You are on page 1of 2

Malungkot na Katotohanan ukol

sa Perspektibo ng Karamihan sa
Edukasyon
Habang umaakyat ang baging sa puno. Hirap na
gumagapang kasama ang palamuti ng luntiang parang,
iginaganyak ang isa’t isa at sabay na lumalago. Ngunit
sakaling tanggihan ng puno ang tulong. Ang baging ay
maluluoy, magiging inutil.

Malapit na Ugnayan ng Relihiyon


at Mabuting Edukasyon

M aaari ngang ikaw ay may mataas na marka,


diploma at nakakamit ng magandang
edukasyon. Ngunit kung ang iyong pagiging
tao at pagkakaroon ng takot sa Panginoon ay wala
naman. Anong kabutihan ang syang maidudulot nito?
Sa aking buhay bilang isang estudyante, madalas
kong napagtatanto na ang kahalagahan na ng
edukasyon para sa karamihan ng mga kabataan ngayon
ay ang magkaroon lamang ng mga matataas na grado.
Sino nga ba naman ang gustong bumagsak o umulit sa
kanyang pag-aaral? Ang nakakalungkot lamang ay
dahil sa kaisipang ito nakakalimutan na natin ang
pagiging isang mabuting tao. Bawat araw na lumilipas
na kung saan natutunghayan ng aking mga mata ang
mga kapwa ko estudyante na nangongopya o
gumagawa ng kung ano mang paraan upang mapanatili
lamang ang pagkakaroon ng mataas na grado. Minsan
ako ay natutukso rin dahil sumasagi sa aking isipan na
“eE hindi naman sila nahuhuli, na kahit ba minsan sila
ay napupuna eE hindi naman binabawasan ang kanilang

1
grado. Aanhin mo pa ba ang magpakatotooo kung sa
nangyayari naman ngayon kung sino pa yung siyang
totoo ay siya pa itong lumalagpak? Sa panahon naman
ata ngayon mas tinitignan at bigyang halaga ang
numero na nakikita sa bawat katapusan ng semestre, na
hindi narin naman sinisiyasat pa kung paano mo nga
naman nakuha ang mataas na marka. At mas marami pa
ang matutuwa at papalakpak sa’yo dahil mataas ang
iyong grado.”
Pero, naisip ko hindi dapat ganito tinitignan ang
edukasyon, hindi ito isang paligsahan at palakasan.
Kundi dapat ito ay tinitignan bilang isang paraan ng
paghubog ng pagpapakatao at ng pagiging tao. Sa
katotohanan nga minsan, kung sino pa yung mga
kabataan na hindi ganoon na nakakakuha ng
napakatataas na marka ay sila pa itong may bukal na
puso, sila pa itong mas edukado pa sa edukado. Kaya
simula noon itinanim ko na sa aking isipan na mabuti
pang bumagsak ako sa isang bagay na alam kong yun
ang katotohanan at mula lamang sa akin ang sagot. Sa
tuwing nangyayari ito ay kinukuha ko ang mga aral na
aking matutunan sa pangyayari upang sa susunod ay
maiwasan ng maulit pang muli. At kung sa panahon
naman na kung saan ako nama’y nagtagumpay ay labis
labis ang aking galak at saya na nadarama dahil alam
kong pinaghirapan ko ito at ako’y naging maka-Tao at
ginawa ko ang kung ano ang tama sa mata ng Diyos.
 Ang kahulugan ng Edukasyon ay hindi nakikita sa
matataas na grado at mga bagay na iyong natamo kundi,
bagkus sa kung anong kabutihan ang iyong naibaon mula
dito na maaaring magbigay kabuluhan sa buhay mo at
buhay ng ibang tao. Edukasyon na maka Diyos ay
edukasyon na pang habambuhay na may karangalan.

~Janelle R. Ramos~

You might also like