You are on page 1of 16

Pagsusuri sa Pananaliksik sa pinamagatang “Negatibong Paggamit ng Social

Media at ang Kanilang Epekto sa Mental Health ng mga Piling Mag-aaral ng Ika-10

Baitang ng Santa Filomena National High School”

Mga Mananaliksik: Faustor, John Glenn

Palao, Arabo

Tano, Lowell Jay

Villarubia, John Paul

Cardona, Reshalyn

Encabo, Annabel

Ricaplaza, Ana Mae

Mga Manunuri: Calabroso, Niña Angelique P.

Durangparang, Kim Aira

Villarubia, Angel

Gesapine, Raffy
Pagsusuri sa Pananaliksik sa pinamagatang “Negatibong Paggamit ng Social

Media at ang Kanilang Epekto sa Mental Health ng mga Piling Mag-aaral ng Ika-10

Baitang ng Santa Filomena National High School”

Ang pagsusuri ay isang pormal na pagtatasa na may layuning malaman ang

pagiging wasto ng isang bagay. Sa pamamagitan nito, malalaman rin natin kung ang

isang ideya o datos na inilahad ay isang balido. Ang pag-aaral na pinamagatang

“Negatibong Paggamit ng Social Media at ang Kanilang Epekto sa Mental Health ng

mga Piling Mag-aaral ng Ika-10 Baitang ng Santa Filomena National High School” ay

ginawan ng isang pagsusuri upang malaman ang kawastuhan at ang pagiging balido ng

inilahad na datos. Ang layun, gamit, metodo, etika, at kongklusyon ay ang mga bahagi

ng pananaliksik na sinuri ng mga manunuri. Ang pagsusuring ito ay makikita sa

sumusunod.

Inilahad ng mga mananaliksik sa layuning bahagi ng kanilang pag-aaral ang mga

nilalandas ng kanilang pananaliksik. Makikita ito sa unang bahagi ng pananaliksik,

pahina 11 ng papel pananaliksik, at ito ay mababasa sa sumusunod:

“Ang mga layuning ito ay naglalayong magbigay ng malalim na pang-unawa sa

mga isyung kaugnay ng paggamit ng social media at kalusugan ng mga mag-aaral sa

ika-10 baitang ng Santa Filomena National High School.”


Ipinahayag rin nila ang iba pang mga layunin ay mga sumusunod:

“Matukoy ang mga uri at katangian ng polusyon sa paggamit ng social media na

kinakaharap ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang ng Santa Filomena National High

School.”

“Tukuyin ang epekto ng polusyon sa paggamit ng social media sa mental na

kalusugan ng mga mag-aaral.”

“Suriin ang ugnayan ng paggamit ng social media sa pag-aaral, pakikisama, at

pangkalahatang pag-unlad ng mga mag-aaral.”

“Makahanap ng mga solusyon o rekomendasyon para sa paaralan, sa mga mag-

aaral o mga gumagamit ng social media, at mga magulang upang labanan ang mga

polusyon sa paggamit ng social media at mapabuti ang mental na kalusugan.”

Sa pagbubuod malinaw na inilahad ng mga mananaliksik ang layunin ng

kanilang pag-aaral.

Sa paglalahad ng gamit sa kanilang pananaliksik, makikita natin ito sa pinaka-

unang bahagi ng papel pananaliksik at mababasa natin ito sa sumusunod:


“Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik”

Sa paglalahad ng gamit ng pananaliksik na ito, inilagay ng mga mananaliksik ang

asignatura, ng ginawang pag-aaral. Makikita rin natin sa bahaging ito ang dahilan kung

bakit ito ginawa. Inilagay at kung saan nila ito inihandog.

Sa kabanatang ito inilalahad ng mga mananaliksik ang pamaraang ginagamit sa

disenyong pananaliksik.Paraan ng pangongolekta ng datos, instrumento ng pag-aaral at

paraan sa pagsusuri ng datos. Makikita natin ito sa mga sumusunod na pahayag ng

pahina 26 ng kabanata 3:

“Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwestiyuner o talatanungan na close-

ended upang makuha ang makuha ang mga sagot ng mga mag-aaral na kinakailangan

sa pag-aaral na ito.”

“Ang mga mananaliksik ay ipinamahagi ang mga kwestiyuner sa mga

respondenteng mag-aaral upang masagutan ang mga katanungan.”

Sa paglalahad ng mga mananaliksik sa kanilang metodo, inilagay rin nila ang

kanilang instrumentong ginamit sa pananaliksik. Makikita natin ito sa kabanata 3 ng

papel pananaliksik sa bahaging paraan ng pananaliksik. Malinaw ang paglahad ng mga


mananaliksik sa kanilang metodo na gagamitin. Maayos rin ang kanilang pagkalahad sa

bahaging ito.

Sa pag-aaral na ginawa nga mga mananaliksik, ay wala silang nilabag na etika.

Nagbigay sila ng pagkilala sa mga pinagkukunan nila ng mga ideya na mababasa natin

sa pahina 25 sa sumusunod na pahayag:

“Ayon kay Abelos et. Al (2005)”

“Bouchard, Tamar (2011)”

“Breheny & Stephens (2007)”

“Casin and Navales (2013)”

Hindi sila nagtago ng mga mahalagang datos upang mapalakas at mapaganda

ang kanilang argumento. Gumawa sila ng karapatang talaan ng mga hiniram nilang

ideya at termino. Ang karapatang talaan na ito ay makikita natin sa bahagi ng

bibliograpiya ng pananaliksik.

Hindi rin sila gumagawa ng mga hindi totoo o balidong datos. Lahat ng kanilang

nakalap ay galing sa mga respondante. Gumawa rin sila ng karapatang pagkilala sa

mga salitang kanilang hiniram o ginagamit. Sa pamamagitan nito, mahihinuha natin na


wala silang nalabag na etika na pananaliksik at napanindigan rin nila ang kanilang pag-

aaral.

Sa bahaging ito, inilahad ng maayos ng mga mananaliksik ang kabuuan ng

kanilang ginawang pag-aaral, na mababasa natin sa pahina 45 at 46 ng kabanata 5 na

inihahayag sa sumusunod:

“Sa kabuuan, lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang mga mag-aaral sa ika-10

baitang sa Santa Filomena National High School ay kadalasang gumagamit ng

facebook bilang bilang isang uri ng social media platform at napag-alaman ng mga

mananaliksik na sila ay karaniwang araw-araw na gumugugol nang panahon sa

paggamit ng social media platform at kadalasang isa hanggang dalawang oras sa isang

araw sila gumagamit nito.” Malinaw ang pagkalahad ng mga ideyang kanilang nakalap,

maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaalaman. Napanindigan rin nila ang

kanilang kongklusyon na makikita natik sa kabanata 5, pahina 47 ng papel pananaliksik.

Nagawa ng mga mananaliksik na ipunin ang lahat ng kaalamang kanilang

nakalap sa maayos na paraan. Nakapaglahad rin sila ng kongkreto at balidong ideya.

Naipahayag rin nila ang katawan ng kanilang ginagawang pag-aaral na matiwasay.

Wala rin ideya ang naiwan sa kanilang paglahad ng kabuuan. Sa pagwawakas,

napanindigan ng mga mananaliksik ang mga ideya at kaalamang kanilang nakalap sa

pamamagitan ng maayos at malinaw na pagbubuod.


PANANALIKSIK SA EPEKTO NG MAÑANA HABIT SA PAG-AARAL NG MGA

PILING MAG-AARAL NG SANTA FILOMENA NATIONAL HIGH SCHOOL NA NASA

BAITANG NA KABILANG SA GENERAL ACADEMIC STRAND(GAS) SA

PANURUANG 2022-2023

MGA MANANALIKSIK: CHERIE JANE LENDIO

JENNIVERE CARDONA

JOAN GLINOGO

JOHN HERO ANTONIO

CARLO LIBRON

MGA MANUNURI: JAMES M SALAZAR

ENDRINA MARLITA

JERIC GOMEZ

RENZ LEGARDE

JHON KYLE BULADO


JEREMY TAMPUS

PANANALIKSIK SA EPEKTO NG MAÑANA HABIT SA PAG-AARAL NG MGA

PILING MAG-AARAL NG SANTA FILOMENA NATIONAL HIGH SCHOOL NA NASA

IKALABING DALAWANG BAITANG NA KABILANG SA GENERAL ACADEMIC

STRAND(GAS) SA PANURUANG 2022-2023.

Ang pagsusuri ay isang pag-aaral kung swak ba o Tama ang isang buong

proseso.Ang pag-aaral na pinamagatang“Pananliksik sa epekto Ng Mañana Habit

sa pag-aaral Ng mga piling mag-aaral Ng Santa Filomena National High School na

nasa Ikalabing Dalawang bantas na kabilang baitang na kabilang sa General

Academic Strands(GAS) sa panuruang 2022-2023" ay ginawan ng isang

pagsusuri upang malaman Ang kawastuhan at pagiging balido ng inilahad na

Datos sa nasabing paksa.Ang layunin, gamit,metodo,etika at Ang kongklusyon ay

mga bahagi na isinusuri ng manunuri, na makikita sa sumusunod:

Inilahad ng manansliksik Ang layunin na bahagi ng kanilang pag-aaral Ang

mga nilalandas ng kanilang pananaliksik.

Makikita ito sa unang bahagi ng pananaliksik, na nasa pahina 4 ng papel

pananaliksik na makikita sa sumusunod:


“Layunin ng pananaliksik na ito na masuri Ang mga negatibong epekto ng

Mañana Habit. Kasabay rin dito, matukoy Ang mga dahilan kung bakit Ang isang

mag-aaral ay nagagawang ipaglaban ang mga gawaing pang-akademiko at ang

panghuli ay masuri ang mga paraan na isinasagawa ng mga mag-aaral upang

maiwasan ang pagpapaliban ng mga gawaing pang akademiko sa pag-aaral ng

mga mag-aaral ng Santa Filomena National High School na nasa Ikalabing

Dalawang Baitang na Kabilang sa General Academic Strands (GAS) sa Panuruang

2022-2023.

Inilahad din ng bahaging ito na layunin ng kanilang pag-aaral ay upang

matukoy ang mga negatibong epekto ng pagpapaliban ng mga gawaing pang-

akademiko sa mga mag-aaral sa Santa Filomena National High School na nasa

Ikalabing Dalawang Baitang na Kabilang sa General Academic Strands (GAS) sa

Panuruang 2022-2023.

“Anu-ano ang mga negatibong dulot ng pagpapaliban ng mga gawaing

pang-akademiko sa mga mag-aaral”.

“Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang isang mag-aaral ay nagagawang

ipaglaban ang mga gawaing pang-akademiko”.


“Anu-ano ang mga paraan na isinasagawa ng mga mag-aaral upang

maiwasan ang pagpapaliban ng gawaing pang-akademiko”

Ang mga katanungang ito ang kanilang ginagawang batayan para sa pag-

aaral:

Ipinapahayag rin nila na Isa sa kanilang layunin ang pagsagot sa mga

katanungang ito.Sa pamamagitan nito,malinaw na nailalahad ng mga

manansliksik ang layunin ng kanilang ginagawang pag-aaral.

Sa paglalahad ng gamit ng pananaliksik na ito inilagay ng mga

manansliksik ang asignatura, ng ginawang pag-aaral.Makikita rin natin sa

bahaging ito ang dahilan kung bakit ito ginawa.

Ang nasabing pananaliksik ay isinasagawa sa loob ng pag-aralan ng Santa

Filomena National High School sa barangay Santa Filomena lungsod ng Alegria,

Probinsya ng Cebu sa bansang Pilipinas.

Ang mga tagatugon o kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral

ng Santa Filomena National High School na nasa Ikalabing dalawang baitang na

kabilang sa General Academic Strand(GAS) sa panuruang 2022-2023.


Ang mga manansliksik ay gumagamit ng sarbey na talatanungan(survey

questionnaire) sa pagkalap ng mga impormasyon kinakailangan sa pananaliksik.

Ang mga Datos na nakalap ng manansliksik ay pinagsama-sama at

masusing pinag-aralan upang makita ang katiyakan ng naging resulta ng sarbey.

Malinaw ang pagkakalahad ng mga ideyang nakalap ng mga manansliksik.

Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaalaman at napapanindigan rin

nila ang kanilang kongklusyon na makikita natin sa kabanata 5,pahina 20 ng

papel pananaliksik.

Nagawa ng mga manansliksik na ipunin ang lahat ng kaalamang nakalap

nila sa maayos at wastong paraan.

Nakapaglahad rin sila ng kongklusyon at kongkreto at balidong mga idea.

Matiwasay rin ang katawan ng kanilang pagpapahayag.Wala ring idea ang

kanilang iniwan sa kanilang paglalahad ng kabuuan.Sa pagwakas, napanindigan

ng mga manansliksik ang mga idea at kanilang kaalamang nakalap sa

pamamagitan ng maayos at malinaw na pabubuod.


Pagsusuri sa Pananaliksik sa pinamagatang “Karanasan ng Isang Batang Ina:

Isang Pananaliksik”

Mga Mananaliksik: Gisella Mari A. Averion

Florentino L. Elic

Fernando A. Garcia

Mga Manunuri: Salazar, James M.

Calabroso, Nina Angelique P.

Diano, Nelson

Laurel, Miguel

Amante, Joridel
Pagsusuri sa Pananaliksik sa pinamagatang “Karanasan ng Isang Batang Ina:

Isang Pananaliksik”

Ang pagsusuri ay isang pormal na pagtatasa na may layuning malaman ang

pagiging wasto ng isang bagay. Sa pamamagitan nito, malalaman rin natin kung ang

isang ideya o datos na inilahad ay isang balido. Ang pag-aaral na pinamagatang

“Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik” ay ginawan ng isang pagsusuri

upang malaman ang kawastuhan at ang pagiging balido ng inilahad na datos. Ang

layun, gamit, metodo, etika, at kongklusyon ay ang mga bahagi ng pananaliksik na

sinuri ng mga manunuri. Ang pagsusuring ito ay makikita sa sumusunod.

Inilahad ng mga mananaliksik sa layuning bahagi ng kanilang pag-aaral ang mga

nilalandas ng kanilang pananaliksik. Makikita ito sa unang bahagi ng pananaliksik,

pahina 1 ng papel pananaliksik, at ito ay mababasa sa sumusunod:

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang

mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental,

pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa

quantitative method at ginamitan ng non random convenient sampling, kung saan ang

mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”.


Sa paglalahad ng gamit sa kanilang pananaliksik, makikita natin ito sa pinaka-

unang bahagi ng papel pananaliksik at mababasa natin ito sa sumusunod:

“Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik”

Ang sinabing pananaliksik ay sumasailalim sa quantitative method at ginamitan

ng non-random convenient sampling, kung saan ang mga respondante ay pinili ng mga

mananaliksik base sa “convenience”.


Para sa pag-apruba, ang mga mananaliksik ay nagsumite ng pamagat, matapos

maaprubahan ang pamagat, ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga kaugnay na

literature. Gumawa ng kwestyoner ang mga mananaliksik at nag pakonsulta sa kanilang

propesor. Humigi ng tulong ang mga mananaliksik sa statisticians upang malaman kung

anong gagamiting test instrument. Ipinasuri ng mga mananaliksik ang kanilang

kwestyoner sa mga eksperto at statistican. Idinaan sa Pilot Testing at kinuha ang

reliability score.

Ang bilang ng mga respondente ay tatlumo’t lima (35) na batang ina na may

edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos,

Laguna.

Ang manunuri ay gumawa ng isang balangkas upang maipapakita ng mga

pagkakakilanlan ng mga respondante, kung anong tanong gulang sila nagluwal ng

sanggol, ang kanilang antas ng edukasyon, marital status at kung tumigil o

ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral ang mga ito ay independent variable.

Pinagdadaanang suliranin o problema ng mga batang ina sa anim na salik: Emosyonal,

Espiritwal, Mental, Pinansyal, Relasyonal, at Sosyal ang mga ito ay ang dependent

variable.

You might also like