You are on page 1of 4

Kabanata 1

Ang Suliranin at ang Kaligiran nito

Panimula

Sa panahon ngayon, may humigit kumulang dalawang bilyong tao ang aktibo sa

social media sa buong mundo at ito ay nakakaapekto sa buhay at edukasyon. Sadyang

hindi mapigilan ang paglawak ng social media at patuloy pa itong umuusbong.

Napag-alaman nila na ang social media ang sumasanhi ng pagbaba ng grado ng

mga mag-aaral. Maraming iba’t-ibang uri ng social media na ginagamit ng mga mag-

aaral, guro, at magulang. Ang karaniwang ginagamit nila ay ang facebook, twitter, at

Instagram na may iisang layunin na ang makipag ugnayan at makipagtalastasan sa ibang

tao.

Sa pagdami ng gumagamit ng social media ay nagkakaroon ng masamang epekto

sa mga mag-aaral. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik, karamihan na gumagamit ng

social media ay taong gulang 14-29. Nagkakaraon rin naman ng magandang epekto dahil

mabilis na naiikalat ang mga kaalaman o mga impormasyon at mabilis na pakikipag

ugnayan sa mga tao at nadadagdagan din ang mga kaalaman ng mga mag-aaral at

nalilinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamasining at patuloy na pagkakaroon ng

makabagong ideya.
2

Paglalahad ng Suliranin

Isinagawa ang riserts na ito upang malaman ang Epekto ng Social Networking

sites sa pang-akademikong kakayahan ng mga mag-aaral ng La Salette of Roxas College.

Partikular na ninais ng risertser na matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pinakamadalas na gamitin ng mga mag-aaral na social networking site?

2. Ano ang karaniwang dahilan ng paggamit ng mga mag-aaral ng social networking

sites?

3. Ilang oras ang karaniwang iginugugol ng mga mag-aaral sa social media?

4. Mayroon bang direktang epekto ang paggamit ng mag mag-aaral ng social

networking sites sa kanilang pang-akademikong pangkakayahan?

Layunin ng Riserts

Ang risertser ay nagnanais na matugunan ang mga sumusunod na layunin:

1. matukoy ang pinakamadalas na ginagamit na social networking site;

2. malaman ang dahilan ng paggamit ng social networking sites ng mga mag-aaral

3. malaman kung anong oras ang karaniwang iginugugol ng mga mag-aaral sa social

media;
3

4. matukoy kung ano ang direktang epekto ng paggamit ng social networking sites

sa kanilang pang-akademikong kakayahan ng mga mag-aaral;

Kahalagahan ng Riserts

Ang riserts na ito ay isinagawa upang malaman kung may epekto ba ang social

networking sites sa pang-akademikong kakayahan ng mga mag-aaral .

Magulang. Para malimitahan nila ang kanilang mga anak sa paggamit ng social

networking sites kung may epekto itong nakakapagpababa ng kanilang grado.

Mag-aaral. Nang sa gayo’y mabuksan ang kanilang isipan sa tunay na epekto

ng social networking sites sa kanilang pag-aaral.

Guro. Nang sa gayo’y malaman nila kung isa nga ba ang paggamit social

networking sites sa dahilan kung bumababa ang grado ng kanilang mga estudyante.

Mga Risertser sa Hinaharap. Magsisilbing batayan ang pag- aaral na ito para sa

mas malaliman pang pag-aaral at pagpapayabong ng kaalaman.

Saklaw at Delimitasyon ng Riserts

Ang riserts na ito ay isinagawa sa La Salette of Roxas College. Ang mga

respondente ay kinabibilangan ng 160 na mag-aaral, , 40 mula sa ikapitong baiting,40


4

mula sa ikawalong baiting, 40 mula sa ikasiyam na baiting, 40 mula sa ikasampung

baitang .

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang pananaliksik na ito, may mga mga salita at katawagang nabanggit upang
maipakita nang maayos ang riserts na ito. Narito ang ilang salita na binibigyang katuturan
sa pamamagitan ng operasyonal na paraan upang lubos na maunawaan.

Social Networking Site- Ang isang serbisyo sa social networking (social networking site,
SNS o social media) ay isang online na platform na ginagamit ng mga tao upang bumuo
ng mga social network o relasyon sa lipunan sa ibang mga tao na nagbabahagi ng katulad
na personal o karera na interes, mga gawain, mga pinagmulan o mga koneksyon sa
totoong buhay.

Pang-akademikong Pagganap- Ang pagganap ng akademiko ay sinukat ng huling grado


na nakuha sa kurso.

You might also like