You are on page 1of 2

Page | 1

KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga disenyo at paraang ginamit sa pangangalap ng


datos upang alamin ang Epekto ng pambubulas sa mga mag-aaral ng Baitang 11 ng Senior High
School sa Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School.
Makikita rin sa kabanatang ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon, pamamaraan,
instrumentong ginamit sa paglikom ng mga datos at paraan ng pagsusuri sa mga ito.

Disenyo at Pamamaraan ng pag-aaral


Ang pag-aaral ay nasa disenyong deskriptib-kwantitatib. Kwantitatib sapagkat sinukat
nito kung ano ang mga epekto ng pambubulas sa mga estudyante ng Baitang 11 ng Senior High
School sa Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School at deskriptibo sapagkat inilarawan
kung anong klase ng pambubulas ang kanilang madalas na nararanasan.

Populasyon at Lokal ng pananaliksik


Ang mga tagatugon ng pananaliksik ay nagmula sa mga estudyante ng Baitang 11 ng
Senior High School sa Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School. Kinabibilangan ito ng
dalawampung (20) mga respondente na mga mag-aaral ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National
High School. Kabilang dito ang walong (8) kababaihan at labindalawang (12) kalalakihan.

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos


Sa pamamagitan ng tseklist o listahan ng mga gawan ang mga mananaliksik ay
nagkaroon ng gabay upang malaman ang mga dapat gawin at unahin sa paunang paglilikom
ngdatos at iba pang impormasyon. Una rito ang paglikha ng talatanungan o questionnaire para
samga mag aaral na magiging tagasagot sa mga tanong na inihanda ng mga mananaliksik upang
makakakalap ng mga datos.

Paraan sa Pangangalap ng Datos


Matapos ipamahagi ang mga talatanungan sa mga mag-aaral ito ay dadaan sa estadistikal
na pagtataya ang mga datos na nakalap.
Page | 2
Sanggunian

You might also like