You are on page 1of 6

KABANATA II

Ang kabanatang ito ay naglalayong maipaliwanag at mailahad ang mga paraang ginamit
ng may-akda upang mabigyang katuparan ang kanyang mithiin.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa mga epektong naidudulot ng Social


Networking Sites sa mga mag-aaral ng Lorma Colleges-College of Business.Ang
pag-aaral ding ito ay gagamitan ng sarbey kwestyuneyr o talatanungan na
pupunan ng mga respondente at siyang panggagalingan ng mga datos.Naniniwala
ang mga mananaliksik na ang disenyong ito ang pinakaangkop gamitin sapagkat
mas madaling kumuha ng mga kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng
mga respondente.

Mga Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral galing sa iba’t
ibang kurso sa Lorma Colleges-College of Business.Gagamit ang mga mananaliksik ng
sarbey kwestyuneyr na siyang panggagalingan ng mga makakalap na datos sa 20 na
napiling respondent.

Pagsusuring Estatistika
Ang statistikal na tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay pagkuha ng porsyento
o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito.

% = RS x100
NI

RS = Raw Score
NI = Number Items (bilang ng mag-aaral)
% = Porsyento
KABANATA IV

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod,natuklasan,konklusyon ag


rekomendasyon ng pag-aaral.Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Pagkalulong ng mga
Mag-aaral ng Lorma Coleeges-College of Business sa Social Networking Sites”.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang mga positibo at negatibong
epekto sa mga mag-aaral sa labis na pagkahumaling sa Social Networking Sites.Ang mga
mananaliksik ay nangalap ng mga datos sa iba’t ibang kurso ng mga mag-
aaral.Pangalawa,upang malaman kung paano nakakatulong ang Social Networking Sites
sa kanilang buhay.Ikatlo,kung ano ang nag uudyok sa kanila upang paguloy na tangkilin
ang Social Networking Sites.At ang panghuli,kung ito ba ay nakakatulong sa kanilang
pamumuhay at pag-aaral.

Upang magukoy ang mga negatibo at positibong maaaring maidulot ng Social


Networking Sites,ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey kwestyuner o
talatanungan sa mga mag-aaral upang makakalap ng mga datos.Ang mga datos na
natipon ay nagsilbi upang pangunahing nakalap na kasagutan ng pag-aaral na kung saan
ay maingat na naiharap at nasuri ng maayos.

Konklusyon

Batay sa natuklasan ng pag-aaral,ang mga sumusunod ay:

1. Karamihan sa mga mag-aaral ay may Social Media accounts


(facebook,twitter,instagram)
2. Sa mga mag-aaral,patuloy ang kanilang pagtangkilik sa social networking sites
dahil mas napapadali nito ang pagkuha ng impormasyon,paglahad ng mga
saloobin at nagkakaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa mag-
aaral,kaibigan at pamilya.
3. Ayon sa nakalap na datos,ang mga pangunahing di mabuting naidudulot ng
social networking sites ay adiksyon sa mga larong kaugnay ng Social
Networking Sites,Labis na oras ang nagugugol sa pagbisita sa social
networking sites at kawalan ng focus sa pag-aaral.
4. Ang pangunahing mabuting naidudulot ng social networking sites sa buhay ng
mga mag-aaral ay mabilis na komunikasyon at impormasyon tungkol sa
pamilya,tool sa edukasyon (katulad ng mga online tests,forum,group) at
pagbabahagi ng videos,litrato at musika.
5. Alam ng mga mag-aaral kung ano ang dapat iprayoridad at hindi ang Social
Networking Sites.

Rekomendasyon

Matapos ang masusung pagkalap ng mga datos,nabuo ng mga mananaliksik ang


rekomendasyong ito:

1. Ang mga mag-aaral ay dapat sumailalim sa ilang talakayan hinggil sa wastong


paggamit ng social networking sites

2. Dapat limitahan ang paggamit ng social networking sites upang maiwasan ang
anumang bagay na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kaisipan ng
isang mag-aaral.

3. Ipagpatuloy ang ginawang pag-aaral sa pag monitor ng asal ng mga mag-aaral


patungkol sa social networking sites.

4. Kasabay ng pag aapdeyt ng mga uri ng social media’y gawing kaalinsabay rin
ang pagkalap ng kanilang reaksyon ukol dito,kung ito ba’y mas
kapakipakinabang o ito’y nawalan ng halaga
KABANATA III

INTERPRETASYON NG MGA NAKALAP NA DATOS

Sa kabanatang ito isunaad ang mga datos at interpretasyon na nakalap ng mga


mananaliksik mula sa kanilang pagsasarbey sa kabuuang dalawampung (20) mag-aaral.

Talahanayan 1. Networking sites na kinabibilangan ng mga mag-aaral

Table 1

Rason Raw score Porsyento

a.Facebook 8 40

b.Twitter 0 0

c.Instagram 0 0

d.Lahat ng nabanggit 12 60

Sa table 1 makikita kung anong networking sites ang kinabibilangan ng mga mga mag-
aaral.Animnaput(60) porsyento ang tumugon na lahat ng nabanggit ay kinabibilangan ng
mga mag-aaral,apatnapu (40) porsyento naman ang facebook at zero(0) ang twitter at
instagram.
Talahanayan 2. Gaano kadalas bumisita ang mag-aaral sa Social Networking Sites

Table 2

Rason Raw score Porsyento


a.madalas 15 75
b.minsan 4 20
c.isang beses sa isang 1 5
araw
d.hindi 0 0

Sa table 2 makikita kung gaano kadalas bumisita ang isang mag-aaral sa Social
Networking Sites.Pinakamataas ang nagsabing madalas na may pitumput limang(75)
porsyento habang may dalawampo(20) porsyento naman ang nagsabing minsan lang at
may limang (5) porsyento lamang ang nagsabing isang beses sa isang araw.Wala ding
nagsabi na hindi sila bumibisita sa social networking sites.

Talahanayn 3. Naging epekto ng Social networking sites sa pakikipagkapwa ng mag-


aaral

Table 3

Rason Raw score Porsyento


a.maraming nakikilala 5 25
b.nakakakuha ng bagong 5 25
kaibigan
c.naihahayag ng malaya 8 40
ang kanyang saloobin
d.napagkukunan ng hindi 2 10
kaaya-ayang mga saloobin
Sa table 3 makikita kung ano ang naging epekto ng social networking sites sa
pakikipagkapwa ng mag-aaral.Apatnapu (40) ang may pinakamataas na nagsasabing
naihahayag nila ng malaya ang kanilang saloobin sa social networking sites,parehas na
dalwampu (20) porsyento naman ang nagsasabing marami silang nakikilala at
nakakkuha ng bagong kaibigan,habang may dalawa (2) lamang ang nagsabing
napagkukunan ang social networking sites ng di kaaya-ayang saloobin sa
pakikipagkapwa.

You might also like