You are on page 1of 14

Yunit 4:

METODO NG PANANALIKSIK
Metodo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay sumasailalim sa isang siyentipikong proseso. Sa pamamagitan ng
pagsunod sa angkop at tamang proseso, ang solusyon na matatagpuan o mapatutunayan ng
pananaliksik ay higit na mapananaligan. Dahil dito, mahalagang isaalang-alang ang angkop at
tamang metodo o pamaraan upang tugunan ang mga pangangailangan o layunin ng pananaliksik.
Mahalaga ang metodo o pamaraan sa pananaliksik, pinaniniwalaan ng maraming
mananaliksik na isa ito sa mga buhay ng kabuuan ng pananaliksik. Sa pagkakataong magkamali
sa bahaging ito ng pananaliksik, sigurado ring may pagkakamali na sa talakayan at resulta ng
pananaliksik na siguradong makapagpapababa sa kredibidlidad ng resulta ng pananaliksik.
Kabilang sa metodo ng pananaliksik ang talakayan ukol sa disenyo ng pananaliksik at ang
respondent/partisipant/sabjek. Kabilang din sa bahaging ito ang paglalahad tungkol sa lokal ng
pananaliksik, instrumento at paraan ng pangangalap ng datos ng pananaliksik, at instrumentong
pang-estadistika.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ay isang dulog na kinabibilang ng mga kalipunan ng mga
proseso at metodo na gagamitin sa koleksiyon at pagsusuri sa mga baryabol o konseptong pag-
aaralan sa pananaliksik. Isa itong paradigma o balangkas na makatutulong sa pangongolekta ng
angkop na datos at pagpoproseso at pagbibigay ng angkop na interpretasyon sa mga datos ng
pananaliksik. Bawat pananaliksik ay kailangang gumamit ng hindi bababa sa isang (1) disenyo ng
pananaliksik. Tatandaan na ang bawat disenyo ay angkop sa mga tiyak na pananaliksik. Dagdag
pa rito, maaaring gumamit ng higit na isang disenyo upang patatagin ang resulta ng pananaliksik.
Mayroong iba’t ibang uri ng disenyo ang pananaliksik tulad ng sumusunod:
1. Deskriptibo (Descriptive). Tumutukoy ang disensyong ito sa paglalarawan o pagbibigay
deskripsiyon sa mga karanasan, pananaw o datos ng pananaliksik. Sa ganitong uri ng
disenyo, walang kontrol ang mananaliksik sa mga baryabol ng pag-aaral kaya naman
inilalarawan niya ito batay sa eksaktong representasyon ng mga impormasyon. Kadalasan
itong ginagamit sa anomang uri ng kwalitatibong pananaliksik. Ginagamit din ito upang
ilarawan ang katangian ng mga pangunahing datos sa mga kwantitatibong pananaliksik.
2. Comparative. Kadalasang ginagamit ang disenyong ito sa mga pananaliksik ukol sa agham
panlipunan kabilang ang wika at panitikan. Naglalayon ang disenyong ito upang ipakita
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang karanasan, ideya, modelo at iba
pa. Sa pagsasagawa ng paghahambing, walang tiyak na modelo na maaaring sundin
sapagkat ang disenyong ito ay multidisiplinal. Ibig sabihin, ang paghahambing ay
kailangang magmula sa iba’t ibang perspektibo o larangan.
3. Correlational. Tumutukoy ang disenyong ito sa pagsusuri sa posibleng relasyon sa pagitan
ng iba’t ibang baryabol sa pananaliksik. Sinisigurado sa disenyong ito na hindi kinokontrol
ng mananaliksik. Mayroong tatlong relasyon ang maaaring lumitaw- positibo, negatibo at
zero. Kapag positibo ang relasyon, nagpapakita ito ng direktang ugnayan sa pagitan ng
dalawang (2) baryabol. Nangangahulugan ito na may direktang ugnayan ang isang
baryabol sa isa pang baryabol. Dagdag pa rito, habang tumataas ang isang baryabol ay
tumataas din naman ang isa pa. Halimbawa, kapag mahusay sa wikang Filipino ay
tumataas din ang akademikong performans. Negatibo naman ang relasyon kung
nagpapakita ng hindi-direktang ugnayan sa pagitan ng dalawang (2) baryabol. Ibig sabihin,
nakaaangat ang isang baryabol sa isa pang baryabol o habang tumataas ang isang
baryabol ay bumababa naman ang isa pang baryabol. Halimbawa, kapag negatibo,
maaaring mas mahusay ang babae kaysa sa mga lalaki o vice versa. Pwede rin namang,
habang dumadalas ang pag-te-text ng mga mag-aaral ay bumaba ang kasanayan sa
pagsulat. Kapag zero ang relasyon, nangangahulugan na walang ugnayan ang dalawang
baryabol.
4. Causal. Ang disenyong ito ay may kinalaman sa pagsusuri ng epekto ng isang baryabol sa
iba pang baryabol. Tinatalakay sa disenyong ito ang hangganan (extent) at kalikasan ng
relasyong cause-and-effect. Ginagamit din ito upang tiyakin ang epekto ng mga tiyak na
pagbabago o mga kinasanayang proseso o anomang baryabol.
5. Experimental. Ito ang disensyong may kinalaman sa manipulasyon at pagkokontrol ng
ilang baryabol upang maunawaan ang epekto ng isang baryabol sa iba pang baryabol.
Sinusuri dito ang relasyon ng sanhi at bunga (cause and effect).
6. Action Research. Ito ang disenyo ng pananaliksik na may kinalaman sa paglalarawan at
pagtatasa/pagtataya sa isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba
pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan (De Laza, 2016). Ginagamit ang
disenyong ito upang humanap ng kalutasan at tugunan ang suliraning karaniwang
kinakaharap sa loob ng silid-aralan o paaralan. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay may
agarang kapakinabangan sa mga guro at mag-aaral.
7. Case study. Ito ang disenyong may kinalaman sa masinsinan, malaliman at detalyadong
pagsusuri sa subject ng pag-aaral (case) kabilang ang konteksto nito. Layunin ng disenyong
ito na suriin ang karanasan ng tao batay sa realistikong konsteksto nito na ginagabayan
naman ng isang tiyak na teorya o modelo. Ang kasangkot o case o partisipant sa disenyong
ito ay maaaring iisa o iilang tao o grupo ng tao lamang.
8. Phenomenological. Pagsusuri sa iba’t ibang konsepto, impormasyon, paniniwala at
karanasan batay sa pananaw ng mga miyembro ng isang grupo ng tao o komunidad.
9. Ethnograpiya. Pagsusuri naman ito sa kolektibong karanasan at pananaw ng isang tiyak
na komunidad ukol sa kanilang kultura.

Paghahambing sa Disenyong Case Study, Phenomenology at Etnograpiya


Katagian Case Study Phenomenology Etnograpiya
Kalikasan Detalyadong imbestigasyon sa Karanasan ng Nakapokus sa kolektibong
pag-unlad ng iisang indibidwal karanasan ng komunidad
pangyayari, sitwasyon o
karanasan sa loob ng tiyak na
panahon.
Datos Koleksiyon ng datos: interbyu, Interbyu Ang koleksyon ng datos ay
obserbasyon, talatanungan interbyu, obserbasyon, at
pagsusuri ng mga
dokumento at artifacts
Saklaw Pag-aaral sa iisa at tiyak na Pag-aaral sa Pag-aaral sa kultura,
pangyayari, insidente, indibidwal na kaugalian, pag-uugali at
organisasyon at/o indibidwal karanasan paniniwala

Ang Kasangkot sa Pag-aaraal at Sampling Procedure


Mahalaga sa pananaliksik ang magiging kasangkot dito. Ang datos na kinakailangan sa
pananaliksik ay magmumula sa mga kasangkot sa pag-aaral- tao man ang mga ito dokumento. Sa
usapin ng tamang termino, ginagagamit ang respondent kadalasan sa kwantitatibong
pananaliksik. Ginagamit naman ang partisipant sa mga pag-aaral na kwalitatibo. Sabjek naman
ang ginagamit kung ang pag-aaral ay gumagamit ng mga dokumento, artifacts at iba pang uri.
Mayroon ding ibang paraan ng paggamit sa tatlong salita na ito. Ayon kay Morales (2020),
narito ang gamit:
Partisipant Respondent Sabjek
 Mga taong boluntaryong  Mga taong sasagot  Higit na tradisyunal lalo na sa
maging bahagi sa pag- sa talatanungan mga akademya.
aaral  Ginagamit ito sa  Maaari ring tumukoy sa mga
 Iyong mga magbibigay ng mga pananaliksik hindi tao tulad ng bakterya,
kontribusyon kaugnay ng na sarbey hayop, halaman, makinarya at
kanilang epistimolohiya  sumasagot sa iba pa.
 Mga magbibigay ng higit closed-ended na  Walang aktibong partisipasyon
sa datos na hinihingi ng mga tanong  kadalasang ginagamit sa mga
instrumento ng disenyong eksperimental.
pananaliksik
 Sumasagot sa mga open-
ended na katanungan

Sa pagtiyak ng respondent mula sa kabuuang populasyon, kailangan munang maunawaan


ang pagkakaiba ng populasyon at sampol (sample). Ang populasyon ay tumutukoy sa lahat ng
posibleng maging bahagi ng pananaliksik sa isang tiyak na lokasyon at nagtataglay ng pare-
parehong katangian batay sa kahingian ng pananaliksik. Ang sampol naman ay tumutukoy sa
tiyak na bilang o dami ng indibidwal mula sa populasyon. Ito ang representasyon ng populasyon.
Ang mapabibilang sa sampol ay ang ituturing na respondent ng pananaliksik. Ginagamit ang
formula ng probability sampling na mayroong 95% level of confidence at 1% hanggang 5% margin
of error bilang paraan upang matiyak ang bilang sampol mula sa kabuuang populasyon. Makikita
ang formula nito sa ibaba:
2
(𝑧𝛼⁄2) 𝑁
2
(𝑧𝛼⁄2 ) + 4𝑁𝑒 2

Kung saan, ang 𝑧𝛼⁄2 ay ang value ng 𝑧 at 𝛼⁄2. (At 95% level of confidence,

𝑧𝛼⁄2 = 1.96)

𝑁 is the population size o ang buong bilang ng populasyon


𝑒 is the desired margin of error

Sa pagpili ng magiging kabahagi ng pananaliksik, mahalaga ang wastong pagpili ng


gagamitin sa sampling. Kapag nagkamali sa sampling procedure, makaaapekto ito sa resulta ng
pag-aaral. Mayroong ilang uri ang sampling procedure:
1. Probability Sampling. Tinatawag din itong random sampling. Ginagamit ang ganitong
estratehiya upang bigyang pagkakataon ang lahat ng myembro ng populasyon na
maging bahagi ng sample size o respondent.
 Random Sampling. Pinakamahusay na estilo ng sampling sapagkat lahat ng
miyembro ng populasyon ay mayroong magkakatulad na pagkakataong
maging respondent.
 Stratified Sampling. Ang populasyon ay hinahati sa maliliit na grupo o strata
at ang bawat myembro ng strata ay mabibigyan din ng parehong pagkakatong
mapili bilang respondent gamit ang random sampling.
 Systematic Sampling. Gumagamit ng tiyak na sistema o estratehiya ng pagpili
ng respondent mula sa kabuuang populasyon. Halimbawa, kukunin bilang
respondent ang bawat ikasampo sa grupo ng mga pangalang nakaayos ng pa-
alpabeto.
 Multi-Stage Sampling. Pagbubuo ng higit na maliliit na grupo ng populasyon.
Makalipas nito, gagamitan ng random sampling. Halimbawa, una, hahatiin sa
Grade level ang populasyon. Makalipas nito’y hahatiin ang bawat Grade level
batay sa edad. Makalipas nito, hahatiin ayon sa kasarian ang magkakaedad
hanggang mabuo sa napakaliliit na grupo.
 Proportional allocation o quota sampling. Bubuo ng mga grupo, at bawat
grupo ay magtatalaga ng tiyak na bilang ng respondent batay sa isang tiyak na
formula.
2. Non-Probability Sampling. Ginagamit ito kung walang tiyak na paraan upang kunin
ang bilang ng populasyon o sample o respondent. Madalas itong ginagamit sa mga
kwalitatibong pananaliksik.
 Convenience sampling. Ang mga respondent ay pinipili batay sa mga
makukuhang respondent.
 Purposive Sampling. Magtatalaga ng kriteria sa pagpili ng respondent. Lahat
ng kwalipikado mula naka-set na kriteria at magiging respondent.
 Expert Sampling. Ang mga myembro ng lipunang itinuturing na eksperto sa
larangan o disiplina ay ituturing na respondent.
 Snowball o referential sampling. Ang mga respondent ay magrerekomenda
ng iba pang pwedeng maging respondent.

Instrumento ng Pag-aaral
1. Talatanungan o questionnaire. Ito ang pinakamadalas gamitin instrumento lalo na kung
sarbey ang pag-aaral. Ang talatanungan ay maaaring structured, semi-structured o
unstructured. Ang structured ay mga closed-ended na mga pahayag. Ang semi-structured
ay kinabibilangan ng closed-ended at open-ended na mga pahayag. Ang unstructured ay
kinabibilangan ng open-ended na mga pahayag.
Alalahanin na ang talatanungan para sa pananaliksik ay kailangang dumaan sa proseso ng
validity test at reliability test. Ang validity test ay isinasagawa upang tiyakin na ang
nilalaman ng instrumento ng pananaliksik ay makatutugon sa layunin ng pananaliksik. Ang
reliability test naman ay isinasagawa upang tiyakin ang konsistensi o kahusayan ng
instrumento sa pagtatamo ng layunin. Sa mga pag-aaral, ang internal consistency ay
kailangang umabot ng 0.03 at ang resulta ng conback alpha ay kailangang umabot ng hindi
bababa sa 90%. Kung ang talatanungan ay isang adopsiyon sa buong materyal mula sa
isang nalimbag o natapos ng pag-aaral, dapat kilalanin kung sino ang lumikha nito at ang
petsa ng pagkakalikha. Maaari ring kilalanin kung sino-sino na ang gumamit sa nasabing
instrumento. Kung magkakaroon ng pagbabago sa instrumento. Halimbawa, dadagdagan
o babawasan, kailangan mong humingi ng permiso sa lumikha ng materyal at ipaliwanag
ang dahilan ng pagbabago. Kailangan ding sumailalim ito sa proseso ng balidasyon at
reliability.

Sa mga talatanungan lalo na ang mga close-ended na pahayag, ginagamit ang Likert Scale
bilang batayan ng pagsagot. Maaring gumamit ng 4-point Likert Scale, 5-point Likert Scale
o 6-point Likert Scale.
Halimbawa ng 5-point Likert Scale:
5 - Lubhang Napakadalas
4 - Napakadalas
3 - Madalas
2 - Madalang
1 - Hindi ginagawa
PAALALA, huwag maglagay ng “neutral” sa pagpipilian. Wala itong ibig ipakahulugan at
humihikayat ito ng kawalang kasiguraduhang kasagutan.

2. Interbyu (Interview). Ito ang pasalitang bersyon ng open-ended na talatanungan. Ang


interbyu ay maaaring standardized, unstructured, non-directive at focus group. Ang
standardized ay isang pormal na interbyu kung saan ang lahat ng respondent ay sasagot
at irerekord and sagot sa mga tiyak at pare-parehong katanungan. Ang unstructured
naman ay uri ng interbyu kung saan malayang sumagot ang tinatanong at malaya ring
magdagdag ng katanungan ang nagtatanong maliban pa sa mga tiyak na katanungan. Ang
non-directive na interbyu ay nagbibigay laya sa tagatugon na magpahayag ng kanyang
opinyon at mga ideya tungkol sa paksang pinag-uusapan at hindi kinakailangang tanong
ang ibibigay sa tagatugon. Ang focus group ay interbyu sa isang grupo ng indibidwal na
itinuturing na eksperto o may kinalaman sa isang paksa.
3. Obserbasyon (Observation). Isa sa mga pinakamahalagang paraan ng pangangalap ng
datos upang makakuha ng komprehensibong datos para sa kwalitatibong pananaliksik.
Kabilang sa mahahalagang dapat maging resulta ng obserbasyon ay mga datos na
naririnig, nababasa, nakikita, natitikman o naaamoy. Ang mananaliksik na gumagamit na
estilong obserbasyon ay maaaring maging partisipant mismo ng grupo ng taong kanyang
inoobserbahan o dili kaya’y purong tagapagmasid lamang.
4. Psychological Test. Ginagamit upang suriin ang isang tiyak na aspeto ng pag-uugali o gawi
ng mga respondent.
5. Content Analysis. Ginagamit ito sa pagsusuri ng tema o nilalaman ng isang dokumento,
akdang pampanitikan at iba pang teksto. Ginagamit ito upang makita ang tema, patern at
iba pang natatagong ideya, estilo o impormasyon na nasa teksto. Kadalasan itong
ginagamit para sa maramihang teksto.

Paraan ng Pangangalap ng Datos (Data Gathering Procedure)


Inilalahad sa bahaging ito ang tiyak na mga hakbangin upang kalapin ang kinakailangang
datos sa pag-aaral. Kabilang dito ang paghingi ng permiso at aktuwal na koleksiyon ng mga datos.

Uri ng Datos
i. Ang primary data ay mga datos na hindi pa dumaraan sa anomang uri ing pagsusuri at
interpretasyon. Kabilang sa mga ito ang mga artifacts, diary, batas, dokumento at mga
kaugnay na materyal.
ii. Ang secondary data ay mga primaryang datos na dumaan na sa proseso ng interpretasyon
o pagsusuri. Kabilang din sa mga secondary data ang anomang impormasyon tungkol sa mga
respondent na hindi makukuha ng aktuwal sa mga respondent mismo. Ang mga grade,
minutes of the meeting, financial at iba pang uri ng report ay kabilang sa mga secondary
data.

Klasipikasyon ng Datos
a. Ordinal Data. Ito ang mga datos na maaaring iranggo tulad ng edad, grado at iba pa.
b. Nominal Data. Ito ang mga datos na maaaring ikategorya tulad ng kasarian.

Maka-Pilipinong Estilo ng Pangangalap ng Datos

1. Pakiramdaman (knowing through feeling)


Ang pakiramdam ay isang uri ng kontekstuwalisadong komunikasyon ng mga Pilipino. Ito
ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtantya sa
estadong pang-emosyon ng kapwa gamit ang ilang personal o panlipunang palatandaan tulad ng
itsura, awra, kilos at iba pa. Isa itong uri ng pag-unawa sa pamamagitan ng pakiramdam. Nagmula
ito sa konsepto ng pakiramdam (feelings), makiramdam (to sense), nakikiramdam (sensing) at
nakaramdam (felt). Sa mga prosesong ito ng pagtatantya, nauunawaan ng mga Pilipino kung
pwede na bang makisali sa grupo o kung pwede na bang magbukas ng paksa para sa usapan. May
kakayahan ang Pilipino na tukuyin ang estado ng kapwa sa pamamagitan ng pakiramdam lang.
Madali nating malaman kung malungkot o masaya, may sakit o masigla, problemado o hindi ang
kapwa natin sa pamamagitan ng pakiramdam. Nakaugat ito sa ideyang ang kapwa ay ekstensyon
ng sarili natin.
Ayon kay De Guia (2016), ang pakiramdam ay kadalasang inilalarawan bilang “shared
inner percepcion” o “kabahaging panloob na persepsiyon” na nakabatay sa “shared identity” o
“kabahaging pagkakakinlanlan” ng “kapwa.” Isa itong emosyonal na bahagi ng personalidad o
pagkataong Pilipino. Ang pakiramdam ay gumagalaw sa likod ng lahat ng pagpapahalagang
Pilipino (Filipino values). Ito ang sanhi ng kusa o boluntaryong pagbabahagi ng sarili sa kapwa.
Ayon pa rin kay De Guia, ang pakiramdam ay sanhi ng konsepto ng “kapwa” kung saan
ang emosyong ito ay kapwa nararanasan ng mga taong sangkot. Dahil ang mga Pilipino ay
mahusay “makiramdam” sa pamamagitan ng mga palatandaan, ang pagkaawa sa
pinakikiramdamam at ang pagpapasaya ng nakikiramdam ay nagiging kapwa aktibong proseso ng
mga di-berbal na kilos. Bilang paraan ng pananaliksik, ang pakikiramdam ay isang paraan upang
siguraduhin ng mananaliksik na ang kanyang mga partisipant sa pag-aaral ay handa na o hindi pa
sa isasagawang pag-aaral. Tinitignan ang pakiramdam bilang pag-unawa sa emosyon ng kalooban
ng partisipant sa pag-aaral.

2. Umpukan
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat,
pagtitipon ng mga tao para sa isang impormal na okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o
pangkat. Maaari rin na ang "umpukan" ay mangangahulugang buhol.
May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay nagpapalitan
ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa. Isang pang halimbawa ng umpukan ay
ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal
na pakikipagtalo. Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya-kanyang katwiran batay sa
kanilang mga opinyon. Ito ang mga halimbawa ng umpukan.

3. Talakayan
Ang talakayan o diskusyon ay isang uri ng komunikasyong Pilipino kung saan ang bawat
isa ay naghahayag ng kani-kanilang mga opinyon at ideya ukol sa paksang pinag-uusapan. Maaari
itong maganap sa pagitan ng dalawa at higit pang indibidwal para sa mga paksang maaaring payak
o kahit mga paksa ukol sa pambansang usapin. Dahil nabibigyan ng pagkakaton ang bawat isa na
maghayag ng kani-kanilang pananaw at ideya, higit na napayayaman ang mapanuring kasipan ng
bawat kalahok sa talakayan at higit na yumayaman ang pag-unawa sa paksang tinatalakay. Bukod
pa rito, nakatutulong ito sa personalidad ng mga Pilipino na sadyang nais makilahok sa iba’t ibang
paksa at talakayan. Napauunlad din ang pag-unawa at pagkakaisa sa pagitan ng bawat kalahok
ng talakayan dahil naibabahagi ng mga ito ang magkakaibang pananaw upang makabuo ng
maayos na konsepto ukol sa isang paksa.
Ipinaliliwanag ni San Juan et.al. (2018) na ang layunin ng talakayan ay upang busisihin ang
isyung kinakaharap ng isang tao, grupo, buong pamayanan o buong bansa para makahalaw ng
aral, magkaroon ng paglilinaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o magkakawing na mga
problema at makagawa o magmungkahi ng desisyon at aksiyon. Sa pagsasagawa nito, kailangan
ang tagapagpadaloy o facilitator upang tiyakin ang maayos nadaloy ng talakayan.

4. Pagbabahay-bahay
Ang pagbahay-bahay ay kaugnay ng komunikasyong Pilipino. Ito ang pangangalap ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagpunta-punta o pagdalaw-dalaw sa tahanan ng bawat
myembro ng pamayanana. Likas sa ating mga Pilipino ang pagpasyal sa tahanan ng bawat
myembro ng pamayanan. Sa bawat pagdalaw ay nagkakaroon ng mga talakayan, kuwentuhan at
pagbabahaginan ng mga ideya at impormasyon.
Ginagamit din ang pagbahay-bahay upang maghatid ng mahahalagang impormasyon,
magturo ng teknolohiya, kumunsulta sa miyembro ng pamilya hinggil sa isang programa,
manghikayat na sumali sa isang programa o tumangkilik ng isnag produkto, kaisipan, gawain o
adbokasiya (San Juan, et.al. 2018). Ang DSWD at iba pang sangay ng pamahalaan ay nagbabahay-
bahay para sa sensus. Ang mga polotiko rin ay ginagawa ito tuwing eleksiyon lamang.
Sa usapin ng pananaliksik, ang pagbabahay-bahay ay maaaring tumukoy sa estilong
pagdalaw-dalaw kung saan ang mananaliksik ay paminsang-minsang dumadalaw sa tahanan ng
kanyang mga partisipant upang magsagawa ng interbyu, pakikipagkuwentohan at
pakikipagtalakayan ukol sa paksang pinag-uusapan. Katulad din ito ng estilong panunuluyan kung
saan ang mananaliksik ay makikipamahay mismo sa kanyang mga partisipant upang magkaroon
ng talakayan, interbyu o kahit simpleng obserbasyon lamang ng mananaliksik sa kanyang mga
partisipant. Ang panunuluyan ay mula sa salitang-ugat na “tuloy” na nanganghulugang pumasok
sa sistema ng pamilyang pakikipanuluyan.
5. Pulong-bayan
Ang pulong bayan ay malaking bersiyon ng talakayan sapagkat ang lahat ng miyembro ng
pamayanan ay inaasahang sasali sa talakayang ito. Ang pulong-bayan ay talakayan sa itinakdang
oras, petsa at lugar. Ito ang pagkakataon upang ang iba’t ibang paksang nakaaapekto sa
pamayanan tulad ng seguridad, kapayapaan, ordinansa at iba pa ay tatalakayin. Madalas itong
pangunahan ng mga lider ng pamayanan. Ang bawat miyembro ng pamayanan lalo na ang mga
nakatatanda at nakapag-aral ay aktibong magbibigay ng kanilang pananaw at suhestiyon ukol sa
mga suliranin at paksang tatalakayin. Ang mga panuntunang pampamayanan ay sama-samang
pinagdedesiyunan at pinagbobotohan. Ang masusunod na patakaran ay yaong
mapagkakasunduan ng nakararami.
Sa akademiko at politikal na larangan, tinatawag din itong konsultasyon kung saan ang
isang bagong ipatutupad na mga panuntunan ay isasangguni sa sektor ng lipunan na higit na
maapektohan ng patakaran. Hihingin ang opinyon, mga pananaw o ideya ng iba’t ibang sektor
upang mapabuti ang binubuong patakaran. Ang pagpapabuti ay naglalayong gawing balanse sa
lahat ng sektor ang magiging epekto ng patakaran. Sa ganitong sitwasyon, pangunguhanan ng
mga tagapagsulong ng bagong panuntunan ang konsultasyon habang iimbitahan naman bilang
tagapanayam ang miyembro ng iba’t ibang sektor.

Instrumentong Pang-estadistika (Statistical Tool)


Sa bahaging ito inilalahad ang mga instrumentong gagamitin upang iproseso ang mga
datos. Sa pagpoproseso ng datos lalo na sa kwantitatibong pananaliksik, kadalasang ginagamit
ang Statistical Package for Social Science (SPSS).
Mayroong namang dalawang (2) pangkalahatang uri ng estadistika ang ginagamit sa
pagsusuri sa mga datos ng pananaliksik. Ginagamit ito upang bigyang kahulugan ang mga nakalap
na datos sa pananaliksik. Ito ay ang sumusunod:
1. Descriptive Statistics. Kabilang dito ang mga batayang katangian ng mga datos para sa
pag-aaral. Ito ang uring ginagamit kung ang layunin ay magbigay ng simpleng paliwanag
tungkol sa mga nakalap na datos na nasa paraang tabular, tsart at diagram.
2. Inferential Statistics. Sa karamihan ng mga pananaliksik, ang pagsusuri sa mga datos ay
higit pa sa paglalarawan lamang. Kaya naman kung may sinusuring relasyon o lumilikha
ng modelo, kailangan ang inferential statistics. Ito ang uri ng statistics na nagbibigay
kakayahan sa mananaliksik na lumikha ng mga bagong ideya o impormasyon batay sa mga
nakalap na datos.

Kabilang ang sumusunod sa mga ginagamit sa bahaging ito ng pananaliksik:


1. Frequency at Percentaging. Ginagamit ito upang ilarawan ang dami at porsyento ng datos
batay sa klasipikasyon ng profile.
2. Mean. Ginagamit ito upang ilarawan ang pananaw, lebel, gawi, kabisaan at iba pa.
3. Chi Square o Z-test. Ginagamit upang suriin ang pagkakaiba (test of difference) sa pagitan
ng baryabol mula sa magkatulad na population tulad ng kasarian, guro at mag-aaral at iba
pa. Ginagamit ito kung malaki ang bilang ng sample size.
4. Regression Analysis. Magpakita ng prediksyon sa kakayahan ng dependent variable sa
pagitan ng iba’t ibang independent variable.
5. T-test. Ginagamit upang suriin ang pagkakaiba (test of difference). Ginagamit ito kung
sinusuri ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang (2) grupo.
6. F-test o ANNOVA. Ginagamit upang suriin ang pagkakaiba (test of difference). Ginagamit
ito kung sinusuri ang pagkakaiba sa pagitan ng tatlo (3) o higit pang grupo.
7. Kendal Tau at Pearson Correlation. Test of relationahip.

You might also like