You are on page 1of 2

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG

“Ang aking mga karanasan sa online class”

Ang layunin ng buhay ay mamuhay nang mayroong karanasan na magtuturo saatin kung

paano maging matapang at hindi matakot sa mga darating pang pagsubok sa buhay, ito ay ayon

kay Eleanor Roosevelt (N.D). Kapag naman sinabing online class base sa aking kaalaman ito ay

ang paggamit ng internet na nagsisilbing alternatibong daan o paraan upang maipagpatuloy ng mga

mag-aaral ang kanilang pag-aaral. Sa panahon ngayon ng pandemiya, mahalaga sa bawat isa na

maipagpatuloy parin ang kanilang mga obligasyon bilang mga estudyante. At sisimulan ko ito sa

aking sariling istorya at karanasan sa online class.

Hindi naging madali sa simula ang aking online class sa kadahilanang mas nakasanayan

ko at ng iba pang tulad ko na estudyante ang magising ng maaga para pumasok sa paaralan, at

uuwi nang halos maghahapunan na. Maliban pa diyan, alam kong hindi lang ako ang nahirapan sa

pag gamit ng internet dahil sa kakulangan ng kaalaman sa paggamit din ng ibat ibang aplikasyon

na kinakailangan para sa online class tulad ng google meet, zoom, at iba pa. Walang magagawa

ang tulad naming normal na estudyante lang kung hindi sumunod, buksan, at gumamit ng internet

para makasabay sa bagong regulasyon ng mga eskwelahan. Ang online class na ang

pinakamabisang paraan sa ngayon upang maipagpatuloy ang pag-aaral kahit may kinahaharap na

pandemya ang mundo. Mapalad parin ako bilang anak at estudyante dahil may mga gadgets at

kagamitan ako na maaring gamitin sa ngayon, ngunit sa mga hindi inaasahang mga bagay-bagay,

hindi maiiwasan na nasosobrahan na sa gamit ang mga ito. Nagsasanhi ito ng pagka-bagal nila sa

paglo-load, pagha-hang, sobrang pag-init, at higit sa lahat tuluyang hindi nito pagbukas.

Karagdagang kaalaman, ang sobrang paggamit ng gadgets at pagkatutok sa radiation ng tao ay

nagsasanhi din ng pagkakasakit sa ulo, paglabo ng mata at iba pa. Sa panahon din ngayon

PANGALAN: DAVID JAMES B. IGNACIO 12 - TIMIOS


PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG

nasusubok ang aking dedikasyon upang makapagtapos ng pag-aaral na may kasamang medalya,

dahil sa paggamit ng teknolohiya, nagkakaroon din ako, at ang iba pang estudyante ng distraksiyon

habang nag aaral. Halimbawa, sa halip na tumutok ako sa ginagawang takdang-aralin, napupunta

ang aking atensiyon sa mga ibang aplikasyon tulad ng facebook, instagram at tiktok na nagsasanhi

ng pagka-hadlang sa aking pag-aaral.

Mahirap magkaroon ng maayos na komunikasyon sa mga ibang guro, at ibang estudyante

pagdating sa online class, sa madaling salita hindi gaanong nakakatulong ang online sa pagbuo ng

koneksiyon. Hindi siya madaling paraan upang makipag-ugnayan lalong-lalo na sa mga taong

kailanman ay hindi pa nakikita o nakita. Mas gugustuhin ko parin na mag-aral sa mismong paaralan

upang makahalubilo ng ibat-ibang tao para mapatibay ang aking samahan sa aking kapwa tao.

Base sa aking mga karanasan, hindi madali ang lahat ng ito, kailangan maki-isa ang lahat

upang maging matagumpay ang online class na ito sa kabila ng distansiya na mayroon tayo

ngayon. Kailangan ng tiyaga, sipag at dedikasyon sa lahat ng bagay na ginagawa natin ngayon

dahil tayo-tayo lang din ang aani ng tagumpay natin sa dulo. Laging tatandaan na ang pagiging

estudyante ay unang hakbang sa pagtupad ng ating mga pangarap sa buhay. Kaya dapat matuto

ang lahat, hindi lang basta estudyante o mag-aaral na gaya ko ang magsisikap. Ang lahat ng ating

mga karanasan, at mararanasan pa ang siyang magpapatibay ng loob natin sa mga susunod pa na

hamon ng buhay. Kaya magpatuloy lang, madadapa ngunit hinding-hindi susuko.

PANGALAN: DAVID JAMES B. IGNACIO 12 - TIMIOS

You might also like