You are on page 1of 8

Trese sa Netflix: Pagtatampok sa Akdang Panitikan sa Makabagong Midyum at Impak

nito sa Pagkatuto Patungkol sa Mitolohiya

Nina:

Cabigao, Joel Rei M.

Magcalas, Harold A.

Omaña, Ferdie Zander R.

Paunan, Kim Ira M.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang impak ng

makabagong midyum sa pagkatuto ng bata sa mitolohiya.

1. Paano maihahambing ang Trese sa mga mitolohiya ng Pilipinas?

2. Paano mailalarawan ang pagkakalantad o pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa online

space sa mga tuntunin ng:

2.1. Oras ng exposure

2.2. Dahilan ng paggamit

3. Ano ang mga naging impak ng panonood ng Trese sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

mitolohiya?

4. Ano ang direktang kauganayan ng panunuod sa isang onlayn platform at sa impak sa

pagkatuto sa mitolohiya?

1
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Makikita sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong gagamitin,

pamamaraan sa pangangalap ng datos at bilang ng mga respondenteng tutugon sa mga

kinakailangan datos upang maisakatuparan ang pag-aaral.

Pamamaraan at Teknik ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kwantitatibong pag-aaral. Ayon kay Bhandari (2020)

ang kwantitabong pag-aaral ay ang proseso ng pagkolekta at pagsusuri ng numerikal na datos.

Maaari itong magamit upang makita ang ugnayan ng mga bagay sa loob ng isang populasyon.

Gagamit ang pag-aaral na ito ng iba't ibang pamamaraan upang maipakita ang

konkretong kasagutan sa bawat suliranin na inilahad sa Kabanata I. Sa suliranin 1, upang makita

na tinataglay ng trese ang elemento ng mitolohiyang Pilipino ay gagamit ang mga mananaliksik

ng pagtatasang nilalaman (content analysis). Sa pamamagitan nito ay maihahambing ang palabas

na trese at ang mitolohiya ng Pilipinas. Ang suliranin 2, ay parte ng profayling na

makapagbibigay datos ng oras ng pagkakalantad at dahilan ng mga kalahok sa panunuod.

Sasagutin naman ang suliranin 3 sa pamamagitan ng item analysis na kung saan ay susuriin ang

resulta sa bawat bilang ng pagsusulit na ibibigay sa mga respondente. Ang pagsusulit na ito ay

masusing binalido ng guro sa Filipino at guro sa Pananaliksik. Sa suliranin 4 ay gagamitin naman

ang Pearson's r upang matukoy ang naging direktang kaugnayan ng panunuod at pagkatututo ng

mga mag-aaral ng mitolohiya.

2
Ang mga pamamaraan na ito ay masusing isasakatuparan upang mailahad nang maayos at

wasto ang resulta ng pag-aaral na ito.

Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga repondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng La Consolacion

University Philippines particular ang mga nasa ika-labindalawang baitang (Grade 12). Ang mga

respondente ay nagmula sa strand ng Accounting Business Management (ABM), Science,

Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences

(HUMMS), at General Academic Strand (GAS). Ang kasarian ng mga respondente ay walang

epekto sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagdistribyut ng respondente sa pamamagitan ng

purposive sampling technique. Pumili ang mga mananaliksik ng tig-sampung mag-aaral (10)

kada strand na nakapanood ng panooring Trese sa Netflix upang magsagot ng inihandang mga

katanungan upang makapangalap ng datos.

Ang dahilan ng mga mananaliksik sa pagpili ng respondente ay mga mag-aaral na mula

sa isang pribadong paaralan na may kumpletong strand (ABM, STEM, HUMMS, at GAS), at

may mga kakayahang makapag-akses sa internet at makapanood ng TRESE gamit ang onlayn

panoorin na Natflix. Ang mga respondente na pinili mula sa ika-labindalawang baitang ay mga

mag-aaral na kumukuha ng asignaturang 21st Century Literature kung saan bahagi nito ang

pagtalakay sa mitolohiyang Pilipino. Dagdag pa na ang asignaturang 21st Century Literature ay

isa sa mga core subject kung kaya lahat ng strand ay kumukuha nito.

3
Pangalan ng Strand Bilang ng Mag-aaral Bahagdan
Accounting Business Management 10 25.00%

Science, Technology, Engineering, and Mathematics 10 25.00%

Humanities and Social Sciences 10 25.00%

General Academic Strand 10 25.00%

Kabuuang bilang ng Respondente: 40 100%

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente batay sa Strand

Gaya ng inihayag sa Talahanayan 1, ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula sa

Grade 12 ng La Consolacion University Philippines sa Malolos, Bulacan ay apat na pung mag-

aaral (40) na nagmula sa iba’t ibang strand. Sila ang mga magsisilbing respondete para sa

pananaliksik na ito.

g ginamit
sarbey,
sarbey
instrumentong
mga
sa
INSTRUMENTO
persepsyon
mananaliksik
atpanayam
napagbigay
instrument
ng
ginamit
mga
upang
NG
at tao
ng
sa
obserbasyonal
PAG-AARAL
ngmakakuha
pag-aaral
namga
makatutulong
mananaliksik
talatanungan
na
ngito.
impormasyon
na Ang
sa
pananaliksik.
mga
satalatanungan
ito
pag-aaral
mananaliksik.
naging
tungkol
na
Saay
pangunahing
ito
sapamamagitan
inihanda
negosyo
ay ng
at ng

..Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng isang pagsusulit bilang isang instrumento. Sa

unang bahagi nito ay magkakaroon ng pagkuha ng mga impormasyon ng mga mananaliksik sa

kanilang respondente ukol sa kanilang oras at dahilan ng kanilang panunuod bilang indikasyon

sa pagkakalantad nila sa onlayn panuoran. Ang sumunod na bahagi ay ang aktwal na mga

katanungan o pagsusulit na may kinalaman sa mitolohiyang tinataglay ng animasyong “Trese”

upang makita ang naging impak nito sa pagkatuto ng mga estudyante mula sa iskor na kanilang

makukuha.

4
PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Ang mga datos na nakalap mula sa mga respondente ay binibigyang kahulugan sa

pamamagitan ng mga sumusunod na istatistikal na teknik at paamaraan

Pagkuha ng Porsyento

Ginamit ang pamamaraang ito upang matukoy ang propayl ng respondente. Ayon kina

Calmorin at Calmorin (2003) ito ay bahagi ng isang kabuuang naipakita sa isandaang porsyento.”

Ito ay bilang na nakuha sa pamamagitan ng pagpaparami ng isang numero sa isang porsyento.

PORMULA NA GAGAMITIN SA PAGKUHA NG PORSYENTO

P% = f/n x100

Kung saan:

P= Porsyento

f = bilang ng mga sumagot

n = kabuuang bilang ng mga respondent

1. R Pearson Product-Moment Correlation

Ginamit ang pamamaraan na ito upang sukatin ang lakas ng isang linear na kaugnayan

sa pagitan ng dalawang baryabol na panonood ng mga akdang pampanitikan gaya ng mitolohiya

sa makabagong midyum at impak nito sa pagkatuto.

5
Ang koepisyent na ugnayan ng Pearson, r, ay maaaring matamo sa pagitan ng mga

numero mula +1 hanggang -1. Ang 0 na resulta ay nagpapahiwatig na walang kaugnayan sa

pagitan ng dalawang baryabol. Ang resulta na higit sa bilang na 0 ay nagpapahiwatig ng isang

positibong kaugnayan; ibig sabihin, habang tumataas ang bilang ng isang baryabol, tumataas din

ang isa pang baryabol. Ang resultang mas mababa sa 0 ay nagpapahiwatig ng negatibong

kaugnayan; ibig sabihin, habang tumataas ang bilang ng isa pang baryabol, bumaba ang bilang

ng isa pang baryabol. Ito ay ipinapakita sa dayagram sa ibaba.

Pigura 2. Kalipunan ng mga Baryabol batay sa koepisyent na ugnayan ng Pearson

2. Item Analysis (Pagsusuri ng aytem)

Ginamit ang pamamaraan na ito ay upang masuri ang mga kahirapan ng aytem sa

talatanungan na nilikha ng mga mananaliksik. Ang kahirapan sa aytem ay isang porsyento ng

mga respondente na nakakuha ng tama sa aytem. Bilang panuntunan, naghahanap ang mga

mananaliksik ng hindi bababa sa 20% ng mga respondente na nakakuha ng tama sa isang aytem.

Kung wala pang 20% ng mga mag-aaral ang nakakuha ng tama sa aytem, maaaring sa

pamamaraang ito, matutuklasan na hindi sapat ang kamalayan at impak sa pagkatuto ng mga

6
respondante sa panonood ng mga akdang pampanitikan gaya ng mitolohiya sa makabagong

midyum. Nasa ibaba ang gagamiting pormula ng mga mananaliksik.

Pormula para sa Kahirapan ng Aytem.

K.A= (T.P+T.M)/(B.P+BM)

T.P- Tamang sagot sa pinakamataas na pangkat

T.M- Tamang sagot sa pinakamababang pangkat

B.P- Bilang ng mga respondante na nakakakuha ng tamang sagot sa pinakamataas na pangkat.

B.M- Bilang ng mga respondante na nakakakuha ng tamang sagot sa pinakamababang pangkat.

7
Tala

Bhandari, P. (2020, June 12). An introduction to quantitative research.


https://www.scribbr.com/methodology/quantitative-research/

Correlation Coefficient: Simple Definition, Formula, Easy Steps. (2021, July). Statistics How

To. https://www.statisticshowto.com/probability-and-statistics/correlation-coefficient-

formula/?fbclid=IwAR3llbzkwq7YLJYV7U8rgkyl2b-

iORhC1Y2ohqG6xV2YPaE7CDU7GxBtWto

Dr. Ekaterina Forrester. (2021, November 18). What is Item Analysis? Illuminate Education.

https://www.illuminateed.com/blog/2021/11/what-is-item-

analysis/?fbclid=IwAR0QdC2etiId6xBruzN_oj3PUPaPIlAoh6yjad4E-

xPDj2sto7uG3rBeMLA

Energeticarun. (2013). Item analysis. Slideshare.net.

https://www.slideshare.net/energeticarun/item-analysis-

16082143?fbclid=IwAR1MIufiqz4Z3uKzq4zD5ZWwM88I1bC7tUkm7enO14hqGi3vYx

mR_DTICdo

You might also like