You are on page 1of 3

15 Setyembre 2017

Bb. Cathrina T. Villasotes

Guro sa Filipino

AICS Bldg., Commonwealth Ave., Cor,

Holy Spirit Drive, Brgy. Don Antonio,

Quezon City

Mahal naming Bb. Villasotes,

Magandang Araw!

Ang panukalang papel na ito ay pumapatungkol sa isyu ng dahilan kung bakit mababa ang
markang nakukuha ng mga mag-aaral sa kanilang mga asignatura. Sabi sa isang tanyag na
kataga na nang-galing sa mga matatanda at napasa sa iba`t- ibang tao, "WALANG TAONG BOBO,
TAMAD MERON". Marahil ay kahit papaanoy nabuhayan kayo ng loob sa nabasa ninyong
pamagat lalo na iyong mga taong hindi biniyayaan ng angking talino, sabihin na rin nating iyong
mga taong natutulog noong nagsabog ang Diyos ng mga talento, galing at karunungan sa
mundo. Iyong mga taong hindi pinapansin ng karamihan, mga taong hindi masyadong
pinahahalagahan. Iyong mga taong niminsan sa buhay nila ay hindi nagkamit ng karangalan
dahil sa nakamamanghang kakayahan. At dahil sa wala silang natatanggap na kahit naano, at
puro kapalpakan na lamang ang kanilang natatamo, nawawalan na silang pag-asang tumayo sa
pinagkakalagpakan nilang putik na madikit at mayamoy na animoy luom ng kabiguan. Pilit
nilang isinasara ang kanilang mgaisipan sa mga bagay na hindi nila aakalaing kaya at magagawa
nila, mga bagay na magagawa nila para sa sarili nila. Ayaw na nilang pilitin pang alisin ang dikit
ng putik sa kanilang katawan at ang amoy na hindi matanggal-tanggal at magpursiging abutin
ang mga pinapangarap nilang magawa at upang makuaha ang karangalan na lagi nilang
pinagdarasal. Tayo ay bumalik sa ating pinupunto sa posisyong papel na ito. karamihan sa mga
mag-aaral na hindi pumapasa o nakakakuha ng mababang marka sa iba`t- ibang asignatura. Ang
mga mag-aaral ay mayroong mga dahilan kung bakit bumabagsak sila sa mga asignatura, ang
iba ay may dahilan tulad ng hindi pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral. Isa rin sa
mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mga bagay na umaagaw sa kanilang atensyon sa kanilang
pag-aaral. Mayroon ding may dahilan ng katamaran sa Pag-aaral, Karamihan sa mga mag-aaral
o sa mga estudyante ang tamad at isa sa kanilang dahilan ay ang mahirap na subject. Sa aking
palagay, wala namang mahirap na subject kung pagbubutihan lang ng mga estudyante ang
kanilang pag-aaral at kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga subject na nahihirapan tayo.
Habang akoy nag-i-internat sa aming bahay, may nabasa akong mga blogs sa isang forum site
tungkol sa talino ng isang tao. Nasasabi doon na lahat ng taoy matalino, nakukuha ang talino
ng tao depende sa kung paano niya ito gagamitin. Sabi ng mga matatanda noon, kumain daw ng
mani during exams para pumasa. Meron namang naniniwala na kapag ipinagbubuntis ka pa
lang talaga ka na habang nasa tiyan ka pa lamang, lalabas din daw ang katalinuhan pag isinilang.
Meron namang likas talaga ang talino o tinatawag na gifted child. May naniniwala din na sa
genes ng angkan nanggagaling ang talino na tao kaya swerte mo kapag ang pamilya moy
matatalino at mga nakatapos na at professionals na ngayon. Kung ating titignan, madami
talagang dahilan upang ang isang estudyantye ay magkaroon ng mababang marka sa bawat
asignaturang kanilang pinapasukan. Bilang dagdag na kaalaman, ako rin ay magbibigay ng mga
sariling dahilan bilang isang mag-aaral rin. Maraming bagay na nakakatukso at nagiging dahilan
ng pagbagsak sa klase ng isang estudyante: Ang paglalakwatsa, lumi-liban sa klase kahit mag-isa
lang ay natututunan ang mamasyal at maglibang sa mga Malls o kadalasan ay may kasama rin
na mga kaklase at kabarkada. Ginugugol nila ang kanilang oras sa pagtambay o panonood ng
sine. Pag-uwi ng bahay ang labis na panonood ng telebisyon at pagkagising sa umaga, bubuksan
ang cellular phone magti-text o gagamit ng internet para makapag-facebook. Gagamit ng
computer hindi upang magri-research ng kanilang assignment kundi maglaro ng DOTA.
Napupuwersa sa sobrang dami ng takdang-aralin na ibinibigay ng ilang paaralan, at ito ang
nagiging dahilan ng pagkawala ng interes ng isang estudyante sa pag-aaral lalo na kung nauuwi
sa wala ang kanilang pagsusumikap. Ang pakikipagrelasyon ng maaga sa kapuwa estudyante ay
nagbibigay ng kaguluhan o kalituhan ng isipan. Problemang dumarating sa murang isipan ng
isang estudyante na nakababagabag ng kanyang isipan. Mga problema sa personal life nya,
problema sa pera at sa magulang, mas mahirap kapag pumasok ang problema sa kanyang
karelasyon, madaling maapektuhan ang pag-aaral ng isang estudyante kapag may problema
sya sa puso. Walang pokus sa pag-aaral lalo na at mas higit na binibigyan ng pansin ang mga
materyal na bagay. Nais ko lamang maipahayag sa mga estudyante ang importansya sa pag-
aaral. Bilang estudyante rin , nakikita ko sa aking sarili ang mga bagay na ginagawa ko na hindi
dapat gawin habang nag-aaral. Napakahalaga ng edukasyon at pag-aaral sa ating buhay dahil
kung walang edukasyon siguroy mang-mang o walang alam ang bawat tao ngayon sa kanilang
buhay. Ginawa ko ito para maipalabas ang tunay na kahulugan ng edukasyon bilang isang
pundasyon na bumubuo sa ating buhay. Kahit itoy isang konkreto lamang napakalaking bagay
na sa atin ang matutunan ang bawat detalye na maari nating gamitin sa araw-araw. Ang
posisyong papel na ito ay nagtatapos sa konklusyong Ang estudyante na mismo ang gumagawa
ng dahilan kung bakit bagsak o mababa ang kanilang mga marka.Bilang Solusyon ng nasabing
isyu, aking inumumungkahi sa mga mag-aaral na bigyan tuon at pansin ang pag-aaral dahil para
sa kanila rin naman ito at sila rin naman ang makikinabang dito, ito ay isang pamana ng kanilang
mga magulang na hindi mananakaw nino man, ang pag-aaral ay ang magiging susi nila upang
makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kung bibigyan nila ito ng pansin,
mapagtatanto rin nila na ang pag-aaral pala ay isang kawili-wiling gawain at hindi nakakatamad
na gawain. Nais ko ring magbigay ng opinyon sa mga guro ng mga mag-aaral na mag-bigay sila
ng isang mas nakakatuwa, nakakasigla, at nakakapukaw ng interes na talakayan sa loob ng klase
at hindi gawing nakaka-antok sapagkat ito ang nagiging sanhi ng kanilang katamaran( ang
pagiging walang buhay, masungit, sobrang higpit ng isang guro). Bilang pagtatapos ng Posisyong
Papel na ito, aking inumumungkahi na ating isipin muna ang mga bagay bagay sa ating paligid
bago natin ito tanggalan ng interes.

Lubos na gumagalang,

Buan, Christian Ian

IC2DB

You might also like