You are on page 1of 1

Ako ,O ang mga magulang mo

Ni: Rafie A. Silva

‘’Ang kinabukasan ay nakasalalay sa desisyon mo ngayon.’’

Isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang mag-aaral na magtatapos sa


sekondarya ay ang pagdesisyon sa pagpili ng kursong kukunin nila sa kolehiyo. Ang desisyon nila ngayon
ay magiging buhay na nila bukas .’’ Edukasyon ang tanging yaman na maibibigay naming sa inyo na hindi
makukuha ng sinuman at mapapaunlad nito ang iyong pagkatao’’,mga katagang palaging inuulitng
isang magulang sa kanyang anak.Pero paano maituturing na isang kayamanan ang edukasyon kung
hindinaman gusto ng anak ang kanyang pinag-aaralan?Paano mapapaunlad ng isang anak ang kanyang
sarili kung hindi hinahayaan ng magulang na magdesisyon ang anak sa kanyang sarili ?

Ayon sa pag-aaral ng mga psykolohiya isa sa dahilan kung bakit maraming mga
kabataan ang hindi makatapos sa kolehiyo maliban sa kahirapan o kawalan sa pinansyal ay ang parental
pressure sa pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo kung saan ang mga magulang ang magdedesisyon
para sa kanilang mga anak.

Ayon sa family life and child development specialist,si Claudette Tandoc ,hindi dapat
dinidikta ng mga magulang kung ano dapat ang kurso ng anak.’’ Ang paggabay ibig sabihin niyan you
will not to force what you like.’’Dapat isaalang-alang ng mga magulang ang mga gusto ng anak para
tuluyan nitong makilala at mapaunlad ang kakayahan na mayroon sila .

Batay naman sa pahayag ng isang ginang ,’’bilang mga magulang tungkulin naming na
gabayan an gaming mga anak sa pagdedesisyon lalo na sa pagpili ng kurso sa kolehiyo .Wala namang
mga magulang ang mag-iisip sa ikakasama ng kanilang mga anak. Ayaw lang namin silang magdesisyon
sa kanilang mga sarili sapagkat baka sila’y makagawa ng desisyon na pagsisihan nila sa huli .’’

‘’Mother knows best ‘’,bilang mga anak kailangan nating pakinggan ang mga hinaing
at opinion ng ating mga magulang sapagkat mas alam nila kung ano ang nararapay at makakabuti sa
atin .At bilang mga magulang kailangan din ninyong pakinggan ang inyong mga anak upang malaman
natin ang kanilan mga saloobin .Mahasa ang kanilang mga kakayahan ,kaalaman at mapaunlad ang sarili
nilang pagkakakilanlan .Sa pagdedesisyon kailang magkaisa ang magulang at anak para sa ikabubuti at
kinabukasan nila.

You might also like