You are on page 1of 6

Pagsusuring sa pananaliksik na pinamagatang "Makapinsalang Epekto ng Di-

Wastong Pagtapon ng Basura sa Kapaligiran ng mga Studyante ng Claremont

School na Naninirahan sa Pantok Binangonan Rizal”

Mga mananaliksik: Reyes, Razmin Elmarie O.

Bautista, Abegail B.

Vinas, Xander James

Mga manunuri: Durangparang, Kim Aira

Guioguio, Jocelyn

Libradilla, Bryan

Fernan, Stephen
Pagsusuri sa pananaliksik na pinamagatang "Makapinsalang Epekto ng Di-

Wastong Pagtapon ng Basura sa Kapaligiran ng mga Studyante ng Claremont

School na Naninirahan sa Pantok Binangonan Rizal”

Ang pagsusuri ay ginagamit kung nais ipakita ng klaro at pagpapahayag ng isang

buong pag aaral. Ito ay maaaring isang pormal na pagtatasa ng mga impormasyon.

Layunin ng pag susuri ng pananaliksik ay makahanap ng mga balangkas sa pagbuo ng

isang saliksik upang mabatid kung ang nakahayag na mga kaalaman,impormasyon ,at

ideya ay balido. Ang pag aaral na pinamagatang "Makapinsalang Epekto ng Di-

Wastong Pagtapon ng Basura sa Kapaligiran ng mga Studyante ng Claremont School

na Naninirahan sa Pantok Binangonan Rizal” ay isinagawaan ng isang makabulohan na

pagsusuri upang malaman ang kaangkopan at pagiging balido ng inilahad na

impormasyon at datos sa paksang pinag-uusapan.Ang layunin,gamit,metodo,etika,at

kongklusyon ay ang mga bahagi ng pananaliksik na sinuri ng mga manunuri.Ang

pagsusuring ito ay makikita sa sumusunod.

Inilahad ng mga mananaliksik sa bahagi ng layunin ng kanilang pag aaral ang

mga inilahad ng pananaliksik sa kanilang isinagawa. Mahahanap ito sa unang bahagi

ng pananaliksik pahina labingpito (17) ng papel pananaliksik. At ito ay mababasa sa

sumusunod:
"Ang layunin ng pag aaral na ito ay tumatalakay makapipinsalang epekto ng Di

wantong pagtapon ng basura sa kapaligiran ng mga studyante ng Claremont na

Naninirahan sa Pantok ,Binangonan,Rizal."

Inilahad din sa bahaging ito sa layunin ng kanilang pag aaral ay upang malaman

kung ano na talaga ang nangyayari sa ating kapaligiran upang makakalap ng sagot

para sa problemang ito at muling mamulat ang mga kabataan sa nangyayari sa paligid.

Sa paglalahad ng gamit sa kanilang pananaliksik, makikita natin ito sa pinaka-

unang bahagi ng papel pananaliksik at mababasa natin ito sa sumusunod:

“Ang pananaliksik na "Makapinsalang Epekto ng Di-Wastong Pagtapon ng

Basura sa Kapaligiran ng mga Studyante ng Claremont School na Naninirahan sa

Pantok Binangonan Rizal” ay isinagawa sa Pantok Binangonan Rizal. Ito ang ibinigay

na lugar ng munisipyo ng Binangonan, Rizal kung saan mayroong pinaka maraming

bilang ng mga di-wastong pagtapon ng basura sa kapaligiran.”

Sa paglalahad ng gamit ng pananaliksik na ito, makikita natin ang gamit ng

ginawang pag-aaral. Makakatulong ito sa mga mag-aaral, mga guro, sa susunod na

henersyon, mga akademikong institusyon at makakatulong din ito sa sa pagiging

basehan o reperensya ng mga susunod na mananaliksik.


Ipinakita ang bahaging metodolohiya ang mga paraan na ginamit sa gawaing

pananaliksik. Ang bahaging metodolohiya ay matatagpuan sa pahina 11 at ipinaliwanag

dito ang mga detalye at mga pamamaraang gagawin sa pagsasagawa ng pag-aaral ng

mga mananaliksik. Makikita narin na mga talata ang disenyo ng pananaliksik,

instrument ng pananaliksik, mga kalahok at pagsusuri ng datos.

"Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng disenyong quantitatibo. Ang disenyong

ito ay nagbibigay ng malinaw at tiyak na mga resulta na nauugnay sa mga numero at

estadistika.

"Ginamit sa pananaliksik na ito ang pagsasarbey gamit ang binuong

kwestyunaryo o talatanungan na naglalayon makakalap ng mga datos na kailangan sa

pag-aaral na ito.

Ang mananaliksik ay malinaw na inilahad ang disenyo ng pananaliksik pati na rin

ang instrumento na ginamit upang makuha ang datos mula sa isang daang mag-aaral

na kanilang mga respondente.

Malinaw ang etika ng pananaliksik na ito.Sinusunod ng mga mananaliksik ang

mga tamang prinsipyo ng etika sa pananaliksik sapagkat hindi sapilitan ang kanilang
survey na ginawa at hinid nila inaangkin ang mga pahayag na sumusuporta sa kanilang

paksa na nanggaling sa ibang awtor o tao.

Sa paglalahad ng ebidensya sa pananaliksik naa nasa pahina 19 ay makikita ito;

“Ayon kay Luis Marasigan”

“Ayon kay Healey (2010)”

“Ayon sa World Health Organization”

Kinikilala ng mga mananaliksik ang mga eksperto sa nasabing pahayag na napili.

Ang lahat ng mga datos ay nanggaling sa respondante at wala silang iniba na datos

mula rito upang ka aya-aya ang sagot. Hindi sila gumawa ng hindi totoo o balidong

datos.

Sa etika ng pananaliksik na ito malinaw na simusunod ng ng mga mananaliksik

ang mga prinsipyo ng etika sa pananaliksik sa kadahilanang hinid nila inaangkin ang

mga pahayag na sumusuporta sa kanilang paksa na nanggaling sa ibang awtor o tao.

Sa kabuuan, nakita at napansin namin ang kahalagahan ng pagkakaroon

pagkakaroon ng tamang pagsunod sa mga hakbang, proseso, at mga etika ng

pananaliksik. Sapagkat ito ang magdadalo sa mga mananaliksik tungo sa inaasahang


resulta. malinaw at tiyak ang paglalahad ng datos at idea. Buo ang nakalap na

mga,walang nakuha o dinagdag sa bawat talatangungang sinagutan. Bilang

konklusyon, napanindigan ng mga mananaliksik at nabigyan pansin nila ng mga

kasagutan ang mga katanungang nais masagot.

You might also like