You are on page 1of 3

GAWAIN 5- TABLIGAN

PORMAL NA SANAYSAY
Mga kinakaharap na problema ng online learner

Pagbabago ng Makabagong Pag-aaral


Maraming napagdaanang problema ang mga online learners o ang mga
estudyante na nakararanas ng online class sa kasalukuyan. Mula nang dumating
ang pandemiyang COVID-19 sa mundo, lahat ay napilitan na lamang mag aral sa
online na pamamaraan. Base sa mga sarbey mula sa iba’t-ibang paaralan, ang
pinaka problema ay ang kakulangan sa kagamitan o gadgets na kinakailangan
upang makapag aral ng mabuti sa sitwatsyon ngayon. Ang gadgets ay ang
tumutulong sa pag aaral ng mga estudyante dahil sa gadgets nakakapag klase sa
ngayon. Nakakasagabal ito sa kakahayang matuto ng mga estudyante ayon sa isang
guro mula sa Gen T. De Leon National High School na si Joyce Balmes.

Isa din sa problema ng online learners ang wifi o data connection. Bukod sa
pangangailanga ng gadgets upang makapag aral, kinakailangan din ng mabuting
wifi o data connection upang maintindihan ng maayos ng mga online learners and
mga tinuturo. Ayon sa mga magulang ng mag-aaral, nagiging dagdag sa kanilang
gastusin ang pagkakaroon ng wifi o data dahil hindi mapapakinabangan ang
gadgets sa online learning kung wala nito. Kabilang din sa sarbey mula sa mga
estudyante ang kanilang problema sa ingay ng paligid ng kani-kanilang tahanan
kung saan maaraming maistorbo ang pag aaral ng mga online learners. Ang mga
online learners ay nahihirapang pagsabayin ang mga responsibilidad sa bahay at
responsibilidad sa eskuwelahan.

Sa mas nakababatang online learners, isang malaking problema ang


distraksyon sa paligid at sa mga laganap na online games ngayon. Kitang kita ang
pagtaas ng bilang ng naglalaro ng mga online games sa charts ng mga laro. Dahil
sa online na pamamaraan ng pag-aaral, napaka dali na lamang mangdaya ng mga
Gawain na kailangang gawi ng online learners kaya naman nababawasan ang
kanilang natututunan at halos inasa na lamang sa internet. Sa kabuohan, maraming
problema ang mga online learners sa panahon ngayon ngunit kung nais ng isang
online learner na matuto ng maayos, magagawan ito ng paraan sa abot kaya ng
bawat isa. Hindi maiiwasan ang problema sa makabagong paraan ng pag aaral kaya
naman kailangang seryosohin ito.

IMPORMAL NA SANAYSAY
Mga kinakaharap na problema ng online learner

Pagsubok sa Pangarap na Hinahangad


Marami akong hinaharap na problema bilang isang online learner ngayon.
Ang aking pinaka problema ay ang aking short attention span kung saang
madaling mapunta sa ibang bagay ang aking atensyon habang nasa klase. Dahil sa
pagsikat ng mga social media ngayon, mabilis akong maaliw sa ibang sa iba’t-
ibang bagay. Kabilang na din ditto ang aking paglalaro ng mga sikat na online
games ngayon kaya naman nasasayang rin ang oras ko sa mga bagay na hindi
importanteng gawin at pagtuunan ng pansin. Dahil dito, hindi ko naiintindihan
masyado ang ibang aralin na dapat kong matutunan.

Isa na din sa aking problema ay ang aking time management. Madalas kong
hindi nagagawa ng maaga ang mga asignatura kapag nakikita ko na malayo pa ang
deadline. Dahil dito, nahihirapan ako kaya nagagahol ako sa oras at hindi nagiging
masyadong maganda ang pulido ang aking mga naipapasa na kinalulugkot ko.
Problema ko din ang aking pagkakaroon ng isang maliit na negosyo mula
nagsimula ang pandemiya upang magkaroon ako ng sariling pera kahit papano
habang nasa bahay lamang ako. Naging responsibilidad koi to kasabay ng aking
pag aaral at minsa’y hindi ko alam kung ano ang aking uunahing gawin.
Nakakalimutan ko paminsan-minsan ang aking mga prayoridad kahit alam ko sa
sarili ko na ang aking pag-aaral ang pinaka importante sa lahat.

Dumadagdag din sa problema ko bilang isang online learner ay ang anxiety


at academic pressure. Matagal na akong nabibilang sa pagiging isang honor
student at kinatutuwa koi yon. Subalit, may mga pagkakataon na iniisip ko nab aka
hindi ko nagagawa ang lahat ng makakaya ko upang tumaas ang mga grado ko at
mapasaya ang aking mga magulang. Sa kabila ng aking mga problema at
paghihirap, may mga araw rin na sinasabi ko sa aking sarili na kakayanin ko ang
mga pagsubok na ito kahit na mahirapan ako. Alam kong maaabot ko ang aking
mga pangarap kapag pinagbuti ko ang aking pag-aaral kahit online learning lamang
ito at hindi katulad noon ngunit hinahangad ko na sana’y bumalik na sa normal ang
sistema ng pag-aaral.

You might also like