You are on page 1of 3

CARL ANTHONY E.

CADALSO GAWAIN SA PAGKATUTUTO BILANG 6


9-MANGGA
ESP

Gabay Na Tanong Sa Panayam:

1. Pangalan: Ma. Leslie E. Cadalso

2. Kurso: Bachelor of Science in Office Administration

3. Ano-ano ang mga hamon na iyong kinaharap na nagsilbing tuntungan mo upang


lalong makita ang kahalagahan sa paggawa? Base sa interviewee, Noong siya’y nag-
uumpisa pa lamang mag-aral sa kolehiyo, masasabi niyang naging malaki talaga ang
hamon para sa kanya sa kadahilanang, siya’y isang ina, asawa, at estudyante. Noong
una, nahirapan siyang magbalanse ngunit sa kagustuhang maitaguyod ang kanyang
pag-aaral, pinagsikapan nya at ng aking ama na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

4. Ano ang iyong layunin sa pagsasagawa ng mga kilos? Kapag ikaw ay pursigido at
determinado sa mga gustong mangyari sa buhay at sa pamilya mo, lahat ay gagawin mo
upang malampasan ang mga bagay na alam mong magiging hamon sa iyong buhay at
sa landas na ninanais mong tahakin. - Ma. Leslie E. Cadalso. Sa madaling salita,
ginawa niya ito para sa kinabukasan nya at lalong-lalo na para sa kanyang pamilya.

5. Papaano makatutulong ang buong pusong paggawa sa pag-unlad ng iyong


pagkatao gayundin ang pagtulong sa kapwa at pagiging mabuting mamamayan?
Base sa interviewee, makatutulong ang buong pusong paggawa sa pag-unlad ng
kanyang pagkatao gayundin ang pagtulong sa kapwa at pagiging mabuting
mamamayan, sa pamamaraang matutuklasan mo lalo ang mga bagay-bagay tungkol sa
iyong sarili habang ika’y nakatutulong sa kapwa, na ibig sabihin ay nakatutulong ka rin
sa lipunan.

Buod ng ginawang panayam:

Ang paggawa ng buong puso ay importante at ito’y kailangan upang matupad ang iyong mga
ninais sa buhay at upang matulungan ang kapwa, na sa sitwasyon ng interviewee ay ang
kanyang pamilya. May mga pagkakataong ito’y mahirap ngunit sa kabila ng lahat ay matiyaga
mo parin itong gagawin para sa mga mahal mo sa buhay.

Pagninilay:
1. Natuklasan ko na ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa paggawa ay isang
napakaimportanteng parte ng buhay dahil ang layunin nito ay para sa iyong ikabubuti at
ng iyong kapwa o mahal sa buhay,
2. Makatutulong ako kung ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya sa paggawa sa mga
bagay na importante sa aking buhay upang ako at ang aking mga kapwa’y umunlad.
3. Simula ngayon, gagawin ko na ang lahat ng aking makakaya sa isang bagay.
Halimbawa ay ang mga aktibidad na pinapagawa ng aking mga guro, ang aking pag-
aaral, mga gawaing bahay, at aking iba pang mga tungkulin sa buhay.

You might also like