You are on page 1of 4

IKA’Y MAGPATULOY SA BUHAY

May isang tao akong nakilala na puno ng hinanakit


at hinagpis sa buhay dahil sa mga pinagdaanan nyang
mga karanasan simula pagkabata hanggang sya ay
nagkaisip, naging propesyunal at magpasahanggang
ngayon. Hindi nya makalimutan ang pagtataksil na
ginawa sa kanya ng mga taong mahal niya na nung una
ay akala niyang minahal sya pero hindi naman pala.
Napakahirap nyang makalimot kahit na anong
paglilibang na ginagawa nya. Nakikisalamuha sya sa
mga tao sa paligid nya pero hindi nya magawang
tuluyan silang pagkatiwalaan dahil puno ng pagdududa
ang laman ng kanyang isip pero kahit ganun ay hindi
nya nakakalimutang gumawa ng mabuti sa kapwa kahit
na sinabi nyang ayaw na nyang magpakabuti.
Naniniwala pa rin ako na darating ang panahon na
makakatagpo sya ng mga totoong taong magmamahal
at mag-aaruga sa kanya ng tapat. Mahirap man sa
umpisa ngunit panigurado akong matututunan din nya
yun kung mapapatunayan nya ang mabuting hangarin
ng mga taong gusto syang maging kaibigan at maituring
na isa sa mga importanteng tao sa buhay nila.
Maraming beses na nyang pinatunayan sa sarili na kaya
pa rin nyang mag-umpisa muli ngunit sa twing
nalalaman nya ang masamang hangarin sa kanya ng
mga tao sa paligid nya ay agad-agad syang umiiwas at
gumawa ng paraan upang lumayo sa kanila. Kung alam
lang sana nila ang lahat ng mabuting hangarin niya para
sa kanila simula ng una silang nagkasama-sama ay hindi
na sana nila sya pinagdudahan pa. Ngunit kailangan
nilang dumaan sa pagsubok ng tunay na pagkakaibigan
na walang halong pag-iimbot at masamang pagnanasa.
Kung kailangan nyang ipakita ang kapangitan ng pag-
uugali para lang makita kung sino ang nagmamahal at
may malasakit at importansya sa kanya ay hindi sya
nangingiming ipakita iyon, malaman lang nya ang
totoong hangarin ng mga nakapaligid sa kanya. Totoo
nga namang mahirap magtiwala lalo na kung maraming
beses na syang pinagtaksilan ng mga taong minahal nya
at maging ng mga kaibigan nya. Pero sa kabila ng lahat
alam kong may mabuti syang pagkatao. Hindi madaling
malaman sa umpisa pero alam ko na ang totoong pag-
uugali nya. Akala lang nila na mahirap syang
pakisamahan pero ang totoo mabait, malambing at
mapagmahal syang tao. Ilang beses ko na syang
nakitang nakangiti, umiyak at nagalit pero sa bandang
huli ang kabutihan ng kanyang puso pa rin ang
nangingibabaw sa kanya. Di ba’t mahirap humanap ng
taong katulad niya pero napakalaki ng pagkakaiba nya
sa lahat ng taong nakasalamuha at nakasama ko. Hindi
rin sya mahirap patawanin pwera na lang kapag gusto
nyang magmasungit. Kapag gusto nya ng isang bagay,
hindi mahirap malaman dahil unang tingin pa lang ay
alam na nyang yun ay para sa kanya. Ngunit kahit na
minsan ay hindi sya naghangad ng mga bagay at tao na
pag-aari ng iba. Kaya kakaiba syang magmahal. Kapag
alam nyang hindi para sa kanya ay hindi nya
ipagpipilitan pero kapag talagang gusto nya ang tao
walang makahahadlang sa kanya para ituring silang
kaibigan nito. Ang mabait at palakaibigan na taong ito
ay hindi pa rin nagbabago dahil sa lahat ng isinakripisyo
nya para sa mga taong mahal nya, para sa mga kaibigan
at pamilya nya at mas lalong para sa mga estranghero
ay hindi matatawaran. Ang mabuting pag-uugali ay
hindi pa rin nawawala sa kanya ngunit kapag sya ay
nagalit o nainis ng husto ay sasabihin nya lahat ng
nainisin kahit na alam nyang magagalit sila sa kanila
anuman ang katayuan ng mga taong yun sa buhay.
Hindi sya natatakot magsalita para sa kapakanan ng
nakararami ngunit ang kanyang pananahimik ay may
napakamakahulugang mensahe. Marami man sa inyo
ang nagtataka sa kakaibang pag-uugali nya ngunit isa pa
rin syang pambihirang tao na higit pa sa dyamante,
alahas at anumang uri ng yaman sa mundo. Napakalaki
ng paniniwala nya sa Poong Maykapal at Inang Maria na
dahilan ng kanyang kabutihang loob. Ito lang ang
masasabi ko sa ‘yo, SALUDO AKO SA IYO. Ipagpatuloy
mo ang mabuting mga hangarin at gawain mo na
nasimulan. Huwag na huwag kang susuko sa anumang
hamon ng buhay. MAHAL KA NAMING LAHAT at
maraming salamat sa iyong katapatan!!! Hangad ko ang
lahat ng mabubuting bagay para sa iyo at ang mga
mabubuting tao na tutulong sa iyo na susubaybay,
magpapasaya at tutulong upang muli kang magpatuloy
sa buhay. Lagi mong tatandaan ikaw ang inspirasyon
naming lahat kaya’t huwag kang mawawalan ng pag-asa
sa buhay. Matututunan din nilang ituwid ang lahat ng
pagkakamali ng ginawa nila syo. Hayaan mo lang silang
makasama kang muli upang may mapatunayan din sila
sa iyo na kaya din nilang maging mabuting kaibigan sa
iyo. Muli maraming salamat sa iyo! Hanggang sa muling
pagkikita!!!

You might also like