You are on page 1of 2

Karanasan sa Gitna ng Pandemya

Noong huling taon nagsimula ang pandemya ng Corona Virus dito sa Pilipinas at sa
buong mundo na nagresulta ng malawakang lockdown. Dahil dito, nagkaroon ng limitasyon ang
paggalaw ng mga tao at maraming aspeto ang apektado. Sa panahong ito, hindi maaaring
lumabas ang karamihan kaya work from home ang naisakatuparan sa ilan na manggagawa at
online classes naman o modular para sa aming mga mag-aaral. Sa loob ng panahong ito,
mayroon akong mga naranasan o naobserbahan na mga pangyayari na nakapagbigay sa akin ng
mga kaisipan at aral.

Dulot ng malawakang lockdown, ang pag-aaral naming mga estudyante ay napalitan ng


modular o online classes. Bago pa man ang pandemyang ito, ang online courses at modular na
pamamaraan ay inaalok o nagiging opsyon ng ilan dahil sa mga personal na dahilan.
Kasalukuyan sa University of the Cordilleras, online na pamamaraan ang ipinapatupad na
kombinasyon ng synchronous at asynchronous na pamamaraan. Ang pamamaraan na ito ay
nangangailangan ng mga materyal na bagay upang matugunan ang mga inaasahan. Sa kabilang
banda, nabigyan ako ng pribilehiyo ng pagkakaroon ng mga materyal na bagay partikular na ang
gadget at magandang internet. Ngunit hindi lahat ng estudyante ang nabigyan ng pribilehiyo
katulad ng sa akin. Ang pagkakaroon ng ganitong pribilehiyo ay talaga naman na nakakatulong
upang maging komportable ako sa online classes. Napagtanto ko na dapat maging
mapagpasalamat ako sa mga pribilehiyong ito. Bukod dito, dapat ko din itong gamitin ng maayos
at sa mabuting pamamaraan sapagkat may mga taong humihiling na magkaroon din ng mga
pribilehiyo na mayroon ako. Kahit pa mayroon akong mga pribilehiyo, nahihirapan pa rin ako na
pagtagumpayan ang mga hamon na dulot ng online classes. Sa patuloy na pagpapatupad ng
online classes, napagtanto ko sa aking sarili na parang ginagawa ko lamang ang mga gawain sa
paaralan para pumasa hindi para matuto. Kaya naman, ang karanasan na ito ay nakapagbigay sa
akin ng pananaw na, sa anumang gawain iyan tiyakin na ito ay para sa tama at mabuting dahilan.
Kahit mahirap ang online classes at naaapektuhan ang pagkatuto ng mga estudyante, hindi dapat
mawala ang esensya o kahalagahan ng pag-aaral na kung saan ito ay para magkaroon ng mga
kaalaman at matuto.

Noong nakaraang taon nagpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng aming pamilya.
Siya ay pinayagan na mag-home quarantine hanggang siya gumaling. Buti nalang at hindi
masyadong malubha ang naranasan niya at asymptomatic ito. Noong nalaman ko na nagpositibo
siya nakaramdam ako ng kaba na sakaling mahawa kami dahil nakakasama namin siya sa bahay.
Gayunpaman, noong pina-test kami, lumabas na negatibo ang aming resulta kaya malaki ang
pasasalamat namin sa Diyos. Kinailangan namin siyang alagaan habang patuloy kaming nag-
aalala sa kaniyang kalagayan. Ang aking paunang kaisipan ay, mahirap labanan ang isang hamon
kung limitado ang iyong kaalaman at kayang gawin sa kung paano ito pagtagumpayan. Sa mga
panahon ng paghihirap dulot ng mga hamon katulad nito, mahalaga ang paniniwala at
pananampalataya sa Diyos. Ang karanasan na ito ay mas lalong nagpa-igting sa aking tiwala sa
Diyos. Napagtanto ko na hindi limitado ang aking kaalaman at kayang gawin sapagkat sa
pagdarasal at pagtitiwala sa Diyos, at patuloy na pag-iingat sa sarili ay higit pa sa limitado.
Bukod dito, naisip ko rin na ang mga maliliit na bagay na kaya at maaaring magawa ko ay
makakapagbigay ng malaking epekto sa akin at sa ibang tao.

44 2
Noong nakaraang taon din ako nagdiwang ng aking ikalabing-pitong kaarawan.
Ipinagdiwang ko ito kasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Sa bawat kaarawan, isang taon
ang naidadagdag sa aking buhay sa mundo at nagbabago din ang aking mga tungkulin. Ngayon
na labing pitong gulang na ako at kaunting buwan na lamang ay maglalabing-walo, naisip ko na
ang aking mga responsibilidad at prayoridad ay dapat umayon sa aking edad. Higit dito, ang
aking mga kilos, paggawa ng desisyon, at mga pananaw ay sumasabay din dapat na mapabuti
habang ako ay nagkaka-edad. Dito na din dapat mawala ang mga kilos pambata na nakagisnan
noon.

Nakapag-iwan ang mga karanasan na ito ng mga aral na aking napagisip-isipan at patuloy
na isinasabuhay. Ang karanasan ko sa online classes ay tinuruan ako na maging mapagpasalamat
sa mga bagay na mayroon ako, at sa anumang gawain siguraduhin na ito ay para sa tamang rason.
Noong nagka-COVID naman ang isang miyembro ng aming pamilya mas umigting ang tiwala
ko sa Diyos at napagtanto ko na ang mga maliliit na bagay na kayang gawin ng aking sarili ay
maaaring magresulta ng malaking bagay. Higit pa rito, noong nagdiwang ako ng aking ika-labing
pitong kaarawan, napag-isip ko sa aking sarili na ang aking mga tungkulin ay dapat umayon sa
aking edad. Ang mga bagay na ito ay patunay na, kahit gaano man kalalala ang nangyayari
ngayon sa mundo, mayroon pa rin itong mga magagandang bagay na naidulot. Kahit anumang
sitwasyon iyan o karanasan, maganda o hindi, mahirap o madali, lagi itong nag-iiwan ng aral o
kaisipan na maaari nating pagnilayan para sa ating ikabubuti.

44 2

You might also like