You are on page 1of 8

DALUBHASAANG RIZAL NG TAAL

Epekto ng Social Networking Sites sa Pag-aaral ng mga Ikalawang Taon sa

Kolehiyo na mga Estudyante ng Dalubhasang Rizal ng Taal

Mga miyembro:

Rollo, Christian Mhel L.

January 2024

Guro sa Pananaliksik:

G. Ardie Clarence Marasigan


LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang paglaganap ng mga social networking sites ay nagdulot ng malaking

pagbabago sa paraan ng komunikasyon at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa

kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng mga platform tulad ng Facebook, Twitter,

Instagram, at iba pa, mas madali na ngayon ang pagkakaroon ng koneksyon sa iba’t

ibang indibidwal at grupo. Gayunpaman, may mga pag-aaral na nagpapakita ng mga

negatibong epekto ng paggamit ng social networking sites, partikular na sa larangan ng

pag-aaral ng mga estudyante.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay-kaalaman at impormasyon

tungkol sa Epekto ng Social Networking Sites sa Pag-aaral ng mga Ikalawang Taon sa

Kolehiyo na mga estudyante ng Dalubhasang Rizal ng Taal at upang alamin ang mga

dahilan at epekto ng Social Networking Sites sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang maitala ang mga posibleng dahilan

at epekto ng Social Networking Sites at kung paano ito nakakaapekto sa mga mag-aaral

na nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo ng Dalubhasang Rizal ng Taal. Layunin ng

pananaliksik na ito na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang Social Networking Sites?

2. Ano ang mga dahilan kung paano nakakaapekto sa pag-aaral ng ikalawang taon

sa kolehiyo na mga estudyante ng Dalubhasang Rizal ng Taal ang Social

Networking Sites?
3. Anu-ano ang mga Epekto ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng ikalawang

taon sa kolehiyo na mga estudyante ng Dalubhasang Rizal ng Taal?

3.1 Sa performans

3.2 Sa paggawa ng aktibidad

3.3 Sa pagsusulit

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang social networking service (SNS) ay tumutukoy sa alin mang plataporma na

lumilikha ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may

magkatulad na interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa tunay na buhay. Ito ay

binubuo ng isang representasyon ng bawat gumagamit (na kadalasan ay isang profile),

ang mga ugnayan nito sa ibang mga tao, at iba pang mga serbisyo. Ang karamihan ng

mga social networking service ay nagbibigay ng paraan sa mga gumagamit nito na

makisalamuha sa sa Internet gaya ng e-mail at agarang pagpapadala ng mensahe. Ang

mga site na ito ay pumapayag sa mga gumagamit na magpaskil ng mga ideya, mga

larawan, mga aktibidad, mga pangyayari at mga interest at iba pa sa mga taong nasa

kanilang network. Ang mga halimbawa ng mga serbisyong ito ay kinabibilangan ng

Facebook, Google+, tumblr, Twitter, Instagram, Nexopia, Badoo, Bebo, VKontakte,

Delphi, Draugiem.lv, Hi5, Hyves, iWiW, Nasza-Klasa, Soup, Glocals, Skyrock, The

Sphere, StudiVZ, Tagged, Tuenti, XING, Hi5, Orkut at marami pang iba. (Wikipedia,

2019)
Isinaad ni Santos, (2019) na ang mga social networking sites na ito ay may

mga hindi magandang naidudulot sa mga mag-aaral na dapat pagtuunan ng

pansin. Ang pagbaba ng marka sa mga asignatura ay isa sa mga masasamang dulot

ng paggamit ng mga social networking sites na ito. Sa halip na mag-aral ang ilang

estudyante, inilalaan nila ang kanilang oras sa pakikipag-chat sa kanilang kaibigan.

Bilang epekto nito, sila ay nagka-cramming sapagkat ang mga araling hindi nila

naaral ay kanilang pinagtutuusan ng pansin sa mismong oras ng klase. Ang iba nga

ay nagpupuyat pa dahil hindi nila mapigilan ang palagiang pagbisita sa kanilang

mga account. Ang resulta ay wala sila sa pokus habang sila ay nasa loob ng silid-

aralan. Physically present but mentally absent, ang sabi nga nila. Ang kanilang

mundo ay umiikot na lamang sa mga social networking sites na nagiging sanhi

upang hindi nila magampanan ang kanilang mga obligasyon bilang mga mag-

aaral.

Ayon kay Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na

kumilos at ituro ang responsableng paggamit ng social media bilang bahagi ng

pangangalaga sa kalusugan ng isip o mental health ng mag-aaral. Nababahala ang

senador sa pagtaas ng bilang ng kaso ng depresyon at anxiety sa mga kabataan dahil

sa pagkakaugnay ng social media at internet. Sa panayam, itinuro ni Dr. Cornelio

Banaag, Jr. ng Medical City, ang kakulangan sa tulog bilang epekto ng lubos na paggamit

ng smartphone. Paliwanag ng doktor, madaling magkaroon ng anxiety at depresyon ang


mga kabataang madalas na napupuyat. “Babala ng mga eksperto, ang pagbababad sa

social media ang isang pangunahing dahilan kung bakit dumarami ang mga kabataang

dumaranas ng anxiety at depresyon. Nakababahala ito lalo na’t nababansagan tayong

social media capital of the world, kaya naman mahalagang maituro natin ang wastong

paggamit ng internet at social media,” ani Gatchalian. Ayon sa Department of Health,

humigit-kumulang 3.3. milyong Filipino ang may depressive disorders. Habang sa pag-

aaral naman ng World Health Organization, sa mahigit 8,000 mag-aaral sa Pilipinas,

halos 17 porsiyento ng mga mag-aaral na may edad 13-17 ang nagtangkang

magpakamatay.(Saksingayon, 2019)

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa mga Epekto ng Social

Networking Sites sa pag-aaral ng Ikalawang Taon sa Kolehiyo na mga mag-aaral ng

Dalubhasaang Rizal ng Taal sa pamamagitan ng palatanungan o sarbey kwestyuneyr na

kinabibilangan ng dalawampu’t limang (25) mag-aaral na nasa Ikalawang Taon sa

Kolehiyo ng Dalubhasang Rizal ng Taal na siyang magiging paraan upang makalikom ng

datos. Ito ay lubos na makakatulong upang malaman ang mga Epekto ng Social

Networking Sites na nakakaapekto sa pag-aaral. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang

mga dahilan at epekto ng Social Networking Sites sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Umaasa ang mananaliksik na nawa'y makamit ang layunin ng pag-aaral.

BALANGKAS TEORETIKAL
Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos mula sa

iba’t ibang mag-aaral na naglalaman ng mga katanungan hinggil sa paksa na

pinamagatang Epekto ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng Ikalawang Taon

sa Kolehiyo na mga estudyante ng Dalubhasang Rizal ng Taal upang ganap na

masagot ang mga katanungan at mapatunayan ang mga datos na nakalap sa mga

respondante na nagmula sa Dalubhasang Rizal ng Taal.

PAMAMARAAN

1. Pamamahagi ng sarbey-kwestyuneyr sa mga nasa Ikalawang Taon sa Kolehiyo

na mag-aaral ng Dalubhasaang Rizal ng Taal.

2. Pangangalap ng sarbey-kwestyuneyr upang malikom ang mga angkop na

kasagutan mula sa mga respondante.

3. Paggamit ng angkop na istatistikal na pagsusuri sa datos.

a. Sa pananaliksik na ito, angkop ang Descriptive Statistical Analysis.

Ayon kay Ayush Singh Rawat (2011), ang Descriptive Statistical Analysis

ay ang uri ng pagsusuri ng data na tumutulong sa paglalarawan, pagpapakita o

pagbubuod ng mga punto ng data sa isang nakabubuo na paraan upang ang mga

pattern ay maaaring lumitaw na tumutupad sa bawat kundisyon ng data.

4. Pagsusuri at pagtatalakay ng mga datos mula sa mga respondante sa

pamamagitan ng paggamit ng talahanayan.

5. Paggawa ng interpretasyon, rekomendasyon at resulta gamit ang grapiko at

talahanayan.
TALAORASAN

MGA GAWAIN TANTYANG PANAHON RESPONSABLENG

SA GAWAIN MIYEMBRO

Pamamahagi ng sarbey-

kwestyuneyr sa mga Christian Mhel L. Rollo

ikalawang taon sa kolehiyo 2 linggo

na mag-aaral ng

Dalubhasaang Rizal ng

Taal.

Pangangalap ng sarbey-

kwestyuneyr upang

malikom ang mga angkop 3 linggo Christian Mhel L. Rollo

na kasagutan mula sa mga

respondante.

Paggamit ng angkop na

istatistikal na pagsusuri sa 3 linggo Christian Mhel L. Rollo

datos.

Pagsusuri at pagtatalakay

ng mga datos mula sa mga Christian Mhel L. Rollo


respondante sa 2 linggo

pamamagitan ng paggamit

ng talahanayan.

Paggawa ng

interpretasyon, 1 linggo

rekomendasyon at resulta Christian Mhel L. Rollo

gamit ang grapiko at

talahanayan.

SANGGUNIAN

Website

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Social_networking_service

https://www.teacherph.com/social-networking-sites-ang-mga-epekto-nito-sa-mga-mag-

aaral/

https://saksingayon.com/nasyunal/deped-kinalampag-sa-masamang-epekto-ng-social-

media/

What is Descriptive Analysis?- Types and Advantages | Analytics Steps

You might also like