You are on page 1of 3

ESTHER KYLES S. AMADOR E.S.P.

GRADE 10-
BERNOULLI
PLANUHIN MO ANG IYONG KINABUKASAN

1.) Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?
a. EDUKASYON. Ang nais kong makamit sa edukasyon ay ang makapagtapos ng
pag-aaral sa kursong gusto kong makamit na sa ngayon ay hindi ko pa alam kung ano
kaya pinag-iisipan ko pa ng mabuti. Nais ko ring makapagtapos na may maraming
kaalaman at sapat na karunungan sa buhay.
b. KASAL. Kapag ako ay ikakasal na, dapat ay nakapagtapos na ako ng pag-aaral
at may sapat na akong trabaho na may sapat ding sweldo para magkaroon ng sariling
pamilya, sa madaling salita dapat nakamit ko na ang tagumpay ko nun sa buhay. At
nais ko ring maikasal sa lalakeng matagumpay din sa buhay, mabait, may
respeto, responasable, loyal/faithful, maginoo, masipag, maraming pangarap sa
buhay, maganda ang boses �, syempre gwapo at matipuno �, at higit sa lahat mahal ko
at mahal din ako.
c. LIBANGAN. Ang mga gusto kong maging libangan sa hinaharap ay ang
makapagtravel o makapunta sa mga bansa at lugar na gusto ko, kasama ang mga
mahahalagang tao sa buhay ko tulad ng mga kaibigan ko at ng pamilya ko. Ang isa ko
pang gustong maging libangan ay ang makapagtulong sa mga
batang may kapansanan, sa mga batang naulila na at sa mga taong naghihirap sa
buhay.
d. PAGRERETIRO. Kapag ako ay magreretiro na sa aking naging trabaho. Dapat
sisiguraduhin kong napatapos ko na ang mga anak ko sa pag-aaral o di kaya sapat na
ang pera kong mga naipundar para makapagtapos sila at maibigay sa kanila ang mga
pangangailangan at gusto nila. Ilalaan ko na ang lahat ng oras ko
sa kanila, sa pamilya ko at babawi sa mga oras na hindi ako nakapagbonding sa kanila
at dito rin mas ieenjoy ko ang mga natitirang oras ko sa mundo kasama ang mga
mahahalagang tao sa buhay ko para wala na akong pagsisisihan
sa huli.
e. IBA PANG ASPEKTO NG BUHAY. Ang nais kong makamit sa mga ibang aspekto ng
buhay ay maging masaya kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko
2.) Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto/ layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit
mo na?
- Edukasyon at Kasal. Sinisiguro kong makakapagtapos na ako dito ng pag-aaral
at may sapat na akong trabaho para makapag asawa at magkaroon ng sariling pamilya
sa edad na 30
3.) Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto/ layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit
mo na?
- Libangan palangat nagtatrabaho pa rin
4.) Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na ang
iyong mga layunin ay makamit o maisakatuparan?
- Magtitiyaga, magfofocus, at mag-aaral ako ng mabuti. Magiging determinado
at masipag ako. Sisiguraduhin kong palaging positibo ang aking mga pananaw.
Mananalangin at hihingi ako ng gabay sa Diyos. And lastly gagawin kong motibasyon
ang mga nais kong marating na pangarap at mga mga mahal ko sa buhay.
5.) Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung
ikaw ay mabuntis? maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba pa?
- Ang mga planong inaasahan kong mangyayari ay mababago o mag-iiba na.
Maraming bagay, plano, pangarap, at prayoridad ang masisira at magbabago dahil sa
maagang pagbubuntis o pagiging batang-ina, magkakaroon na ng responsibilidad at
pananagutan na kung saan alam natin kinakailangan ng mahabang proseso
para makayanan at sobrang hirap ito gampanan lalo na’t hindi ito inaasahan,
masasayang din ang kapaguran ng aking mga magulang dahil sa kapabayaan ko at
maaaring di ko na makamit ang mga pangarap ko sa buhay dahil pamilya ko na
ang aking uunahin at bubuhayin Sa pagkakasangkot sa prostitusyon o iba pang
masamang gawain, ang pagbabagong mangyayari kung sakali ,ang aking
kinabukasan ay masisira dahil nabahiran na ng dumi ang aking dignidad at aking
pangalan at maging pamilya ko ay maaapektuhan din nito
6.) Magsulat ng isang maikling essay tungkol sa isang tanong na nabanggit sa itaas.
Iugnay ito sa iyong buhay
Paano kung ikaw ay maagang nabuntis? o di kaya’y nasangkot sa mga
masasamang gawain tulad ng prostitusyon? Anong pagababago ang maaaring
mangyari sa mga pangarap/plano mo? Kaya mo bang ipagpatuloy ang mga nais mo
sanang marating sa buhay? Kapag ikaw ay nasangkot sa mga masasamang gawain,
maraming bagay at prayoridad ang magbabago, mga mahahalagang tao ay maaaring
mawala, mga pangarap ay masisira depende sa pamamaraan mo. Sa paggawa ng isang
bagay, isipin natin kung anong maaring mangyari o mawala bago natin ito gawin, kasi
kapag nandiyan na tayo sa sitwasyon ng pagkasangkot, pagsisihan na nating ginawa
natin iyon tulad na lamang ng maagang pagbubuntis, kung alam mo na mismo na maari
kang mabuntis dahil sa pakikipagtalik na walang proteksiyon sana di mo na ginawa,
pero kung hindi naman sinasadya tulad isyung rape, pag-isipan mo ng mabuti kung ano
ang nais mong gawin sa sitwasyon na iyon, isipin mo na sa lahat ng nais mong
mangyari ay may kinahihinatnan. Umpisa palang nang gawin sa iyo ang bagay na iyon o
gawin niyo ang bagay na iyon ay may responsibilidad at pananagutan ka nang
kailangang gawin at harapin, kailangan mo ring matanggap na may parte na sa iyo na
mawawala at kailanman man ay hindi na maibabalik. At kaya mo lamang gawin ay ang
harapin ito, gampanan, at tanggapin ang mga kinahihinatnan, maging malakas ka,
huwag agad sumuko sa buhay dahil marami pang bagay at milagro ang maaaring
mangyari, Hindi solusyon ang kamatayan dahil kapag ikaw ay namatay na dala mo pa
rin ang problemang ito at kailanman di na ito magbabago, magsisisi ka lang, di mo ito
maisosolbar ng kamatayan, pinakita mo lang na ikaw ay mahina dahil tinakbuhan mo
ito at isa pa wala kang karapatang kitilin ang sariling mong buhay dahil ang Diyos
lang ang may karapatan dahil siya ang gumawa sa iyo at siya rin lang ang dapat
kumuha nito. Huwag mong hayaang maging hadlang ito sa mga pangarap mo, isa
lamang yang pagsubok na kailangan mong harapin para maaabot mo ang mga nais
mong marating, Patuloy kang lumaban dahil sa dulo nito makakamit mo rin ang
malaparaiso mong pangarap.

You might also like