You are on page 1of 2

SINO AKO?

Ang aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking nakasama
sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya, ganuon din naman ang
aking mga kaibigan. Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang
pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba
iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino
talaga ako, bilang ako?

Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang
katapusan. Kapag mayroon na akong mga ninanais na bagay na aking nakamit ay mayroon na namang
bagong pangarap na uusbong sa aking puso at isip. Maiksi lamang ang buhay at walang sandali ang
dapat sayangin.

Ako, sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ay isang tao na hinding hindi titigil sa isang bagay na aking
nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako mapunta ay hinding -hindi ako mag-
iiwan ng isang bagay na aking sinimulan na hindi natatapos.

Pagdating naman sa aming tahanan, kasama na sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki ang
tunay na ako. Maasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangan pang utusan upang
kumilos. Sa mga suliraning pampamilya naman ay mayroon na akong parte na buong puso kong
ginagampanan upang malampasan ang mga problemang iyon sa tulong ng iba pang miyembro ng aking
pamilya.

Pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay sapat na ang tunay
na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras ng tawanan, at malungkot naman
sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Marami na akong nakasama at
nakasalamuhang iba't ibang uri ng mga tao, ngunit walang nagtatagal sapagkat sa lahat ng ayoko ay
iyong mga taong may dalawang mukha o yung mga tinatawag nilang "plastic". Ako kaya kong sumayaw
at sumabay sa lahat ng uri ng tugtugin, upang makisama. Kaya kong baguhin ang ang ilan sa mga bagay
na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na maraming makikisama sa akin ngunit
balatkayo naman ang aking pinapakita. Ang nais ko'y tanggapin ako sa paraan ng kung sino talaga ako.
Hindi na baleng ilan lamang ang aking mga nakakasama, nakatitiyak naman akong tunay ang mga ito.
Nariyan rin ang aking mga pamilya na alam kong hinding-hindi tatalikod sa akin.
Noon pilit kong iniiwasan ang mga pagsubok, pero ngayon na-isip ko na hindi dapat tinatakasan ang
mga ito. Dahil habang pilit natin itong tatakbuhan mas lalo lang tayong susubukin ng kapalaran,
kailangan nating harapin ang bawat hamon, yan lang ang tanging paraan. Sa pagharap nito ma-aari
tayong mag tagumpay o masawi, pero kahit tagumpay pa ang resulta o kasawain, ang importante ay
meron tayong natutunan. Kung dati ay halos nadurog ako, ngayon gusto ko na ng pagbabago. Babangon
ako at unti-unti kong bubuoin ang sarili ko.

Nakasaad sa libro na ang KAIBA ay pagkabukod-tangi. Ang bawat tao ay kaiba sa iba. Karagdagan, sabi
naman sa KA-IBA. Kung susubukan ang bago, may mga matutuklasan ang tao sa kaniyang sarili at sa
kaniyang mundo na lalong magpapalinaw sa kaniyag pagka-sino at pagka-ano bilang tao.

Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin ng lubusan kundi ang ating sarili lamang. Ako kilala ko kung
sino si " Ako" at kung ano ang tunay na"Ako". Ikaw kilala mo ba kung sino si "Ikaw"at kung ano ang
tunay na"Ikaw" .

AXEL M. NEO GAWAIN 3: KAIBA KA-IBA

G12-HUMSS/CPN PILOSOPIYA

You might also like