You are on page 1of 1

ANG ISANG TAGAHANGA

(ANG AKING NATATANGING KARANASAN)

Isa sa mga karanasang hindi ko makakalimutan ay ang pagdalo ko sa mga “mallshows” at


“birthday bash” ng aking idolo. Ilan sa mga nagpapaalala sa akin na kahit isa ka lamang
tagahanga ay maaari mo pa ring maramdaman ang galak kahit artista man sila. Ito rin ay
nagpapatunay na kaya ko siyang suportahan kahit saan mang lugar at maipakita ang pagmamahal
sa kanya. Ito rin ang magpaparamdam sayo ng pangalawang pamilya na matatag at tapat sa
idolo.

Bilang isang tagahanga, siya ang naging dahilan kung bakit Masaya, nag-aaral ako ng
mabuti at pati na rin ang ibang tagahanga niya. Siya ang isa sa mga taong nagbibigay
inspirasyon, pagiging positibo ko sa buhay at sa pagkamit ko ng aking mga pangarap. Siya ay
isang mabuting tao lalo na sa lahat ng kanyang mga tagahanga. Hindi niya kami itinuturing na
iba kundi bilang pmilya.

Ang pagiging tagahanga para sa iba ay pag- aaksaya lamang ng at pera. Ngunit hindi nila
alam higit pa roon ang nakukuha naming. Na Masaya kami sa aming mga ginagawa. Na handa
kaming maghintay ng tamang oras at at panahon para lamang Makita an gaming idolo. At higit
sa lahat, handa kaming mag-ipon kahit walang kain para lamang sa kanila.

Sa totoo lang, mahirap maging tagahanga; marami kang maririnig na mali at masakit na
salita sa ibang tao. Mahirap maging isang tagahanga kahit gusto mong umalis at kumalas hindi
mo ito basta magagawa dahil napamahal at mahalaga ito para sayo. Mahirap maging tagahanga
dahil walang kasiguraduhan sa lahat na makilala ka ng iyong idolo. Ngunit lahat ng mali,
nagagawa pa rin naming maging pamilya, positibo, may paniniwala at higit sa lahat, iisa lang ang
sinisigaw ng aming puso. At dahil doon lahat kami ay iisa. 

Mikaela Cassandra Siagan


HUMSS 12- Socrates
Ginoong Dennis Angeles

You might also like