapatan na

makipag ugnayan sa iba't ibang tao sa mga platapormang ito. Bawat isa ay mahalagang

maging alerto sa mga epekto nito. Malaking gampanin sa buhay ng mga estudyante

ang isang gabay sa mga platapormang kagaya ng twitter at facebook, sa kadahilanang

ang lawak nito ay higit pa sa kaalaman ng isang kabataan.

Mahalaga para sa mga estudyante ang pakikisama sa ibang tao, dahil dito

nahuhugis ang pagkatao nila lalo na bilang mga kabataan, mas nakikita nila ang

persepsyon at pananaw ng ibang tao; at isang paraan ng pakikisalamuha ang twitter. Ito

rin ay ay mayroong kakayahang magamit ang maraming instrumento para suriin ang

isang pagganap ng tatak, na hindi kaya ng ibang plataporma.


B​inibigyan ang mga estudyante ng kapangyarihang bumuo ng pamayanan at

mapalapit ang mundo. Gumagamit ang mga kabataan ng Facebook upang manatiling

konektado sa mga kaibigan at pamilya, upang matuklasan kung ano ang nangyayari sa

mundo, at upang ibahagi at ipahayag kung ano ang mahalaga sa kanila.

Sa paggamit, kinakailangan ng proseso kung paano mas mauunawaan ng

mag-aaral ang epekto ng Facebook at Twitter. Kung paano maiisaayos ng tama ang

mga impormasyon na nakukuha ng mga mag-aaral upang makisalamuha, matuto,

ma-aliw, at maglabas ng saloobin. Dapat ding maihanda ang mga mag-aaral sa

pagtanggap ng mga impormasyon at kaalaman sa mga aplikasyon.

Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa mga ito ay upang malaman kung ang

isang mag-aaral ay naaapektuhan ang isip sa mga nilalaman ng facebook at twitter.

Sa pagkakataong ito, unti unti nang nahuhubog ang mga kaalamang ibinibigay ng

parehong plataporma at nakakaapekto na ito sa persepsyong pang akademiko ng mga

mag aaral. Malalaman base sa mga sinakop at pinagsama samang impormasyon

ng mga mananaliksik kung ang mga impormasyon na kailangan ng mga mag-aaral

batay sa ginawang pananaliksik ay nakamit.

Dala ng modernong panahon, kinakailangan na ng mga mag aaral na gumagamit

ng mga platapormang Facebook at Twitter ng may tamang patnubay, upang hindi ang

masasamang epekto ang maranasan nila. Magiging basehan para sa mga estudyante

ang epekto ng facebook at twitter sa persepsyon nila sa pang akademikong pag aaral.
Mahalagang mapalawak ang bokabularyo at kaalaman, kaya kinakailangan ng proseso

kung paano mas mauunawaan ng mag aaral ang mga maaaring epekto nito.

Mahalagang isaalang-alang ang iba't ibang mga layunin ng Twitter at Facebook.

Pangunahing nilalayon ang Twitter para sa pagbabahagi ng mga ideya, habang ang

Facebook ay inilaan para sa pagkonekta sa mga kaibigan at pamilya.

Kaya naman layunin ng mga mananaliksik na malaman kung sa paanong paraan

naaapektuhan ang kaisipan ng mga kabataang mag aaral na kinakailanganan ng gabay

sa mga platapormang Twitter at Facebook sa lawak na nilalaman nito. Gayundin ang

layunin na makamit ang mga impormasyon sa ginagawang pananaliksik para sa mga

estudyante na hindi pinapansin ang mga epekto sa kanilang oras, sa kanilang pamilya,

at sa eskwelahan. At ang layunin na sa kadahilanang ito na ang pang araw araw na

sanggunian ng mga mag aaral, paano nito napabago ang takbo ng mga pangyayari sa

mga mag aaral.


Balangkas Konseptwal

Ang balangkas konseptwal ay nagbibigay ng malinaw na pagpapakilala ng daloy

ng isinasagawang pananaliksik. Ipinapakita rito ang mga hakbang kung paano nasagot

ng mananaliksik ang suliranin ng pag-aaral. Pinili ng mga mananaliksik ang paraang

input process output method o tinatawag na IPO model dahil sa nagpapakita ito ng

sunod-sunod na proseso upang maanalisa ang mga datos na nakalap.

Nagbibigay-linaw din ito kung paano isinagawa ang pag-aaral ng mananaliksik.

Ang IPO model ay ang pinakagamiting paraan ng pagbabalangkas. Sinasabi

nina Dotimas et. al (2011), na sa input makikita ang hakbang sa kalutasan ng anumang

suliranin sa pag-aaral na isinasagawa. Sa process matatagpuan ang pagsagawa ng

ginawa sa pag-aaral. Samantalang makikita sa output ang kalutasan ng isasagawang

pag-aaral. Sa tulong ng balangkas konseptwal, makikita ang kaugnayan ng bawat

baryabol.

Sa pag aaral na ito, Ang input dito ay ang paggamit ng estudyante sa Facebook

at Twitter, ito ay nakalap sa pamamagitan sa pagpapasagot sa mga mag-aaral

ng isang pagsusulit, samantala, ang proseso naman ay ang paglinang ng mga

estudyante sa mga kasalukuyang pangyayari. Ang output naman ay ang

pagkakaiba ng epekto ng Facebook at Twitter sa persepsyon sa

pang-akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral.

Konseptwal Paradim
Persepsyon sa Pang-Akademikong Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa ika- Baitang ng San

Guillermo Academy: Pagkakaiba ng epekto sa persepsyon sa pang-akademiko ng mga

mag-aaral sa paggamit ng Facebook at Twitter sa Paglinang ng mga kasalukuyang

pangyayari

Input

Paggamit ng Facebook at Twitter

​↓

Process

Paglinang ng mga kasalukuyang pangyayari

​↓

Output

Pagkakaiba ng epekto sa persepsyon sa pang-akademiko ng mga mag-aaral

Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang epekto ng Twitter at

Facebook sa persepsyon sa pang akademikong pag-aaral ng mga Estudyante.

Hinahangad sa pag-aaral na ito ay matugunan ang mga sumusunod na suliranin:

1.​ A
​ no ang Profile ng mga respondents sa:

1.1​ E
​ dad;

1.2​ ​Baitang at ​ S
​ eksyon;

2.​ P
​ aano nakakaapekto ang Facebook at Twitter Persepsyon sa

Pang-Akademikong Pag-aaral ng mga Mag-aaral?

3.​ M
​ ayroon bang makabuluhang ugnayan/pagkakaiba epekto ng Facebook at

Twitter sa Persepsyon sa Pang-Akademikong Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa

ika- __ Baitang ng San Guillermo Academy batay sa kanilang profile?

4.​ B
​ atay sa isinasagawang pag-aaral, aling aplikasyon ang may mas mabuting

dulot sa Persepsyon sa Pang-Akademikong Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa

ika-__ Baitang ng San Guillermo Academy?


“Epekto ng Facebook at Twitter sa Persepsyon sa Pang-Akademikong Pag-aaral

ng mga Mag-aaral sa ika- Baitang ng San Guillermo Academy”

Haypotesis

Ang haypotesis ay isang makabuluhang paghihinuha na kung saan nalalaman

ang tamang metodo sa pagkuha ng mga kasagutan sa mga suliranin (Evans et. Al.

2014)

Ang mga sumusunod na pahayag ay ang mga hinuhang ginamit ng mga

mananaliksik sa kasalukuyang pag-aaral:

1. Walang signipikanteng pagkakaiba ang epekto ng Facebook at Twitter sa

persepsyon sa pang-akademikong pag-aaral ng mga Mag-aaral sa ika- baitang

ng San Guillermo Academy.

2. Mayroong signipikanteng pagkakaiba sa paglinang ng kasalukuyang pangyayari

upang magkaroon ng epekto ang Facebook at Twitter sa persepsyon sa

pang-akademikong pag-aaral ng mga Mag-aaral sa ika- baitang ng San

Guillermo Academy.

Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa pagkaunawa at epekto ng platapormang

facebook at twitter sa persepsyon sa pang akademikong Pag-aaral ng mga mag-aaral

sa ika- ___ Baitang ng San Guillermo Academy. Saklaw sa pag-aaral na ito ang mag

aaral na nasa ika ___ baitang sa taong panuruan 2020-2021 na tumayo bilang

respondente sa ibinigay na pagsusulit.


Ang ginawang pananaliksik ay limitado lamang sa mga mag aaral na mayroong

pareho na facebook at twitter. Batid ng mga mananaliksik na sa panahong ito ay ganap

ang pagkatuto at pagkaunawa ng epekto sa persepsyon ng mga mag-aaral.

Ginamit din dito ang nakuhang marka ng mga respondente bilang batayan sa

pag-alam ng epekto ng paggamit. Ang naging resulta ng isinagawang pagsusulit ng

mga mag-aaral ay batayan lamang ng kanilang kaalaman sa epekto sa Persepsyon sa

Pang-Akademikong Pag-aaral ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, layunin ng mga mananaliksik na malaman ang epekto sa

persepsyon at performans ng mag-aaral sa ika-___ na baitang ng San Guillermo

Academy. Ang mga resulta at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Magulang- ​Ang magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak,ay

makakapag isip isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang

anak,kasabay ng paggabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan ng kanilang

pag aaral
Sa Guro. ​Magkakaroon sila ng kaalaman sa dapat ng gawin kanilang mga estudyante

nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag aaral sa tama pamamaraan

ng kanilang pag aaral.Magiging isang karangalan at tagumpay sa isang guro na naging

tagumpay ang kanilang estudyante sa hinaharap.

Sa mga mag-aaral. Ang impormasyon ay magbibigay ng ideya sa mga mag-aaral ukol

sa kanilang mga limitasyon at kung paano nila ito masusulusyunan. Magagabayan din

ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na gustong maging sapat at maayos ang

oras ng pagtulog.

Sa mga susunod na mananaliksik. Maaaring sumalamin ang mga mananaliksik base sa

naging konklusyon ng pag-aaral. Kung negatibo man ang kanilang nakita sa sarili, maaari nila

itong baguhin para sa kanilang ikabubuti. Maaari ring magamit ng mga susunod na

mananaliksik ang pag-aaral na ito upang maging karagdagang impormasyon sa kanilang

pag-aaral.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga katuturan ng ilang salitang

ginamit sa pag-aaral na makakatulong upang mapadali ang pagkaunawa ng mga

mambabasa.
Kognitibo. Tumutukoy ito sa isang proseso ng pagkilala sa mga bagay sa

pamamagitan ng pag-iisip, pag-unawa at pagkilatis (Lishman, 2007). Sa Pag-aaral na

ito, tumutukoy ito sa natutunan ng estudyante.

Maturational Stage. ​Ito’y nagtataglay ng walong bahagi ng pagpapaunlad ng

sarili (Lishman, 2007). Sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga mananaliksik kung ano

ang tunay na epekto nito sa mga mag-aaral.

Motibasyon. ​Tumutukoy ito sa isa sa siyam na pangunahing salik na

nakaiimpluwensya sa pagkatuto ng mga mag-aaral (Torejo et. Al, 2012). Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, mamumulat ang mga mag-aaral sa mga epekto na

maaaring maidulot nito sa kanila.

Pagkatuto. ​Tumutukoy ito sa pagbabagong nagaganap sa pag-uugali ng isang

indibidwal (Hergenhahn at Olson, 2005). Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa

kakayahan na maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga nalalaman tungkol sa

epekto ng facebook at twitter.

Performans. ​Tumutukoy ito sa sukatan o batayan kung natuto sa mga

nakatalang paksa sa loob ng mahabang panahon (Rubeinstein et. al., 2013). Sa

Pag-aaral na it, Ipinapakita dito kung ano ang naging epekto na sa estudyante.
QUESTIONNAIRES

1. ang madaling pag-access ng twitter at facebook ay nagbibigay sa mga mag-aaral


upang palawakin ang kanilang perspesyon tungkol sa edukasyon
❏ Sumasang-ayon
❏ Di gaanong sumasang-ayon
❏ Hindi Sumasang-ayon
2. Sa paggamit ng facebook at twitter, nahahati ang atensyon at oras ng estudyante
sa eskwelahan
❏ Sumasang-ayon
❏ Di gaanong sumasang-ayon
❏ Hindi Sumasang-ayon
3. Nakakaapekto sa mood ng estudyante ang nilalaman ng mga nasa Facebook at
Twitter
❏ Sumasang-ayon
❏ Di gaanong sumasang-ayon
❏ Hindi Sumasang-ayon
4. Nahuhugis ang persepsyon sa mga opinyon, moralidad, kaalaman, at
pakikipagsalamuha ng mga estudyante ang paggamit ng twitter at facebook sa
eskwelahan.
❏ Sumasang-ayon
❏ Di gaanong sumasang-ayon
❏ Hindi Sumasang-ayon

You might also like